SPECIAL CHAPTER 1
Special chapter 1: A blessings
I ENTERED our house without making any noise because I saw that the light was off when I was outside. Pagkababa ko pa nga lang mula sa sasakyan.
“Dada?” I put my finger to my lips dahil lang sa pagtawag sa akin ng anak kong babae na si Charlotte. “Dada. . . Dada . .” She made noise again. She’s only ten months old and she’s really babbling like this even though only words come out of her mouth is dada. “Ah, dada!” I closed my eyes when her plump palm hit my eyes.
“Yeah, yeah. I heard you, baby,” malambing na sabi ko at hinalikan ko ang pisngi niya. Ngumiti siya sa akin at hinalikan din ang pisngi ko. “I love you,” I told her and she giggled. Na parang naiintindihan niya ang sinabi ko sa kaniya.
Karga-karga ko na siya at kagagaling lang namin sa hotel. Kasama ko talaga siya dahil ayaw naman niyang maiwan sa bahay kahit doon pa sa parents ko. Daddy’s girl nga siya.
“Dada. . .” pabulong na tawag niya sa akin at inilapit pa niya ang bibig niya sa tainga ko.
“Shh. . . Hahanapin natin si Kuya Alfie,” sabi ko at tinitigan lang ako ng inosenteng mga mata niya.
Binuksan ko na ang ilaw sa baba at walang ingay pa rin akong naglakad sa hagdanan. Nakauwi na kaya si Froyee?
Nakapag-aral na rin sa college ang asawa ko at tinuloy niya nga ang kursong criminology dahil binalak din ng daddy niya na mapabilang siya sa NBI. Kung nasa operasyon nga sila ay hindi ako masyadong nag-aalala sa kaniya dahil alam kong kayang-kaya naman niya iyon. Pero huwag na huwag lang siyang uuwi sa akin na sugatan.
Nakasarado ang kuwarto namin at hindi ko mabubuksan iyon kaya nagtungo na lamang ako sa kuwarto ng panganay ko. Hindi na ako kumatok pa at basta ko na lamang binuksan iyon.
Kapag wala kami rito ng mommy niya ay nasa bahay siya ng grandparents niya at minsan naman ay sumasama siya sa akin. Naglalaro siya roon sa penthouse kasama si Charlotte.
“Checkmate,” narinig kong sambit ni Alfie.
Binuksan ko ang ilaw sa room niya at
napayuko ako para tingnan siya. I sighed.
Hawak niya ang laruan niyang baril-barilan at mahaba talaga iyon. Nakatutok sa binti ko ang nguso nito. Napailing na lamang ako. Hindi na ako magtataka pa kung kanino nagmana ang isang ito. White shirt ang suot niya at nakaitim na vest pa siya.
“Ano na naman ba ’yan, son?” tanong ko sa kaniya. For God’s sake. Four years old pa lamang siya at naglalaro na talaga siya nang ganyan.
“You weren’t even alert, Dada. Nakapatay na nga ang light natin sa house. You still calm,” sabi niya.
“Alfie, why would I be alert? This is our house. No one comes in here. Our villa is secured and we have many guards outside,” paliwanag ko sa kaniya. In case na nakalimutan niya. Nawiwili na siya sa mga pinapanood niyang action movie at sa panonood sa kaniyang ina kapag nag-t-training ito sa headquarters.
“Just what if a bad guy enters our house, dada?” he asked.
“Then call your mom, son,” sagot ko na parang sinasabi ko na rin na “basic.” Kapag nagtangkang pumasok ang bad guy na sinasabi niya ay ang mommy na niya ang bahala.
“You’re going to let her fight alone, Dada?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
“What can a civilian like me do, son? I’m just a hotelier and that’s your mommy’s job,” I told him at napaisip naman siya.
“I will help my mom, dada!” sigaw niya. Yumuko na lang ako para buhatin siya.
“Okay. Have you eaten your dinner, my son?” I asked him at lumabas na kaming tatlo.
“Fifi. . .” tawag sa kaniya ng nakababatang kapatid niya.
“God! It’s Alfie, Charlotte! Not fifi!” reklamo niya at sinigawan pa nga ang kapatid.
“Alfie, ten months old pa lang ang baby sister mo, anak. Hindi ka pa niya matatawag na Alfie. Magtsaga ka muna sa Fifi,” sabi ko at natawa pa ako nang kumunot ang noo niya. Ayaw na ayaw siyang tawagin na ganoon. Hindi naman daw siya doogie.
“But dada, ang pangit pong pakinggan ng Fifi!” sigaw pa niya.
“Fifi. . . Fifi.” Pinaglalaruan na nga siya ng kapatid niya.
“Charlotte!”
“Son, huwag mong sigawan ang kapatid mo. Hindi naman siya bingi—Alfie.” Kinurot na nga niya ang pisngi nito pero hindi naman umiyak si Charlotte. Natawa pa nga ito.
“Kainis ka naman, Charlotte, ha,” sabi pa niya.
“Where’s your mom, Alfie?” tanong ko sa kaniya.
“Oh, mommy. She said po kanina ay bawal buksan ang light at stay lang daw po ako sa room ko until po makauuwi ka na.” Napahinto ako sa paglalakad dahil alam ko na kung bakit ginawa iyon ng mommy nila.
Sugatan na naman ba siya? Ngunit wala naman siyang sinabi sa ’kin na magkakaroon na naman sila ng misyon.
Ibinaba ko na si Alfie nang nasa tapat na kami ng kuwarto namin ng mommy niya. Kinatok ko ito.
“Froyee, baby.”
“Hmm?” Pinindot ko ang tungki ng ilong ni Charlotte dahil siya ang tumugon.
“I’m calling your mom, baby,” sabi ko sa kaniya. “Froyee? Froyee, buksan mo ang pinto. Papasok kami sa loob. Baby. . .”
“Hmm?” I chuckled softly. Hinawakan na nga ni Charlotte ang pisngi ko. Akala niya talaga ay siya ang tinatawag ko.
Wala akong narinig na ingay kaya nag-alala lang ako pero bumukas naman bigla ang pinto. Bumungad sa amin si Froyee. Mabilis na pinasadahan ko siya nang tingin. Mukha naman siyang maayos at walang natamong sugat. Hindi siya namumutla. Kalmado pa nga siya.
“Bakit nag-l-lock ka ng pinto, Froyee? At nakapatay pa ang ilaw sa baba. Maski roon kay Alfie,” sabi ko at nagkibit-balikat lamang siya.
Pumasok na kaming tatlo at kinuha naman niya si Charlotte. Hinalikan niya ito sa pisngi. Lumundag naman sa kama si Alfie at humiga roon.
“Hi, Charlotte. Handa ka na bang maging ate?” tanong niya dahilan na napahinto ako.
“Baby, ten months old pa lang si Charlotte. Ano’ng ate na agad?” salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya. Naglakad siya patungo sa kama at doon siya umupo na kandong-kandong na ang bunso namin.
“Yeah, alam ko. Pero ano ang magagawa ko kung nandito na? May laman ng baby ang tummy ko,” sabi niya at napahilot naman ako sa sentido ko. Kahit nakararamdam na ako nang kaba sa dibdib.
“Umiinom ka ng pills mo, Froyee. Kaya ano’ng pinagsasabi mo kung handa na ba si Charlotte na maging ate?” tanong ko pa rin sa kaniya.
Itinuro niya lang ang isang paperbag na nasa sofa bed. “Kunin mo iyon at tingnan mo,” sabi niya at napakamot na lamang ako sa ulo ko saka ko kinuha ang paperbag. Nang makita ko ang laman ay napanganga na ako sa gulat. Pregnant kit iyon at positive nga na buntis siya. Napahilamos ako sa mukha ko. “Baby, ano’ng klaseng reaksyon naman iyan? Parang hindi ka masaya, ha?” malamig na tanong niya.
“Of course masaya ako. Sino ang hindi masaya kung malalaman mong buntis ang asawa mo? But Froyee.” I approached her. Naghalo-halo na agad ang emosyon ko. Parang bakla lang. I kneeled in front of her at humawak ako sa tuhod niya. “I promised your parents na 2 or 3 years ang gap ng magiging anak natin para hindi ka mahirapan. Paanong nangyari na nabuntis ka kahit umiinom ka naman ng contraceptive pills? Ikaw pa mismo ang bumibili niyon,” aniko.
Hindi ko naman pinoproblema ang pagkakaroon namin ng bagong baby but I’m just worried.
“Tinatamad akong uminom,” she reasoned out. I shook my head and sat down beside her. I kissed her cheek.
“I love you. Thank you for the blessings, baby. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa pamilya mo,” sabi ko at tumaas lang ang sulok ng mga labi niya.
“I love you too, Milkaine. Don’t worry, kargo kita,” sabi niya lamang. I smiled at her.
“Alfie, we’re having another baby, my son.”
“I wish it’s a boy, dada!” masayang sigaw niya at lumapit sa amin. Yumakap siya sa mommy niya.
“What if it’s a girl, hon?” his mom asked him.
“Oh, it’s okay. Make another baby then.” I shook my head. Akala naman niya ay madali lang ang kahilingan niya.
Sure, madali nga ang gumawa pero ang mommy naman nila ang mahihirapan.
“Sabihin na natin kina dad at mommy, Froyee. Alam kong magiging masaya sila,” saad ko na ikinangiti niya lamang.
“Pati na kina papa at mama?”
“Hindi natin puwedeng ilihim sa kanila,” sabi ko at napahalakhak naman siya.
“Milkaine. You have me at dapat hindi na sila ang inaalala mo kapag nabubuntis ako. Mag-asawa tayo at ano naman kung balak nating bumuo ng basketball team?” tanong niya.
She’s always like this. Palagi niyang pinapaalala iyon. Na dapat ang pamilya lang namin ang alalahanin namin. Sa loob ng limang taong pagsasama namin ay wala naman siyang ibang ginawa kundi iparamdam sa ’kin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano rin daw siya kasuwerte na napunta siya sa ’kin.
Kahit dapat ako ang magsasabi niyon. Sila ng mga anak namin ang suwerte sa buhay ko.
“Oh, I love that basketball team, dada, Mommy!” sigaw na naman ni Alfie.
“Yeah, yeah, son,” my wife said.
Tatandaan ko ang araw na ito dahil sinabi ng aking asawa na magkakaroon na naman kami ng baby. Ang gandang surpresa iyon and I can’t wait to see our baby.
I love this family, so much.
WAKAS
A/N: Thank you po sa pagbabasa, dudes! Hanggang dito na lamang po tayo. Hehe. Isang special chapter lang po talaga siya katulad ng story ng parents ni Milkaine.
Enjoy reading po!
The Billionaire’s Private Stripper is officially signing off. . .
Date finished: June 28, 2024
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top