CHAPTER 4

Chapter 4: Offer

IBINALIK na rin sa akin ng bata ang hoodie ko dahil pinahiram na siya ng kuya niya ng pink na coat nito. Hindi naman ako judgemental sa mga taong kagaya niya pero ayoko pa rin talaga ang hinahawakan ako.

“Kung ganoon ay mag-isa mo lang nilabanan ang mga lalaking muntik ng pagsamantalahan ang kapatid ko?” gulat niyang tanong. Wala pa ring ekspresyon ang mukha ko. Muntik lang?

“Muntik lang? Pinagsamantalahan na nila ang kapatid mo at sana gawin mo ang lahat para mabulok sa kulungan ang mga hudas na iyon,” malamig na sabi ko at umawang pa ang labi niya. Parang may nakagugulat sa sinabi ko sa naging reaksyon niya.

“Parang hinukay naman sa libingan iyang boses mo. Kasing lamig ng yelo, sis. By the way, don’t worry. Sabi raw ni chief ay nasa wanted list daw ang apat na tarantadong ko iyon. Mga adik naman pala. Kaya naman nagpapasalamat ako sa iyo, Miss— Tanggalin mo nga iyang hoodie mo. Hindi ko makita ang maganda mong mukha.” Kumunot lang ang noo ko. Uutusan pa ako, eh hindi naman magkakilala.

“Tsk. Aalis na lang ako tutal nandito ka na. Next time ay higpitan mo na ang kapatid mo. Babae pa naman at parang hindi kayo aware sa nangyayari rito.” Tatayo na sana ako nang hilahin niya ang braso ko.

“Sandali lang naman, sis. Mag-usap muna tayo. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Nag-iisang kapatid ko lang si Adesys. Kaya naman...magsabi ka lang sa akin kung ano ba ang gusto mo. Na kaya kong ibigay sa ’yo. Like money or something,” sabi niya at napaisip naman ako sa suhestiyon niya. Ngunit kailangan pa ba iyon?

“Tumulong ako sa kapatid mo hindi dahil gusto kong may makuha ako sa inyo. Hindi ako ganoon.” Kahit na walang-wala na ako ngayon. Kusang loob akong tumulong at isa pa hindi ko naman kayang pabayaan na lang na may mangyari sa bata.

Kaya ba iyon ng konsensya ko? Psh.

“Pero sige na. Sabihin mo na sa akin kung ano ang puwede kong maibigay sa ’yo,” giit niya at bumuntong-hininga ako.

“Bahay. Iyon ang wala ako,” diretsong sabi ko.

“Bakit wala kang bahay? Naglayas ka ba?” tanong niya.

“Tama. Naglayas nga ako sa amin. Tapos nanakawan pa ako,” sabi ko at hindi ko na sinabi pa ang buong detalye.

“Oh. Alam mo. Maganda ka. Ano ba ang talent mo?” tanong na naman niya at matiim niyang tinitigan ang mukha ko.

“Sumayaw,” simpleng sagot ko.

“Alam mo... baka... Gusto mong maging stripper ng isang sikat na clubhouse? Matataas magbigay ng tips ang mga customer namin at...puwede kitang ipasok doon.”

“I’m not prostitute,” tanggi ko at muli akong tumayo.

“Bibigyan kita ng bahay na matutuluyan! Promise sasayaw ka lang at hindi kita ipahahawak sa kung sino mang lalaki.”

Hinarap ko siya at nang pinukulan ko siya nang masamang tingin. Sa takot niya ay muli siyang napaupo.

“Pagkatapos kong tulungan ang kapatid mo sa mga hudas na iyon ay ganyan pa ang kaya mong ibigay sa akin na trabaho? Seryoso ka ba?” Bayolenteng napalunok siya.

“Sasayaw ka lang naman. Walang malisya iyon. Ilalabas lang kita kapag importanteng event. Pumayag ka na. Hindi mo naman kailangan na ipakita ang face mo.” Kapit sa patalim iyon. Walang-wala nga talaga ako ngayon at hindi ko na nga alam kung saan pa ako pupunta.

Humugot ako nang malalim na hininga. “Sige. Pero wala muna akong pipirmahan kahit na anong kontrata. Titingnan ko muna kapag nagsasabi ka ng totoo.” Sa tuwa niya ay napatayo na naman siya. Hahawakan na naman sana niya ako sa kamay ko nang umiwas ako.

“Sige, sige. Sasama ka na ngayon sa amin!” masayang bulalas niya.

***

Pinasadahan ko nang tingin ang condo nila. Maganda sa loob at ang mga gamit nila ay halatang mamahalin.

“Ate, uminom ka muna ng kape.” Inilapag niya ang tray na may mug ng kape. Umuusok ito dahil mainit pa.

Tiningnan ko siya at mukhang okay na siya. “Salamat. Magpatingin ka sa doctor. Baka kasi magkaroon ka ng trauma,” suggestion ko. Umupo siya sa sofa na nasa tapat ko. Sunod-sunod ang pagtango niya.

“Sinabi na rin po iyan sa akin ni Kuya. Salamat po talaga, Ate. Hindi ka nagdalawang-isip na tulungan ako.” Namumula ang mga mata niya at mukhang maiiyak na naman siya.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo roon? Bakit nasa labas ka pa ng ganoong oras?” curious kong tanong.

“May dinaanan lang po kasi roon, Ate. Ginabi po ako tapos nakita ko ang mga lalaking iyon. A-Actually po ay sinadya na nila akong hintayin dahil umaaligid na talaga sila,” sabi niya at nanginig ang mga kamay niya.

“Hayaan mo na. Makakalimutan mo pa rin iyon. Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo,” sabi ko at tumango na siya.

Bumalik na ang kuya niya na kumuha ng damit na puwede kong pampalit daw. But until now ay hindi ko pa inaalis ang sumbrero ng jacket ko.

“Sis, heto, oh. Magpalit ka muna.” Kulay lila iyon. T-shirt at pajama. Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat.

“Tara po, Ate. Sasamahan kita sa kuwarto ko.”

“Uubusin ko muna ang kape ko,” ani ko. Mabilis ko lang iyon naubos na ikinabigla na naman ng nakatatandang kapatid niya.

Hinatid na niya ako sa kuwarto niya. Ang linis at ang bango pa. Ang suwerte naman niya.

“May mga gamit po ako riyan. Huwag po kayong mahiyang gamitin, Ate.”

“Salamat.” Sinuri ko pa ang gamit niyang sabon at shampoo. Nang nabasa na ako ng tubig ay napadaing pa ako dahil sigurado akong may pasa na sa aking likuran.

Mabilis lang akong naligo at agad akong nagbihis. Iyong t-shirt ko ay hindi ko masasabing malaki ba ito o ano. Hindi naman siya masikip pero hapit sa katawan ko. Ang pajama ko ay bitin din, masyadong maikli ito, eh.

Napatingin ako sa vanity table niya at may mirror pa siya roon. Lumapit ako roon at kinuha ko ang hairdryer. Tinuyo ko ang buhok ko at muli akong lumabas. Itinabi ko na muna ang mga damit ko.

Naglalakad pa lamang ako ay nakatutok na sa akin ang kanilang tingin. Nakita ko pa ang mabilis na pag-inom nito ng tubig. Bumalik ako sa kinauupuan ko.

“Ako nga pala si Asiz Alcasid, 32 years old na ako. Mas kilala akong Zis. Si Adesys naman, kapatid ko. Nasa grade 10 pa lamang siya. Ikaw? Ano’ng pangalan mo, sis?”

“Froyee Takazi, 20 but turning 21.” Hindi ko na sinabi pa sa kanya ang real name ko. Sapat na iyon.

“What?! 21?! Ang bata mo pa pala!” gulat na sigaw niya. Nagkibit-balikat ako.

“Takazi? Saang bansa ka nagmula, Ate?”

“Bago ako inampon ng poster parents ko ay galing ako rito. Isang hapon at Pilipina sila. Takazi, iyan ang gamit kong pangalan dahil legal nila akong anak kahit hindi sila ang biological parents ko. Technically ay galing ako sa Japan,” pahayag ko.

“Kaya naman pala. Pero sobrang ganda mo talaga.”

“Alam mo, Ate. May kamukha ka po. Pero hindi lang ako sigurado kung sino ba iyon basta pamilyar sa akin ang mukha mo.”

“Ulila na ako sa mga totoo kong pamilya. Imposible na ’yan.” Hindi ko na sinabi pa na iniwan ako ng mama ko. Wala na rin naman akong kasiguraduhan pa kung buhay pa siya hanggang ngayon. Isang dekada na ang nakalipas at limot ko na ang mukha niya.

“Sige, mabuti pa ay magpahinga na muna tayo. Masyado ng malalim ang gabi. Ady, huwag ka nang pumasok sa school niyo bukas. Ako na ang magsasabi sa prof niyo. Pupunta pa tayo sa doctor para sa check-up mo, and Froyee. Puwede kang mag-stay hanggang bukas or kung kailan mo gusto.”

“No. Maghahanap pa rin ako ng lilipatan ko. Kapag may trabaho na ako. Oo nga pala, may concern pa ako. Wala akong maipakitang ID o kahit na ano. Nasa wallet ko kasi ang ID ko. Hindi pa rin ako tagarito. Baka kapag nahuli ako ng mga pulis ay ma-deport ako sa Japan. Ayoko ng bumalik doon. Buwis buhay akong iniligtas ng isang taong nagpahalaga sa akin.”

“Okay, ako na ang bahala roon. Isulat mo na lang ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa ’yo.” Tinanguan ko na lamang siya.

Magkatabi kaming nakahiga sa kama ni Adesys. Kahit komportable na ang higaan ko ay nahirapan pa rin akong matulog. Nag-aalala ako para kay Haruki. Sana walang masamang nangyari sa kanya.

“Ate, hindi ka po makatulog?” tanong sa akin ni Adesys at napatingin ako sa kanya.

“Bakit ikaw?” balik kong tanong.

“Hindi rin po kasi ako makatulog, Ate. Naalala ko po ang nangyari sa atin kanina,” malungkot na sabi niya.

“Lumapit ka rito. Kakantahan kita,” sabi ko at dala-dala ang unan ay lumapit siya sa akin lalo.

Yumakap siya sa akin at hinagod ko ang likuran niya. Nagsimula akong mag-humming. Nakasara na ang talukap ng mga mata niya.

Hindi ako huminto hanggang sa hindi siya makatulog agad. Naramdaman ko naman ang pantay niyang paghinga. Napangiti ako. Doon lang ako dinalaw nang antok. Napahikab pa ako. Inayos ko na muna ang kumot namin saka ako nagpasyang matulog na rin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top