CHAPTER 6

Chapter 6: Attractive

Mabilis na lumipas ang buong linggong ‘yon pero hindi pa ulit kami nagkikita ni Billy. Tatlong dates ang gusto niya pero ni isa ay hindi pa nababawasan iyon. Mukhang plano niya talagang patagalin ‘to.

“Three weeks na lang at midterm exams na natin,” sabi ni Cassandra bago kumagat sa sandwich niya.

“True. Kaya nga nag-re-review na ako ngayon pa lang,” pagsang-ayon ni Jesellie.

Hindi na ako nakisali sa usapan nila dahil abala ako sa pagbabasa ng notes ko. Kagabi ko pa sinimulang i-review ang lessons namin pero hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong tandaan ang mga nakasulat dito.

The results of my last examinations weren’t that good. At talaga namang grabe ang sermon na natanggap ko galing sa madrasta ko. Si daddy, hindi naman niya ako pinagalitan pero alam kong disappointed siya.

I sipped on my juice before I looked around. Huminto ang paningin ko sa grupo ng mga estudyante sa kabilang table. They are all familiar to me. Then suddenly, Zaijan came to join them. At doon ko na-realize na sila pala ang mga student officials ng campus. Nakita ko ang mga mukha nila doon sa office ni Zaijan noong nagpunta ako doon.

“Alam n’yo ba, sobrang busy ng student affairs ngayon dahil may drugs daw na nakita sa isang vacant room,” pabulong na sabi ni Jesellie.

Napakunot naman ang noo ko. Basta talaga tsismis, updated ang kaibigan ko.

“Drugs? Paano nangyari ‘yon?” gulat na tanong ni Cassandra.

Jesellie shrugged. “I dunno. Kaya nga busy sila sa pag-iimbestiga kung sino-sino ang nagdadala ng gano’n dito. For sure, expulsion ang punishment no’n.”

“Saan mo naman nalaman ‘yan?” tanong ko.

She smirked. “From my reliable source. Kaya bawal ipagsabi dahil gustong ilihim ng campus ang tungkol dito.”

I glanced to where the officials are. They are all busy reading the papers on their hand even though their foods are already served. Kung hindi sinabi ni Jesellie ang tungkol sa problema ng campus, iisipin kong busy lang sila sa pag-re-review sa exams.

“Kung sino man ang taong ‘yon, sigurado akong malakas ang loob niya dahil may makapangyarihang taong nasa likod niya. Usually, mga elite students ang gagawa niyan,” mahinang sambit ko.

Biglang may tumayo sa harapan ko kaya hindi ko na makita ang tinitingnan ko sa kabilang mesa. Tiningala ko kung sino ‘yon at bumungad sa akin ang nakangising si Billy.

“Hi. I guess, it’s the right day for our first date. Let’s have lunch together,” he said straightforward.

Bumuntonghininga ako. “At bakit naman ngayon? As you can see, we’re already having our lunch here.”

He glanced to our table then he raised his eyebrow. “So, you’re declining my request?”

I pressed my lips together in annoyance. Do I have a choice? Ako rin naman ang pumayag sa deal na ‘to kaya dapat ko itong panindigan.

Padabog akong tumayo at kinuha ang gamit ko. Sumulyap ako sa mga kaibigan ko at pareho silang mukhang nag-aalala sa akin. Kaya nginitian ko lang sila.

“Bumalik ka kaagad, Elli. May next class ka pa,” bilin ni Jesellie pero alam ko namang ipinaparinig niya rin ‘yon kay Billy.

Tumango ako at humarap na kay Billy. Inilahad niya ang palad niya sa daanan na para bang gusto niya akong maunang maglakad. Iniisip niya bang tataguan ko siya kapag nauna siyang maglakad sa akin? Duh.

Napasulyap pa ako sa table ng mga officials at nakita kong nagtatawanan sila maliban kay Zaijan na kunot-noong nakatitig sa papel na hawak niya.

Billy led me to the parking lot where Roger immediately approached us. Masama kaagad ang tingin sa kaniya ni Billy pero hindi siya nagpatinag.

“Wala ka na bang klase, Miss Delara?” tanong ni Roger.

“May susunod na class pa ako. Kakain lang kami ng lunch saglit,” sagot ko.

Sumulyap siya kay Billy at mas naging seryoso ang mukha. Siguro ay nagdududa siya kay Billy. Sabagay, kaduda-duda naman talaga ang lalaking ‘to. Siya iyong tipo ng taong hindi mo dapat pagkatiwalaan.

“Sumunod ka na lang sa pupuntahan namin,” sabi ko na agad inalmahan ni Billy.

“At bakit naman siya susunod? Aso mo ba siya?”

I glared at him. “He’s my bodyguard, Billy. At trabaho niyang protektahan ako sa lahat ng oras. Sa lahat ng masasamang tao.”

“Kung hindi ako puwedeng sumunod, hindi siya puwedeng sumama sa ‘yo,” malumanay pero mariing sambit ni Roger sa kaniya.

Akala ko ay magmamatigas pa si Billy pero binuksan niya na lang ang pinto ng sasakyan niya. Sumakay ako sa front seat at padabog siyang sumakay sa driver’s seat.

We were both silent during the ten-minute ride. Pagdating namin sa isang restaurant ay bumaba na rin ako kaagad at hindi niya siya hinintay pang pagbuksan ako ng pinto. Sabay kaming pumasok sa loob at nagtungo sa pandalawahang mesa.

“Choose anything you like,” he said.

Binuklat ko ang menu at pumili ng dessert. Kumain na ako kanina sa cafeteria kaya busog na ako.

“One vanilla ice cream,” I told the waiter.

Kumunot ang noo ni Billy. “Choose a main course, Elli. This is a lunch date not an ice cream date.”

“Lunch date or ice cream date, date pa rin ‘yon,” sabi ko at hindi na binago ang order ko.

He smirked. Inirapan ko lang siya at hinintay na dumating ang order namin. Nang dumating iyon ay agad kong sinimulang kainin ang ice cream ko para matapos ako kaagad. Pero kabaliktaran yata ang balak nitong si Billy.

“Do you usually eat that slow?” I asked him.

Nagkibit-balikat siya. “Ganito talaga ako. You don’t have a choice but to wait for me. Kasi si Hannah, hindi naman siya nagrereklamo kapag mabagal akong kumain.”

Hannah. I guess, that’s the name of that girl.

I crossed my arms in front of him as soon as I finished eating my ice cream. He looks like he’s enjoying what’s happening right now. Did he ask for dates just to annoy me?

“Are you aware that I still have class this afternoon?” I asked him.

Tumango siya. “Just skip that class. Ako na ang bahalang kumausap sa prof mo.”

Napaismid ako sa sinabi niya. As if namang kailangan ko ang tulong niya para kausapin ang prof ko. Kung kapangyarihan lang naman ang usapan, mas makapangyarihan ang dad ko dahil siya ang mayor. Pero hindi niya ako papanigan kapag nalaman niyang nag-skip ako ng class.

“I have a question,” I started. He sipped on his glass of water before he looked at me.

“Do I like you? Yes.”

My face turned emotionless. “I’m not gonna ask that stupid question. Halata namang gusto mo ako kaya nga pinilit mo akong makipag-date sa ‘yo, ‘di ba?”

He chuckled. “Seriously. Ano ba kasing tanong mo?”

I sighed. “That girl...is she your...” I paused to find a decent word for that. “Your... hired fubu?”

His face turned red then he started coughing. Uminom siya ng tubig hanggang sa kumalma.

“You’re really different, huh? Bakit mo ba tinatanong ‘yan? Are you afraid that you’ll have to be my fubu on our third date?”

I didn’t answer. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o pinag-t-tripan niya lang ako. Pero napagtanto kong nang-aasar lang siya dahil bigla siyang tumawa.

“Relax, Elli. She’s not my fubu. Iba ang trabaho niya sa akin.”

Ayaw ko mang aminin pero nakahinga talaga ako nang maluwag nang sabihin niya ‘yon. Dahil kung sakaling seryoso siya, baka bigla akong magpalipat ng school para lang hindi matuloy ang third date naming dalawa.

Yes, I’ve had several boyfriends since high school but I never had a sexual relationship with someone. Kaya mabilis akong nakikipaghiwalay sa mga nauna kong boyfriend ay dahil iyon lang ang habol nila sa akin. Iyong iba naman, gusto lang sumipsip kay dad para magamit sa advantage nila.

“And what kind of work is that?” I asked again. “I’m really curious. Is she your maid? O baka naman siya ang nagsasagot ng homework mo.”

He laughed. “You really want to know?” I nodded. “She’s my supplier.”

My forehead slowly creased in confusion. Pero dahil sa mukha niya ay natawa ako bigla. Sa dami ng puwede niyang sabihing sagot, supplier pa talaga?

“Supplier? Ng ano? At siya pa talaga ang nag-su-supply sa ‘yo?” natatawa pa ring sambit ko.

“I’m serious. She’s my supplier. Hindi ko nga lang puwedeng sabihin kung ano.”

I’m not believing him. Ayaw niya lang siguro sabihin ang totoo. O baka masiyadong nakakahiya ‘yon.

It’s already one forty-five in the afternoon when we went back to the campus. Late na ako para sa three-hour class ko today at hindi na ako puwedeng humabol dahil magagalit na si prof.

Kasalanan ‘to ni Billy. Ang sabi niya kakausapin niya si prof pero hindi na ako pumayag dahil ayaw kong may kumalat pang issue tungkol sa amin.

Naglalakad ako sa may hallway ngayon nang masalubong ko si Zaijan. Babatiin ko sana siya pero dirediretso ang lakad niya at nilampasan ako. Sinundan ko siya ng tingin.

Hindi niya ba ako napansin? O baka nagmamadali siya?

I shrugged and was about to go to the library when I saw something on the floor. It’s Zaijan’s nameplate. Hindi niya napansing nahulog dahil sa pagmamadali niya. Natatanaw ko pa siya pero malayo na siya sa akin kaya sinundan ko na lang siya.

He went straight to his office and when he was about to close his, I stopped him. Gulat siyang napatingin sa akin.

“Hi,” nakangiting bati ko sa kaniya pero sumeryoso lang mukha niya.

“Don’t you have classes after lunch?” he asked.

I glanced sideways before I answered. “Ahm, late na ako kaya hindi na ako pinapasok ni prof.”

“Why? Your boyfriend should have talk to your professor. Or next time, huwag kang makipag-date kapag alam mong may next class ka pa.”

Nabigla ako sa mga sinabi niya. First of all, why is he saying those things to me? Second, bakit parang galit siya? Pero ang mas nagpapagulo sa isip ko ay, paano niya nalaman na nakipag-date ako? Narinig niya ba kanina sa cafeteria?

I don’t know why he looks attractive with his eyebrows snapped together. Gan’yan na gan’yan ang itsura kanina sa cafeteria habang nagbabasa, e.

I crossed my arms and stared at him. “You’re right, I shouldn’t have left during class hours but to for your information, I don’t have a boyfriend. About Billy, kung siya ang tinutukoy mo, I just have a...deal with him.”

“What kind of deal?”

“It’s...” I paused when I realized what I’m doing. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kaniya? I don’t owe him any explanation. “It’s nothing important. Anyway, I’m here to give this back to you. Nahulog mo kanina doon sa hallway.”

Inabot ko sa kaniya ang nameplate niya pero tiningnan niya lang ang hawak ko. Kaya naman kinuha ko ang kamay niya at ipinatong doon ang nameplate.

“Ang sungit mo ngayon. Sobrang stressful siguro ng trabaho n’yo lately. Tapos may upcoming exams pa. Sabagay, matatalino naman kayo kay for sure hindi kayo babagsak...”

Humina ang boses ko nang mapansin kong nakatitig na lang siya sa akin. Mukhang naiistorbo ko talaga siya.

Ngumiti ako. “Sige na, aalis na ako. Uuwi na lang siguro ako dahil wala na akong klase.”

“It’s not yet dismissal time kaya hindi ka rin papalabasin.”

My eyes narrowed at him. “I know that. Pero ayaw ko namang tumambay kung saan dahil baka malaman ng ibang professors na hindi ako pumasok sa class ko. Unless...dito ako tatambay sa office mo.”

Hindi siya sumagot at nakatitig na naman sa akin. His stares are so heavy that I feel conscious already. Hindi naman ako ganito kapag may ibang nakatingin sa akin dahil sanay na ako. Pero bakit sa kaniya...parang kumakabog nang malakas ang dibdib ko.

What’s wrong with me? Am I...palpitating? Nasobrahan yata ako sa kape. It’s not a big deal.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top