CHAPTER 12
Chapter 12: Babysitter & Rousville family
ANG MUKHA ko ba ang dahilan kung bakit nagustuhan ako ng batang ito? Kung sabagay hindi na ako magtataka pa. Black na jumpsuit ang suot nito at sa ilalim ay pink na sleeves. May suot siyang malaking headband, kompleto ang suot niyang alahas. Pink na earrings, necklace, bracelet, ring and even wristwatch. Mamula-mula ang magkabilang pisngi nito at natural iyon.
Mahaba ang malalantik niyang pilikmata at matangos ang ilong. May kanipisan ang pinkish lips niya. Makinis at maputi ang balat niya. Parang gusto kong pisilin ang cheek niya.
“Malaki ang utang na loob namin sa ’yo, hija.” Muling ginanap ng ginang ang mga kamay kong nasa mesa at napalingon ulit ako sa kanya. “If you didn’t save my granddaughter ay baka nasa hospital na kami ngayon.”
“Walang anuman po, Ma’am. Ginawa ko lang po ang nararapat,” saad ko at tipid na ngumiti. Napatitig siya sa pisngi ko, alam kong may malalim na biloy sa magkabilang pisngi ko ngunit hindi ko madalas na naipapakita ito. Kasi hindi naman ako ngumingiti.
“You looks exactly like a living doll, hija,” namamanghang anas niya. Hindi ko alam kung ano ang i-r-react ko.
“A doll, Lola Mommy? I want her po,” sabat ng bata na ikinatawa niya.
“We can’t, baby.” Naalala ko naman ang sinabi nito sa akin kanina. What if...mag-apply na lamang ako as a babysitter?
Pero baka hindi nila ako tatanggapin. Kasi hindi naman nila ako kilala. Hindi sila magtitiwala agad sa katulad ko. Ngayon lang din nila ako nakita. Kahit na sinagip ko nga ang buhay ng bata ay hindi pa rin iyon sapat.
“Where are you going, Miss? Bakit may dala kang luggage?” tanong ng babae sa akin. Baka magkasing-edad lang kami o ako ang mas matanda?
“I was actually looking for a new apartment. Pinalayas ako ng landlady ko just because of my face,” I answered. Hindi ko na napigilan pa ihalo sa salitang English ang pananalita ko.
Bata pa man ako ay sanay akong magsalita ng ganoon. Hindi ko alam kung bakit. O dahil siguro sa aking ina. Ganoon din kasi siya kung magsalita.
“What’s wrong with your face?” kunot-noong tanong pa niya.
Her mother let out a short and soft chuckle. “I know why... Just maybe na-insecure sa ’yo ang landlady niyo.”
“Hindi ko po alam. Basta malinaw sa akin na pareho naman po kaming tao at wala siyang dapat ika-insecure sa akin,” ani ko.
Maganda at magaan ang ambiance sa loob. Kahit hindi pa umiinit ang upuan mo ay parang magugutom ka agad dahil amoy pa lang ay masarap na. Nakikita ko ang kakaibang putahe ng mga pagkain na sini-serve nila.
“Eh, may nahanap ka na bang new apartment?” Umiling ako. Hindi naman ako nagpapaawa. Isa iyon sa pinakaayaw ko bagamat naging totoo lang naman ako sa sarili ko. Ayokong magpaligoy-ligoy.
“Do you want to stay with us for awhile?” tanong nito bigla.
“Mom—”
“It’s okay, mabait naman ang daddy mo, Gladyss.”
“Salamat po, pero nakahihiya kung tutuloy lang po ako sa inyo na wala namang ginagawa,” I reasoned out.
“Then apply for my niece’s babysitter,” diretsong saad ng babae na ikinatitig ko sa kanya. “I can read your behaviour, and you seems a nice person but with a strong personality. But deep inside, may isang tao ang dumurog sa puso mo,” makahulugang sambit niya. Hindi ko alam kung bakit nalaman niya ang tungkol sa bagay na iyon.
Tama siya na may isang tao ang dahilan kung bakit nadudurog ang puso ko. Sinisisi ko lang naman siya kaya ako umabot sa ganitong... sitwasyon. Kung hindi niya lang ako iniwan ay siguro hindi rin ganito ang buhay ko. Baka sakaling nakapag-aral din ako ng kolehiyo at may magandang...career. Subalit hanggang sa panaginip ko na lamang iyon makakamit.
“Sweetie, hindi ba naka-o-offend ang ginagawa mong pag-o-oberba sa kanya?” malambing na tanong sa kanya ng Mommy niya. Umiling siya. Wala naman iyon sa akin dahil may katotohanan ang mga nakita nkha.
That’s it Froyee. Isang offer na iyon. Sila na mismo ang nag-suggest. Sa huli ay wala na akong pinagpilian pa kundi ang tanggapin ang alok nilang trabaho.
Ang babae mismo ang driver at ako ang katabi niya. Samantala ay nasa backseat naman ang Mommy at ang pamangkin niya. Nakita ko ang sobrang saya nito nang tinanggap ko ang kanilang offer as a babysitter. Kahit iyong bata ay napa-clap pa siya.
Pumasok ang pulang BMW niya sa isang malaki at malawak na subdivision. Ang higpit pa ng security nila sa guard house. Tapos iilan lang ang mga bahay—mali, mansion mismo ang nakatayo sa subdivision na ito.
Nang huminto ang kotse niya ay napatingin pa ako sa labas ng bintana. Halos umawang ang mga labi ko sa gulat. Parang isa na itong palasyo sa sobrang ganda at laki.
“We’re here, sweetie.” Kinalas ko ang seatbelt ko at halos sabay pa kaming bumaba ng babae. Nakita kong pinagbuksan pa niya ng pintuan ang kanyang ina at inalalayan niyang makababa ang kanyang pamangkin.
Nang makaapak siya sa lupa ay mabilis siyang lumalapit sa akin at hinawakan ang dalawang daliri ko. Matamis pa niya akong nginitian. May kung ano’ng malambot na kamay ang humahaplos sa puso ko.
Dámn it. Ngayon lang ako nakaramdam ng paggaan sa dibdib dahil lang sa magandang ngiti sa akin ng baby na ito. Napaka-genuine at inosente ang mga matang nakatitig sa akin.
“Hi, I’m Rishikesh Annamese Rousville Monteverde,” pagpapakilala niya sa pangalan niya at ang haba naman. Hindi ba siya nahihirapan na bigkasin iyon?
And wait a minute... Rousville and Monteverde? Rousville ang kanyang ina tapos ang Monteverde ay pangalan na dala-dala ng daddy niya siguro. Parang sumikip ang dibdib ko at bumilis din kalaunan. Monteverde...
“Frelando Havier Monteverde ang pangalan ng Daddy niya at Anderly Irish M. Rousville naman ang kanyang Mommy,” sabi ng ginang.
“Kayo po? Ano ang pangalan niyo?” magalang na tanong ko sa kanya.
“I am Blaise Montangua-Rousville, my hubby is Jaive Eltaine S. Rousville and this is my youngest daughter, Gladysse Aerish, she’s still single.”
Parang gusto ko na yatang mag-back out sa mga nalaman ko. Napalilibutan ako ng Rousville family pero siguro naman ay marami rin ang nagngangalan ng ganoon, ano? Hindi naman siguro nagku-krus pa ang landas namin ni—mali, isa pa rin akong private stripper niya. Binabayaran pa rin niya ang isang buwan ko ngunit...hindi yata ito magandang idea.
“Come on, let’s get inside.”
***
Titig na titig ako sa mga estatwa. Ang daming tigre at hindi ko mahulaan kung maliit na pusa ang iba rito. Mahilig pala sila sa ganito. Mabuti na lamang ay hindi mukhang nakatatakot tingnan.
Nakaupo sa tabi ko si Rishikesh dahil ayaw na nga niyang humiwalay pa sa akin. Samantala, nagpaalam naman si Madam Blaise para kumuha lang daw ng meryenda. Eh, katatapos lang namin kumain kanina. Si Gladysse naman ay nakaupo sa tapat namin.
“Kapatid mo ba ang Mommy niya?” I asked her and she nodded.
“Her Mom is the eldest daughter of my parents. Si Ate Rish, she’s now 33 years old and she has a three kids. One boy and two girls. But kasama niya ngayon ang dalawa. Si Rishi lang ang palaging kasama ni Mommy kasi Lola’s girl siya. Umiiyak siya kapag hindi niya nakikita ang Lola Mommy niya, parang si Mom nga ang nagluwal sa kanya. Malapit din ang loob niya sa Daddy ko. Her Dad, he was busy sa firm nila, even her Mom,” paliwanag niya.
Ate Rish... Naalala ko ang nakatatandang kapatid ng dalawang Rousville na iyon. Possible kaya na iisang tao lang sila at si Madam Blaise ay ang mommy nila? Hala, kinakabahan na ako sa posibilidad na baka totoo na nga iyon.
Hinaplos ko ang buhok ni Rishikesh dahil sa pagkiskis ng pisngi niya sa palad ko. Parang isa siyang pusa na naglalambing.
“Kayo lang ba ang nakatira rito?” I asked again. Umiling siya at bumalik naman ang mommy niya na may dala ng tray.
Pineapple juice ang laman ng pitcher, of course malalaman ko iyon dahil sa amoy nito. Sa isang malaking bowl ay may iba’t ibang prutas ang nakalagay roon at maliit ang paghiwa ng mga ito. Tinulungan siya ng kanyang anak na ilagay iyon sa center table na gawa sa salamin.
“Kumain ka muna, hija.”
“Thank you po,” sambit ko. Kumuha ako ng isang maliit na pinggan at naglagay ng tatlong piraso ng pinya, apple, orange, mango, strawberry and cheery. Kumuha ako ng maliit na stick at ibinigay ko iyon kay Rishikesh.
“Thanks po!” hyper na pagpapasalamat nito sa akin at napangiti ako ng tumusok pa siya ng mansanas. Inilapit nito sa mukha ko kaya naman kinain ko iyon.
Nagsalin ng juice sa baso ang ginang at ibinigay nito sa akin. Inasikaso niya rin ang anak niya.
“For your question awhile ago. Kasama rin namin ang tatlong kapatid ko. Sina Kuya Milkaine at Kuya Blaixe, and our youngest brother na si Kaiven Rashiden, he’s just 12 years old.” Hala, akala ko ay siya na ang bunsong anak. Mayroon pa pala siyang nakababatang kapatid at lalaki pa.
Sa mga pangalan na binigkas niya ay roon ko na nga napatunayan na iisang tao lang din ang kilala ko sa mga kapatid niyang nabanggit niya.
“Don’t you worry, hija. Bihira lang kung umuwi ang dalawang binata ko. Sa hotel sila namamalagi. Kahit itong Gladysse ko, three times in a week lang kung umuwi. Kapag hindi ko iniiyakan ay talagang sa hotel din siya nag-s-stay,” sabi naman ni Madam Blaise. Napatango ako. God... Bakit napunta ako sa sitwasyon na ito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top