Chapter 16
Chapter 16
The horse galloped away from their mansion. Bahagya pa akong kinabahan dahil akala ko ay dadaan kami sa shortcut but thankfully, Aaric took the highway. Nakasunod lang kaming dalawa sa kaniya. Mabagal din ang takbo ng kabayo. I think Sage ensured a slow ride for me. Mahigpit ang kapit ko sa lubid at hindi ako tumitingin sa baba dahil nalulula pa rin ako.
Ramdam ko din ang mainit na hininga ni Sage sa aking leeg. Wala siyang imik habang nagpapatakbo ng kabayo. Aaric glanced at us and raised an eyebrow, but said nothing. Nang pasukin na namin ang mayabong na gubat kung saan nagtatago ang talon, mas lalo pang bumagal ang kabayo dahil maputik at madulas ang daanan.
I instructed Aaric of the directions and after a lot of struggling in the mud and wet leaves, we finally heard the continuous stream of water from the falls. It came into view when we reached past the large Acacia tree.
"Whoa," Aaric pulled the rope to slow down the horse. Nagpalinga-linga siya at bumaba na ng kabayo. Iginiya niya ito sa isang puno at itinali saka hinaplos-haplos ang mukha. Sage did the same. Nag-aalinlangan pa ako sa pagbaba pero nakahawak ang kaniyang kamay sa aking beywang kaya pinilit kong bumaba nang mabilis dahil nakakapaso ang mga hawak niya.
When my boots came in contact with the mud and dirt, I released a heavy breath. Iniwan ako saglit ni Sage para itali ang kaniyang kabayo. I glanced at the falls. Ang tagal ko na ring hindi nakapunta dito. Sierra and I used to spend most of our time here when we were still little. Mas magaling akong lumangoy kaysa kay Sierra kaya naman palagi ko siyang tinutukso lalo pa't hindi siya makaakyat sa tuktok at makatalon sa tubig.
The breeze is cold, halatang kakaulan lang. Halos hindi kami magkarinigan tatlo dahil sa lakas ng buhos ng tubig. Isinabit ko ang aking bag sa isang ligaw na sanga ng puno ng kahoy. I removed my boots and sunk my toes in the mud on the way to the surface. Sinundan ako ni Aaric at Sage na naghubad din ng kanilang mga sapatos.
"This is really good," Aaric commented, a satisfied smile on his face.
Itinuro ko ang tuktok ng talon. "We used to jump from there,"
"You did what?" angil kaagad ni Sage.
Nagkibit balikat ako. "Hindi naman gaanong kataasan eh."
"It's still dangerous-"
"Kung ganoon ay marunong ka palang lumangoy?" isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ni Aaric.
Kumunot ang noo ko. "Oo, bakit-"
Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay isang nakakabinging tili ang bumulabog sa mga ibon at tahimik na paligid nang bigla akong itulak ni Aaric sa tubig. Parang tumakas ang kaluluwa ko mula sa aking katawan pagbagsak ko sa malamig na tubig.
"Fuck!" narinig kong malakas na mura ni Sage. Dumagundong ang malakas na tawa ni Aaric and a split second later, I felt him crashing in the water as well. Suminghap ako at pumaibabaw kaagad. Nakita ko ang madilim na mukha ni Sage. Hinubad niya muna ang kaniyang pang-itaas at lumusong din ng tubig. Tawa pa rin nang tawa si Aaric.
"What the fuck did you just do?!" singhal ni Sage sa kaniya. Nanginginig ang mga labi ko sa sobrang lamig. "Alam mo bang delikado ang ginawa mo kay Mallory!" singhal pa niya sa nakangising si Aaric.
I glanced at Sage, a small smile forming on my lips. Then the smile turned into a grin and I soon started cracking up like Aaric. Marahas na napalingon sa akin si Sage.
"What's so funny, Mallory?" he snapped. "You almost died just now!"
"I..." I said in between fits of laughter. "I... n-never had so much fun for so long!" wika ko. Mas lalong lumaki ang ngisi ni Aaric sa sinabi ko.
"See? She likes putting her life in danger!" biro pa ni Aaric. Mas lalong sumama ang tingin ni Sage sa kaniya.
"C'mon Sage!" wika ko kahit na nangangatal ang aking buong katawan sa lamig. "It's really fun here!"
Sinamaan niya kami ng tingin dalawa bago siya lumapit sa amin. Hinapit niya kaagad ang beywang ko. "Are you sure you really know how to swim?"
"Don't be stupid..." wika ko, itinutulak siya palayo sa kaniyang dibdib. Dumako ang tingin ko sa dibdib niya. A thin line marked permanently between his chest, reminding me of how I saw his surgery the first time that we met. "Dito ako lumaki, Sage..."
"Mallory, let's race to that part!" itinuro ni Aaric ang malalim na bahagi ng falls. Buti nalang at narito pa ang maliit na balsa na sinasakyan namin sa una ni Sierra. I don't know if the raft can accommodate us anymore because we've grown. Pinagtagpi-tagpi lang iyon na kawayan na ginawa namin ni Leon noong mga bata pa kami kaya naman hindi gaanong katibay.
Sinulyapan ko si Sage at nginisihan. "Gusto mong sumali?"
"No thanks," he grumbled under his breath.
Nagkibit balikat ako at sumunod kay Aaric. We swam towards the raft and tried to fit ourselves there. It still wobbles a bit kaya naman napapahawak ako sa braso ni Aaric habang tumatawa.
Sumama ulit ang tingin ni Sage. "I think you guys should stop." Suplado nitong wika.
"Hindi pa nga kami nagsisimula eh!" hiyaw ni Aaric. Binalingan niya ako. His brown-black eyes twinkled in delight. Kapag tinititigan ko ang mga mata niya nang ganoon, it reminded me of Sage's little sister. Sabagay, Aaric is Sage's cousin. He shares the same genetics with Sage. Both of them are fine-looking.
"Kita mo yun?" itinuro niya ang dulo kung saan bumabagsak ang tubig. "That's the finish line!"
"Okay!" I chirped. "Walang tulakan ah?"
Humalakhak si Aaric. "Of course, of course..." huminga siya nang malalim. I glanced at Sage. Nakasimangot siyang nakatingin sa aming dalawa. "I'll count one to three. One... two... three!"
In cue, I jumped into the water and dove downwards. Mas mabilis akong nakakalangoy kapag hindi ko inaahon ang aking ulo sa tubig. But because of Aaric's well-built body and strength, mas mabilis niya akong nauungusan. I tried my best to catch up with him but I really couldn't. Ilang minuto akong nanatili sa ilalim ng tubig at nang makaahon ako ay ang nakangising mukha kaagad ni Aaric ang tumambad sa akin.
"You lost!" he declared happily.
Pabiro ko siyang inirapan. "It's because I haven't swim for a long time..."
"Whatever you say, missy..." umahon siya sa tubig at nagsimulang maglakad papunta sa bukana ng falls. "Akyatin natin yun! I want to try jumping there!"
Excitement filled my veins. Neither Sierra nor Leon actually jumped from the top. Takot silang pareho kaya naman sobrang nakakapanibago na may nagyayaya sa aking akyatin ang falls at tumalon pababa.
"I'd love to do that!" I exclaimed happily, surfacing and following the muddy path Aaric is taking.
"Mallory!" may bahid ng galit ang boses ni Sage. "It's fucking dangerous. Tigilan niyo na nga yan, Aaric!"
Hindi siya pinansin ni Aaric. Tumawa lang ito sa kaniyang sinabi at nagsimula nang umakyat. Pagalit kaming sinundan ni Sage at hinablot ang aking braso.
"Mal-"
"I'm going to be fine, Sage..." malumanay kong wika. "You should try it too. It's really fun..."
Mas lalong sumama ang kaniyang mukha sa aking sinabi. "It's really dangerous..."
"Okay lang ako," marahan kong tinanggal ang kamay niya at hinahawakan ito para hilahin siya. "C'mon!"
Sage groaned behind me but he let me dragged him. Palagi siyang nakaalalay sa akin habang inaakyat namin ang tuktok. When we finally reached the top, I smiled down at the waiting waters below. Funny how I am afraid of the horse's height pero hindi man lang ako makaramdam ng kahit anong takot ngayong tatalon na kami pababa.
Aaric glanced at me and grinned. "This is going to be hella fun..." a wicked grin spread on his lips.
"Try pushing Mallory into the water again and I swear to break your face, Aaric..." banta ni Sage sa kaniya.
Humalakhak ako. "Even if he pushes me again into the water, I'm going to survive..."
"You're quite arrogant for someone who just lost a swimming competition to me, huh?" Aaric mused out loud. Tumawa lamang ako. "Okay... I'll count one to three again. One..." nagulat ako nang biglang hawakan ni Sage ang kamay ko. Poprotesta sana ako pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang kaniyang hawak. "Two... Three!"
Sage and I jumped into the water. The adrenaline rush filled my body as I felt the gravity pulling us downward and when we reached the water, it created a huge ripple. Naramdaman ko kaagad ang mahigpit na hawak ni Sage at paghila niya sa aking katawan patungo sa kaniyang dibdib. Rinig ko ang malakas na hiyaw ni Aaric na tuwang-tuwa.
Sobra ang hingal ko nang umahon ako. Sage's eyes are filled with worry. "Are you okay?" tanong niya kaagad.
"Yes! Isa pa!" tuwang-tuwa kong wika. Tumawa nang malakas si Aaric. Despite Sage's protest, we surfaced again. Naka-apat kaming talon sa tubig bago kami napagod. Umahon na kaming lahat na pagod at nanginginig sa ginaw sa tuwing tumama ang hangin sa aming basang katawan.
"Mallory..."
I rubbed my arms up and down to ease the coldness but it was useless. Nilingon ko si Sage. Si Aaric ay abala sa pagpunta sa kaniyang kabayo na may kalayuan pa sa aming kinaroroonan. Iniabot ni Sage ang tuyong damit niya kanina. "Wear this..."
"Huh?" kumunot ang noo ko.
"You should wear this. You're going to catch a cold..."
"Ayos lang ako-"
"You always said you're fine but you almost gave me a heart attack earlier!" galit niyang asik. "Huwag ka nang makulit... wear this one."
I blinked. With trembling hands from the cold, I accepted his shirt. Isinuot ko iyon na umabot pa hanggang tuhod ko dahil sa sobrang laki. But I was thankful for the little warmth it gave me. I smiled at him.
"Thanks..."
He nodded his head and took a step closer to me. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. He held my chin and made me look at his face.
"You're so pale..." komento niya. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking mga labi. Kumalabog na ang puso ko sa sobrang kaba. I want to jump out of his touch but I couldn't bring myself to do it. Matagal na tinitigan ni Sage ang aking mga labi before he leaned closer and brushed his lips with mine. Nanlaki ang mga mata ko sa kaba. I could only feel bits and pieces of his warmth. Napakuyom ang mga kamao ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga ni Sage sa nanginginig kong mga labi.
As if to tease me, he licked my lower lips slightly. My entire body started to shake. Bahagyang umawang ang labi ko para sa kaniya.
"Hey guys!"
Itinulak ko kaagad si Sage nang marinig ko ang boses ni Aaric. Nagtataka niya akong tiningnan nang mapansin niyang pulang-pula ako at halos hindi makatingin sa kaniya.
"Let's go... Sobrang giniginaw na ako," he casted a suspicious look at Sage.
I peered at him through my lashes at muntik na akong mabuwal nang makita kong titig na tigig siya sa akin. I quickly averted my gaze and followed Aaric. Hindi pa rin tumitigil sa pagkalabog ang puso ko habang isinusuot ko ang boots ko.
Wala kaming imikan dalawa ni Sage habang tinatanggal niya ang tali ng kaniyang kabayo. He glanced at me and offered a hand.
"C'mon..."
I lowered my gaze on the ground and allowed him to help me ride the horse. Nang maramdaman ko siya sa likuran ko ay nanigas kaagad ako. Nagpapasalamat nalang ako at hindi niya nakikita ang aking mukha dahil paniguradong pulang-pula pa rin ang mukha ko dahil sa nangyari. Hiyang-hiya din ako.
Tulad kanina ay nauna pa rin si Aaric sa aming dalawa. Ayaw kong mag-isip nang ganito pero pakiramdam ko'y binabagalan talaga ni Sage ang takbo ng kabayo. He leaned his chin on my shoulder again, his hot breath fanning my neck.
"Hey..." aniya sa baritonong boses.
"H-Huh?" nauutal kong tanong.
"Did I offend you?"
Lumunok ako nang ilang beses at hindi nakasagot. Hindi ko rin naman alam ang isasagot!
"I'm sorry if you were not comfortable with what I did earlier..." wika niya. Pagkatapos nang ilang segundo kong katahimikan at dinugtungan niya ito. "No—scratch that. I'm not sorry at all... I like what I did..." he said in a low voice na muntik nang magpahulog sa akin sa kabayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top