CHAPTER 9
Chapter 9: Always Available
Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng bell. Nakita ko kaagad si Zaijan na nakaupo sa tabi ko. Agad akong sumulyap sa relo ko at nakitang five-thirty na ng hapon.
“Nakatulog pala ako,” sambit ko na nagpatawa kay Zaijan.
Ang alam ko umalis siya para kumuha ng libro tapos nakatulog na ako sa sobrang antok. Ni hindi ko natapos ang pinasasagutan niya sa akin.
“Antukin ka pala,” sabi niya. “Pangalawang beses mo na akong tinulugan habang magkasama tayo.”
I pursed my lips. “I’m sorry. Babawi na lang ako sa pagtuturo mo sa akin. I’ll treat for dinner, are you fine with that?”
Umiling siya. “No need. Nag-volunteer akong turuan ka kaya hindi mo kailangang bumawi.”
Medyo nalungkot ako dahil tumanggi siya. Pero naisip ko na baka ayaw niyang kumain kami ng dinner dahil gusto niya nang umuwi. Baka hinihintay na nga siya ng mama niya.
I feel jealous of him because he still have a mother who cares for him a lot. How I wish that my mother is still here also. Baka hindi ako ganito. Baka naging mas mabait ako at mas masaya.
“What if, mag-take out na lang tayo? Para maiuwi mo sa mama mo,” sabi ko pa. “Huwag ka nang tumanggi. Para sa kaniya naman ‘yon, hindi para sa ‘yo.”
His face is full of amusement. There was a ghost of smile on his lips but he hides it.
“Okay, but you can do that next time. May pupuntahan pa kasi ako. I need to be there before six thirty.”
Kumunot ang noo ko. Gusto ko sanang itanong kung saan pa siya pupunta pero pakiramdam ko hindi dapat. Sasabihin niya naman ‘yon kung gusto niya.
“Gano’n ba? Sige, halika na.”
Nauna na akong lumabas at sumunod naman siya kaagad. Pagdating sa parking lot ay napansin kong wala doon ang sundo ko. Kaya naman tinawagan ko kaagad si Roger para magtanong.
“Roger, where are you?” I asked.
“Nasa headquarters, Miss Delara. Bakit po?”
“You mean, nasa main HQ ka ngayon?” gulat kong tanong.
“Yes, Miss Delara. Ipinatawag kami ni Commander. May ipapabili po ba kayo? Huwag na po kayong lalabas ng bahay, ako na ang bibili.”
Lalabas ng bahay? Hindi pa nga ako nakakauwi.
“Okay. Tinanong ko lang kung nasaan ka. I’ll hang up now,” I said before I ended the call.
Sunod kong tinawagan ang driver ko. Ilang rings bago niya sinagot ang tawag.
“Manong, nasaan po kayo?” tanong ko.
“Kakauwi ko lang po sa bahay, Miss Delara. Pinag-off po ako ni Madam hanggang bukas.”
Napapikit ako nang ma-realize kung anong nangyayari. Sigurado akong kagagawan na naman ito ng madrasta ko. Sinadya niyang walang sumundo sa akin para mahirapan akong umuwi.
“What’s wrong? Wala kang sundo?” tanong ni Zaijan.
Bumuntonghininga ako at tumango. “Sasakay na lang siguro ako ng jeep or tricycle para makauwi.”
Ngumiti ako sa kaniya pero sa totoo lang kinakabahan ako. Hindi ko pa naranasang mag-commute dahil hindi puwede. Sa dami ng taong gustong manakit sa pamilya namin, palagi akong hinahatid sundo ng driver at may nakasunod pang bodyguards. Pero ngayon, ako lang mag-isa.
I hate how controlling my step-mother is. She knows how to make me suffer. Kayang-kaya niyang sirain ang buhay ko kung gugustuhin niya.
“Sasabayan na lang kita pauwi.”
Naputol ang iniisip ko dahil sa sinabi ni Zaijan.
“Huwag na. Taga-district III ka lang, ‘di ba? Sa District I ako nakatira. At saka, may pupuntahan ka pa baka ma-late ka,” sabi ko.
Nasa District II kami ngayon at kung sasama pa siya sa akin sa bahay, mapapalayo pa siya dahil babalik pa siya dito bago makarating sa bahay nila.
He looked sideways as if he’s thinking of something. I appreciate him being a gentleman but I don’t want to be a burden to him. Bukod sa mapapalayo siya, masasayang din ang pamasahe niya.
“Puwede kitang ihatid muna. Birthday lang naman ng kaibigan ko ‘yon, p’wede akong humabol pag-uwi ko.”
Oh. So, birthday party pala ang pupuntahan niya. But still, nahihiya akong pumayag.
“Birthday pala ng kaibigan mo kaya hindi ka dapat ma-late baka magtampo siya. You told me earlier that you need to be there before six thirty.”
Seryosong tumitig sa akin. “Ihahatid kita. Ako ang huli mong kasama dito kaya sisisihin ko ang sarili ko kapag may nangyari sa ‘yo.”
My heart fluttered with his words. Pakiramdam ko uminit na naman ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng mukha sa kaniya. Palubog na ang araw kaya hindi naman na siguro niya mapapansin ang pamumula ko.
Tumikhim ako. “If you insist, what if pumunta muna tayo sa birthday party ng friend mo bago mo ako ihatid.”
Akala ko ay tatanggi pa siya pero tumango siya. “Dadaan na lang ako doon saglit para hindi ka gabihin masiyado.”
Actually, ayos lang naman kung gabihin ako ng uwi. Wala namang maghahanap sa akin sa bahay. Tulog naman kaagad si dad pagkagaling sa work at wala namang pakialam ang madrasta ko. Ang tanging naghahanap lang sa akin ay si Roger pero dahil nasa main HQ naman siya, hindi niya malalaman na hindi pa ako nakakauwi.
Sumakay kami ng jeep papunta sa bahay ng kaibigan ni Zaijan. Naglalakad pa lang kami papasok sa street nila ay naririnig ko na ang malakas na tugtog mula sa kantahan nila. Kaya naman hindi mahirap hulaan kung nasaan ang bahay ng kaibigan niya.
Nakabukas ang gate ng bahay at natatanaw ko ang mga bisita sa loob. Pagkapasok pa lang namin sa gate ay may sumalubong kaagad na babae kay Zaijan.
“Zaijan! Akala ko hindi ka na darating,” sabi ng babae bago niyakap si Zaijan.
Napaiwas ako ng tingin. This is so awkward. Bakit hindi niya sinabing babae pala ang kaibigan niya? Sana hindi ko na lang siya pinilit na pumunta dito.
Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip. Where are these thoughts coming from? So what if his friend is a girl? Why do I make a big deal out of it?
“Happy birthday, Ashley,” he greeted her.
May kinuha siya sa backpack niya at iyon siguro ang regalo niya kay Ashley. It’s a rectangle-shaped box that is wrapped in a red gift wrapper.
“Wow! Excited na akong buksan. Halika, pasok ka muna,” sabi ni Ashley pero napasulyap siya sa akin. “May kasama ka pala. Classmate mo?”
Lumingon sa akin si Zaijan kaya bahagya akong ngumiti.
“She’s my friend. I’m sorry, Ashley. Kailangan na naming umalis agad. Ihahatid ko pa kasi siya pauwi sa kanila,” sagot ni Zaijan.
Ashley looked at the two of us. She looked confuse but she suddenly smiled.
“Ah, I see. Hindi ka pa din talaga nagbabago, Zaijan. Gentleman ka pa rin. Naalala ko gan’yan ka din sa ‘kin noon. Hindi mo ‘ko hinahayaang umuwi mag-isa,” natatawang sabi niya.
Alam ko naman talagang gentleman si Zaijan pero medyo nagulat pa rin ako nang sabihin niya ‘yon. Nakakatawa mang aminin, pero inisip kong kaya siya nag-ca-care sa akin ay dahil may ibang dahilan. Gano’n lang pala talaga siya sa lahat.
“Marcellina?”
Napatingin ako kay Zaijan dahil tinawag niya ang pangalan ko.
“Ha? Ano ‘yon?” tanong ko.
“Pupuntahan ko muna ang parents niya bago tayo umalis. Gusto mo bang pumasok muna sa loob—”
“H-Hindi na,” pagtanggi ko kaagad. “Dito na lang ako. I’ll wait here.”
Zaijan narrowed his eyes on me before he nodded. “Wait for me.”
“‘Yun naman pala, e. Halika na, kanina ka pa hinihintay nila nanay at tatay,” sabi ni Ashley at humawak na sa braso ni Zaijan.
Wala nang nagawa si Zaijan kundi ang sumama sa kaniya papasok sa loob ng bahay nila. Pinagmasdan ko na lang ang mga bisitang nakaupo sa mga lamesa. Mukha naman silang nag-e-enjoy lalo na ‘yung kumakanta.
I suddenly remember the last birthday party I had together with my parents. That was my sixth birthday. At iyon na ang huli at pinakamasayang birthday ko. Simula no’n, madalas ng makalimutan ni dad ang birthday ko. Kaya natutunan kong mag-celebrate ng birthday mag-isa.
Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin lumalabas si Zaijan. Mayamaya lang ay nakita kong papalapit sa akin si Ashley. Hindi niya kasama si Zaijan kaya nagtaka ako.
“Ano, Marcellina, sorry. Mukhang matatagalan pa si Zaijan sa pakikipag-usap sa parents ko. Gusto mo bang hintayin siya kaso baka mamaya pa sila matapos. Baka gabihin ka na. Ipahatid na lang kaya kita sa kapatid ko?”
Umiling ako. “Matagal pa sila matatapos?”
“Oo, e. Ang tagal niya kasing hindi nagpunta dito. Hindi mo ba kayang umuwi mag-isa?”
Tumingin ako sa relo ko at nakitang malapit nang mag-alas siete ng gabi. Kaya ko naman sigurong umuwi.
“Kaya ko naman. Aalis na lang ako. Pakisabi sa kaniya na nauna na akong umuwi,” kalmado kong sabi kahit na gusto kong maiyak.
“Sige, sasabihin ko. Mag-iingat ka.”
Tumango na ako bago lumabas ng gate nila. Natatandaan ko pa naman kung saan kami dumaan kanina pagkababa namin ng jeep kaya doon din ako dumaan pabalik. Madilim na ang paligid at malalayo pa ang bawat poste ng ilaw sa bawat isa.
May mga tao pa namang nasa labas ng bahay nila nang ganitong oras kaya hindi ako natatakot. Pero kinakabahan ako. Unang beses kong mag-co-commute at gabi pa.
Sana kanina pa ako nag-commute no’ng hindi pa masiyadong madilim. Hindi dapat ako nag-suggest kay Zaijan na pumunta muna dito.
Pagdating sa kanto ay may mga nakaparadang tricycle kaya lumapit ako sa isang driver.
“Sasakay ka, miss?” tanong nito.
“Magtatanong lang po. Saan po puwedeng sumakay papuntang Santa Katerina?” tanong ko.
“Santa Katerina? Sa district I ‘yun, ‘di ba?” tanong niya.
Tumango ako. “Opo.”
“Wala kang masasakyan dito diretso do’n. Kailangan sumakay ka muna papuntang Santa Isabela sa district II ‘tsaka ka sumakay doon papuntang district I. Bagong salta ka ba dito, iha?”
“Puwede n’yo po ba akong ihatid papuntang Santa Isabela?” tanong ko ulit.
“Oo naman. Hanggang doon nga lang ang ruta ko.”
Pumayag na ako sa sinabi ng driver at sumakay na sa tricycle niya. Pinagmamasdan ko ang bawat dinadaanan namin para makasigurong ihahatid niya talaga ako doon. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag habang lumilipas ang oras at mas lalong humihigpit ito sa tuwing bumibilis ang takbonng tricycle.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang matanaw ko ang university namin. Ibig sabihin nandito na kami. Bumaba ako kaagad pagkahinto ng tricycle.
“Magkano po?” tanong ko.
“Fifty lang, miss.”
Kumuha na ako kaagad ng pera at ibinayad iyon sa kaniya.
“Salamat po,” sabi ko.
“Tumawid ka doon sa kabila kung sasakay ka nang papuntang district I. Mag-iingat ka.”
Tumango ako at pinanood muna siya umalis. Nang makalayo siya ay saka ako pumunta sa may pedestrian lane. May mga sasakyang mabibilis ang takbo kaya hindi ako makahanap ng tyempo para tumawid. Wala naman kasing traffic light dito o overpass. Pero sa umaga naman ay may traffic enforcer para patawirin ang mga estudyante.
Sa tuwing susubukan kong tumawid ay may sumusulpot na sasakyan kaya bumabalik lang din ako. Paano ako makakauwi nito kung hindi ako marunong tumawid? Nakakatakot kasi talaga.
Paano kung bigla akong masagasaan? Marami pa naman akong nababalitaan na nasasagasaan kahit nasa tamang tawiran pa sila.
Naghintay pa ako nang ilang sandali hanggang sa tuluyang maubos ang sasakyan sa kalsada. Bibilisan ko na lang ang pagtawid.
Okay. Inhale. Exhale.
Humakbang ako para tumawid at kasabay no’n ay may humawak sa kamay ko. Balak ko na sanang sumigaw nang mamukhaan ko siya.
“Zaijan?” gulat kong tanong.
Diretso ang tingin niya at saka niya lang ako tiningnan nang makatawid na kami sa kabila. Sobrang seryoso ng mukha niya ngayon at sobrang higpit din ng pagkakahawak niya sa kamay ko.
“W-Why are you here? Akala ko...matagal pa kayo matatapos,” mahinang sabi ko.
Hindi ko inaasahang susunod siya sa akin pero masaya ako. Para bang bigla akong napanatag dahil nandito na siya. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko kanina pero nilalakasan ko lang ang loob ko para makauwi ako.
“I told you to wait for me. Hindi naman ako nagtagal sa loob. Wala pa ngang ten minutes lumabas na ako pero umalis ka kaagad.”
Napayuko ako. “Ang sabi kasi ni Ashley matagal pa kayong mag-uusap ng parents niya kaya umalis na ako. Kaya ko namang umuwi—”
“Ni hindi mo nga kayang tumawid tapos mag-co-commute ka pa mag-isa.”
I glared at him. “Are you insulting me?”
His eyes softened then he sighed. “No. Ang sinasabi ko lang, delikado para sa ‘yo ang bumiyahe mag-isa. You should have wait for me. Kapag sinabi kong ihahatid kita, ihahatid kita. Ginagawa ko ang sinasabi ko, Marcellina.”
Kumabog ang puso ko nang banggitin na naman niya ang buong pangalan ko. Sobrang lakas ng epekto no’n sa buong sistema ko. Marami namang ibang tao na tinatawag ako sa buong pangalan ko pero wala namang epekto sa akin. Sa kaniya lang ako nagkakaganito.
“I’m sorry. Naisip ko lang na baka nagbago na ang isip mo at baka makaistorbo ako kung maghihintay pa ako.”
“Don’t say that. You will never be a disturbance to me. I’ll always be available for the girl I like.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top