CHAPTER 31

Chapter 31: Rejection

PAGDATING namin sa hotel ay sa basement huminto ang kotse ni Milkaine. Umibis na rin ako nang hindi ko na siya hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto. Sumimangot pa siya nang makita ang ginawa ko kaya inirapan ko siya.

Honestly speaking, wala akong idea kung bakit nga ba ako sumama sa kanya rito sa hotel niya. Puwede ko naman siyang tanggihan pero curious din ako sa hotel nila. I heard na may pinapatakbo rin na hotel ang mommy niya.

Lumapit sa gawi ko si Milkaine. Ang isang braso niya ay pumulupot sa baywang ko. Nasasanay na ako palagi sa ginagawa niya after our... I cleared my throat. Nagtungo kami sa elevator. Pinindot niya ang floor ng pupuntahan namin.

***

“Welcome to my penthouse, Froyee,” he said. Napatingin pa ako sa isang table kasi may lalaki roon. “Hi, Claude. This is Froyee.” Napatayo ang lalaki at yumuko.

“Nice meeting you, Ma’am.”

“Take a break first, Claude,” Milkaine told him. He just nodded. “That’s my office and Claude is my secretary.” Iginiya na niya ako sa isang pintuan.
Kung ganoon nasa iisang floor lang pala ang office and penthouse niya.

“Claude is his name? Parang name ng babae,” komento ko and he nodded.

“Dating penthouse ito ni Dad. Just like me na bihira lang siyang mag-stay rito. Dahil kay Ate Rish,” sambit niya at napatango naman ako.

Malaki siya at maganda nga. Tapos ang bango pa ng amoy. Puti ang sapin ng sofa at may sofa bed din. May TV set. There’s a sliding door and I stepped. Nakasunod agad si Milkaine at hinawi niya ang white curtain saka niya binuksan ang sliding door.

“Wow,” I uttered. Iyong balkonahe niya kasi ay may glass wall ang railing niya. Tapos may bermuda grass pa. There’s a round table and four chairs. May halaman din dito. This is so perfect.

“Tinted ang glass wall na ginamit diyan, Froyee. Kahit may katabi kang balkonahe ay wala silang makikita mula sa labas,” paliwanag niya. Parang iyong nasa mga resto lang.

“Maganda rito,” sabi ko at humawak ako sa railing. Nakikita rin mula rito ang matatayog na gusali. Napakaganda. Masarap sa pakiramdam. Binuksan niya ang magkabilang bintana kaya pumasok ang fresh air sa loob. This is so heaven...

“Puwede kang pumunta rito anytime you want, Froyee. Bibigyan kita ng spare key,” he said at pinagtaasan ko siya ng kilay. Pinagkrus ko ang mga braso ko. Ang kamay niya ay nakasuksok sa bulsa ng kanyang pantalon.

“And why would you do that? Why are you giving me your spare key?” supladang tanong ko. Mariin niya lang naitikom ang kanyang bibig.

“You’re aware about my feelings, don’t you?” He stepped towards me at tumigil lang siya sa harapan ko nang ilang hakbang.

“Stop your feelings, Milkaine. Hindi ko ’yan kayang suklian,” sabi ko pero may kung ano sa dibdib ko ang tila tumututol sa sinabi ko.

“You’re so heartless, Miss. Wala pa akong ginagawa ay ni-r-reject mo na agad ako,” may hinanakit na sabi niya.

Dahil kailangan naman talaga niyang ihinto ang pagkagusto niya sa akin. That’s because of our contract. Malapit namang matapos iyon and after that, saka ko hihilingin kay Asiz na mag-q-quit na ako as a stripper.

Baka kasi malaman niya na ako ang private stripper niya. Magagalit siya dahil parang niloloko ko na rin siya saka... Kapag binigyan ko siya ng chance na ligawan niya ako ay lalabas pa rin naman na mag-c-cheat siya kasi may ka-sèx siya sa tuwing sumasapit ang gabi. Kahit ako pa ang babaeng iyon.

Kaya iyon ang pinakaayaw ko. May posibilidad na hindi siya magiging loyal sa akin.

“Froyee.” I sat down on the chair.

“I don’t like you. Humanap ka na lang ng ibang babae na kaya mong ipagmalaki sa pamilya mo o sa kahit sino. Dahil kung ako ang pipiliin mo ay mapapahiya ka lang, Milkaine,” malamig na sabi ko at bumuntong-hininga siya.

Umupo na rin siya sa tabi ko. He rested his elbow against the table and stared at me.

“What am I gonna do para magustuhan mo ako?” I frowned.

“Wala,” maiksing sagot ko at napahilamos siya sa mga palad niya.

“Froyee...” Nag-iwas ako nang tingin dahil sa pamumungay ng mga mata niya habang tinitingnan ako. Lumalambot kasi ang puso ko when it comes to him.

“Hindi pa kita kilala, Milkaine. Tapos mamaya niyan ay may ibang babae ka palang itinatago,” matabang na saad ko at bayolenteng napalunok siya.

See? Ako na bilang si Yeebi ang babae niya pero sa gabi lang. Hindi siya magiging loyal na ako bilang Froyee.

“Wait here. Kukuha lang ako ng snack,” paalam niya. Iniiwasan niya nga ang topic na iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Kung gusto niya ako ay kailangan siya mismo ang tatapos sa contract namin. Paano ko siya pagkakatiwalaan no’n? Paano na lang kung hindi pala ako ang private stripper niya at ibang babae ako?

Bumalik siya na may dala ng drinks. Inaya niya akong kumain pero hindi na siya umimik pa. Na parang nagtatampo na agad siya pero napapansin ko pa rin naman ang palihim niyang pagsulyap sa akin. Kapag nahuhuli ko siya ay mabilis niyang inililihis ang paningin niya.
Hindi naman siya mukhang galit.

Nang umuwi kami ay natiis niya nga ang hindi ako kibuin. Bumaba siya at pinagbuksan ako. Basta na lamang din siya umalis nang walang paalam.

Napakamot ako sa kilay ko. Galit ba talaga siya?

Sa halip na pansinin ko pa si Milkaine ay hinayaan ko na lamang siya. Bahala siya. Naabutan ko naman si Ma’am Blaise na kasama ang apo niyang si Rishikesh. May pinapanood silang movie at maririnig pa ang pagdadaldal ng bata.

“Hello po, Tita, Rishi. Good evening,” I greeted her. Matamis na ngiti agad ang iginawad niya sa akin. Nag-wave lang ng kamay niya si Rishi.

“Hi, sweetie. Nasaan na si Milkaine?” she asked.

“Hindi ko po alam,” sagot ko. That’s true. Hindi ko alam kung saan pupunta ang isang iyon.

“Hindi ba magkasama kayo?” nagtatakang tanong niya. Tumango ako.

“Pagkahatid niya po sa akin ay umalis na lang siya nang walang paalam,” sabi ko pa at kinuha niya ang phone niya sa center table. Tatawagan niya yata ang anak niya. “Sige po, Tita. Papanhik na po ako sa kuwarto ko dahil aalis na po ako para sa trabaho ko mamaya,” paalam ko.

“Kumain ka muna bago ka papasok, Froyee. Magpapahanda ako.” I shook my head.

“Doon na lang po ako kakain, Tita,” tanggi ko. Dahil bago nga kami gumagawa ng milagro ni Milkaine ay kumakain pa kami. Tinitiyak din kasi ng isang iyon na may lakas ako.

***

NAKAPAPANIBAGO dahil pagdating ko sa VIP room ay wala akong nadatnan na Milkaine. Napanguso ako. Baka hindi na rin iyon darating pa. Grabe naman pala kung magtampo ang isang iyon.

Umupo na lamang ako at nakita kong may wine na ring nakahanda sa round table. Nagsalin ako sa wine glass at uminom. May strawberry rin kaya iyon muna ang kinain ko.

Nangahalati na rin ang wine at hindi pa siya dumarating. Isang oras ang sinayang niya.

I stood up. Kung hindi na siya darating ay mas mabuting umalis na lang ako. Pero bumukas na ang pinto at pumasok na nga ang lalaking kanina ko pa hinihintay.

“What took you so long, Mr. Rousville?” malamig na tanong ko sa kanya. Mabagal pa ang paghakbang niya at nang makalapit sa akin ay hinapit ako sa baywang. Sumiksik siya sa leeg ko at nang hinawakan ko siya sa matigas niyang braso para sana ilayo siya nang kaunti ngunit ayaw niyang magpatinag. “Milkaine...”

Sinilip ko ang mukha niya at doon ko lang din nalaman na amoy alak siya. Uminom pa yata sa baba bago siya umakyat dito. Hinila ko na siya pahiga sa kama.

Mataas naman ang alcohol tolerance niya pero bakit wala na naman siyang imik? Masyado na yata siyang naaapektuhan sa rejection niya na natanggap mula sa akin.

“Froyee...”

“Shít.” Huwag niyang sabihin na nalasing talaga siya kaya niya ako tinatawag sa totoo kong pangalan?

“Make love to me, please...” Nang hawakan niya ang kamay ko ay tinabig ko iyon.

“I’m not Froyee,” mariin na sambit ko. Napadilat siya. Bukas na nga ang tatlong butones ng white longsleeve niya. Magulo na rin ang buhok niya.

Tinitigan pa niya ang mukha ko at bumangon siya para yata pagmasdan ako. “Yeebi.” Ako naman ang hinila niya at napahiga na ako sa kama. Mabilis niya rin akong dinaganan at inamoy-amoy ang leeg ko. Hinawakan pa niya ang kaliwang kamay ko at ipinihid iyon sa gilid ng ulo ko. Pinagsiklop niya ang mga ito.

“What’s wrong with you, Mr. Rousville?” naiinis na tanong ko. Parang wala kasi siya sa sarili niya.

“Tell me... Bakit hindi ka pa nabubuntis?” Nabigla ako sa tanong niya. A-Ano naman ang pinagsasabi niyang hindi pa ako nabubuntis?

Hinawi niya ang strap ng bra ko at pinaulanan na naman niya ako ng mga halik.

“W-What do you mean by that, Mr. Rousville?” I asked him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top