CHAPTER 3

Chapter 3: Celebrate

Later that night, I woke up again from a nightmare. I was sweating a lot even though the air condition was on. I glanced at the clock beside my bed and saw that it was just two o’clock in the morning.

Bumuntonghininga ako.

Hindi ko na alam ang dapat kong gawin para lang matapos na ang mga panaginip na ‘to. Ganito na lang palagi gabi-gabi.

Kaya kinabukasan, halos hindi ako makapag-focus sa klase dahil inaantok pa ako. Mabuti na lang at nasa bandang likuran ang upuan ko kaya hindi ako napapansin ni Prof.

Iyon nga lang, wala akong naintindihan sa lesson ngayon.

“Let’s have a quiz.”

Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang sinabi ni prof. Lumingon ako sa paligid at nakitang kumukuha na ng quiz booklet ang mga kaklase ko at wala man lang silang reklamo na biglaang magpapa-quiz ang professor.

Damn it! Bakit ko ba nakalimutan na mahilig pala sa surprise quiz itong prof na ‘to? Hindi pa naman ako nakinig. At kahit may notes ako ay sure akong wala rin naman doon ang lalabas na mga tanong.

“Question number 1...”

Huminga ako nang malalim bago naglabas ng papel. Wala naman akong magagawa kundi ang mag-take ng quiz.

I felt so tired while coming out of our room. The straight three hours class in that subject really drained the hell out of me. Tapos hindi ko pa sigurado kung tama ba ang pinagsasagot ko doon sa quiz. Major subject pa naman namin ‘yon.

“Elli!”

Tumingin ako sa tumawag sa akin at napangiti nang makita ko sila Jesellie at Cassandra. Buti pa ang dalawang ‘to, parang walang pinoproblema sa buhay.

“Bakit gan’yan ang itsura mo? Para kang binagsakan ng mabigat na bagahe,” sabi ni Jesellie.

Bumuntonghininga ako ulit. “Talagang babagsak yata ako. Gusto ko na lang mag-shift ng course. Culinary naman talaga ang gusto ko pero bakit ba ako nandito sa marketing?”

“Puwede ka namang mag-shift, iyong step-mother mo lang ang ayaw. At s’yempre kakampihan siya ng dad mo,” prangkang sabi ni Cassandra.

She’s right. Gusto ng step-mother ko na kumuha ako ng business related course dahil gusto niyang tulungan ko siya sa negosyo niya. As if namang gusto kong magtrabaho doon. I don’t want to involve myself with their business. Gusto ko na lang talagang magtrabaho para mapag-aral ko ang sarili ko pero hinaharang din ni tita ang lahat ng ina-applyan ko.

Hindi na ako kumibo pa at nagsimula na kaming maglakad patungo sa gym nang may matanaw akong pamilyar na lalaki. Napahinto ako sa paglalakad habang pinagmamasdan siyang makipag-usap sa isang estudyante. Mukhang pauwi na siya pero hinarang lang ng estudyanteng nagtatanong.

Sa itsura niya, mukha siyang galing sa mayamang pamilya. Pero nang makita ko ang bahay nila kahapon, doon ko na-realize na hindi pala.

“Bakit, Elli? Tinititigan mo ba si Zaijan?” tanong ni Jesellie.

I shrugged. “Why? Bawal ba? Na-a-amaze lang ako sa kaniya. Sobrang active niya dito sa school, ‘no?”

“Oo nga daw. Alam ko working student din siya, e. Bukod sa scholarship, siya na rin ang nagpapaaral sa sarili niya,” sabi ni Jesellie.

Now I know. Bibihira lang ang mga estudyanteng katulad niya. The dedication that he has is incomparable. Siguro nagsisikap siya dahil gusto niya talagang umahon sa kahirapan. Iyon ang mga taong dapat na tinutularan.

Hindi katulad ko. May privilege akong makapag-aral sa kahit saang eskwelahan, kaya kong bilhin ang ano mang gusto ko, pero, I’m taking all of that for granted. Pakiramdam ko hindi sapat ang lahat ng ginagawa ko para magamit nang maayos ang privilege na iyon. I don’t deserve everything that I have right now.

Ano ba kasing magagawa ko? Hindi ako magaling sa lahat ng bagay. I only know cheerdancing because I’ve been doing that since I was young. Pero sa ibang bagay...wala na akong alam.

Madali kong matutunan ang bawat bagay kung gugustuhin ko pero hindi to the point na magiging magaling na ako doon. Kaya naiinggit ako sa mga taong magaling sa isang bagay. Iyong talagang masasabi nilang talent nila.

“Uy, si Aithan, o!”

Napatingin ako sa itinuro ni Cassandra at natanaw ko nga ang boyfriend ko. Kasama niyang naglalakad ang mga kaibigan niya. Mukhang may masaya silang pinag-uusapan dahil nagtatawanan sila.

“Ano, lalapitan mo ba siya?” tanong ni Jesellie.

Pero bago ko pa masagot iyon ay nakita na rin ako ni Allen. Kinawayan ko siya at may sinabi siya sa mga kasama bago siya lumapit sa amin.

“Hi, babe.” He kissed my cheek and my friends squealed a bit. I rolled my eyes at them.

“Hi. Mukhang masayang-masaya kayo. Anong meron?” nakangiting tanong ko.

“Natapos na kasi namin ‘yong plate na pinagawa ni prof. We’re going to celebrate actually, gusto mo bang sumama? Kayo, gusto n’yo rin ba?” tanong niya sa amin ng mga kaibigan ko.

Tatanggi sana ako dahil hindi ako komportableng sumama sa kanilang magkakaibigan pero naunahan ako ni Jesellie na magsalita.

“Kung okay lang, edi sasama kami. ‘Di ba, Elli?” tanong pa niya sa akin.

Sumulyap ako sa mga kaibigan ni Aithan bago ako bumuntonghininga.

“Sige, kung okay lang sa kanila,” sabi ko habang tumatango.

“That’s great. Let’s go. Sa kabilang kanto lang kami kakain kaya maglalakad lang tayo,” sabi ni Aithan.

Nauna nang maglakad palabas ng campus ang mga kaibigan niya at susunod na sana kami nang mapansin ko si Zaijan. Papunta na siya ngayon sa gate. Mukhang hindi niya kami napansin o kung napansin man niya ay wala talaga siyang pakialam.

Pagdating sa labas ay hinarang ng mga kaibigan ni Aithan si Zaijan. Medyo malayo pa kami sa kanila kaya hindi ko marinig ang sinasabi nila kaya medyo nilakihan ko ang hakbang ko.

“Hindi ka ba sasama amin, Zaijan? Come on, let’s celebrate. Minsan kailangan mo ring magsaya,” sabi ng isa sa kanila.

Looks like they are trying to convince him to come with them. We stopped walking to wait for his answer. Sumulyap siya sa amin or should I say, sa akin bago muling tumingin sa mga kaklase niya.

“Don’t tell us bawal magsaya sa labas ang president ng student council?”

“Oo nga naman.”

Mukhang hindi na rin nakatiis si Allen dahil sumabat na rin siya sa usapan.

“Guys, don’t force him. Baka hindi talaga puwede—”

“Okay. Sasama ako.”

Lahat kami ay nagulat sa pagpayag niya. Hindi ko alam kung gusto niya talagang sumama o napilitan lang siya dahil makulit itong mga kaklase niya. Kung ano mang dahilan niya, sana lang ay hindi siya mapahamak.

“Grabe, we’re so lucky today, ha,” pabulong na sabi ni Jesellie. Nilingon ko siya nang nakakunot ang noo ko. “Bukod kasi sa engineering students ang kasama natin, nagawa pa nilang mapasama ang president ng SAC. That’s sounds fun, right?”

“Puro ka talaga kalokohan, Jesellie,” sabi sa kaniya ni Cassandra.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko si Zaijan. Nakasukbit sa kaliwang balikat niya ang bag niya at diretso lang ang tingin sa daanan. Walang emosyon ang kaniyang mukha.

“Are you okay?” Aithan suddenly asked that made me look at him.

I smiled. “Of course, I am. Malayo pa ba?”

He put his right arm around my shoulder. I noticed how Zaijan looked at us at the corner of his eyes then he sighed.

“Nandito na tayo.”

Tumingin ako sa pinasukang kainan ng mga kaibigan ni Allen at bahagyang nanlaki ang mga mata ko. I know this place. Hindi lang ito basta restaurant sa loob dahil may secret bar ito sa itaas.

“Bakit dito? I thought we’re just going to eat somewhere?” I asked my boyfriend.

He chuckled. “I said we’re going to celebrate. It means, we have to drink a little.”

I glanced to Zaijan who’s now watching us. He slightly raised an eyebrow to me before he entered the resto bar. Looks like he’s not bothered at all. So, bakit ba ako nag-aalala?

Pumasok na rin kami sa loob at dumiretso kami sa second floor ng resto bar. Kahit alas kwatro pa lang ng hapon ay marami ng tao dito. Halos karamihan ay mga college students sa kabilang mga university. Dito talaga ang madalas na tambayan ng mga estudyante lalo na’t hindi ito madaling makita sa labas.

“President, ayos lang ba dito? Baka bukas ipatawag n’yo na kami sa disciplinary office ah,” sabi ng isa sa mga kaibigan ni Aithan.

Nagsipagtawanan naman ang mga kasama niya. Habang kaming magkakaibigan ay nagkatinginan lang. Sumulyap ako kay Zaijan na inililibot ang paningin sa buong paligid.

“It’s fine. Hindi naman sakop ng school ang ginagawa ng mga estudyante sa labas as long as hindi kayo gagawa ng bagay na ikasisira ng image ng school,” paliwanag niya.

It’s obvious that they’re mocking his position but he still remained calm. Baka hindi niya napapansin o ayos lang sa kaniya. I wonder kung gaano kahaba ang pasensya niya para sagutin ang mga sarkastikong tanong ng mga kasama namin ngayon. O dahil siya ang president kaya kailangan niyang mag-set ng standards sa pakikitungo sa iba.

They ordered beer and some foods like sisig, fried chicken wings, and junk foods. Nag-umpisa na kaagad silang mag-inuman habang nag-uusap nang kung ano-ano. Sila Jesellie at Cassandra ay nakikisali rin sa usapan nila habang ako ay tahimik lang na nagmamasid. Sa tabi ko naman nakaupo si Aithan na kanina pa tawa nang tawa sa pinag-uusapan nila. Nakaakbay siya sa akin na para bang mawawala ako anumang oras kapag bumitaw siya.

Inuunti-unti ko ang beer ko para hindi ako kaagad malasing. After all, wala naman talaga sa plano ko ang uminom ngayong araw.

Hindi ko alam kung gaano katagal na kami dito nang tumunog ang phone ni Aithan. Sumulyap ako doon para sana tingnan kung sino ang tumatawag pero agad niya iyong kinuha. Malinaw ang mga mata ko at hindi pa naman ako lasing kaya sigurado akong pangalan ng babae ang nakita ko.

Something like... Alaiza?

“I’ll just answer this call. Babalik ako kaagad,” sabi sa akin ni Allen at basta na lamang siyang umalis sa tabi ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makababa na siya ng hagdan. Bumuntonghininga ako at ibinalik ang paningin sa mesa nang mapansin ko na naman si Zaijan na nakatingin lang sa beer na nasa harap niya.

At dahil busy naman ang mga kasama namin sa kanikanilang ginagawa kaya lumapit ako kay Zaijan. Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya pero may sapat na distansya pa rin sa pagitan namin.

“Hindi ‘yan mauubos kung hindi mo iinumin,” sabi ko pero sumulyap lang siya sa akin. “Bakit pumayag ka na pumunta dito e mukha namang hindi ka komportable?”

He sighed. “I’m here to celebrate with them. You? Why are you even here when you’re not an engineering student?”

Bahagya akong napanganga sa prangkang tanong niya. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin habang sinasabi iyon. Nang makabawi ay natawa ako.

“I’m here to celebrate with my boyfriend,” I told him.

This time he looked at me. “Your boyfriend..." he repeated.

Tumango ako. Hindi siya nagsalita at uminom na rin sa beer na nasa baso niya. Napapaisip tuloy ako kung sanay ba siyang uminom. Baka mamaya malasing siya agad sa isang basong beer lang.

“Do you love him?”

My eyes widened with his sudden question. He’s the first person to ask me if I love Aithan. Because...why would someone ask that? Hindi ba dapat obvious na ‘yon dahil boyfriend ko nga si Allen? Everyone should assume that I love him.

“Why are you asking me that question?” I asked him back.

“It’s just a simple question. Say yes if you love him and if you don’t, you can just say no.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top