CHAPTER 3
Chapter 3: Savior
TRIGGER WARNING
NAPADIGHAY pa ako nang maubos ko na ang lahat ng pagkain at napatingin pa sa akin ang mga customer pero hindi ko na sila pinansin pa. Lumapit na ako sa babae para bayaran ang mga kinain ko.
Limang daan agad ang nabawas na ikinabigla ko pa. Napatingin pa ako sa mesa para lang tingnan iyon at nakita kong tig-dalawang pinggan ang mga ulam ko. Mariin akong napapikit. Sa halip na magtipid ako ng pera ay muntik pang maubos ang pera ko.
Lumabas na rin ako pagkatapos kong magbayad. Walang emosyon lang na binabagtas ko ang daan. Nakasuksok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko.
Maghahanap na lamang ako ng puwede kong tulugan basta huwag sa lansangan. Delikado iyon. Baka pagpiyestahan pa ako ng mga pulubi o kaya naman mahuli ako ng pulis. Kung may paupahan—oh speaking of that. May nakita na ako. Isang gabi or gawin na sanang tatlong gabi.
“May bakante po ba, Manang? Kahit hindi magtagal sa inn niyo?”
“Limang daan sa isang gabi.” Napatingin ako sa natitira kong pera. Hindi ko puwedeng isakripisyo ito alang-alang sa tutulugan ko mamayang gabi.
“Sige po, alis na ako,” paalam ko at pinili ko na lang ang matulog sa lansangan. Psh.
Sinuwerte pa rin ako dahil may nakita ako na isang parke. Dali-dali akong pumunta roon at naghanap ako ng puwedeng matulugan ko.
May ilaw pa rin naman pero mas gusto ko sa dilim. Nang may makakita naman ako ay nagtungo ako roon pero nahinto ako kasi may narinig ako.
“No, please... H-Huwag niyong gawin sa akin ito...” umiiyak na saad ng isang batang babae at nagmamakaawa siyang pakawalan nito.
“Tumahimik ka, bata. Kung ayaw mong itarak ko sa ’yo ang kütsilyo sa lalamunan mo. Humiga ka na lang diyan at hayaan mo akong paligayahin ka. Alam kong magugustuhan mo pa rin ito.” Mahigpit kong naikuyom ang kamao ko.
“Aray... Ahh!”
“Takpan mo ang bibig niyan. Maingay masyado at bilisan mo. Marami pa kami rito ang gustong tikman ang batang iyan.”
Dahil sanay ako sa dilim ay nakita ko ang anino nila. Apat... Apat silang mga kalakihan at isang bata pa ang gusto nilang pagsamantalahan?
Huminga ako nang malalim at mas lumapit ako sa kinaroroonan ko. May nakapansin sa aking paglalakad.
“May tao.”
“Pero magsisimula pa lamang ako!”
“May tao nga!”
“Gusto ko ring makipaglaro sa inyo,” mariin at walang emosyon na saad ko. Sa tulong ng buwan ay nakita ko ang mga mukha nila. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad 40 na sila pataas.
“Aba, jackpot tayo, pare! May isang babae ang kusang lumapit sa atin!”
“Mukhang narinig nga tayo.” Nakalolokong tawa ang umalingawngaw sa paligid. Gusto ko tuloy ngumisi sa kanila pero nang makita ko ang hitsura ng bata ay pakiramdam ko kulay pula lang ang nakikita ko.
“Hello, miss. Paanong laro ba ang gusto mo? Tiyak na kaya naming ibigay iyon sa iyo,” nakangising sabi ng lalaki na malaki ang tiyan.
“Ibigay niyo muna sa akin ang bata saka ko sasabihin sa inyo kung ano’ng klaseng laro ang gusto ko,” sabi ko at nagkatinginan pa silang lahat. Alam kong hindi nila ako pagbibigyan. “Ano na?” Hinubad ko ang suot kong hoodie at naiwan na lang ang itim kong strap sando. “Alam ninyo ba ang threesome? Iyon ang gagawin natin.”
Muli, nagbulong-bulungan sila at nagkatinginan saka nila itinulak malapit sa akin ang batang babae. Nasa highschool pa yata ito.
Bago pa lang bumagsak ito ay maagap ko siyang sinalo. Nanginginig ang katawan niya sa takot at nagtagis ang bagang ko sa nakita. Napunit na ang suot nitong uniporme at magulo ang kanyang buhok dahil siguro nagawa siyang sabunutan. Namumula rin ang magkabilang pisngi nito.
“Okay ka lang?” tanong ko. Dahan-dahan siyang tumango na may kasama pang paghikbi.
Isinuot ko sa kanya ang hinubad kong hoodie saka ko siya dinala sa likuran ko.
“A-Ate...”
“Diyan ka lang sa likod ko,” sabi ko. Hinagod pa ng mga daliri ko ang mahaba kong buhok at napasipol pa silang apat. Ang isa ay dinilaan pa niya ang gilid ng labi niya. “Sino ang mauuna?” tanong ko at nagtulakan sila. Nagsimula nang lumapit sa akin ang dalawa.
“Dito tayo, miss.” Sinenyasan ko ang bata na lumayo at sinunod naman niya kahit may pag-aalangan sa kanya.
Huminto ako sa isang sulok at pinakiramdaman ko sila. Kunwari ay maghuhubad na ako ng sando ko at ang lalaking nasa likuran ko ang mas lumapit. Bago pa niya ako mahawakan ay inumpog ko ang likod ng ulo ko sa mukha niya. Alam kong tumama iyon sa ilong niya kaya napadaing siya sa sakit. Hindi pa ako nahusto, siniko ko siya ng sobrang lakas at binigyan ko nang atensyon ang isa na muntik pang umatras.
Tumalon ako sa ere at nang bumaliktad ang katawan ko ay tumama ang sapatos ko sa dibdib niya. Mabilis akong tumayo. Gumawa nang ingay ang pagbagsak niya. May mga lumang mesa kasi roon at kung ano-ano pang mga bagay.
“Ahh!”
“Ang bagal mo naman. Dapat bilisan mo... Ahh...” nang-aakit na sabi ko at malakas na tawa ang maririnig ko sa dalawang naghihintay. Akala ng mga ito ay may nangyayari na sa amin.
“Ang sakit ng ilong ko! Pünyeta!” sigaw ng isa iyong inumpog ko.
“Pasensiya na. Ang sarap kasi kaya kung saan-saan na bumaling ang ulo ko.”
“Pare! Bilisan ninyo na riyan! Hindi na kami makapaghintay pa!” Sinulyapan ko ang mga iyon. Panatag naman ako na malayo na ang puwesto ng bata.
Tumayo ang pangalawang lalaki na nasipa ko sa dibdib. May hawak na siyang isang kahoy.
“Mga púta! Isang tigre ang babaeng ito!”
“Talaga? Nakasasabik naman ’yan!” Tumaas ang sulok ng mga labi ko. Iba pa rin ang naintindihan nito.
“Hiyah!” malakas na sigaw nito na tinawanan ko at hinintay ko ang makalapit siya. Bago pa niya ihampas sa akin ang kahoy ay mabilis kong inikot ang katawan ko at iniwasan iyon kasabay nang pagsiko ko sa bandang leeg niya. Alam kong mawawalan na siya ng malay dahil natamaan ko ang vital organ niya. Hindi naman siya mamamatay agad.
Lumabas na rin ako roon kasi natulala na lang ang isa. Ngunit akala ko ay wala na ring pakialam pa ang mga naghihintay. Nakita kong nakatayo na rin sila at nakuha na naman nila ang bata. Hindi ito makasigaw kasi nakatakip ang malaking palad nito.
“Isa ngang tigre. Sige... Hayaan mong mamatay ang bata,” nakangising sabi nito. Hindi ako lumaban pero ikinabigla ko noong sinikmuraan ako ng isa. Dalawang beses iyon para lang sumuka ako ng dugo.
Hawak ko na ang impis kong tiyan. Sa sobrang sakit nito ay umikot agad ang paningin ko. Hanggang sa bumagsak na ako sa damuhan. Kahit noong tumatawa na sila ay wala na akong narinig pa. Nabibingi na yata ako at nahihilo.
Ang nagpabalik lang sa diwa ko ay ang malakas na pag-iyak ng batang babae at nakita kong kinubabawan na ng isa.
May tumakpan sa bibig ko at nanlaki ang mga mata ko dahil nasa ibabaw ko na pala ang lalaki. Napatingin ako sa hawak niyang kütsilyo na pinaglandas niya sa dibdib ko para lang punitin iyon.
Akma na niyang pupunitin iyon nang mabilis kong hinawakan ang pulso niya. Mahigpit ang hawak ko at inikot ko iyon. Namimilog ang mga mata niya nang dahan-dahan itong tumaas.
Ilang beses ko siyang siniko sa mukha niya at umabot na sa lalamunan niya ang kütsilyong hawak niya. Sinipa ko ang alaga niya. Impit na ungol niya ang kumawala saka buong puwersa ko siyang tinulak.
Binuhat ko ang isang lumang upuan at pinalo ko iyon sa likuran ng matandang nakadagan sa bata. Hindi ko ginagamit ang mga kamay ko at panay sipa lang ako. Ilang beses akong umikot at paulit-ulit na tumama ang sapatos ko sa mukha niya. Sumusuka na nga siya ng dugo. Naibuhos ko ang galit ko sa kanya.
Hingal na hingal ako. Pinunasan ko pa ang pawis ko sa noo. Nilapitan ko na ang bata. Hindi naman siya nagawang hubaran.
“Sana pala ay pinaalis na kita rito,” sabi ko at inalalayan ko siyang makatayo. “Pasensiya ka na. Ayos ka lang ba?”
“O-Opo. Nang dahil po sa akin...ay nasaktan kayo, Ate.” Inayos ko ang pagkakapusod ng buhok niya at pinunasan ko ang mga luha niya.
“Okay lang. Ang mahalaga ay ligtas ka. Wala lang sa akin ang sakit na iyon.” Dahil sanay naman akong masaktan.
“Salamat po, Ate.” Napalingon naman ako sa isang direksyon dahil sa narinig kong sirena ng police car.
“T-Tinawagan ko na po ang kuya ko at darating na siya, Ate.” Nilukob ako ng kaba. Baka magtanong pa sa akin ang mga ito at wala akong impormasyon na masasabi sa kanila tungkol sa pagkatao ko. Aalis na sana ako nang pinigilan ako nito. “Hintayin po natin ang kuya ko, Ate.” Ayokong iwan ang bata dahil natatakot siya.
Bahala na nga.
“Adesys?! Are you okay, baby girl?!” nag-aalalang tanong ng—kuya niya? Eh, mukhang...bakla nga ito, ah.
“Kuya Asiz!”
“Oh, my God, baby girl! I’m too worried about you! Saan ka ba kasi nagpunta ng ganitong oras?!” naiiyak na tanong nito. Hinuli naman ng mga pulis ang apat na lalaki.
“Kuya, m-mabuti na lang po ay dumating si ate. Siya po ang tumulong sa akin.” Itinuro pa ako nito at lumapit sa akin ang kapatid niya habang yakap-yakap pa rin siya nito.
Hahawakan niya yata ang mukha ko kaya tinampal ko ang kamay niya. “Aray, sis. Ang sakit naman!” reklamo niya.
“Hindi mo ako kailangang hawakan,” mariin na saad ko sa kanya.
“Wow, matapang ka. Anyway, sumama ka muna sa amin.” Malalim na ang gabi kaya sumama na lamang ako sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top