CHAPTER 14
Chapter 14: First kiss
ISANG bagay lang naman ang kailangan kong ilihim at magsinungaling tungkol doon. Ang trabaho ko sa isang clubhouse at ang pagiging private stripper ko na binili lang naman ng anak niyang lalaki ang isang buwan ko. Isang milyon para lang maisayaw ko ang kanyang panganay na anak ng solo nito ako. Kahibangan iyon ng anak nila.
Ewan ko na lang kung malalaman nila ang tungkol doon. Baka magalit pa sila na ako ang babaeng bayaran para lang maisayaw ang mga kalalakihan.
“Ah, you’re working in a call center and naka-base ka sa night shift?” I nodded for respond. I hope maintindihan niya ako. “That’s good to hear that, Froyee. Nasa daycare pa naman ang apo ko at half-day lang naman iyon and sa tingin ko ay kaya mo pa naman ang mag-work sa morning and sa gabi. Ano’ng oras ang off mo?” Parang isa siyang ina na nagtatanong tungkol sa kanyang anak at nag-alala pa siya dahil lalabas pa sa ilalim nang gabi.
“Bago po pumatak ang 11PM,” sagot ko at tila nakahinga siya nang maluwag. Lumalambot ang puso ko.
“Gusto mo bang ipahatid kita?” tanong niya sa marahan na boses. Ngayon lang kami nagkita pero bakit ang gaan na agad ang loob niya at ako rin?
Ganito pala ang feelings na may nag-w-worry sa ’yo. Ibang tao lang naman si Madam Blaise at kung umakto rin siya ay akala mo anak niya rin ako. Nakakatwang pakiramdam naman ito. Sa katauhan niya ay tila may isang ina ako na mahal na mahal ako.
Aigoo, it seems I want to cry too.
“Kahit sa labas lang po ng subdivision ninyo ay okay na po ako, Ma’am.” Tumingin ako sa orasan at late na ako kung tutuusin. Kaya naman pala hindi sumasagot ang lalaking iyon kasi baka nauna na siya sa clubhouse.
“Tita, just call me that para maging comfortable ka sa presensiya ko, Froyee.”
“Parang wala po akong karapatan na tawagin na ganoon, Ma’am. Ngayon niyo lang po ako nakilala at estranghera pa rin naman po ako sa inyo. Kayo na po ang nagmagandang loob na patuluyin ako sa mansion niyo. Ayoko pong mang-abuso sa kabaitan na ibinigay niyo para po sa akin,” ani ko at lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
Hinaplos pa niya ang pisngi ko. “Froyee, magaan ang loob ko sa ’yo at saka malaki rin naman ang loob namin sa ’yo. Alam mo ba na natuwa ako noong sinabi ng anak ko na girlfriend ka ni Milkaine? Kasi umaasa rin ako. Gusto kitang maging anak.” Nag-init ang sulok ng mga mata mo. Kung siya lang naman ang magiging ina ko ay walang problema. Agad akong sasang-ayon sa gusto niya pero...
“Misunderstanding lang po ang nangyari. Hindi ko po... boyfriend si Sir Milkaine. Nagkataon lang naman po na nasa alanganin akong sitwasyon at dumating pati si Sir Blaixe.” Her eyes widened in shocked. Napatutop pa siya sa kanyang bibig.
“Una mo na palang nakilala ang mga mga anak ko, hija. Tingnan mo nga naman ang tadhana, oh. At ang liit din ng mundo,” aniya. “Ay oo nga pala. Kailangan mo na palang umalis para sa work mo. Just take care, okay?” Tumango na lang ako bilang tugon.
Hanggang subdivision nga ako hinatid ng family driver nila at no choice na ako kundi ang sumakay lang ng taxi. Masyadong mahal ang pamasahe pero ayos na rin naman. Hindi pa rin naman ako pamilyar.
Sikat nga ito at hindi rin pala kalayuan mula rito. Nagbayad na ako ng pamasahe at inayos ko ang suot kong hoodie saka ako tahimik na pumasok sa loob ng bar.
“Sis! Yari tayo! Bakit na-late ka?!” hysterical na bungad sa akin ni Asiz. Nagkibit-balikat ako.
“Lumipat kasi ako ng apartment at nag-aayos pa ako ng mga gamit ko. Nakatulog din ako sa pagod. Hindi ko namalayan ang oras,” ani ko. Ni hindi pa nga ako kumakain pero hayaan na hindi pa naman ako gutom.
“Hala ka, sis! Kanina ka pa hinihintay ng Papa Rousville mo! Tawag nang tawag siya sa telephone at tinatanong kung nasaan ka na raw! Baka magalit siya, Yeebi.”
“Hindi ’yan,” sabi ko lang. Marunong bang magalit ang isang Milkaine Irico M. Rousville? Pangalan pa nga lang niya ay ang soft na.
Agad akong inayusan ni Cora at muli kong isinuot ang pulang maskara ko. I wore my red halter dress and strapless bra ang panloob ko. A black undies and stockings. Red stiletto rin ang suot ko na may five inches ang heels nito. Pinakulot ni Cora ang buhok ko.
As usual ay ihahatid pa rin ako ng manager hanggang sa pintuan. Baka raw kasi may humarang pa sa akin.
Kumatok lang si Asiz at siya ang nagbukas nito saka niya ako sinenyasan na pumasok na. Pangalawang gabi na namin ito. Siguro ay natural na ang heartbeat ko na ganito kabilis pero sa tuwing na naiisip ko ang lalaking nasa loob ng VIP room na ito ay kinakabahan ako. Nanlalamig ang palad ko. Tila nayayanig din ang buong sistema ko.
Nagpakawala ako nang malalim na hininga at saka ako pumasok. Madilim na naman at tanging ang red light lang naman ang makikita mo. Napaigtad pa ako sa gulat nang sumara ang pinto.
Hinanap ng mga mata ko si Milkaine at nagtungo ako sa round table. May nakasinding tatlong pulang kandila roon at mayroon na namang wine.
“You’re late,” malamig na saad niya at nagmumula siya sa likuran ko.
“Sorry,” tipid na saad ko lang at humarap ako sa kanya. Napaatras pa ako dahil sa lapit ng mukha niya.
“Why? Why are you late?” he asked, coldly.
“That’s a personal matters. My work is to dance with you, Mr. Rousville,” I uttered.
He was wearing his white longsleeve na naka-fold ang sleeves nito up to his arms, nakahubad na ang suit niya at malinaw ko pang nakikita ang buhok niya na mukhang sinuklay lang ng mga daliri niya.
“You wasted an hour, Yeebi. Parang lugi na ako niyan.” I bit my lower lip at dahan-dahan siyang humakbang palapit. Parang kakapusin na naman ako nang hininga sa paglapit niya.
Umatras pa ako para lang dumistansya sa kanya ngunit hinagip niya ang kanang siko ko sabay hila palapit sa kanyang katawan at hinawi niya ang hibla ng buhok ko. Inipit sa likod ng tainga ko. Nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang dumapo na ang mainit niyang palad sa baywang ko. May tela pa sa aking baywang pero ramdam na ramdam ko na ang init ng kamay niya.
“Do what you want to me...” I uttered. Nalulunod ako sa malalim na mga mata niyang nakatitig sa akin na parang nakikita niya rin ang aking kaluluwa. Nahihipnotismo ako at ayaw ko na ring putulin ang pakikipag-eye to eye
“Really? I’m allowed to do whatever I wants on you?” I nodded but—
“Except the sèx,” I uttered.
“Oh, it’s okay. I just want you to dance with me but...can I kiss your lips?” Mariin kong kinagat ang labi ko pero umawang lang iyon nang marahan niyang haplusin ang gilid nito, gamit lang ang hinlalaki niyang daliri. Parang napapaso ako.
“Do—” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil siniil na niya ako ng mariin na halik. Nagririgodon agad ang dibdib ko sa lakas nang kabog nito.
Ang lambot, ang init at matamis din ang labi niya. Parang nagayuma ako na ano kasi kusang pumulupot ang mga braso ko sa leeg niya.
Higit niya akong hinapit palapit sa kanyang katawan dahilan na naipit na rin ang dibdib ko. Pero wala na akong pakialam pa kahit nararamdaman ko ang bahagyang pagsakit nito.
Mapusok ang bawat paghalik niya at kahit wala akong karanasan ay nagagawa kong sabayan iyon. He was licking, sipping and nibbling my lower lip as he slid his tongue inside and tasted my mouth. A moáned escape my lips.
Tila tumaas ang dugo sa aking mukha kung kaya’t nararamdaman ko na rin ang init nito. Maski ang katawan ko ay parang nabubuhay na naman ang buong sistema ko.
Nakapirmi lang sa aking baywang ang dalawang braso niya at hanggang doon lang naman iyon. Sa tuwing nauubusan kami ng hininga ay saka naghihiwalay ang mga labi namin pero ilang segundo lang ay muling nagtagpo ito. Namumungay ang mga mata ko nang padampi-dampi ang lips niya sa akin. Namamanhid na nga ang iyong akin dahil sa walang sawa niyang pagkagat at pagsipsip.
“Milkaine...” Iyon ang kauna-unahang tinawag ko siya sa first name niya at maririnig pa niya. Hinaplos niya ang pisngi ko at napapikit ako nang gawaran niya ng halik ang pisngi ko.
“That’s my first kiss, baby.” Napasinghap ako kasabay nang panghihina ng binti ko.
First kiss?! Seryoso ba siya first kiss niya rin iyon?! Hindi ba siya nag-j-joke time?
“Impossible,” umiiling na saad ko. Kasi hindi pa rin ako makapaniwala. Ang galing niya kayang humalik! Ang expert ng lips niya at maski ang dila ko ay sinipsip niya rin!
“I’m telling the truth, Yeebi,” giit niya para lang tumaas ang sulok ng mga labi ko. Na-a-amude ako. “Anyway, have you eaten?” I shook my head. “Come, may pinahanda akong pagkain.” Pag-aaya niya sa akin at maingat niya akong iginiya patungo sa round table.
Kakaiba nga ang VIP namin. Ang gentleman niya. Oh, my God talaga...
“You’re giving me an special treatment. I’m just a stripper, Mr. Rousville,” I commented.
“You still a girl. A women deserves a treat better and I’m gentleman,” he chanted and again, I shook my head. Well, true. Gentleman nga siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top