CHAPTER 13
Chapter 13: Meeting them
“HOW old are you, hija? And what’s your name pala?” magiliw na tanong niya sa akin. Naiinggit ako dahil may inang katulad niya ang mga Rousville.
Maganda na, mabait, maasikaso at mapagmahal pang ina. Nakikita ko mismo sa mga mata niya. Ang suwerte ng mga anak niya sa kanya. Sana lang din ay may mommy rin ako na katulad niya. Ngunit imposible na ang pangarap kong magkaroon ng ganoong klaseng ina.
Matagal na akong inabandona ng biological mother ko at inampon pa ako ng mag-asawang hindi naman maganda ang pagtrato sa akin. Parang isa lang akong basahan na palagi nilang nilalampaso.
Isang mumurahing bagay na maaari nilang ipahiram sa mga taong hindi ko kilala. Isang walang kuwenta na pinagkikitaan. Inampon lang nila ako para sa personal nilang motibo at kagustuhan. Hindi dahilan na gusto nilang magkaroon ng anak na babae.
“Sa first day po ng April ay 22 years old na ako,” sagot ko at pareho pa silang napasinghap sa nalaman na totoong edad ko.
“No wonder na parang ang bata mo pa nga. Oh, my God. Two years ang gap ninyo ng anak ko. 24 years old na siya.” Pagtukoy niya sa bunso niyang anak na babae. Si Gladysse Aerish.
“In your age parang nasa college ka pa,” Gladysse said casually.
“Probably a graduating student, sweetie.” Mapait akong ngumiti. Sana nga ay ganoon, sana nga ay nakapag-aral ako sa kolehiyo pero hindi. Naging babaeng bayaran pa ako at sumasayaw sa kung sino-sinong mga lalaki.
“Highschool lang po ang natapos ko,” ani ko at nakitaan ko ng lungkot ang mata ni Madam Blaise but hindi naman siya mukhang naaawa na ganoon ang nangyari sa akin.
“That’s okay, and what’s your name again?”
“Ako po si Froyee Hannabi Takazi,” sambit ko sa pangalan ko. Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan pang gamitin ang pangalang Takazi dahil umalis naman na ako sa poder ng mag-asawang iyon. Subalit hindi ko gusto na gamitin ang dati kong apelyido na dala-dala ko noong bata pa lamang ako. Baka magtaka pa sila na kung bakit Monteverde ang surname ko.
“Froyee Hannabi Takazi, isa ka bang Japanese, hija? Or...may half ka?” Umiling ako kasi wala naman akong dugo ng isang Japanese. Pure Filipino ang mga magulang ko.
“Apelyido lang po iyon ng mag-asawang umampon sa akin sa Japan. Pure Filipino po ang parents ko,” pagbibigay linaw ko. I don’t have any reason to lie.
“Sa kutis mo parang isa ka na ring Japanese pero sobrang ganda mo nga,” tumatangong saad niya.
Nang matapos kami sa pagkain ng meryenda ay hinatid pa niya ako para sa magiging silid ko raw. Iyon nga lang ay isang guest room ang ibinigay niya.
“Ayos na po ako sa maid’s quarter, Ma’am.”
“Hmm, wala namang pinagkaiba ang room na iyon, Froyee. Dito ka na and I know tired ka kanina sa paglalakad mo just to find a new apartment.” Pinasadahan ko nang tingin ang apat na sulok ang kuwartong ito.
Brown and white ang color ng theme and structure nito. It’s beautiful, tapos may isa pang study table. Mayroon din na closet, isang pintuan na kung saan marahil ang banyo. May sliding door at nakabukas iyon kaya gumagalaw ang puting kurtina. Nang magtungo ako roon ay may balkonahe rin pala.
“Feel at home, hija. Ikaw na ang bahala rito. Mamaya ay ipapakilala kita sa hubby ko.” Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Maingat niyang isinara ang pintuan.
Napaupo ako sa kama at hindi ko napigilan ang mapatalon-talon sa pag-upo dahil ang soft ng foam.
Hinubad ko ang slipper na pinahiram sa akin ni Gladysse at pati na ang hoodie ko. Ang lamig din pala sa loob dahil sa aircon nito.
Nagtungo ako sa banyo para makaligo na rin. Hindi ko na naman mapigilan ang mamangha dahil ang linis at mabango sa loob ng banyo. Kompleto agad ang toiletries. Kakaiba talaga kapag mayaman ka. Ako dati ay bihira lang kung makapag-shampoo dahil palagi akong nauubusan ng stock. Minsan pa ay tinitipid ko pa para hindi maubos agad.
Maligamgam ang tubig at parang ngayon lang ako nakaligo ng ganitong klaseng ligamgam ng tubig.
Inabot ko sa isang racks ang puting bimpo at binalot ko iyon sa hubad kong katawan. Nakalimutan ko na kailangan ko palang magpaalam dahil may trabaho ako sa gabi.
Oh, God. Baka magtatanong sa akin si Madam Blaise kung ano’ng klaseng trabaho ang mayroon ako sa gabi at late pa naman ako kung umuuwi.
Sa pagod ko para sa araw na ito ay natulog ako sa malambot na kama. Hindi man lang ako nakaramdam ng pamamahay kasi ang komportable.
Nagising ako sa mararahan na katok sa pintuan. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko bago ako bumangon at nagtungo sa pinto. Kumunot ang noo ko ng wala naman akong nakita pero may humihila sa laylayan ng t-shirt ko.
Si Rishi lang pala na humihila sa akin. Naka-pink pajamas na siya at may hawak siyang isang stuff toy.
“Hi.”
“Hello,” I greeted her back at lumuhod ako para magpantay ang mukha namin. “Where’s your Lola Mommy?” I asked her.
“Down. Come, Lolo Daddy was here na. I want you to meet my Mom’s daddy,” sabi niya at sabay hawak sa dalawang daliri ko. Dahil iyon lang ang kaya niyang ipanghawak.
Inayos ko muna ang mahaba kong buhok at mukhang disente naman ang aking kasuotan. Nakahihiya kasi na humarap sa grandparents niya na simple lang ang kasuotan ko.
Binuhat ko na siya nang dadaan kami sa hagdanan. Hindi naman siya nagreklamo, sa halip ay tuwang-tuwa pa siya noong nasa bisig ko na siya.
Hindi pa naman kami nakalalapit sa living room ay naririnig ko na ang mahihinang tawa ng mga ito at mukhang nagkukuwentuhan pa sila.
Malinaw ko na ngang nakikita na isang guwapong lalaki na katabi ng Lola Mommy niya. Pamilyar na naman sa akin ang body built nito. Ibinaba ko na ang batang buhat-buhat ko at napansin na kami ni Madam Blaise.
“Oh, hayan na sila, hon. Lumapit kayo, Froyee. Nandito na ang mag-aama ko pero mukhang hindi mo pa makikilala ang dalawang binata namin.” Parang nakahinga ako ng maluwag. Sana nga lang ay hindi na sila uuwi pa rito at doon na lamang sila sa hotel mag-stay. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari kapag nakita ako rito ni Milkaine.
“Sure po na hindi na iyan aawayin ng apo niyo, Mom? Kilala ninyo po iyang si Rishi. Mahilig mam-bully.” Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa pamilyar na boses na iyon.
“Well, kanino ba iyon magmamana kundi sa Mommy niya?” The girl laughed so hard na parang aminado siya na sa kanya nagmana ang kanyang anak.
“Sa akin nga po, Daddy—what?!” Napatalon sa gulat ang baby na hawak na nasa lap niya dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Muntik na nga itong umiyak.
Siya nga ang babaeng tinatawag ng dalawang Rousville na ‘Ate Rish’ at ang mga batang kasama niya kanina. Ang isang batang lalaki ay nakakandong sa isang teenager. No wonder na kamukhang-kamukha niya rin ang mga kuya niya at nang ibaling ko sa isang lalaki ang paningin ko.
Hindi hamak na mas guwapo nga ang kanilang ama, matitipuno ang katawan at ang lakas pa ng dating nito. Sa kanya nagmana ang mga anak niyang lalaki.
“Sweetie, ano’ng klaseng reaction naman ’yan?” natatawang tanong ng Mommy niya. Tumayo pa siya at maingat niyang inilipat ang baby niya sa daddy niya. Lumapit siya sa akin at matiim niya akong tinitigan.
Nakatakip pa siya sa bibig niya at humarap sa parents niya saka niya ako itinuro.
“Mom, Dad, girlfriend po siya ni Irico!” sigaw nito at bumilis ang tibok ng puso ko.
Saan naman niya nakuha ang ideyang iyon? Hindi ko naman boyfriend ang kapatid niya. Hala siya!
“Hindi ko po boyfriend si...” Napakagat ako sa lower lip ko. May pagtataka sa face ni Madam Blaise. Samantala, kaswal lang din ang tingin ng asawa niya sa gawi namin.
“Pero hinatid ka kanina ni Irico. I’ll call him and tiyak akong uuwi iyon agad!” excited na sigaw pa niya at mabilis niyang inilabas ang smart phone niya.
“Hon, have a seat,” mahinahon na sabi ni Mr. Rousville, ang kanyang ama. Bumalik naman siya sa pag-upo at seryoso siya na tatawagan niya ang kanyang kapatid.
“Maupo ka na rin, Froyee. Sorry about my daughter.” Lumipat na rin ang batang kasama ko sa Lola Mommy niya at umupo ako sa tapat ng mga ito.
Sinulyapan ko ang bunso nilang anak na abala sa hawak nitong cellphone at may kung ano yata silang nilalaro roon.
“It’s okay po.”
“Hija, this is my husband at ang bunso naming anak. Kaiven,” tawag niya sa teenager.
“Hi po,” magalang at tipid na bati nito. Kiming ngiti lang din ang naitugon ko.
“Thank you for saving our granddaughter, hija. Feel at home, okay? Huwag kang mahiya sa amin.” Mabait din pala pati si Sir Jaive.
“And don’t call us Ma’am and Sir. Ayos na sa amin kung Tita and Tito,” suggestions pa ng ginang. Puwede ba iyon? Puwede ko nga ba sila na tawaging ganoon? Hindi ba mas nakahihiya na iyon? “Kilala mo ang panganay naming anak na lalaki, Froyee?” Tumango ako at hayon na naman ang gulat niyang reaction.
“Tinulungan niya lamang po ako at hanggang doon lang po,” paliwanag ko.
“Hindi sumasagot si Irico!” reklamo nito. Sana nga lang ay huwag na siya nitong sagutin pa. Hindi ko alam ang mangyayari kapag nagkita-kita kaming lahat dito, especially Milkaine. Sana nga lang ay hindi na.
“And sweetie. Masyado pang bata si Froyee para maging girlfriend ng kapatid mo.”
“Baby, you forgot our age gap, hmm?” Namangha ako sa tawag ng hubby niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top