CHAPTER 9
Chapter 9: Her lawyer
MAINGAY sa loob ng presinto. Naririnig ko ang pag-aaway at ang mga reklamo ng mga tao. Ngunit mainit sa loob ng selda at nakaiilang ang mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga preso. Babae naman sila at karamihan pa ay nasa edad 40’s at ang iba ay halos kaedad ko lamang.
Basag ang mukha, dahil sa dami ng pasa at putok sa mga labi. Magulo rin ang kanilang buhok na halatang nagsabunutan. Walang emosyon ko lang silang tinapunan nang tingin. Ano ba ang pakialam ko sa kanila? Huwag lang nila ako pakialaman kung ayaw nilang dagdagan ang sakit ng kanilang katawan.
Nakasalampak lang ako sa malamig na sahig at nasa likuran ko ang malamig na selda. Nang inaresto ako ng dalawang pulis ay hindi man lang nila ako hinayaan na makapagsuot ng sapin sa paa. Basta na lamang nila akong kinaladkad palabas sa apartment ko. Hoodie at pajama lang ang aking kasuotan.
Ang buhok ko na wala pang suklay ay hindi naman magulo. Ito ang unang beses na nadala ako sa silid-piitan at inaresto dahil sa kasong physical injury raw ng nabiktima ko.
Tiyak ako na ang lesbian na dati kong manager ang nagpaaresto sa akin. Hindi niya nakuha ang gusto niya sa akin kaya ngayon ay gaganti siya. Tsk.
Wala akong smart phone na puwedeng tawagan kung sino ang mag-aareglo nitong pagkakakulong sa akin at magbabayad ng piyansa ko. May pera naman ako sa apartment, ngunit kailangan ko pa rin ng isang tao na maglalabas dito sa akin. Hindi ako ma-r-release kung walang tatayong guardian ko.
“Ano ang kaso mo, Ineng?” tanong sa akin ng babae at nagtawanan pa sila. Kinukutya ba nila ako?
“Ano ang pakialam mo sa kaso ko, ’tanda?” pamimilosopo ko at hindi na agad maipinta ang mukha niya.
“Nagtatanong ako nang maayos at sagutin mo na lang ako ng matino,” malamig na usal ko dahilan tumaas ang sulok ng mga labi ko.
“We’re not even close to answer your dàmn question at sino ka rin para sagutin ko? Tutal curious ka sa dahilan kung bakit nandito ako. Dahil sa mukha ko kaya ako naaresto,” saad ko at napatanga silang lahat. Hindi yata nila na-gets. I shrugged. Bahala silang intindihin iyon.
Bumukas ang selda at may marahas na humatak sa braso ko. Nagpumiglas ako kahit na isang babaeng pulis pa ang humawak sa akin.
“Ang tapang mo, ah,” komento nito sa akin.
“Even tho I’m a prisoner, may human rights ang bawat tao!” sigaw ko sa kanya at matalim ang mga matang tiningnan niya ako. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Akma niyang ihahataw sa akin ang hawak niyang batuta niya nang magsalita ulit ako. “May karapatan pa rin akong sampahan ka ng kaso kahit alagad ka pa ng batas.”
Marahas na bumuga siya nang hangin sa bibig. “Maglakad ka na lang bago pa ako masiraan ng bait sa ’yo!” inis niyang saad. I rolled my eyes. Eh, ’di masiraan siya! Pakialam ko ba sa kanya kung sa mental hospital siya babagsak?
Nagsalubong ang manipis kong kilay nang makita ko ang pamilyar na pigura ng lalaking nakatalikod mula rito sa kinakatayuan ko. Dalawa sila at kasama pa nila si Ady.
Tumikhim ang babaeng pulis at napaismid ako. Nang sandaling lumingon sa amin ang mga lalaki ay napatayo ang isa. Hindi ko inaasahan na pupunta pa talaga siya rito sa presinto. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya. Hindi dahil nahihiya lamang ako kasi rito pa niya ako nakita.
“Bakit nakaposas pa rin siya?” malamig na tanong niya at marahas na namang hinawakan ng pulis ang posas sa magkabilang pulso ko at tinanggal niya iyon.
Pabagsak akong umupo sa tabi ni Ady at bumuntong-hininga.
“Ate Froyee...”
“Maayos ang aking lagay, Ady,” mahinahon na saad ko at tumingin ako sa harapan. Ang kaninang kalmado kong mukha ay napalitan nang pagkalito.
Katabi ni Mr. Rousville ay ang isang lalaking kamukha niya lang. Parang kakambal niya pero halata na iba rin ang kanyang aura. Seryoso at wala rin itong emosyon sa mukha niya.
“Umpisahan na natin,” sambit ng matabang pulis at doon ko lang napansin ang manager ng mall na dati kong pinagtrabahuhan.
Napangisi ako nang makita ko ang black-eye niya, namumula pa rin ang ilong niya. She even glared at me.
“I’m Blaixe Ace M. Rousville, her lawyer,” sambit ng lalaking kamukha ni... Kambal ba sila o magkapatid lang? Parehong-pareho ang kanilang tindig at ayos, eh.
“Ang sabi ng biktima mo ay tinakot mo raw siya upang makuha na ang dalawang linggong sahod mo sa mall na dati mong pinagtrabahuhan. Nanakit ka ng physical injury at makikita mo ang mga ebidensya na ginawa mo,” pagsisimula nga nito.
Hinagod lang ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok at sumandal sa headrest ng upuan saka ko matiim na tinitigan ang babaeng may pusong lalaki. Katabi niya ang isang lalaki na may malakas na tindig ngunit matanda na.
Ipinakita ng attorney ang medical certificate nito dahil may nabali rin sa ano raw? Isa iyon sa mga ebidensya na ibinigay niya.
“My client has a right to say something to defend herself, ang marinig din ang kanyang hinaing. Hindi lang ang isang biktima ang maaaring magsalita,” seryosong sambit ni Atty. Rousville.
Sumenyas na nga ito sa akin at napatikhim ako. “Totoong ako ang gumawa ng lahat niyan,” pag-amin ko at nagulat si Mr. Rousville. Hindi niya yata inaasahan na aamin ako sa kasalanan ko? “Pinatawag niya ako sa opisina niya at kung ano ba ang ginawa niya sa akin?” I asked the chief. “Naglagay siya ng sleeping pills sa drinks na ibinigay sa akin—siyempre hindi niyo paniniwalaan iyon dahil wala naman akong ebedensiya—”
“As I recall, chief. Before the incident. I encountered her sa isang mall at hindi maayos ang lagay niya. Nawalan din siya nang malay after that. Maybe she was telling the truth,” depensa sa akin nito. Napakamot ako sa pisngi ko. Iyon ang pagkakataon na nakatulog ako sa sasakyan niya.
“Ngunit ano naman ang dahilan na pinainom ka ng biktima ng sleeping pills?”
“Dahil sa masama niyang motibo? What I did is self-defense. Of course, you didn’t believe this...”
“M-Makikipag-areglo naman kami...” Napangisi ako sa mabilis niyang pagsabat.
“Bakit hindi mo sabihin na gusto mong pagsamantalahan ako?” Naging malikot ang mga mata niya at bayolenteng napalunok. “Nang hindi mo nakuha ang ninais mo sa akin ay gaganti ka ngayon?”
“Mind your own manners, Ms. Takazi. Tinanggap ka ng kliyente ko kahit wala kang pinag-aralan—”
“You don’t have right to say that to my client. Your work is to defend your client too, hindi rin pagsabihan ng kung ano-ano ang kliyente ko,” putol sa kanya ni Atty. Rousville. Mariin na naitikom niya ang kanyang bibig.
Matapang at palaban din pala ang isang ito. Nakatatakot nga ang lamig ng boses niya. Parang sa isang Rousville lang. Siguro nasa dugo na rin nila.
Binayaran ni Mr. Rousville ang piyansa ko at nakipag-areglo na nga kami. Hindi na ako umimik pa at ang attorney ko na lamang daw kuno ang nakipag-usap sa mga iyon.
Binuksan nito ang pintuan ng kulay asul niyang sasakyan at tumingin sa akin. May suot na akong tsinelas dahil dinalhan ako ni Ady.
“Mag-t-taxi na lamang kami at saka makikipagkita na rin ako para mabayaran ko ang piyansa ko,” ani ko at tumaas ang kilay niya.
“Let’s talk,” mariin na saad niya at naunang sumakay ang attorney. Napabuntong-hininga na lamang ako at inakay ko pasakay si Ady.
Nang ako na ang sasakay ay inilagay pa niya ang kamay niya sa bubong ng kotse niya. Sa halip na magsalita ay walang imik na lamang akong sumakay. Marahan pa niyang isinara ang pintuan.
“Ms. Takazi, you don’t mind kung magkape muna tayo, ano?” Of course I can’t say no to him dahil siya mismo ang tumayong attorney ko para depensahan ako.
“Yes.”
Kinulbit naman ako ni Ady saka siya nagsalita. “Ate, idaan niyo na lamang po ako sa isang Starbucks. Kailangan ko na rin po kasing umuwi para sa pasok ko mamayang hapon.”
Iyon nga ang ginawa namin bago kami nagpunta sa isang coffee shop. Agad na nag-order si Mr—okay, pareho pala silang Rousville.
“Thank you pala kanina. Sabihin mo na lang kung magkano ang serbisyo mo at magbabayad ako,” saad ko at kumunot ang noo niya. Salubong naman ang kilay ng isa.
“Actually, malaki-laki ang serbisyo ko, Ms. Takazi.”
“Blaixe.”
“I was just kidding. Kadarating ko lang from UK kasi may sinamahan lang akong client ko. Wala pang kalahating minuto ay kinatok ng kuya ko ang pintuan ng silid ko at kailangan ko raw sumama sa kanya,” paliwanag niya at sinulyapan pa niya ang katabi niyang nakaupo. Kuya pa pala niya ito? Halos magka-edad lamang sila.
“Sorry kung naabala kita,” nahihiyang wika ko.
“Tungkulin ko naman ang makatulong sa iba pero kung hindi lang sa kanya ay kahit bayaran pa ako ng milyon ay tatanggihan ko pa rin ’yon. Kapag oras nang pahinga ko ay hindi ako tumatanggap ng trabaho,” saad niya at napatingin ako kay Milkaine na nahuli kong nakatingin sa akin. Wala sa sariling napainom tuloy siya ng tubig.
“Salamat pa rin sa tulong mo,” anas ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top