EPILOGUE

EPILOGUE

I WAS busy working in my hotel when my little sister called me to fetch him dahil nasiraan daw siya ng sasakyan. Napakamalas naman talaga ng kapatid ko. Tapos sa lugar pa na hindi ako pamilyar? Ano naman kaya ang ginagawa niya roon? Kababaeng tao niya.

Sa parteng palengke raw ang kotse niya. Hindi pa ako sigurado noong una kasi hindi ako pamilyar sa lugar na ito pero mabagal naman ang pagpapatakbo ko dahil tumitingin ako sa labas kung saan ba nakaparada ang sasakyan niya. Ang kaso lang ay hindi ko na nakita pa ang babaeng patawid na sana kaya malutong na napamura ako lalo na nang makita ko ang paggulong niya sa hood ng kotse ko.

God, may nabangga ako! I need Blaixe right now! Ayokong makulong!

Nang huminto na rin ang sasakyan ko ay mabilis kong tinanggal ang seatbelt ko saka ako bumaba para tingnan ang babaeng iyon. Nakasalampak na nga siya sa sahig at baka nasaktan siya.

“Are you okay, Miss?” nag-aalala kong tanong. Isang katangahan ang lumabas sa bibig ko. Okay ka pa sa lagay nang pagkaaksidente mo? May ilaw pa pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot niyang hoodie. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya para sana alalayan ko siya pero tinabig niya lang ito. “I’ll take you to the hospital, Miss,” seryosong sabi ko.

Hindi naman malala ang aksidente pero kinakabahan pa rin ako.

“No need,” mariin na saad niya. Nagulat pa ako. Ang lamig ng boses niya. Tumayo rin siya at naglahad ng kamay sa akin.

“What?” I asked her in confused.

“Masakit ang balakang ko, bumagsak ang likuran ko sa sahig kaya bayaran mo ako,” malamig na sabi pa niya. Saglit na umawang ang labi ko sa gulat.

“That’s why, I insisted to take you to the hospital, and I’m the one who pay your bills,” sabi ko. Wala naman akong konsensya no’n kung alam kong may nasaktan ako at hindi ko siya madadala sa hospital. Tapos babae pa talaga.

I don’t want to blame her kung bakit hindi siya tumitingin sa dinaraanan niya, because in the first place naman ay may kasalanan din ako. Ako itong hindi nag-focus sa pagmamaneho but. . .

“Pera, pera na lang ang ibigay mo sa akin sa halip na dalhin mo ako sa hospital. Parehas lang naman iyon, magbabayad ka pa rin.” Doon na nagsalubong ang kilay ko at may pagtatakang tiningnan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya to check it kung may mga sugat at galos ba siya.

“You don’t have wounds, and you looks fine. Maybe. . . this is your trick to make us pay for you because the accident? You mastered it, do you? How did you do that?” malamig na tanong ko sa babae. Marami nang ganitong eksena at alam kong niloloko niya lang ang mga taong nakabangga sa kaniya. Isipin mo na lang kasi na babae siya at nabangga ng kotse pero walang nangyari sa kaniya?

“Gusto mong makita ang likod ko?” she asked na astang tatalikod pa. Sa tono ng boses ay mukhang nainis siya.

“I’ll take you to the police station instead of hospital.” Bago ko pa lamang siyang mahila nang maramdaman ko ang malakas na puwersang tumama sa dibdib ko at nagulat ako sa ginawa niya. Muntik na akong hindi makahinga. Sinipa niya ako?

“What. . .”

“Oo, mukha akong pera. Pero hindi ako manloko. Hindi ko gawain ang perahan ng mga tao para lang banggain ako? Baliw lang ang nakaisip sa bagay na iyon. Walang kuwenta,” walang emosyon na sabi pa niya at saka niya ako nilapitan.

“What are you doing? Get off me, woman!” sigaw ko dahil kung saan-saan nang dumapo ang mga palad niya na parang may hinahanap siya. “Shít!” malutong na mura ko nang kinuha niya ang wallet ko pero hindi naman ako kumilos para kunin iyon ulit mula sa kaniya.

“Isang libo lang ang halaga na kinuha ko kahit malaking damage ang nagawa mo sa akin. Mabait pa ako sa lagay na ito kasi hindi kita ninanakawan,” sabi niya sabay bigay ulit sa akin ng wallet ko.

Napailing na lamang ako habang tinatanaw ang paglayo niya. Ang weird talaga ng babaeng iyon.

Napangiwi pa ako dahil sa sakit ng dibdib kong sinipa niya. Babae ba iyon o lalaki? Kasi bakit ang lakas niyang manipa? Babaliin pa niya yata ang buto ko. Tsk.

“Kuya! Ano ba ’yang ginagawa mo riyan?!” And speaking of the witch, here she is.

“Gladysse, ha. Ano ba ang ginagawa mo sa lugar na ito? For God’s sake, gabi na! Kababaeng mong tao!” pangangaral ko agad nang humarap ako sa kaniya at nakasuot siya ng itim na jacket at sumbrero. Iba ang ayos niya ngayon sa usual outfit niya kung nasa trabaho siya.

“Huwag mo na lang akong tanungin tungkol diyan, Kuya. Tulungan mo na lang akong ikabit ang kotse ko para makauwi na agad tayo. Kanina pa ako naghihintay. Ang tagal mo naman po kasi,” reklamo niya. Siya na nga itong nang-abala ay siya pa ang may ganang magreklamo.

“Isusumbong kita kay dad, dahil pumupunta ka rito,” sabi ko at tumaas lang ang kilay niya.

“Parang bata,” komento niya at napansin niya ang paghawak ko sa aking dibdib. Hinawakan niya iyon. “Err, what happened?” she asked.

“Nothing. Tara na lang,” I said at nagtungo ako sa likod ng sasakyan ko.

Nagawa ko pa rin namang magmaneho that night pero ang ipinagtataka ko sa sarili ko ay bakit hindi ko man lang makalimutan ang presensiya ng babaeng iyon? At dahil nga sa pagdikit niya sa katawan ko ay nalanghap ko ang kakaibang amoy niya. Natural scent?

Naikuwento ko lang sa kapatid ko ang nangyari. Kasi nagtataka nga ako kung bakit ang husay ng babaeng iyon sumipa sa ere at ang lakas pa niya. Siguro daw ay nag-aral ng Martial Arts at hindi talaga totoong manloloko. Yeah, napatunayan ko na iyon dahil sa halip na kunin niya ang laman ng wallet ko ay isang libro lang ang kinuha niya.

***

AND one night, I was invited by my VIP guest sa hotel Gusto raw nilang pumunta sa clubhouse na pagmamay-ari ng ninong ko na ngayon ay ang kaibigan kong si Jimmy ang namamahala nito. Nagtanong kasi sila kung saan ang pinakamagandang bar na maaaring puntahan. So, nag-suggest ako sa bar ng ninong ko na matalik na kaibigan ng daddy ko.

At first ay tumanggi ako na sumama sa kanila para lang manood ng stripper. Hindi naman ako ang tipong lalaki na basta na lamang nakukuha sa isang ngiti lang ng babae. Wala akong hilig sa mga ganoon.

Si dad nga ay pumupunta lang siya rito kapag gusto niyang uminom at maglaro ng billiard. Ako pa kaya na busy sa hotel?

Marami akong kasama sa loob at may kadiliman pa nga sa paligid. Nasa entablado lang ang maliwanag dahil hinihintay nila ang sasayaw sa kanila. Hindi pa umiinit ang upuan ko ay nakaramdam na ako nang pagkabagot kaya dinaan ko na lamang sa alak upang mawala ang pagka-bore ko.

Hanggang sa nagsalita ang manager ng club. “Good evening, ladies and gentlemen, we have a new stripper who is very beautiful—of course you can’t see it for now, unless part ka ng VIP namin. She is the epitome of sexiness, beauty and elegant. Get your cóck and püssy ready because you’re going to see our  Yeebi’s first performance tonight! Yeebi, pasok!” Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko dahil lang sa announcement niya.

What the fvck? Ganoon ba talaga ang dapat niyang sasabihin?

Napaayos ako nang upo nang lumabas ang isang babae. Kasabay na bumilis ang pintig ng puso ko. Dahil sa spotlight na nakatutok nga sa kaniya ay kitang-kita ng lahat ang magandang hubog ng katawan niya at parang kumikinang pa ang maputi niyang balat. Napatiim bagang ako nang may kung ano ang nabubuhay sa sistema ko at particular na nag-react ang nasa—I shook my head.

Lagot ako kay mommy nito dahil for the first time ay nakaramdam ako nang kakaiba, nakita ko lang ang babaeng ito. Oh, God. She’s a fvcking stripper! But she looks like. . .a food that I want to devour?

I shook my head again and I composed myself. Nagsimulang sumayaw ang babae. Tagang mayroon siyang talent sa ganyan, ha?

“Take your top off, take it off.”

“Come on, Yeebi. Show us your charm and delicate body.”

“Just remove your mask instead.”

Inaamin kong nag-enjoy ako sa panood ko pero nang isa-isa nang sumisigaw ang mga lalaki ay sumama ang timpla ng mood ko at parang gusto kong hilahin ang babae palayo sa maraming mga matang nanonood sa kaniya. Ayokong mas mapansin pa siya dahil sa bawat pag-indayog niya ay nakatitig siya sa mga mata ko.

How I wish na matanggal na ang maskara niya but on second thought ay huwag na lang. Marami pang makakakita sa mukha niya.

And her body, pamilyar sa akin. Her presence. . .

Natapos din ang oras at nauna na akong lumabas. Isa lang naman ang tumatak sa isipan ko noon.

I want her to be my private stripper. . . Mapapadalas na rin yata ang pagpunta ko rito sa clubhouse at lagot na nga talaga ako kay mommy kapag nalaman niya ito.

Ayaw niyang nagpupunta kami rito ni Blaixe dahil baka raw makipag-ano lang kami. Takot siyang magkasakit kami kapag iba’t ibang babae na ang nagagalaw namin. God, I’m not kind of that person. Ni minsan naman ay hindi ko sinubukan at hindi ko tinangkang gawin.

Sa elevator ay nakita ko na naman ang pamilyar na bulto ng babae at parang. . . Imposible naman pero kasi. . . Malakas lang talaga ang instinct ko.

’Saktong tumawag noon ang mommy ko. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko habang diretso ang tingin ko sa likod ng taong iyon.

“Where are you, sweetie?” malambing na tanong ng aking ina at talagang ganoon ang tawag niya sa amin.

“Mom, I’m in the Royal Club now. I was able to talk to Ninong Kimmy earlier—”

“Son, use protection, alright? Condom, you know that?” sabat ni daddy sa usapan namin ni mommy. Mabilis kong naiharang ang kamay ko para hindi tuluyang sumara ang elevator at saka ako pumasok.

“What, Dad? Excuse me, why do I need a condom? I won’t engage in—shït.” Napalingon ako sa babaeng kasama ko. Hindi ko makita ang mukha niya at pamilyar na pamilyar talaga siya. Her hoodie. “Let’s just talk at home. I’m still going to pick up Ate Irish, she called me earlier so we’re going home together— Right, I will, Mom,” paalam ko.

To be sure ay balak ko na ngang komprontahin ang babaeng ito. Hahawakan ko na nga sana siya sa balikat niya nang mabilis niyang hinuli ang kamay ko at naramdaman ko na lamang na nasa likuran ko na siya. Plano niya yatang buhatin ako para bumagsak ako sa sahig pero hindi naman niya nagawa dahil nabigatan yata at saka hindi ko naman siya hahayaan na gawin iyon.

Iba nga lang ang ginawa niya. “Fück! I think you’re going to break my arm, Miss! Let me go!” sigaw ko dahil kamay ko na naman ang pinagpiyestahan niyang saktan.

“Ikaw nga. . .” sambit ko. Alam kong tama ang hinala ko na siya ang babaeng naka-encounter ko three months ago. “Ikaw nga ang babaeng nabangga ko habang lulan ako ng sasakyan ko three months ago,” I said, coldly.

“Nagkamali ka lang,” balewalang sabi niya at basta na lamang niya akong tinalikuran.

IN OUR second meeting, sa mall ko naman siya nakita at mukhang hindi na naman siya okay. Namumungay ang mga mata niya na tila makatutulog na siya. Hanggang sa maramdaman ko ang pagbigat ng katawan niya kaya pinangko ko na siya.

Malayo pa nga lang ay nakita ko na siya at ang akala ko ay mapapansin niya ako pero hindi. Bumangga pa nga siya.

Dinala ko siya sa sasakyan ko at doon ko siya ibinaba. Sinisigurado ko pa na mahihirapan siya sa pagtanggal niya ng seatbelt mamaya para hindi agad siya makaalis.

Inayos ko ang suot niyang hoodie pero mabilis ko ring nabawi ang kamay ko dahil dumampi ito sa ano niya.

Matiim kong tinitigan ang mukha ng babae. Ngayon ko mas nakita nang malinaw. She’s really beautiful. Wala akong nakitang make up na madalas kong nakikita kay Ate Rish. Baka nga kung magkita sila ni Gladysse ay magiging close agad sila. Napakasimple lang.

Lumabas lang ako para hindi na ako tumitig pa siya sa kaniya nang husto. My fvcking heart is beating faster. The fvck.

Mayamaya lang ay parang nararamdaman kong may nakatitig sa akin kaya naman lumingon ako sa kotse ko at binuksan ko iyon.

Nakita kong gising na nga siya at gulong-gulo ang reaksyon niya.

“Oh, the tigre is now awake,” sabi ko lamang.

“Tanggalin mo nga ito at aalis na ako,” walang emosyon na saad niya. Natural yata malamig ang boses niya?

“Ayoko. May atraso ka pa sa akin,” I uttered and she raised her brow.

“Patas na tayo sa atraso ng isa’t isa. Hindi ba mas malala ang ginawa mo? Binangga mo pa ako at sinabihan na manloloko,” she fired back at talagang matapang na babae siya.

“You almost broke my arm! You even kicked me in the chest! Have you forgotten?!” reklamo ko para malaman niya ang ginawa niya but she just rolled her eyes.

“Ano naman ngayon?” naiiritang tanong pa niya. What a heartless she is.

“Let’s settle this if you don’t want me to sue you.” My head knotted. Ang hilig mang-ikot ng mga mata.

“May ebedensiya ka ba para kasuhan mo ako?” she asked firmly. I sighed. “May kailangan pa ako at tanggalin mo na ito,” kalmadong sambit na niya.

“Sabihin mo na lang kung ano ang gusto mo. Gusto mo ba ng pera?” tanong pa niya at kinuha ang backpack. Isinara ko na ang pinto at dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko.

“Let’s talk,” sabi ko.

“Nag-uusap na nga tayo,” she said, emotionally. “This is kidnapping, you know that?” I chuckled.

“Ikaw na nga ang tinulungan ko kanina noong nawalan ka nang malay habang naglalakad. Tapos ganyan pa ang pakikitungo mo sa akin, Miss?” sarkastikong tanong ko kasi hindi naman iyon patas.

“Ano ba kasi ang kailangan mo para matapos na ang usapan na ito?”

“Just treat me my late lunch. Nagutom ako sa kahihintay ko sa ’yo na magising ka. Balak ko sanang dalhin ka sa hospital pero huwag na pala. Mukhang natutulog ka lang naman,” pagpapaliwanag ko pa kahit hindi naman ako nagugutom. Ang weird lang dahil nagugustuhan ko ang presensiya niya kahit na ang suplada niya.

“Tsk.”

“So, what?” I asked her.

“Pumunta tayo sa isang restaurant na kaya kong bayaran ang pagkain mo ng hindi ako lalagpas ng isang libo,” diretsong saad naman niya dahilan na kumunot ang noo ko.

“Seriously?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Pasensiya ka na. Hindi ako katulad mo na mayaman na kayang-kayang kumain kahit saan mo gusto,” she reasoned out and I just cleared my throat. She’s being honest, I like that.

Wala naman akong balak na magbayad siya ng bills namin. Biro ko lang naman iyon.

“Tubig lang ako,” sabi niya agad sa waiter. Hindi pa nga niya nabubuksan ang menu. Inilapag niya lang sa mesa. Kaya ang ginawa ko ay isa-isa kong nilagyan ng check ang dish.

“Same order,” sabi ko sa waiter at ang akala siguro niya ay parehong tubig ang in-order namin. Ginawa ko na lang tig-isang order ang pagkain na napili ko.

“Ang pagkain mo lang ang babayaran ko,” she murmured but I shrugged my shoulders.

“Fine. Ako naman ang magbabayad ng meal mo,” I fired back. She looks very confused.

Habang naghihintay kaming ma-serve ang pagkain namin ay hindi ko na naman siya tinantanan sa katititig ko sa kaniya. Mas maganda pala kapag gising siya dahil lumilitaw ang kagandahan niya. Masungit nga lang siyang tingnan.

“May dumi ba ako sa mukha ko at ganyan ka makatingin sa akin?” I shook my head sa tanong niya.

“You looks familiar.” Again, she rolled her eyes. “What’s your name?” I asked.

“Kailangan mo pa bang malaman ang pangalan ko? Is does matter anyway?” Kailangan talagang barahin pa ako?

“Yeah, it does. So. . .” I said as I licked my lips.

“Froyee ang ngalan ko,” sambit niya. Nakataas ang kilay ko.

“Iyon lang? Iyon lang ang pangalan mo?” curious kong tanong.

“Froyee Takazi, iyan na ang buong pangalan ko.” Ay, suplada.

“Takazi?” kunot-noong tanong ko pa. Kasi parang pangalan naman iyon ng isang Hapon. “What do you do for a living, Ms. Takazi?” I asked her again.

“Jobless,” mabilis at tipid niyang sagot. Nagsalin pa siya ng tubig sa baso nang may naglapag na pitcher sa mesa.

“Kailangan mo ba ng trabaho?” Sana hindi siya ma-offend sa sagot ko.

“Hindi na kailangan,” pagtanggi niya.

“I’m Milkaine Irick M. Rousville.” Hindi niya tinanggap ang pakikipagkamay ko sa kaniya kaya binawi ko na lamang. Napahinto pa ako nang tumunog ang pagkagat niya sa yelo.

“Ano ’yan? I don’t need that,” agad na tanggi niya nang maglabas ako ng business card. I rolled my eyes. See? Ginaya ko na nga siya.

“In case na kailangan mo ako—”

“Excuse me? Hindi kita kilala, baka nakalilimutan mo,” sabat niya.

“Tsk. In case na kailangan mo lang naman ng trabaho dahil bibigyan kita,” sabi ko para naman makabawi ako.

“Sino ka naman para bigyan mo ako ng trabaho?” she mocked me.

“God... You’re stressing me out,” aniko.

Nang ma-serve na rin ang pagkain namin ay hindi naman siya tumanggi nang sinabi kong kumain na siya.

“Restroom lang ako,” paalam niya pero doon na pala niya ako iniwan sa resto.

Nag-alala ako noong una at nakisuyo pa ako sa staff ng restaurant kung puwede niya bang i-check ang ladies room at tingnan na rin niya ang babaeng kasama ko pero wala na siya roon. Sinabi na iyon ng staff kasi wala ng ibang babae ang pumasok sa loob. Pina-check ko na lang sa CCTV footage nila at nakita ko na nga na lumabas na siya ng resto. Naabala ko pa ang staff nila.

Hindi man lang siya nagpaalam sa akin na aalis na siya. Wala naman akong gagawin sa kaniya, ah. Tsk, sakit sa ulo ang babaeng iyon at napaka-cold pa niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top