CHAPTER 18

Chapter 18: Savior

“WALA nang kikilos pa,” malamig na saad ng lalaki at kahit nakatutok din ang baril ni Gladysse ay hindi na nga siya nakakilos pa. Lumabas na rin ako at si Ma’am Irish ay iyak nang iyak na siya kasi hawak na naman siya ng lalaki.

Takot na takot kasi siya sa pangyayari ngayon. Samantalang ako ay parang hindi na bago sa akin ang eksenang ito kahit armado ang mga lalaki.

Dalawa na lamang sila ang natitira, kasama na ang lalaking may hawak ng bag na naglalaman ng mga pera.

“Púnyeta, marunong pala kayong makipaglaban. Sige, lumapit kayo... Hindi na ako magdadalawang isip pa na iputok ang baril na ito sa ulo ng babaeng ito,” malamig na banta nito at napadura pa siya na may kasamang dugo.

Mukhang pati siya ay may tama na ng baril at halata na iyon sa pagmumukha niya. Namumutla na siya at hingal na hingal. Tiningnan ko si Gladysse na wala nang nagawa pa kundi ang bitawan ang kamay niya at bumuntong-hininga. Kung ipipilit pa rin niya ay may posibilidad na masasaktan na ang nakatatanda niyang kapatid.

Itinaas na rin niya ang dalawang kamay niya, senyales na sumusuko na rin siya. Hanggang dito na nga lang ba ang laban namin? Okay lang sana kung hindi nasa ganitong sitwasyon ang ate niya.

Isang malakas na kalabog ang nakakuha ng aming atensyon at bago pa man makalingon ang lalaki sa pinagmulan nito ay may bumaril na sa kanya nang hindi naman nadadamay si Ma’am Irish.

Kumunot pa ang noo ko nang makita ko ang tatlong lalaki na walang ingay na palang nakapasok sa loob ng resto at ang mas nakagugulat pa ay nagawa na rin pala nilang patumbahin ang lalaking nasa entrance para magbantay mula sa loob.

“Who gave you the right to hurt my wife?” the handsome guy asked, who can no longer paint his face. Wala rin siyang facial expression. But I know, he’s fvcking mad.

I can’t blame him. Sino ba naman ang hindi magagalit kapag nakita mong tinutukan ng isang masamang tao ang asawa mo? Isama mo pa na takot na takot ito?

“Honey!” Gladysse’s sister cried at nang makawala na rin siya she ran towards her husband. She hugged it but held her by the elbow just to slightly move her away and examined her entire body. Ngayon ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Visible na ang pag-alala niya.

“Did this assholè hurt you? Are you feeling pain, baby? Are you okay” nag-alalang tanong nito pero tanging pag-iyak niya lang ang naisagot dahil halata pa rin sa kanya ang takot.

“You okay, Rousville?” tanong naman ng pangalawang lalaki at lumapit na kay Gladysse. Hinawakan niya ito sa siko at nakarinig ako nang malulutong na mura. “Nasaktan ka,” mariin na sabi nito.

“Froyee?” Nang makita ako ni Milkaine ay nagmamadali na rin siyang lumapit sa gawi ko. Hahawakan niya sana ako nang umiwas na agad ako. Wala siyang karapatan na hawakan ako. Psh. “Kasama ka ng mga kapatid ko?” Nilingon pa niya ang mga kapatid niya bago niya inilipat sa akin ang kanyang tingin. Nagawa na niya akong hawakan sa siko ko at katulad nang ginawa ng mga lalaki ay nagawa niya rin akong suriin. “Are you alright?” he asked me.

Ganito ba siya kabait sa ibang tao kahit hindi naman niya relatives? Masyado siyang feeling close.

“Ayos lang ako. Ang mga kapatid mo ang tingnan mo,” ani ko at itinuro ko sila gamit ang nguso ko.

“They are fine.” Napaatras pa ako nang ikulong ng mga mainit at malaking palad niya ang mukha ko.

“Glad that you’re fine.” It seems like he felt relief. Seriously?

“H-Honey, sana...sana wala nang makaaalam sa nangyari.” Pareho kaming napalingon sa ate niya nang magsalita ito.

“What? No! May pang-h-hold up na ang nangyari sa resto mo!”

“Exactly! Masisira ang reputation ng resto ko if ever na dumugin ito ng mga media! I won’t let that happen, hon! Mawawalan na kami ng customer! And worst magsasara na ito!” umiiyak na sigaw ni Ma’am Irish na nagagawa na rin niyang magpadyak sa sahig.

“Okay, okay. Hush now, I find a way kung paano ito lutasin. Don’t cry,” pag-aalo ng asawa niya at hinila siya nito upang muling yakapin. Nakita ko pa ang paghalik nito sa ibabaw ng ulo niya. Hanggang dibdib lang pala siya nito.

“Rousevile, dadalhin na ba kita sa hospital?” Nilingon ko naman ang lalaking katabi ni Gladysse. Umupo na rin ito at hawak-hawak niya ang tagiliran niya.

“May tama ba ang kapatid mo?” tanong ko kay Milkaine at nagmamadali siyang lumapit sa kanyang kapatid. Kung hindi ko pa siya tinanong ay baka hindi pa niya lalapitan ito.

“Gladysse, may tama ka?” nag-aalalang tanong niya. Dumistansya ang lalaki para bigyan niya ng ways si Milkaine.

“Okay lang ako, Kuya. Bumagsak lang ako kanina nang sinubukan kong tumalon para lang makapagtago. Hindi naman ako natamaan ng baril,” mahabang usal nito at sumulyap pa siya sa gawi ko. “Just check your girlfriend.”

God, hindi naman ako girlfriend ng kuya niya. Ano ba ’yang pinagsasabi niya? Grr.

“Froyee? She’s not my girlfriend,” he corrected at salamat naman. Ayokong pagkamalan ng pamilya niya na girlfriend niya ako. Gayong nagtatrabaho ako sa family niya. Ayokong masira ang reputasyon ko, lalo na kay Madam Blaise. Though mabait naman ang ginang, even his father.

“Really?”

“Mukhang mahihirapan tayo. Narinig yata nila ang mga tunog ng baril mula sa labas at may mga media na rin. Pati mga pulis,” sabi ng lalaki na kakilala ni Gladysse.

“I can talk to the officer. Ikaw na lang ang bahala sa mga media, Froland.”

“Okay, Kuya.”

“Where is your staffs, baby?”

“N-Nasa storage room silang lahat. M-May isa pa akong crew na nabugbog, hon,” Ma’am Irish said.

Nag-stay na muna kami sa resto at hindi na muna rin pinalabas ang staffs hanggang hindi naaayos ang gulo. Ang dalawang lalaki lang na tila pamilyar sa akin ang lumabas para makipag-usap.

Naiwan naman kaming apat at kanina pa nakatitig sa akin si Milkaine. Na parang nagtataka pa rin siya kung ano ang ginagawa ko rito at kakilala ko pa ang dalawang kapatid ko.

“It’s true that hindi mo girlfriend si Froyee, Irick?” tanong ng ate niya at ibinaling niya ang tingin niya rito. Umiling siya.

“Well, we just met. We just know each other but were not friends,” he said and I nodded.

“Oh, okay. Alam mo rin ba na babysitter siya ng pamangkin mo, Irick?”

“Si Rishi?”

“Yup.”

“Ha? I didn’t know that, Ate.” His eyes widened at nag-iwas na ako nang tingin. “It’s that true, Miss?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top