CHAPTER 17

Chapter 17:

“IKAW na lang ang sumama sa amin, Miss,” tunog ng nakangising sambit ng lalaking nasa unahan namin. Siya marahil ang leader ng mga masasamang nilalang na ito.

Kahit nagtatapang-tapangan si Ma’am Irish ay halata pa rin sa kanya ang takot. Halos manginig na nga rin siya.

“Why naman ako sasama sa ’yo? I told you na handa kaming magbigay ng money! Name your price!”

“Maaari naming pag-usapan ’yan kung sasama na kayong tatlo. Nagbago na ang isip ko. Kayong tatlo mismo ang isasama namin.” Pinagkiskis ko ang magkabilang palad ko sa suot kong pantalon dahil nangangati na itong manuntok sa kanya. Tsk.

“Don’t you dare touch my sister!” sigaw ni Gladysse at kikilos na sana siya nang may isang lalaki ang tumutok ng baril sa sentido ng nakatatandang kapatid niya.

Doon na mas naging visible ang takot nito at parang napako na lamang kami mula sa kinakatayuan namin.

“Sumama na lamang kayo nang maayos at tahimik kung ayaw niyo na may magsasakripisyo pa para sa inyo.”

Nang hindi kami kumilos ay isang staff nila ang binugbog ng kasamahan niya kaya dinig na rinig ang daing at hinagpis nito.

“Tama na! Ako lang ang sasama,” buong tapang na saad ni Gladysse.

“Gladysse...” sambit ni Ma’am Irish sa pangalan niya.

“Hindi puwede. Kayong tatlo mismo.”

Humakbang ako sa unahan at kusa akong sasama para siguraduhin na walang masasaktan na inosenteng tao.

“Masunurin pala ang kasama ninyo,” sabi na naman nito at nang akma niyang hahawakan ang mukha ko ay mabilis akong dumistansya.

“Paano kami makasisigurado na walang masasaktan na inosenteng tao rito?” malamig na tanong ko dahilan na napaatras pa ito.

“Sabay-sabay tayong lalabas.”

“Hindi. Sila ang mauunang lalabas,” may diin na saad ko.

“Hindi maaari. Baka magtawag pa sila ng pulis.”

Napangisi ako. “Wala silang hawak na kahit na ano,” giit ko.

“Hindi kami makakapayag. Ano ang nasa pintuan na iyon?” tanong ng isa niyang kasama.

Napalingon ako sa itinuro nito gamit ang kanyang baril. “S-Storage room,” nauutal na sagot pa ni Ma’am Irish.

Inutusan nila na makapasok ang staffs sa loob ng storage room at binantaan pa nila ang mga ito na hindi sila maaaring magtawag ng pulis. Dahil lang doon ay nakahinga ako nang maluwag kahit na nasa bingit pa rin kami ng kamatayan.

Sa isang kumpas ng kanyang palad ay hudyat na iyon upang maglakad na kami ngunit nabigla kami nang may sunod-sunod na sasakyan ang pumarada sa labas ng restaurant at may isang lalaki ang nagmamadaling nagtungo sa entrance.

“Fvck you, Monterverde,” narinig kong bulong ni Gladysse. Kilala niya ang dumating.

Ilang beses na kinatok ng lalaki ang pintuan at pilit na sumilip siya mula sa labas.

“Sino ang nagtawag sa isang hangal na ’yan?” Nanliit ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaki.

God, ano’ng ginagawa rito ni Milkaine—I almost forgot na kapatid niya ang kasama kong nasa peligro ngayon ang buhay.

“Paano na ’yan? May tao sa labas.”

“Hindi tayo puwedeng pumatay ng tao sa labas dahil—”

“Eh, paano tayo makalalabas dito nang buhay kung may mga tao?”

“Tanungin mo ang may-ari kung may ibang daan ba tayo ang puwedeng labasan.”

Idiniin ng lalaki ang nguso ng baril niya sa sentido ni Ma’am Irish.

“H-How did you know that... I am the owner of this restaurant?” natatakot na tanong niya at nangangatal na rin ang mga kamay niya.

“Hindi kami basta-bastang pumapasok sa gulo ng walang nalalaman tungkol dito,” malamig na sagot nito. Kinulbit ko ang babaeng nasa tabi ko at walang emosyon na tinitigan niya ako.

“Gladysse, kung hindi titigil ang mga lalaki sa labas ay mas delikado lamang. Maari silang tamaan ng bala sa oras na makapasok sila,” mahinang saad ko.

“Kung ganoon. Kailangan nating gumawa nang ingay para maging alerto sila,” saad niya.

“Hindi pa ba sapat na dahilan na hindi nila mabubuksan ang pintuan para maging alerto sila?” sarkastikong saad ko na tinanguan niya.

“Mga hangal.”

“Lima sila. Ang dalawa ay nakabantay sa pintuan. Ang dalawa ay ngayon nasa harapan natin at nakatutok ang mga baril nila sa inyo pero nasa labas ang kanilang atensyon. Ang isa...handa lamang siya umalis dahil dala niya ang mga pera.”

“Wait a minute... Iniisip mo ba na lalabanan natin sila?” Tumango ako. “That’s impossible. You know how to fight?” I nodded again. “But my ate, she can’t fight. She’s too fragile.” She sighed.

“All you have to do is to keep your sister’s safe. I’ll handle the two guys and find something that you can hide para hindi kayo masaktan.” Napalingon ako sa likuran ko. “Sa counter. You can hide your sister there tapos ikaw, may baril ka naman.”

“Okay. But I need to do something para makawala si Ate sa kanya. While this fvcking idiot...”

“Kanina pa kayo nag-uusap na dalawa. Mas mabuti pa na ikaw na lamang ang—” Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay mabilis na niyang sinikmuraan ito. Napadaing ito sa sakit at inipit niya ang braso dahilan na mabitawan ang baril.

Hindi na rin ako nag-aksaya pa nang oras. Tumalon ako sa ere at sinipa ko ang braso niya. Nakatagilid sila mula sa posisyon ko kaya ang kamay niya ang sinadya kong sipain. Napalakas iyon kaya narinig ko ang tunog ng buto niya na nabali.

Nang sulyapan ko ang sitwasyon ni Gladysse ay nakikipagpalitan na siya nang suntok at sipa sa lalaki. Mabilis ko namang hinila sa pulso si Ma’am Irish at sinuksok ko siya sa counter.

“Gladysse!” sigaw ko dahil nakuha na namin ang atensyon ng tatlong natitirang mga lalaki. Nanatiling nakabantay ang isa at ang dalawa naman ay nagsimula na silang nagpaulan ng bala sa direksyon ni Gladysse. Hindi nila kami nakita.

“Gladysse!” sigaw ng ate niya na nasa boses ang takot at kaba para sa kanya. Tinaob niya ang mesa at doon siya nagtago para hindi siya matamaan ng bala. “H-Honey! T-Tumawag kayo ng pulis!” Tatakpan ko na sana ang bibig niya pero huli na para gawin iyon dahil may humablot na sa buhok niya.

Hindi ko naman magawang tumayo dahil nagpatuloy ang barilan pero nahinto rin naman iyon.

“Púnyeta!”

“Let me go! Let me fvcking go, idiot!” Bago pa man ako makalabas mula sa pagtatago ko ay nakarinig na ako nang daing nito. Nang sumilip ako ay si Gladysse ang bumaril pero sa binti lang pala.

“Wala nang kikilos pa...”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top