CHAPTER 37

Chapter 37: Abducted

KATULAD nang sinabi ko ay nagising ako na masakit na ang buong katawan ko at higit na ang pagkababae ko. Nang salatin ko iyon ay mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Mahapdi at namamaga nga siya.

Wala na siya sa kama at ako na lang ang naiwan na balot na balot ng kumot. Suot ko ang puting longsleeve niya pero wala naman akong undies. Nang sipatin ko ang digital clock niya sa bedside table ay 10:09 na ng umaga.

Napailing ako at hinagod ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok. Dahan-dahan na akong bumangon at hindi ko na inalintana pa ang pananakit ng buong katawan ko. Kahit ang hita ko ay masakit din.

Inabot ko ang ballpen sa bedside table at inikot ko ito sa buhok ko. May nalaglag pa rin na hibla ng buhok ko pero ayos na rin iyon.

Lumabas ako at tinungo ang veranda niya. Nakabukas na ang bintana kaya may hangin na rin ang papasok. Naninibago pa ako sa glass wall na ito.

Tirik na tirik na nga ang araw at sobrang init. Napahawak ako sa railing at tumingin sa matatayog na gusali. Kahit na mainit ang panahon ay malamig pa rin ang hangin. Dahil sigurong mataas nga ang floor na kinakatayuan ko. Kitang-kita naman ang Manila mula rito.

Napahinga ako nang malalim at babalik na sana sa loob nang may matitipunong mga braso ang bumalot sa maliit kong katawan. Ibabaling ko na sana ang tingin ko sa kanya nang hinalikan niya ang labi ko, ang pisngi at ang balikat ko.

Tumaas pa ang balahibo ko nang hinaplos niya ang impis kong tiyan. He rested his chin on my right shoulder. Sa tangkad niya ay yumuko pa talaga siya para sa ’kin.

“Ano ang mayroon sa atin, Froyee?” tanong niya. Hinayaan ko siyang yakapin ako.

“We fvck each other,” mabilis na sagot ko at humigpit lang ang yakap niya sa akin.

“Won’t you treat me as your boyfriend, Froyee?” may lambing sa boses na tanong niya.

“Why? May tayo ba? Did you court me and I answered you to be us? So, you can be my boyfriend? As far as I remember, you first got your díck inside me,” I hissed.

“You really don’t have a heart, baby.” I rolled my eyes. “Kailangan ko bang dalhin ka ulit sa kama at ipaalala sa ’yo kung sino ang nagmamay-ari sa ’yo?” mariin na tanong niya at napadaing ako nang sakupin niya ang dibdib ko. Tinampal ko iyon.

“Gutom na ako. Wala na rin akong lakas na makipagtalo pa sa ’yo, Milkaine,” walang emosyon na sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Kumalas na rin siya at binuhat na lang ako bigla.

Puting t-shirt ang suot niya at naka-pajama pa siya pababa. Hindi na ako nagprotesta pa at dinala na niya ako sa dining room niya. Maingat niya akong pinaupo sa highchair at kahit ang umupo talaga ay masakit na masakit.

May nakahain na rin pala. Marami iyon at napairap ako. Ganito siya kapag may nangyayari sa amin. Pinapakain niya ako nang marami. Inasikaso pa niya ang pagkain ko at may pahalik pa siya sa pisngi ko kaya sinusungitan ko siya. Sumisipol lang ang gágo.

“I tell my mom that we’re in a relationship.” Natigil ako sa pagnguya ng kanin dahil sa sinabi niya. Nilunok ko muna ito at uminom ng tubig.

“Ano’ng sabi mo?” nakataas ang kilay na tanong ko.

“I tell my mom what happened between us,” he answered.

“Don’t you dare,” I warned him and ngumisi lang siya.

“Sorry, baby. Nasabi ko na rin kay Dad.” Sinuntok ko ang braso niya at napadaing siya dahil nasaktan nga siya. “A-Ang sakit naman! Parang bato talaga ’yang kamao mo!” kunot-noong saad nito at hinimas-himas pa niya ang braso niya.

“Bawiin mo ang sinabi mo, Rousville,” sambit ko at kumain lang ako, kasi nga gutom ako.

“Ayaw ko nga,” parang batang saad niya. I clinched my teeth. “Ayaw mo ba talaga sa ’kin, Froyee?” mayamaya ay tanong niya. Wala na ang pagkapilyo roon at seryoso ang tanong niya.

Nang hindi ko siya sinagot niya ay hinila niya ang upuan ko palapit sa kanya. Napakapit ako sa braso niya.

“Kumakain ako,” walang buhay na sambit ko. Hindi niya ako kinibo at basta na lamang niya akong niyakap. Nakapatong ang mukha niya sa balikat ko at parang mabigat agad ang loob niya.

I took a deep breath at niyakap na lamang siya pero ipinagpatuloy ko pa rin ang kinakain ko. Nasa baywang ko na ang kaliwang braso niya at nararamdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking balat.

Siya ’yong baby na damulag na kulang sa lambing—iyon nga ang inaasal niya ngayon.

“Tinatanggihan kita hindi dahil...ayoko sa ’yo,” sambit ko. Dumampi lang ang tungki ng ilong niya sa leeg ko.

“Ang ginagawa natin ay isa na iyon sa pagkakamali,” dumaing siya sa sinabi ko na parang hindi siya sang-ayon. Umayos na siya nang upo at naninimbang na tinitigan niya ako. “Tanging pagsayaw lang naman ang dapat kong gawin. Nakikita mo naman kung ano talaga ako, Milkaine. Isa akong maruming babae. Oo, inaamin ko na ikaw ang unang lalaki na umangkin sa ’kin pero... Marami pa rin ang dumaan sa buhay ko. Ilang beses na nila akong n-nahawakan... Pasalamat na lang ako na may iniingatan pa akong isang bagay na importante sa akin at iyon ang naibigay ko sa ’yo. Mabuting tao ka at may iniingatan na reputasyon. Huwag mong hayaan na masira iyon ng dahil lang sa ’kin. Malaki ang agwat natin sa buhay at hindi kita kayang abutin, Milkaine. You deserve better, more than me... Wala akong maipagmamalaki sa ’yo... Wala akong pamilya at ang tingin nila sa katulad ko ay isang... babaeng bayaran.” Umigting ang panga niya sa sinabi ko at nandilim ang bukas ng mukha niya.

“Tsk.”

“To be honest, nagmula ako Japan. Tumakas lang ako sa poder ng mag-asawang Hapon at isa lang akong ampon. Doon pa lang ay nagsimula na ang marumi kong trabaho. Minsan na akong...tumakas pero nahuli pa rin ako. Ilang beses akong... binugbog, kulang na lang ay patayin ako para lang huwag akong makatakas sa impyernong buhay ko. Kesyo wala akong karapatan para umalis doon dahil sila mismo ang nagbigay ng pagkain at damit. Sinuwerte lang ako dahil mabait ang anak nila at nagawa niya akong tulungan upang makatakas. Sumakay ako ng barko na illegal ang pamamalakad. Nahuli ako kasama ang mga pasahero at dinala sa headquarters ng CG. Itong mukha na ito mismo ang nagpahamak sa ’kin. Muntik na naman akong... pagsamantalahan pero masuwerte pa rin ako dahil nagawa ko silang takasan. Iyon nga lang, naiwan ang backpack ko na naglalaman ng mga mahahalagang papeles ko. Kapag hindi iyon nakuha ng kapatid mong si Gladysse. May posibilidad na ma-d-deport ako pabalik sa Japan at hindi na ako makatunton pa rito sa bansang ito, Milkaine,” mahabang sambit ko at may tumulo pang mga luha sa aking pisngi.

May pangamba ako, kakaibang takot kapag nangyari na ang mga bagay na iyon. Natatakot ako na baka kunin ulit ako ng mga taong umampon sa ’kin. Natatakot ako na baka higit pa roon ang mangyayari sa buhay ko.

“Froyee...”

“Dapat maaga pa lang ay iwasan mo na ako,” sambit ko.

“I didn’t care about your life before. I don’t care where you came from. I don’t care about your former job. I don’t care about a reputation I can ruin. You know where I care, Froyee? Just for you. I only care about you. I accept you, I accept you as you are. I loved you because that’s you. I loved you, it’s not just your body that I’m chasing. I loved you because you are the reason why my heartbeat so fast. Ano ngayon kung marami ng lalaki ang dumaan sa buhay mo? Why... did they manage to claim you? Did you give them your virginity? Froyee, what happens in the present and in the future is more important to me. I don’t care about your past. I accepted all of that,” seryoso at sincere na sabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung suwerte pa rin ba itong matatawag dahil tanggap niya ang nakaraan ko, tanggap niya kung ano ako at wala na siyang pakialam pa kundi ako lang.

“Milkaine...”

“Hayaan mo na akong mahalin ka, Froyee... Wala akong ibang gusto na makuha mula sa ’yo, ang puso mo lang, baby... Ang puso mo lang.” Nang makita niya ang pagkuha ko ay kinabig niya ang batok ko. Niyakap niya ako at umiyak na ako sa dibdib niya.

Ngayon ko lang nailabas ang hinanakit ko, ang sakit na kinikimkim ko. Paanong may isang katulad pa rin niya ang tatanggap sa akin? Ito na ba ang magandang buhay na ibinigay Niya sa imperyong buhay ko noon?

One week kaming nasa penthouse niya at parang bagong kasal kami na nasa honeymoon stage pa.

“We’re going home. Kinukulit na rin ako ni Mommy. Miss ka na raw niya.” sabi niya at inayos ang collar ng dress ko. I was wearing my pink blouse and a pair of skirt.

Yes, we’re officially in a relationship. Pinayagan ko na siya dahil iyon din ang gusto ko. I want to give him a chance and also for myself.. Gusto mong maging masaya na nang tuluyan.

Magkahawak kamay kaming lumabas sa penthouse niya at private elevator ang gamit namin. Diretso na ito sa basement kung saan ang kotse niya and when we reached there ay napahinto siya.

“May problema ba?” I asked him.

“Naiwan ko ang phone ko. May hinihintay akong tawag mula kay Gladysse.”

“Kunin mo na. Maghihintay na lamang ako rito,” sabi ko.

“Are you sure?” Tumango lang ako. Binuksan niya ang pinto sa passenger’s seat. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap pa. Hinagod ko ang likod niya. “Sandali lamang ako, baby. I’ll be back. Sumakay ka na rin.” Tumango lang ako at nang tumalikod siya ay nakaramdam ako ng tila may kulang sa pagkatao ko.

Yeah, nagsisimula na rin akong makaramdam nito. Ayokong maging clingy pero gusto ko ay katabi ko lang siya palagi. Nang sasakay na rin sana ako nang maramdaman ko ang pagturok ng kung ano sa leeg ko.

Nanghina agad ang katawan ko at hindi ko magawang kumilos na parang naparalisado ako. Nandilim ang paningin ko at hindi ko kayang ibuka ang bibig ko. Wala akong lakas para labanan ang mga taong ito.

“Long time no see, Froyee Hannabi...Takazi...” Ang boses na iyon... Ang boses na iyon ay kilala ko...
May bumuhat sa aking katawan at nakapikit na lamang ako. Si Milkaine... God... Milkaine... May tumapik pa sa pisngi ko hanggang sa nilakasan niyon. “Froyee, Froyee... Akala mo ay hindi ka namin mahahanap? Ibabalik ka namin sa pinagmulan mo...ngunit bago iyon. Ipararanas ko muna sa ’yo ang hirap sa mga kamay ng lalaking kasama ko ngayon.” Binalot na ako nang kaba sa narinig kong sinabi niya. “Wala pa ring kupas ang ganda mo, Froyee. Kaya sa tingin mo ba ay hahayaan na lamang kitang makawala? Itong mukha na ’to ang mas nagpayaman sa amin.”

Si Milkaine... N-Nasaan na si Milkaine?

Gusto kong magsalita pero hindi ko magawang igalaw ang mga labi ko. Naramdaman ko na rin na isinakay ako sa kotse at walang pag-iingat iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top