CHAPTER 41

Chapter 41: Pregnant

MILKAINE’S POV

IT’S been a week nang mawala si Froyee at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin siya. Nabigo ang mga tauhan ni Kuya Frelando sa paghahanap sa girlfriend ko.

Ramdam ko rin na frustrated na siya kasi wala pa kaming nakukuhang update sa whereabouts nito at kung saan siya dinala ng mga taong iyon.

Sinabi na rin ng asawa ni Ate Rish na may anak si Tita Florencia. Batang babae raw iyon pero nakalimutan na niya ang pangalan. Hindi na niya natanong pa si tita kung nasaan na ang anak nito dahil maski ang ina nila ay nakalimutan na rin ang tungkol sa anak nito.

Hindi na rin nila ipinaalam dito pero nalaman din ni tita dahil kay Ate Rish. Sobrang daldal niya sa mother-in-law niya at gusto niya lang daw na malaman nito na may anak siyang babae. Nawala nang hindi nito naaalala. Tama naman siya at may karapatan itong malaman ang tungkol sa anak niya, lalo na nawawala na naman ito at nasa peligro pa ang buhay sa mga kamay ng mag-asawang Hapon.

Hinimatay pa ito at sinugod nila sa hospital. Hanggang sa bumalik na lang bigla ang alaala nito at iyak nang iyak na dahil hindi pa namin nahahanap si Froyee. Hindi pa rin namin alam kung paano sila nagkahiwalay at nadala sa bahay-ampunan ang girlfriend ko. Tapos doon na siya lumaki sa Japan at nagkaisip.

Halos wala na rin akong matinong tulog dahil sa pag-aalala sa kaniya. Alam ko naman na kayang-kaya niyang labanan ang mga taong magtatangkang saktan siya pero hindi pa rin nabawasan ang nararamdaman kong takot at kaba. Hangga’t hindi ko nakikita na nasa maayos na siyang kalagayan.

Problemado na nga ang magpipinsan at sumabay pa talaga ang daddy nila dahil hindi nito nagustuhan ang paghahanap namin sa anak ng asawa niya at doon namin nalaman na siya naman pala ang biological father. Gusto niya lang mawala noon si Froyee dahil inakala niya na anak ito ng kapatid niya na pinapahalagahan pa ni Tita Florencia pero siya naman pala ang ama. Half-brothers pareho ni Froyee ang magpinsan.

“May dark circle ka na under your eyes, son. Matulog ka naman, please,” malambing na sabi sa akin ni mommy. I sighed at humilig ako sa balikat niya.

“I’m worried, Mom,” mahinang sambit ko at hinalikan niya ang noo ko.

“She will be fine, anak. Trust her, Milkaine.” Tumango na lamang ako. Nasa ganoong sitwasyon kami nang pumasok sa bahay si Gladysse. Humahangos pa nga. Sana naman ay good news na ang dala niya.

“Kuya! Nakuha na po namin ang location ni Froyee!” pagbabalita niya na ikinatayo ko pa. Maging si mommy.

“Saan?” I asked her.

“Nasa Japan na siya at this moment. Nagawa nilang bumiyahe at nakalabas sila ng bansa dahil na rin kay Froyee. Na kailangan siyang i-deport at didinggin iyon ng government,” she explained.

“Kung ganoon, dumaan siya sa mga nakatataas pero bakit walang nakuha na info ang asawa ni Ate Rish?” nagtatakang tanong ko.

Malaki ang koneksyon ng Monteverde family sa government kaya bakit hindi niya nalaman ang tungkol doon?

“That’s the problem. Sinabi po ni Kuya Frelando kung gusto mong sumama sa kanila papunta sa Japan. Gamit nila ang private plane nila.”

“Sasama ako!” Mabilis akong humalik sa pisngi ng aking ina at lumapit naman ako kay dad na kabababa pa lamang mula sa hagdanan. Nagmano ako sa kaniya saka ako nagmamadaling umalis.

“Take care, son!” pahabol na sabi ni mommy. Kumaway lamang ako.

Mabilis ding sumunod si Gladysse at nang makita kami ni Blaixe na kadarating lang din sa bahay namin ay hinarangan pa kami.

“Kuya, move!” sigaw ni Gladysse sa kapatid namin.

“Where are you going at nagmamadali pa kayong dalawa? Care to share?” pangungulit pa niya. Nang hinawakan ko siya sa braso niya nang mahigpit ay sumigaw siya para tawagin si mommy.

“God, sumama ka na lang kung gusto mo!” sigaw ko sabay hatak sa kaniya.

FROYEE’S POV

“Froyee, masama ba ang pakiramdam mo?” nag-alalang tanong ni Hiruki sa akin dahil sa nakikita niyang nagsusuka ako.

Kinain ko lang naman ang dinala ng mama namin pero hindi ko nakayanan iyon at bigla ko na lamang naisuka. May sariling banyo ang kuwartong pinagkulungan sa kaniya. Kaysa roon sa kabila na kailangan ko pang magtiis.

Pinunasan ko na ang gilid ng labi ko at lumabas na ako. Nanghihina pa ang katawan ko na napasalampak ako sa sahig.

“Ayos lang ako,” sabi ko lang. Bayolente pa ang pagtaas-baba ng dibdib ko. Mainit din dito kaya naghanap pa ako ng puwedeng pamaypay ko.

“Dito ka sa kama. Susuriin kita,” sabi niya sabay tapik sa kama. Inirapan ko siya.

“Hindi ka doctor, Hiruki,” mariin na saad ko.

Hindi pa rin nawala ang galit ko sa mga taong tumayong mga magulang namin dahil sa kanilang ginawa kay Hiruki. Inakala ko noon na totoong anak nila ito dahil madalas naman silang pinapaboran pero iyon lang pala ang akala ko. Katulad ko rin siya na isang ampon. Mas masahol lang ang ginawa nila kay Haruki. Parang gugustuhin ko na lamang na masunog ang kaluluwa nila sa impyerno.

“Alam ko pero may alam naman ako pagdating sa pagsuri. Dalawang taon din akong nag-aral ng medical. Baka nakalimutan mo,” pagmamayabang pa niya. Again, I rolled my eyes. Mabuti pa nga siya ay nakatunton sa kolehiyo kahit ampon din siya.

Tumayo na lamang ako at lumapit sa kaniya. Mabilis niyang hinawakan ang pulso ko at diniinan niya ang dalawang daliri niya roon. Napatitig pa ako sa kaniya dahil maski ang amoy niya ay hindi ko gusto.

“Kailan ang huling ligo mo, Hiruki?” salubong ang kilay na tanong ko at natakpan ko ang aking ilong.

“Ano’ng. . . ’Tong babaeng ito, ay. Kaliligo ko lang kanina, aber! Bago ka dinala rito ni mama!” sigaw niya. “Sabihin mo lang sa ’kin kung ano ang nararamdaman mo nitong mga nakaraang araw,” sabi niya at napahinga ako nang malalim.

Siguro epekto ito ng sleeping pills na itinurok nila. Kaya nagkakaganito ang pakiramdam ko na minsan ay kinaiinisan ko na.

“Limang araw na ang nakalilipas. Antukin ako, nahihilo ako madalas higit na sa umaga. Masakit ang puson ko at nakita mo naman kanina na nagsusuka pa ako. Ang alat ng panlasa ko kaya naduduwal talaga ako at saka. . .parang hindi na normal ang pang-amoy ko,” pahayag ko pa.

“Mabilis ang pulse mo, Froyee. Ibig sabihin ay mabilis din ang tibok ng puso mo. Kung iyon ang mga nararamdaman mo sa loob ng limang araw na iyon na nakakulong ka lang naman sa kabilang silid ay isa lang din ang naisip ko na resulta niyan,” seryosong sabi niya at napalunok naman ako. Ano naman kaya iyon? Hindi naman sana magdadala ng sakit ang gamot na iyon, ’di ba?

“Baka epekto nga talaga ito ng sleeping pills?” tanong ko na ikinailing niya. Mariin pa niyang pinisil ang pisngi ko at masakit iyon. Hinampas ko ang kamay niya.

“Ano ba ang naging buhay mo sa bansang iyon, Froyee?” tanong niya na may kuryusidad sa boses.

May tiwala naman ako sa kaniya kasi minsan na niya akong tinulungan na tumakas. Pero ang totoo niyan ay ilang beses na rin niya akong pinagtatanggol sa inakala namin na totoo niyang mga magulang.

“Mahabang kuwento, Hiruki but to make the story short ay naging stripper ako ng isang sikat na clubhouse—aray!” daing ko dahil pinitik niya ang noo ko. “Masakit iyon!” Ginantihan ko naman siya.

“Froyee, ang sabi ko sa iyo noon ay lalaking mamahalin ka ang hanapin mo para hindi ka na maghirap pa at hindi ang balikan mo ang naging buhay mo rito sa Japan. Bakit sa pagsasayaw pa?” sermon niya.

“Ganito kasi iyon. May nag-offer kasi at wala naman akong choice. Nahuli nga kasi ang barko at nakatakas lamang ako pero hindi ko nadala ang backpack mo. Tapos may nakilala naman ako at nagbayad ng isang milyon para lang maging private stripper niya ako sa loob lang ng isang buwan,” paliwanag ko pa at namilog ang mga mata niya.

“Hibang ang lalaking iyon,” naiiling na saad niya. Tumango ako dahil malaking hibang nga si Milkaine.

“Mahal ko ang lalaking iyon, Hiruki,” mahinang saad ko na ngayon ay nagawa ko nang aminin sa sarili ko ang totoo kong nararamdaman kay Milkaine.

Naisip ko lang kasi noon na hindi kami para sa isa’t isa at nagagawa ko pa siyang pagtabuyan dahil nag-aalala ako na baka masira ko ang reputasyon ng pamilya niya, higit na siya. Pero dahil tanggap niya ang past ko at pinagmulan ko ay roon na rin ako nagpaubaya. Gusto kong suklian din ang pagmamahal niya at pag-aalala niya sa akin pero kung kailan na handa na ako at kaya ko na ay saka pa kami nagkahiwalay. Naiiyak ako sa tuwing naiisip kong iniwan ko siya. Sumisikip ang aking dibdib at ang hirap huminga.

“So, may nangyari sa inyo ng lalaking iyon kaya buntis ka ngayon?” Natigilan naman ako sa sinabi niya at napatingin ako nang diretso sa mga mata niya. Wala akong nababasa na nagbibiro lamang siya.

“A-Ano’ng ibig mong sabihin na b-buntis ako?” nauutal na tanong ko at binundol lang ako nang kaba sa dibdib.

“Ang mga nararamdaman mo ay sintomas na iyon ng pagdadalang tao, Froyee. Hindi iyan epekto ng gamot na itinurok sa iyo ni mama. Kaya ganyan ka ka-weird ngayon ay dahil buntis ka. Marahil nga na dinadala mo na ang anak ng lalaking tinutukoy mo,” paliwanag pa niya at napahawak naman ako sa sinapupunan ko.

“Hindi puwede. . .” kinakabahan na sambit ko at nanginig ang mga kamay ko.

“Ano’ng hindi puwede?” malamig na tanong niya.

“Hiruki. . . K-Kapag nalaman ito ni mama ay mapapahamak. . .ang baby ko,” sambit ko at umawang din ang labi niya sa gulat. Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang pintuan at buong puwersa talaga. Pumasok doon ang mag-asawang Hapon.

“Ngayon, lilipat na tayo ng bahay at isasama namin kayong dalawa dahil magbabayad pa kayo ng utang na loob ninyo sa amin,” sabi nito at may pumasok na dalawang lalaki. Agad na hinawakan ni Hiruki ang braso ko. “Iyong babae ang alalayan ninyo at ang lalaki naman ay hayaan ninyong maglakad nang mag-isa.” Kumuyom ang kamao ko at napapikit na lamang ako sa inis.

Hinawakan ni Hiruki ang kamay ko at pinisil niya ito. “May saklay naman ako, Froyee. Kaya ko na ang sarili ko. Ikaw ang mag-ingat. Tandaan mo ang sinabi ko kanina,” bulong niya. Wala akong choice kundi ang tumango.

Hinawakan na ako ng mga lalaki sa magkabilang braso ko at tiningnan ko pa si Hiruki. Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang sinusubukan niyang makababa mula sa kama gamit ang kaniyang saklay.

“Bilis-bilisan mo, Hiruki! Ang bagal mo!” Binawi ko na ang mga braso ko at lumapit ako kay Hiruki.

“Froyee. . .”

Inalalayan ko siya at tumingin pa ako sa babae. “Hayaan mo akong alalayan ko siya, mama,” pakiusapan ko at tumaas pa ang kilay niya. “Pangako. Lahat nang utos mo ay susundin ko,” seryosong saad ko pa at napangisi siya.

“'Yan ang gusto ko, Froyee. Tara na. Bilisan ninyo riyan,” sabi pa niya at nauna na silang lumabas. Binalingan ko si Hiruki.

“Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka,” naiinis na saad niya.

“Kaysa naman ang pag-initan ka at nahihirapan ka kaya,” I reasoned out. Inikot ko ang braso niya sa leeg ko at ang isa ay nasa baywang na.

“Saan na naman kaya tayo dadalhin ng mga hilaw na hapon na iyan?” tanong niya at nasa boses na niya ang galit.

“Ewan ko. Maging masunurin na lamang tayo sa ngayon. Wala tayong laban sa kanila,” aniko na ikinatango niya.

“Pagplanuhan natin ang pagtakas mo ulit, Froyee,” he whispered. I shook my head.

“Hindi ako tatakas, Hiruki,” mariin na sambit ko.

“Alalahanin mo ang kalagayan mo, Froyee.”

“Hindi ako tatakas hangga’t hindi ka kasama, Hiruki,” sabi ko at nawalan siya nang imik. “Hindi ko na hahayaan na maiwan ka rito ulit,” I added.

“Bilisan ninyo naman!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top