CHAPTER 2
Chapter 2: Fight & Escape
DOON nagsimula ang miserable kong buhay at nakatakas din ako sa lugar na iyon. Hindi pa ako nagtatagal dito sa Pilipinas ay isa na namang pagsubok ang dumating sa akin.
Nahuli ang barkong sinasakyan namin at ilegal nga talaga ang biyahe. Lahat ng pasahero ay hinuli nila kasama na ako. May mga babae naman akong nakikita.
Inayos ko ang suot kong leather jacket ni Hiruki at sa katunayan ay kinakabahan na ako sa magiging kapalaran ko rito. Kapag hiningian nila ako ng birth certificate at ID ay malalaman nila kung saang galing ako. Isa pa rin akong dayuhan sa paningin nila kahit nagmula pa ako sa bansang ito.
Dahil legal na kinupkop ako ng mag-asawang Hannabi. Froyee Hannabi Monteverde ang totoo at buong pangalan ko. Pero nakasanayan ko na rin ang Froyee Hannabi Takazi. Mag-asawang Takazi nga kasi ang umampon sa akin.
Isa-isa kaming dinala sa headquarter ng mga coast guard at nang makita ang ayos ko ay tinanggal niya ang sumbrero ng hood ng jacket ko.
Dumagundong ang kaba sa aking dibdib at hinawakan pa niya ang baba ko para lang iangat ang mukha ko. Malakas kong tinabig ang kamay niya. Ngumisi sa akin ang lalaking pulis at hinila niya ang pulso ko. Napatingin sa amin ang iilan na mga taong nandoon.
Pinaupo niya ako at mahigpit na niyakap ko ang backpack ni Haruki. Minsan ay pahamak talaga ang mukha ko, eh ’no?
Alam ko na kinaiinggitan ito ng mga kababaihan ang magandang mukha ko pero hindi nila alam na pahamak din ito masyado. Ayaw akong tantanan ng mga taong may pagnanasa sa magandang mukha.
Malamig ang tingin ko sa mga coast guard dahil tinapunan din nila ako nang tingin, malagkit na tingin pa. Lahat ba sila ay ganito? Tsk. Mabuti na lamang ay may pantalon ko sa backpack at sinadya yata na ilagay iyon ni Haruki. Kasi hindi naman ako puwedeng magdala ng kahit na ano’ng backpack.
Mahaba ang alon-alon kong buhok at natural na light brown ito. Hindi ko pinusod ang buhok ko para matakpan naman ang mukha ko pero nabigo pa rin ako na itago.
Nanginginig na ang magkabilang binti ko at piping nagdasal pa rin ako. Hindi ako mapakali at ramdam na ramdam ko pa rin ang maraming mga mata. Hanggang sa naisipan ko na lamang ang tumayo at lakas loob na akong lumapit sa isang matanda. Kitang-kita ko ang pagdila niya sa labi niya.
“Can I use your bathroom?” I asked him. Bahagya pang tumaas ang isang kilay niya at nang makita niya na malamig ang mga mata ko ay tumikhim siya.
Itinuro niya sa akin ang banyo at naglakad na ako patungo roon pero may humablot sa bag ko.
“Leave this thing on your chair,” malamig na sabi nito. Hinayaan ko na siya na makuha iyon. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Para hindi ako tumakas. Tss, sorry siya dahil nasa akin na ang wallet ko.
Todo iwas ako sa tuwing nakasasalubong ko ang mga ito at huminga na lang ako ng malalim. Pumasok ako sa isang cubicle pero wala pang limang minuto ay nakarinig na ako ng pagbukas ng pintuan at ang pag-click ng lock nito.
Pinakinggan ko nang mabuti ang mga yabag ng sapatos. Alam kong isang tao lang ang pumasok sa loob. Sa bawat pintuan ng cubicle ay binubuksan nito kaya naisip ko na lang na itaas ang mga paa ko sa magkabilang bahagi ng pader nito.
Hindi naman mahirap dahil magaan lang ang katawan ko at maliit lang ito. Palapit siya nang palapit sa akin hanggang sa bumukas na nga ito at ang matandang CG nga ang pumasok. I didn’t hesitate at malakas ko siyang sinipa kasabay nang pag-apak ko sa sahig. Bumagsak ang matanda at sapo-sapo nito ang dumudugo niyang ilong.
Tumaas ang sulok ng mga labi ko at iniwan ko siyang pagulong-gulong doon pero may isa pang lalaki ang pumasok. Nang makita ang kasama niya ay mabilis niyang hinugot ang baril niya. Ngunit bago pa niya iyon itutok sa akin ay umikot ako at tumalon sa ere saka ko sinipa ang baril niya. Nadamay pati ang kamay niya na narinig ko pa ang tunog ng buto niya.
Napadaing siya sa sakit but he still tried na hulihin ako. Mabilis akong nakaiwas nang umigkas ang isang kamao niya. Muli akong tumalon to kick him at ’saktong tumama ang likod niya sa sink. Malakas ang bawat pagsipa ko. Namilipit siya sa sakit at bumagsak sa sahig at iyon na ang chance ko na makatakas.
Sa dami ng mga tao sa loob at abala masyado ang iba ay nagawa kong makalayo roon. Isinuot ko na ang sumbrero ng hood ko. Tiningnan ko pa ang wallet ni Hiruki.
Napanguso ako nang makita ko na napalitan na agad ang pera ko rito. Naisip niya na baka mahihirapan lamang ako.
“God, saan niya kaya ito nakuha? Ang laki—” umawang ang labi ko nang may mabilis na kamay ang humablot ng wallet ko. Awtomatikong tumakbo ako para habulin iyon.
Sa bilis nang takbo ng lalaking nakasumbrerong itim ay halos hindi ko na siya maabutan pa. Sinusulyapan niya rin ako sa likod kaya bumibilis lang lalo ang pagtakbo niya.
Hindi ako aware na marami palang mga magnanakaw rito tapos malapit pa sa headquarters. Kung sabagay ay nasa daungan pa kami.
“Mierda!” malutong na mura ko. Sa market siya nagtungo kaya roon din ang takbo ko.
Hindi ko siya magawang habulin kasi ang daming tao tapos lahat ng mga paninda ng mga ito ay hinahagis niya o inaapakan niya. Ilang beses kong naitulak ang mga tao. Madulas ang sahig dahil sa tubig na binubuhos ng mga tindera.
Hingal na hingal na ako at tagaktak na rin ako ng pawis. Pero ayokong makawala sa akin ang magnanakaw na iyon. May kinalalagyan talaga siya kapag naabutan ko siya.
Patakbong tumawid siya sa kabilang kalsada at dahil na rin sa desperada akong mahuli siya ay hindi ko na nakita pa ang kotseng babangga sa akin. Ngunit bago pa man tumama ito sa akin ay hinanda ko ang sarili ko.
Eksakto nang makalapit ito sa akin ay napatalon ako. Gumulong-gulong ang katawan ko sa hood at bumagsak din ako sa sahig. Mariin akong napapikit nang tumama ang likod ko sa matigas na sahig. Parang mawawalan ako ng ulirat sa lakas nang pagbagsak ko. Ngunit wala naman akong nararamdaman na sakit sa mga binti ko.
Inayos ko ang sumbrero ng hoodie ko dahil bumaba ang may-ari ng kotse. Kahit nasaktan ako ay hindi pa rin ako nagpakita ng kahit na ano’ng emosyon sa mukha ko.
“Are you okay, Miss?” tanong nito sa akin. Malamig at malalim ang kanyang boses dahilan na kilabutan ako. Parang may something sa kanya.
Nagawa niya akong alalayan at nang makita ko ang mahahaba niyang daliri na kumunot ang noo ko. Tinabig ko ang kamay niya at tumayo na ako. “I’ll take you to the hospital, Miss.”
“No need,” mariin na sabi ko. Nang maalala ko naman ang magnanakaw na iyon ay nabuhay ang inis sa dibdib ko at hinarap ko ang lalaki.
Naglahad ako ng kamay sa kanya. Gabi na at hindi ko makita nang malinaw ang mukha pero ang alam ko lang ay matangkad siya.
“What?”
“Masakit ang balakang ko, bumagsak ang likuran ko sa sahig kaya bayaran mo ako,” malamig na saad ko.
“That’s why, I insisted to take you to the hospital, and I’m the one who pay your bills.”
“Pera, pera na lang ang ibigay mo sa akin sa halip na dalhin mo ako sa hospital. Parehas lang naman iyon, magbabayad ka pa rin.” Hinawakan niya ang kamay ko at nabigla ako nang suriin niya ako.
“You don’t have wounds, and you looks fine. Maybe... this is your trick to make us pay for you because the accident? You mastered it, do you? How did you do that?” Tumigas lang ang ekspresyon ng mukha ko. Pinagkamalan pa akong manloloko. Siya na itong nakabangga sa akin.
“Gusto mong makita ang likod ko?” naiiritang tanong ko.
“I’ll take you to the police station instead of hospital.” Bago pa niya ako mahawakan ay umigkas na sa ere ang kaliwang paa ko. Napaatras siya at napaigik sa sakit dahil sa pagsipa ko sa kanya.
“What...”
“Oo, mukha akong pera. Pero hindi ako manloko. Hindi ko gawain ang perahan ng mga tao para lang banggain ako? Baliw lang ang nakaisip sa bagay na iyon. Walang kuwenta,” sabi ko at lumapit ako sa kanya.
“What are you doing? Get off me, woman!” sigaw niya dahil kinapa-kapa ko ang bulsa ng pantalon niya. Ang tapang ng pabango niya at masakit iyon sa ilong. Napangisi ako dahil nakita ko ang wallet niya. “Shít!”
Binuksan ko iyon at hindi na ako nagulat pa mang makita ko na marami siyang cards at pati na rin pera niya. Isang libo lang ang kinuha ko at ibinalik ko iyon sa kanya.
“Isang libo lang ang halaga na kinuha ko kahit malaking damage ang nagawa mo sa akin. Mabait pa ako sa lagay na ito kasi hindi kita ninanakawan,” wika ko at saka ko siya iniwan doon.
Patakbong umalis ako at hindi ko na alam kung dahilan ba sa pagtakbo ko kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko o dahil sa lalaking iyon. Pinilig ko na lamang ang ulo ko.
Hindi ako pamilyar sa lugar na ito at wala akong ideya kung saan na ako pupunta pa. Lumalalim na ang gabi ay nakatatakot kapag natulog ako sa lansangan.
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko at binundol na ako ng kaba sa dibdib ko. Bumuntong-hininga ako at napatingin pa ako sa isang libong kinuha ko sa lalaki. Sana pala ay ginawa ko ng limang libo, ano? Marami naman siyang pera.
Nang makakita ako ng isang karinderya ay pumasok ako roon dahil kanina pa nag-aalburoto ang tiyan ko. Tapos ang bagal pa nang paglalakad ko. Masakit nga kasi ang likod ko. Alam kong mamaga ito.
Nanubig ang bagang ko nang makakita ako ng ulam. Na-miss ko ang kumain ng Filipino dish.
Nag-order na ako ng pagkain. Dalawang plato ng kanin, softdrink, adobong atay ng manok, gulay na kalabasa at may beef tapa pa. Iyon ang in-order ko at nilantakan ko ang lahat ng iyon. Sa lagay ko ay parang patay gutom ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top