CHAPTER 8

Chapter 8: Spy

Sa maikling panahon na nakasama ko si mommy, hindi siya nagkulang sa pagpapaalala sa akin na huwag akong gagawa ng ilegal na bagay. Bukod sa mapapahamak ako, masisira rin ang iniingatang pangalan ni dad sa politika.

Dapat daw maging katulad ako ni dad. Sumusunod sa batas at umiiwas sa ilegal na gawain. Dahil kapag sinubukan kong sumuway sa batas, sila mismong dalawa ni dad ang magpapakulong sa akin.

Itinatak ko iyon sa isip ko. At kahit wala na si mommy, hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangaral niya. Dahil ayaw kong ipakulong ako mismo ng magulang ko. At mas lalong, ayaw kong biguin si mommy.

“She’s really part of our group—”

“Liar! You’re such a liar, Billy!” I shouted. “Bakit ka gumagawa ng kuwento? Bakit mo ako sinisiraan?”

My eyes were clouded with tears. Sobrang sama ng loob ko ngayon. Is this my karma? Masiyado akong nagtiwala at hindi ako nag-ingat kaya napahamak ako ngayon.

Ano nang gagawin ko? Paano kung maniwala sila kay Billy? Wala akong ibang testigo at alam ko ring hindi ako papanigan ng madrasta ko.

“Elli, huwag ka nang magsinungaling. Umamin na lang tayo para mas bumaba ang parusa natin—”

“No! I’m not a member of your group! I never did everything you said! Ikaw ang nagsisinungaling dito, Billy!”

“Miss Delara, calm down. Pag-usapan natin ito nang maayos. Kumalma ka muna,” sabi ng counselor. “Kailangan nating idaan ito sa maayos na paraan. Kung sinasabi mo, Miss Delara, na hindi ka nila kasama sa grupo, kailangan nang matibay na ebidensya at kung maaari ay testigo.”

Napahikbi ako. Gusto ko na lang maglaho dito sa kinauupuan ko. Gusto ko nang umalis dito. Pagkakaisahan lang nila ako. Hindi sila maniniwala sa akin. Walang gustong maniwala sa akin. 

“She’s telling the truth.”

Lahat kami ay napalingon sa pumasok at nakita ko si Zaijan. Seryoso siyang nakatingin sa counselor bago siya lumapit at iniabot ang hawak niyang papel.

“We have the list of their group since last week. Kailangan lang naming humanap ng ebidensya para mapatunayang sila nga ang nagpupuslit ng drugs dito. At wala sa listahan si Miss Delara.”

I can’t believe this. He’s really here...to save me.

“Of course. Alam kong mangyayari ‘to,” sabad ni Billy. “Close kayong dalawa kaya ililigtas mo siya, ‘di ba?”

Ayaw niya talagang tumigil? Gusto niya ba talaga akong maparusahan kahit wala naman akong kasalanan?

“You’re right, Mr. Francisco. Close nga kami ni Miss Delara. That’s why, when I found out that you two are dating, I immediately asked her to be my spy. Kaya siya nandoon sa hideout ninyo dahil inutusan ko siyang manmanan ang bawat kilos mo. Too bad, my spy got hurt,” Zaijan said before looking at me.

A tear fell from my eye. He’s lying just to save me. At kapag nalaman nilang hindi totoo ang mga sinabi niya, baka mapahamak siya.

“Is that the truth, Mr. Castillo? Although, they will still undergo through a drug test, mahalaga pa rin ang sasabihin mo dahil ikaw ang nanguna sa panghuhuli sa mga estudyanteng ‘to.”

“I’m telling the truth, ma’am.”

Marami pang sinabi ang guidance counselor pero wala na akong maintindihan. Nakahinga na ako nang maluwag dahil naniwala siya kay Zaijan. At kung magpapa-drug test kami, handa akong gawin ‘yon.

Nauna na kaming pinalabas ng step-mother ko. Tahimik lang siya pero alam kong marami siyang gustong sabihin.

“Kailan mo ba balak ayusin ang buhay mo? Kung saan-saang eskandalo ka na lang nasasangkot. Paano kung nakalabas ito sa media? Ano nang mangyayari sa reputasyon ng pamilya natin? Ang daddy mo, mahihirapan siyang ipanalo ang susunod na eleksyon kapag nagpatuloy ka sa pagsira sa pangalan niya.”

Hindi ako kumibo. Wala na akong lakas para makipagtalo sa kaniya. Alam ko namang hanggang sa bahay ay sesermonan niya ako.

“Your dad will surely know about this. You better prepare yourself when you go home,” she said before leaving me.

I sighed. Of course, my dad will know about this. Lahat naman kasi isinusumbong niya kay dad.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang ala una pa lang ng hapon. Late na naman ako sa subject ko this afternoon. Siguro mapapagalitan na talaga ako ni prof dahil madalas akong absent sa klase niya.

Pinagmasdan ko ang malawak na field ng campus. Wala akong makitang ibang estudyante dahil bukod sa mainit ay oras na ng klase. Mabuti na rin ‘yon para walang makakita sa itsura ko ngayon.

Pero saan na naman ako pupunta? Ayaw ko pang umuwi dahil makikita ko na naman ang madrasta ko. Sila Jesellie at Cassandra naman alam kong busy sila ngayon.

“Are you okay?”

Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Zaijan. Ilang hakbang lang ang layo niya sa akin pero hindi ko naman narinig na lumapit siya.

Tumango ako at bahagyang ngumiti.

“Okay lang ako. Thank you nga pala. Kung hindi mo ako tinulungan kanina, baka pati ako nabigyan na ng punishment,” sabi ko.

He sighed. “I didn’t do that just for you. Ayaw ko lang nang may nadadamay na inosente. Besides, alam ko namang hindi mo gagawin ‘yon.”

I smiled again. It feels good to have someone who believes in you. And I never thought that Zaijan would be that 'someone' to me.

Napansin kong nakatingin siya sa balikat ko kaya napatingin din ako dito. Ngayon ko lang napansin na hindi pa pala ako nagpapalit ng damit.

“Let’s go to my office,” he said before he grabbed my hand and gently tugged it.

Sumunod ako sa kaniya at hindi ko maiwasang mapatingin sa kamay naming magkahawak. His hand feels warm against mine. And my heart is beating a little faster.

Pumasok kami sa loob ng office niya at may kinuha siya kaagad sa cabinet.

“Here. You can wear this.”

He gave me a white button down shirt with his surname on the back. Alam kong uniform niya ‘to as president of student council kaya naman parang nahihiya akong isuot ito.

“No need. May damit ako sa locker,” sabi ko.

“Malayo pa ang locker mo dito. Do you want to walk around the campus wearing that bloody shirt?”

Hindi ako nakasagot dahil tama siya. Nakakahiyang maglakad sa labas nang ganito ang suot ko. Kaya wala na akong choice kundi ang isuot ang damit ni Zaijan.

Medyo natagalan akong magbihis sa loob ng banyo dahil nahirapan akong tanggalin ang damit ko. I couldn’t even lift my arm because of my wounded shoulder. Pero nang magawa kong hubarin ito ay mabilis ko lang na naisuot ang damit ni Zaijan. Mahaba ito sa akin kaya ipinailalim ko na lang ito sa skirt na suot ko.

I glanced to my reflection and took a deep breath. I looked pale. My hair is disheveled that’s why I tried to brush it. Pero dahil hindi ako sanay magsuklay gamit ang kaliwang kamay ko ay nabitawan ko ang hair brush at nahulog sa sahig. Dinampot ko iyon kaagad.

Ilang segundo pa lang ang lumipas pero narinig ko na kaagad ang pagkatok ni Zaijan. Binuksan ko na ang pinto.

“Bakit?” tanong ko.

Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa bago bumuntonghininga. Mukha siyang...nag-aalala? Bakit naman?

“Are you okay? May narinig akong bumagsak kaya kumatok ako,” sabi niya.

My mouth opened a little in shock. Ipinakita ko sa kaniya ang hawak kong brush bago ako bahagyang natawa.

“Nahulog kasi itong hair brush ko. I’m right-handed kasi kaya nahirapan akong magsuklay,” nahihiyang sambit ko.

Mukhang nagulat din siya sa sinabi ko at nakita ko pang natawa siya nang kaonti pero kaagad ding nagseryoso. Ano kayang iniisip ng lalaking ‘to? Baka nilalait niya na ako sa isip niya.

“Do you me to help you?” he asked and I blinked several times.

“Help me brush my hair?” I asked just to make sure that I totally understand him.

He nodded. “I can also tie your hair if you want.”

Mas lalo akong naguguluhan sa lalaking ‘to. Bukod sa, sobrang bait niya ngayon sa akin, hindi ko in-expect na magvo-volunteer siyang ayusin ang buhok ko. Pero dahil gusto ko talagang maayos ang buhok, pinayagan ko na siyang gawin ang gusto niya.

He brushed my hair gently then he tied it on a low ponytail. Nang tingnan ko sa salamin ang itsura ko ay maayos naman ito kaya namangha ako.

“Paano ka natutong mag-ayos ng buhok ng babae? Did you have a girlfriend before?” I asked him.

He shook his head. “I never had a girlfriend.”

Napaisip tuloy ako. Is he a...gay? I mean, there’s nothing wrong if he belongs to rainbow community but...nevermind.

“Sa tuwing nagkakasakit si mama o kaya kapag pagod siya sa trabaho, ako ang nag-aayos ng buhok niya para hindi siya mainitan,” paliwanag niya.

Unti-unti kong pinakawalan ang buntonghininga ko bago ako natawa. Nakahinga ba ako nang maluwag dahil hindi siya katulad ng iniisip ko? Ano ba’ng nangyayari sa akin? Epekto yata ‘to ng sugat ko.

“What are you planning to do for the rest of the day? Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya.

I bit my lower lip while thinking.

“Well, balak kong mag-review na lang sa library dahil hindi pa naman dismissal time. Ayaw ko na munang umuwi,” sagot ko.

Tumango siya. “Okay, let’s go to the library.”

“Ha?” gulat kong tanong sa kaniya. “Wala ka bang gagawin? Hindi mo naman ako kailangang samahan.”

Pero parang wala siyang narinig dahil kinuha niya lang ang gamit ko at pinatay na ang kuryente sa office niya.

“We just resolved our task today that’s why we deserve to rest. Halika na, baka matulungan pa kita sa pag-re-review mo,” nakangiting sabi niya bago ako hinatak palabas ng office.

Nang may matanaw akong ibang estudyante ay agad kong binawi ang kamay ko kay Zaijan.

Ayaw ko namang isipin nilang may something sa aming dalawa. Hindi naman sa ikinakahiya ko siya, ayaw ko lang na masira ang pangalan niya nang dahil sa akin. Bukod doon, baka isipin ng ibang estudyante na ginagamit ko lang si Zaijan.

Habang naglalakad patungong library ay pansin ko ang bawat sulyap ng mga estudyante sa paligid kahit may distansya naman kaming dalawa. At saka ko nalalang suot ko nga pala ang organization shirt ni Zaijan. Bigla tuloy nag-init ang pisngi ko dahil sa pangalan niyang nakatatak dito sa suot ko.

Zaijan stopped walking and glanced to me. His brows furrowed.

“Are you okay? Namumula ka kasi,” sabi niya.

Inirapan ko siya. “Ayos lang ako. Mauuna na ako sa library.”

Binilisan ko ang lakad ko papuntang library pero nang papasok na ako doon ay napahinto rin ako. Medyo marami kasi ang estudyante ngayon dito. Tahimik akong dumaan sa gilid at nagtungo sa pinakadulong mesa para walang makapansin sa akin.

Pero nang dumating si Zaijan, hindi ko alam kung bakit sinundan pa siya ng tingin ng mga estudyante kaya tuloy nakita nilang dumiretso siya sa mesa ko.

“Choose one subject to review. Huwag mong pagsabay-sabayin para hindi ka mahirapan. One subject at a time.”

Tumango ako at pinili na munang i-review iyong subject na pinakanahihirapan ako. And obviously, it’s MST.

Binasa ko ulit ang lesson namin pati na rin ang mga activities na ginawa ko para ma-refresh sa utak ko ang lesson. Pero masiyado akong nadi-distract dahil kay Zaijan. Kailangan ko tuloy ulit-uliting basahin ang nasa notes ko.

“Mukhang nahihirapan ka talaga. General mathematics ‘yan, ‘di ba?”

Nahihiyang tumango ako. Gets ko naman itong lesson noong tinuturo ni prof pero ngayon nalilito na nga ako. At kasalanan ito ng lalaking nasa tabi ko.

May isinulat siyang mga equations sa papel at inilapag iyon sa harap ko.

“Try to answer that.”

Buong maghapon ay tinulungan niya akong mag-review. Binibigyan niya ako ng mga sample equations at kapag nalilito ako nang kaonti ay ipinapaliwanag niya ulit sa akin.

He’s too patient. Ni hindi siya napikon kahit na matagal bago ko ma-gets ang sinasabi niya. What if...i-hire ko na lang siyang tutor ko? Sa gano’ng paraan, kikita pa siya at matututo ako. It’s a win-win agreement.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top