CHAPTER 16

Chapter 16: Hold-up

BINIGYAN din naman ako ni Ma’am Blaise nang day-off para makapag-rest naman daw ako. Makulit man ang apo nila ay mabait at magalang naman ito.

“Here is your pamasahe, my dear.” Napatingin ako sa isang libong perang nakalahad ngayon sa akin. Napakamot ako sa pisngi ko. Hala naman. Bakit may pamasahe pa ako gayong may pera naman na ako?

“Ma’am, sapat na po ang perang ibinigay niyo sa akin,” sabi ko pero inilingan niya lamang ako at isinuksok iyon sa kamay ko.

“Ipahahatid nga sana kita but you don’t like the idea. Here, kunin mo na before pa ako magtampo sa ’yo, Froyee,” malambing na sabi niya. Nasanay na ako sa pagiging conyo niya, na isa iyon sa nagustuhan ng asawa niya. Alam kong masakit nga talaga sa ulo ang halong-halong lengguwahe na pananalita niya but now, alam ko na ang feelings.

Ang cute naman pala niya. Ganoon din kasi ang pananalita ng panganay nilang anak na si Ma’am Rish.

“Salamat po,” I said with a smile. Humalik pa siya sa pisngi ko bago niya ako hinatid sa pintuan ng mansion nila.

Pareho pa kaming napatingin sa pulang kotse ni Gladysse—iyon lang ang dapat kong itawag sa kanya. Ayaw niya raw sa masyadong pormal.

“Paalis ka pa lamang, sweetie?” she asked her daughter.

“Yes, Mom,” sagot nito nang maibaba ang salamin ng bintana. “She’s going somewhere? Isasabay ko na lamang po siya, Mommy.”

“Good idea, baby.” Binuksan pa ni Ma’am Blaise ang door ng car nito saka niya ako inalalayan na makasakay. Ikinabit ko na rin ang seatbelt sa aking katawan. “Take care, my dearest,” sabi nito at nagpaalam pa kami sa kanya. Nakangiting kumaway siya sa amin.

Ilang minutong namayapa ang katahimikan sa pagitan namin. Naiisip ko na hindi kami magkakasundo ni Gladysse. Dahil tahimik at cold din siya. Parang nakikita ko nga ang sarili ko sa kanya.

“Mommy likes you,” basag niya sa katahimikan naming dalawa. “Umaasa rin siya na sana ay totoo na boyfriend ka ni Kuya Milkaine,” she added.

“That’s impossible,” I uttered.

“You know what, Froyee?”

“What?” tanong ko at lumingon pa ako sa side niya.

“Mukhang anak mayaman ka,” diretsong saad niya. Mahinang humalakhak ako.

“Imposible rin iyan. Kung walang umampon sa akin ay bago ako mag-18 years old ay baka nasa orphanage pa rin ako until now,” wika ko pa.

“Right. Anyway, saan kita ibababa?”

“Sa mall sana. May bibilhin lamang ako roon.”

“It’s okay if dadaan muna tayo sa resto ni Ate Rish? May kukunin lang ako kasi ako sa kanya.”

“Walang problema,” ani ko.

Pagdating namin ay wala sana akong balak na bumaba pero natagalan si Gladysse kaya naisipan ko na lamang din ang lumabas.

Patungo na ako sa pintuan nang mapahinto ako at wala sa sariling napatingin sa paligid. Puro expensive car ang nakaparada sa parking space at napako ang tingin ko sa itim na van. Nag-iwas ako nang tingin doon dahil parang may tao sa loob.

Napatutop ako sa dibdib ko dahil sa nararamdaman kong kaba. I shook my head and took a deep breath before I entered the restaurant.

Hinanap ng dalawang mata ko si Gladysse at natagpuan ko siya sa counter na nakikipag-usap na siya sa nakatatandang kapatid niya. Nakaangkla ang ng kamay nito sa braso niya.

Kung pagmamasdan ang dalawang magkapatid na ito, hindi hamak na mas magaan ang aura ni Ma’am Rish at nandoon sa mukha niya ang pagiging soft at mabait, pero alam kong suplada rin naman ito sa mga taong hindi niya kilala. Hindi katulad ni Gladysse na walang emosyon ang bukas ng mukha niya at palaging seryoso. Tahimik din siya, si Ma’am Rish naman ay madaldal.

Maaga pa kaya naman abala pa ang mga staff nila sa pag-aayos ng mga mesa at upuan.

“Froyee!” Naglakad ako patungo sa kanila dahil napansin agad ako nito. “Hi, magkasama ba kayo ng little sister ko?” nakangiting tanong niya na tinanguan ko.

Salamin ang pader ng restaurant niya at nakikita ang nasa labas pero may mga shadow design pa ito, dahilan na mas gumanda ang nasa loob at maganda rin ang ambiance.

I looked at her little sister na nasa labas ang atensyon nito. Naging malikot ang mga mata niya at mas dumilim ang aura niya.

“Halos wala pa kayong customer, Ate. Pero kanino ang mga sasakyan sa labas?” Pati rin ba siya ay nararamdaman niya ang tila panganib?

“Ah, ’yan? Hindi ko rin alam. Bago pa lamang ako makarating dito ay nandiyan na sila. Ipadadampot ko nga sana ’yan sa hubby ko pero busy siya masyado at hindi man lang magawang sagutin ang tawag ko,” paliwanag nito na napairap lang sa huli.

“There is something wrong, Ate Rish.”

“Hay naku! It’s better to sit muna here at mag-coffee muna tayo.” Sabay pa niya kaming inalalayan na makaupo. Napahigikhik pa siya nang naging masunurin kami ng kapatid niya. She even clapped her hands.

Pinagdaop ko na lamang ang magkabilang palad ko sa table pero mabilis din kaming napatayo nang may marahas na bumukas sa pintuan at binunggo agad nang kakaibang takot ang aking dibdib nang makita ko ang limang lalaking puro itim ang kasuotan at may saklob din upang hindi makilala ang mukha niya.

Ang lahat ng staff ay napayuko at sumisiksik sa sahig dahil sa mga hawak nitong armas.

“What the fvck—” Mabilis na nahila ni Gladysse ang ate niya at dinala niya ito sa likuran niya. Kung sa physical na lakas ay mas malakas nga si Gladysse kaysa kay Irish.

“Sino kayo?” Napaatras kaming tatlo at ginawa niyang panangga ang dalawang braso niya na parang pinoprotektahan niya kami.

Nabundol ko siya nang bahagya at doon ko lang napansin na may baril din ang nakatago sa likuran niya.

Ang alam ko, ay nagtratrabaho siya sa hospital, sumusuri ng mga bangkay. Matalino si Gladysse at mataas ang pinag-aralan niya. She’s a doctor. Pero malaking katanungan sa akin na kung bakit may sarili siyang baril gayong ang layo ng profession niya rito?

Hinila ng dalawang lalaki ang mga mesa at ginawang pangharang iyon sa pintuan para walang makapasok at walang makalalabas. Sigawan at iyakan ang maririnig sa buong paligid pero kami lang yata ng kasama ko ang kalmado kahit ang mga hawak nito ay nakamamatay. Si Ma’am Irish ay nangingibabaw na sa takot at halos itago na rin niya ang sarili niya sa likuran ng nakababatang kapatid niya.

“Ano ang pakay niyo?” malamig na tanong ni Gladysse dahil walang sumagot sa unang tanong niya.

“Hold-up ’to!” Sunod-sunod ang pag-atras na ginawa namin dahil sa pagpapaulan nito ng bala sa mesa upang mabasag ang mga ito.

“Kung ganoon, kunin ninyo na ang lahat ng pera at umalis na kayo,” matapang na sabi pa niya.

“Ang dali palang kausap ng mga ito. Isa kayo sa may-ari, tama?” Humakbang palapit sa amin ang isang lalaki. Ang mga mata niya lamang ang nakikita at alam kong nakangisi siya.

May lumapit na rin sa counter at inilabas ang mga pera roon na agad nilang sinikop sa isang itim at malaking bag.

“Hanggang diyan ka na lamang. Ibinigay na namin sa inyo ang pakay niyo.”

God, akala ko ay sa isang bangko lang nangyayari ang hold-up-an na ito pero puwede rin pala sa isang restaurant? Saan nila nakukuha ang lakas nang loob nila na pasukin ito gayong ang dami ring tao sa labas?

“Hindi lang pera ang aming pakay. Pati rin tao,” nakalolokong saad nito at nag-iwas ako nang tingin dahil sa pagdapo nang tingin niya sa mukha ko. Nanginig ang kamay ko nang makita kong dahan-dahan na niyang hinihila ang baril niya pero nabitawan niya iyon nang nakatutok na rin ang mga baril nila sa mga inosenteng staff nila na nanginginig na rin sa takot.

“Sasama ang isa sa inyo. Hindi namin gagawin ang iba rito.”

“Pare, isama mo na rin ang babaeng nasa likuran.” Si Ma’am Irish ang tinutukoy niya na babae na ngayon ay umiiyak na.

“Diyan ka lang. Pera lang ang kaya naming ibigay sa inyo,” walang emosyon na saad ni Gladysse.

“Dalawang purpose kung bakit kami naririto. Malinis at tahimik kaming pumasok sa loob ng restaurant at sinigurado namin na ligtas din kami sa CCTV footage.”

Dalawang purpose, kung ganoon ay kidnapping? Ginagawa rin nila iyon maliban sa pagnanakaw nila ng pera.

“I still have money—”

“Stop it, Ate... Ako lang ang makikipag-usap sa kanila,” sabat ni Gladysse pero lumabas mula sa likod niya ang ate niya at kaming dalawa ang tila pinoprotektahan niya.

“We can give you some money without hurting my staff!” My lips parted in shock. Akala ko ay magtatago lang siya kasama ko at takot na takot pero buong tapang niyang isinigaw iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top