CHAPTER 6
Chapter 6: Second meeting
“IKAW nga ang babaeng nabangga ko habang lulan ako ng sasakyan ko three months ago,” malamig na saad niya. Nabangga niya?
I tried to remember what he said that he hit me three months ago. It’s like something just flipped my brain and I already remember that incident. He even thinks na isa akong manloloko. Samantalang nanakawan pa ako.
“Are you okay, Miss?”
“I’ll take you to the hospital, Miss.”
“No need.”
“What?”
“Masakit ang balakang ko, bumagsak ang likuran ko sa sahig kaya bayaran mo ako.”
“That’s why, I insisted to take you to the hospital, and I’m the one who pay your bills.”
“Pera, pera na lang ang ibigay mo sa akin sa halip na dalhin mo ako sa hospital. Parehas lang naman iyon, magbabayad ka pa rin.”
“You don’t have wounds, and you looks fine. Maybe... this is your trick to make us pay for you because the accident? You mastered it, do you? How did you do that?”
“Gusto mong makita ang likod ko?”
“I’ll take you to the police station instead of hospital.”
“What...”
“Oo, mukha akong pera. Pero hindi ako manloko. Hindi ko gawain ang perahan ng mga tao para lang banggain ako? Baliw lang ang nakaisip sa bagay na iyon. Walang kuwenta.”
“What are you doing? Get off me, woman!”
“Shít!”
“Isang libo lang ang halaga na kinuha ko kahit malaking damage ang nagawa mo sa akin. Mabait pa ako sa lagay na ito kasi hindi kita ninanakawan.”
Kung tutuusin ay matagal na iyon at wala namang dahilan para alalahanin pa niya ang pangyayaring iyon. Muntik ko na nga ring makalimutan kung hindi niya lang pinaalala sa akin. Bakit kailangan pa niyang balikan iyon? Isang libo lang naman ang nakuha ko mula sa kanya dahil binangga niya ako ng kotse niya. Pasalamat siya at hindi ako masyadong nasaktan.
“Nagkamali ka lang,” malamig na saad ko saka ko siya tinalikuran.
***
“Froyee, hanap ka ni Ma’am. Akyat ka na sa opisina niya.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ng katrabaho kong saleslady. Kadarating ko lamang. Dalawang buwan pa lang akong nagtatarabaho rito. Hindi man kalakihan ang sahod ay sapat na iyon para sa gastusin ko sa apartment.
Malaki naman ang tips ko sa clubhouse at ibinabayad ko lang sa renta. Sa pagkain at pambili ko ng mga damit ko ay sahod ko iyon mula sa marangal na trabaho. Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan pang magtrabaho sa umaga pero gusto ko pa ring ipaalala sa sarili ko na may kaunti pa akong dangal na iniingatan.
Wala akong pinag-aralan. Tumunton naman ako sa high school pero wala akong maipakitang karunungan na nakapag-aral nga ako. Madali lang akong nakapasok dito dahil sa mukha ko.
Hindi na ako nagtanong pa at basta na lamang akong nagtungo sa opisina ng manager namin. Kumatok ako nang tatlong beses saka ko ito binuksan.
Babae—tamang sabihin na lesbian siya at sa tuwing nakikita niya ako ay malagkit pa niya akong tinititigan.
“Pumasok ka, Froyee.” Tumikhim ako at sinunod siya. “I-lock mo ang pintuan.” Nang hindi ako kumilos ay siya ang lumapit sa akin at sinara ang pinto.
Naguguluhan ako sa ikinikilos niya pero hindi ko na iyon pinansin pa at naglakad na ako palapit sa visitor’s chair. Maikli ang skirt ko kaya hawak ko pa ang dulo nito. May shorts naman ako.
“Ano’ng kailangan mo sa akin?” matigas ang boses na tanong ko sa kanya. Alam kong manager siya at hindi pa siya ang may-ari nitong mall. Pero ganito na talaga ako makipag-usap sa kanya.
“Uminom ka muna, Froyee. Habang nag-uusap tayo,” sabi niya. Tumingin ako sa itinuro niyang drinks. Nang kunin ko iyon ay saka lang siya umupo at pinapanood na niya ako.
Binuksan ko ang takip no’n at bago ako uminom ay hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagngisi niya. Doon pa lang ay ramdam ko na ang may gagawin siyang hindi maganda sa akin. Pero kahit ganoon ay pinagbigyan ko pa siya. Para hindi naman masayang ang effort niya. Inubos ko ang laman ng drinks.
“Ano na? Ano ang kailangan mo sa akin?” tanong ko at nagsisimula nang umikot ang paningin ko. May inilagay nga siya sa iniinom ko. Grr.
“Ang ganda mo, Froyee. Sobrang ganda mo kahit na wala kang emosyon sa mukha,” diretsong sabi niya. Nagagawa niyang magsalita ng ganito kasi wala na ako sa katinuan.
“Alam ko. Alam kong maganda ako. Pakialam mo ba sa mukha ko?” malamig na tanong ko at mahinang humalakhak siya.
Napahilot ako sa sentido ko. Gising pa naman ang diwa ko pero umiikot lang ang aking paningin. Makakaya ko pa naman na tiisin ito. Ngumisi na naman siya saka siya tumayo para lapitan ako.
“Mayabang ka rin pero gusto ko ang ugali mo. Mas gusto ko nga lang ang nasa...” Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. “Ibabang bahagi ng katawan mo,” dugtong niya at hinawakan ang baywang ko. “Froyee, gusto mo bang makipaglaro sa akin?” tanong niya sa malambing na boses.
Napahawak ako sa balikat niya nang hawakan niya ang binti ko at inamoy pa niya ang leeg ko.
“Gusto ko... Ano’ng klaseng laro ’yan? Game ako palagi,” nakangising sabi ko sa kanya.
“I want your püssy, Froyee. I want to taste your wetness at dadalhin kita sa langit.” Kinilabutan ako sa sinabi niya at hinawakan ko ang mukha niya. Mas lumapad ang ngisi niya sa mga labi niya.
“Pero... pareho tayong may ganoon,” ani ko at malakas na tumama ang noo ko sa kanya. Napadaing siya sa sakit at agad siyang dumistansya.
Bumangon ako at pagewang-gewang pa nga ang paglalakad ko pero nagagawa ko namang tumayo. Sapo-sapo niya ang nasaktan niyang ilong at dumugo na ito. I laughed so hard.
“Pünyeta ka, Froyee!” sigaw niya sa akin. Hindi ako tumigil sa katatawa ko.
“Ma’am, paano mo ako mapaliligaya niyan kung hindi naman tayo talo? Ayoko sa babae, gusto ko iyong may totoo siyang sandata.” Nilapitan ko siya na halos ma-out balance pa ako.
Hinawakan ko ang buhok niya at hinila ko ito pababa dahilan na tumingala siya. Natatawa pa rin ako nang makita ko ang pamumula ng ilong niya at umaagos ang dugo niya roon. Mas matangkad pa rin naman ako kaysa sa kanya. Maganda naman siya, pero hindi sapat para pansinin ng mga lalaki.
“Bitiwan mo ako!” asik niya na mas hinigpitan ko ang pagkasabunot ko sa buhok niya.
“You were fighting the wrong person, Ma’am. Next time, look for someone you will make happy that he will enter your entrance with his dick. Not your type. I do a good job and I’m not crazy enough to feed your intestines with your lüst. I’ll be the one who will find you a fvck buddy.”
Hinila ko siya palapit sa table niya. Hindi siya nakapalag nang ibagsak ko ang mukha niya roon at naghanap ako ng papel na puwede kong sulatan.
Sumulat ako ng resignation letter at hindi na nga iyon maayos pa. Ilang beses kong pinilig ang ulo ko para hindi ako makatulog agad.
“Ano iyan?”
“Love letter, Ma’am. Pirmahan mo para makuha ko na rin ang sahod ko sa dalawang linggo,” ani ko at pinahawak ko siya ng sign pen. Mahigpit ang hawak niya roon kaya ningudngod ko siya sa desk niya.
Wala siyang choice kundi ang pirmahan niya iyon. Nasiyahan ako sa nakikita ko at kinuha ko ang sahod ko sa pera niya mismo.
“Püta ka, Froyee.” Nilukot ko ang papel na pareho naming pinirmahan at ipinasok iyon sa loob ng bibig niya.
“Very much welcome, Ma’am,” ani ko at saka ko siya binitawan. Hinubad ko ang blouse ko at naiwan doon ang puting sando ko. “Sa ’yo na ito.” Hinagis ko iyon sa mukha niya. Naiinis na tinanggal naman niya. “Congrats, Ma’am,” parang baliw na sabi ko. Dumiretso ako sa locker room. Umiiwas sa akin ang mga tao kasi mukha akong lasing sa lagay ko.
“Froyee? Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ng mga dati kong katrabaho.
“I’m okay. Inaantok lang ako,” sabi ko at binawi ko ang braso ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Ayos lang na mawalan ako ng trabaho. Basta nakuha ko na ang sahod ko ng dalawang linggo. Ang hudas na iyon, may pagnanasa sa mga babaeng kauri niya? Nagpapatawa ba siya sa akin?
Bumigat lalo ang talukap ng mga mata ko at hindi ko na talaga kaya pang pigilan. Magsasara na nga siya. Nanghihina na nga ang mga tuhod ko hanggang sa wala na nga, tuluyan na akong bumigay. Pero bago ako nawalan nang malay ay may mga bisig ang sumalo sa akin.
Nagising ako na masakit na masakit ang ulo ko. Siguro sleeping pills ang pinainom sa akin ng babaeng iyon and speaking of that...
Napabalikwas ako nang bangon nang maalala ko ang nangyari sa akin. Mabilis kong sinuri ang katawan ko. Suot ko pa naman ang hoodie ko at... Nasa loob ako ng sasakyan ng kung sino man!
“Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko at tinanggal ko ang seatbelt pero hindi ko man lang magawang tanggalin.
Nasa tapat pa naman nito ang mall at hindi pa kami umaalis. Napaigtad naman ako sa gulat nang bumukas ang pinto sa side ko. Nalukot ang mukha ko nang makilala ko ang lalaki. Binundol agad ako nang kaba sa dibdib. Tumaas ang sulok ng mga labi niya nang makita niya ako.
“Oh, the tigre is now awake,” sabi niya.
“Tanggalin mo nga ito at aalis na ako,” walang emosyon na saad ko.
“Ayoko. May atraso ka pa sa akin,” sabi niya at pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Patas na tayo sa atraso ng isa’t isa. Hindi ba mas malala ang ginawa mo? Binangga mo pa ako at sinabihan na manloloko.”
“You almost broke my arm! You even kicked me in the chest! Have you forgotten?!” I rolled my eyes sa kanyang hinaing.
“Ano naman ngayon?” naiiritang tanong ko.
“Let’s settle this if you don’t want me to sue you.” Again, I rolled my eyes.
“May ebedensiya ka ba para kasuhan mo ako?” tanong ko sa kanya. Mariin na naitikom niya ang bibig niya at bumuntong-hininga. “May kailangan pa ako at tanggalin mo na ito,” kalmadong sambit ko pa rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top