CHAPTER 15
Chapter 15: Boyfriend
Maging ako ay nagulat sa pagpapakilala ni Zaijan sa akin. Hindi ako nakapaghanda para dito. Ni hindi ako nakapagsuot nang maayos na damit.
Ang bilis namang mag-backfire ng sorpresa ko kay Zaijan. Ngayon ako ang mas gulat sa nangyayari.
“Girlfriend?” tanong ng mama niya bago tumingin sa akin. “Totoo ba, iha? Boyfriend mo ang anak ko?”
Dahandahan akong tumango. “Opo. Kahapon lang po naging kami.”
Napakurap-kurap siya habang tumatango. “Gano’n pala. Nagulat lang ako. Gaano katagal na ba kayong magkakilala?”
Nagkatinginan kami ni Zaijan. Napaisip tuloy ako kung gaano na kami katagal magkakilala.
“One month po,” sagot ko.
“Ma, hindi naman po mahalaga kung gaano katagal na kaming magkakilala,” sabi ni Zaijan.
Natawa ang mama niya. “Wala naman akong sinabi. Halika at kumain muna tayo. Mamaya na natin pag-usapan ‘yan.”
Nakahinga ako nang maluwag dahil doon pero alam kong pansamantala lang ito. Pagkatapos naming kumain ay tumulong ako sa pagliligpit ng pinagkainan habang si Zaijan naman ay naligo muna.
“Ako na ang bahala diyan, iha. Gusto sana kitang kausapin,” sabi ng mama ni Zaijan.
Kinakabahan man ay tumango ako. Umupo kami ulit sa hapag para makapag-usap nang maayos.
“Huwag mo sanang masamain ang itatanong ko pero, alam na ba ng papa mo ang tungkol sa relasyon mo sa anak ko?” tanong niya.
Ito ang isa sa mga tanong na hindi ko inaasahang itatanong niya. Hindi ko rin naman kasi naisip na big deal pala ‘yon. Pero gano’n pa naman, hindi ako magsisinungaling.
“Hindi pa po. Kahapon pa lang po kasi naging kami at hindi ko pa po nakakausap si dad. Kung natatakot po kayo na baka hindi siya magustuhan ni dad, huwag po kayong mag-alala, hindi naman po istrikto ang dad ko.”
Tumango siya. “Masaya ako sa relasyon ninyong dalawa pero parang nabibilisan talaga ako. Alam mo kasi, sa isang relasyon mahalaga na kilala n’yo nang husto ang isa’t isa. Iyon ang magiging pundasyon para magtagal pa kayo.”
Ngumiti ako. “Handa naman po akong mas kilalanin pa si Zaijan. At handa akong tanggapin ang lahat ng tungkol sa kaniya. Sobrang bait po kasi talaga ng anak ninyo kaya hindi po ako natakot na maging girlfriend niya.”
Alam ko sa sarili ko na tatanggapin ko ang lahat kay Zaijan. Ang hindi ko lang sigurado ay kung matatanggap niya rin ba ang lahat ng tungkol sa akin. Marami akong pangit na katangian na hindi niya pa nakikita.
“Panatag na ako ngayon. O siya, sige na. Akyatin mo na siya sa taas. Iyong unang kwarto ang sa kaniya.”
Napakunot ang noo ko. “Po?”
“‘Di ba mag-re-review kayong dalawa? Nandoon kasi sa taas ang mga gamit niya para hindi na kayo mahirapang magbaba. Basta iwan n’yo lang bukas ang pinto.
Nagdadalawang isip akong tumango at sinunod siya. Umakyat na ako sa taas at nakitang dalawa ang kwarto doon. Unang kwarto daw ang kay Zaijan at nakabukas ang pinto no’n.
I don’t know but it feels awkward to be here. I don’t want to invade his privacy that’s why I just stayed in front of his room. Ang akala ko ay nasa loob siya pero nagulat ako nang lumabas siya sa kabilang gilid. May pinto pa pala doon na hindi ko napansin at mukhang banyo iyon.
Agad akong napatalikod dahil naka-shorts pa lang siya habang nagpupunas ng bimpo sa buhok.
“S-sorry. Ang sabi kasi ng mama mo umakyat na ako dito. Hindi ko naman alam na nandiyan ka,” sabi ko at ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
I heard him chuckled. “You can face me now. Nakabihis na ako.”
Dahandahan ko siyang hinarap at nakasuot na nga siya ng brown na t-shirt. Magulo pa ang buhok niya dahil katatapos niya lang punasan iyon. Nang lumapit siya ay naamoy ko ang sabon na gamit niya.
“Mag-review na tayo?” tanong ko.
“Where are your notes?”
I showed him my phone. “I have a soft copy on my phone. You can review your lesson and I’ll review mine also. Pero kapag may hindi ako masiyadong maintindihan, magtatanong ako sa ‘yo.”
He nodded slowly. “Do you know that I have a sharp memory?”
Napakunot ang noo ko. “Matalino ka kaya matalas ang isip mo. Bakit?”
“Naaalala kong hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina. Pumunta ka ba dito nang mag-isa?”
I opened my mouth to speak but I immediately stopped myself. Sigurado akong hindi siya matutuwa kapag sinabi kong nag-commute ako mag-isa. Pero ayaw ko namang magsinungaling.
“I...did. Hindi naman gabi kaya ligtas pang mag-commute. At saka tumakas lang ako sa bahay—”
“You did what?” he cut me off.
That’s when I realized what I said. I’m so stupid!
“Tumakas ka sa bahay ninyo? Para pumunta dito?” tanong niya ulit.
Umiling ako. “Hindi gano’n. Gusto kong umalis ng bahay dahil ayaw kong sumama kay Tita Natasha. Pero ayaw kong pumunta kila Jesellie dahil hahanapin nila ako doon kaya dito ako nagpunta.”
Seryoso niya akong tinitigan. Sa itsura niya pa lang alam ko nang galit na naman siya. Palagi na lang siyang galit.
“Tawagan mo ang bodyguard mo at sabihin mong nandito ka. Sigurado akong hinahanap ka na nila ngayon,” utos niya.
“Ayaw ko. Susunduin lang nila ako at pipiliting sumama kay Tita Natasha. Dito lang ako, Zaijan. Please,” I begged him.
“Ihahatid na lang kita pauwi—”
“What?” gulat kong tanong. “Kung alam ko lang na papauwiin mo ako, sana nagsinungaling na lang ako. O kaya, sana hindi na lang ako dito pumunta.”
I crossed my arms and looked away. Naiinis na ako. Para siyang si daddy. Sobrang protective at sobrang strict.
“You can go here anytime you want but make sure to tell your bodyguards about it. Paano kung napahamak ka sa biyahe? It’s their job to protect you. Kapag may nangyari sa ‘yo, marami silang mapaparusahan. At sisisihin ko ang sarili ko.”
I’m not overreacting but I think I heard those words from my dad before. Is he really my boyfriend? Or my dad’s duplicate?
“Okay. I will never do this again. But can I stay here today? Ayaw ko pang umuwi. Please. Magpapasundo ako kay Roger mamaya kapag uuwi na ako, promise.”
Mataman niya akong tinitigan bago siya bumuntonghininga. “Sige. Pero sa susunod na takasan mo ang bodyguards mo, papauwiin kita kaagad.”
Tumango ako at nauna nang pumasok sa loob ng kwarto niya. Hindi naman masiyadong maliit ito, sakto lang para magkasya ang kama, cabinet, at study table sa kabilang side. May space pa nga para sa ibang gamit. Isa pang napansin ko ay malinis at maayos ang kwarto niya.
At dahil mag-re-review kaming dalawa kaya dumiretso ako sa study area niya. Nakabukas sa mesa ang laptop at nakita ko kaagad ang wallpaper niya.
It’s a symbol or a logo, I’m not sure. Parang nakita ko na ‘yon noon pero hindi ko maalala. Baka nakuha niya lang sa internet or what.
Sunod kong tiningnan ang drafting table sa gilid. May nakalatag pang papel doon na hindi pa yata niya tapos gawin. Namamangha kong tiningnan ang bawat detalye ng drawing. Pinigilan ko ang sarili ko na hawakan iyon dahil baka madumihan.
Inilibot ko ulit ang paningin sa paligid hanggang sa napansin ko ang mga naka-display na drawings sa pader. Sketch pa lang ang mga iyon pero magaganda lahat. Talagang may talent si Zaijan sa pagguhit.
Kanino niya kaya namana? Sa mama niya ba o sa papa niya? Speaking of papa, parang hindi ko pa nakikita ang papa niya dito sa bahay nila. Ni walang picture na naka-display doon sa baba.
“Hindi ka pa tapos mag-room tour?”
Nilingon ko si Zaijan na nakasandal sa doorframe at nakakrus ang mga braso habang nakatingin sa akin. Natawa ako bago umiling.
“Tapusin mo na ‘yung mga gagawin mo. Natutuwa kasi ako dito sa mga drawings mo, e. Ang gaganda. I also want to be good at something. Like this,” I told him.
Kinuha ko ang sketchpad na nakapatong sa ibabaw ng drawer. For sure marami rin siyang dinadrawing dito.
“Elli, huwag mong kunin ‘yan.”
Pero huli na ang lahat dahil nabuksan ko na ito kung saan may nakaipit na lapis. Bumungad sa akin ang sketch ng mukha ng babae. Naka-side view ito at nakangiti. Halatang hindi pa ito tapos dahil tanging ulo pa lang talaga ang naiguguhit. Pero kahit na gano’n alam ko na kaagad kung sino ito. Sa ipit pa lang ng buhok, alam ko nang ako ‘to.
“Ako ‘to, ‘di ba?” nakangiting tanong ko kay Zaijan.
Tiningnan ko siya at nakitang hindi na siya nakatingin sa akin ngayon. At hindi lang ‘yon, namumula rin ang tainga niya na parang nahihiya.
“You like me that much? Kailan mo ‘to ginawa?” tanong ko.
Huminga siya nang malalim.. “Last week. Hindi pa tapos ‘yan kaya huwag mo munang tingnan.”
I giggled. “It’s beautiful.”
“S’yempre ikaw ‘yan...kaya maganda.”
Mas natawa ako lalo. “Tama ka. Kapag maganda ang reference, maganda rin ang artwork. Ibigay mo sa ‘kin ‘to kapag natapos mo, ah?”
“Sa akin ‘yan. Gagawan na lang kita ng bago,” sabi niya bago kinuha sa akin ang sketchpad.
Nagkibit-balikat ako bago tumango. Binuksan ko ang pdf files sa phone ko para magsimula nang mag-review. I sat on his bed while he is finishing his plates. He’s so focused on what he is doing that's why I used this opportunity to take a stolen photo of him.
Bumalik ako sa pagbabasa hanggang sa nakatulog ako. Nagising na lang ako dahil sa marahang umaalog sa balikat ko.
“Elli, wake up.” It was Zaijan.
He gently tapped my shoulder but I held his hand. It’s so warm that’s why I put it on my cheek. Inaantok pa ako at parang ayaw ko nang bumangon.
“Elli...” he muttered again. “It’s already five, you have to wake up now.”
I opened my eyes slowly and smiled when I saw his face.
“Hindi ka naman nag-review, natulog ka lang,” sabi niya bago pinisil ang ilong ko. Pinalo ko ang kamay niya.
“Stop it! Inaantok kasi ako tapos ayaw naman kitang guluhin kaya natulog na lang ako,” sabi ko.
Umiling-iling siya. “Kailangan mo nang umuwi para hindi ka gabihin sa daan. Call your driver to fetch you.”
I did what he said to avoid arguments. Habang naghihintay sa driver ko ay kinain namin ang pizza na dala ko. Nasa sala na kami ngayon at nanonood ng t.v.
“I have a question. If it’s okay ask,” I said then he looked at me.
“What is it?”
“Where is your dad? Hindi ko pa siya nakikita tapos wala pa siyang mga pictures dito,” sabi ko habang tumitingin sa paligid.
Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Kung kanina ay nakangiti pa siya, ngayon parang bigla siyang lumungkot. Nagsisi tuloy ako na tinanong ko pa ‘yon.
“Ayos lang kahit hindi mo na sagutin...”
“Nasa ibang lugar siya. Kapag nagkita kami, ipapakilala kita sa kaniya.”
I want to ask more questions about his dad but I stopped myself. I don’t want him to think that I’m being nosy. Hindi ko nga alam kung totoo ba ang sinabi niya pero tatanggapin ko na lang ‘yon.
As soon as my driver came, I immediately went home. Naabutan kong nag-uusap sa sala sina dad at Tita Natasha.
“Hindi ko na alam ang gagawin diyan sa anak mo, Vincent. She’s becoming more disrespectful!” my step-mother said.
Nakita ko ang pagbuntonghininga ni dad. Bago pa siya magsalita ay lumapit na ako. Masama kaagad ang tingin sa akin ni Tita Natasha.
“Oh, you’re here already. Come on, ikaw mismo ang magsabi sa daddy mo kung paano mo ako tinakasan kanina.”
Hindi ko siya pinansin at humarap lang ako kay dad. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya medyo kinabahan ako.
“Where did you go, Elli? Bakit hindi mo sinamahan ang step-mother mo doon sa foundation?” malumanay pero mariin na tanong ni dad.
I sighed. “Nag-review po ako para sa midterm exam, dad.”
“Review? With your friends? But Roger told me that you’re not with them. Pumunta siya doon sa bahay ng mga kaibigan mo kanina,” sabi ni dad.
I knew it. Doon nila ako unang hahanapin. Mabuti na lang kila Zaijan ako pumunta.
“I’m with my...boyfriend,” I mumbled.
“See!” Tita Natasha interrupted. “Hindi talaga ‘yan nag-review. Nakipaglandian lang siya sa boyfriend niya maghapon.”
I almost rolled my eyes. “Dad, I’m telling the truth. Kung gusto mo po, tawagan natin ang boyfriend ko pati ang mama niya. He’s a nice man, and he’s helping me in reviewing.”
Inayos ni dad ang salamin niya pagkatapos ay tumango.
“Okay, I believe in you. But, it doesn't mean that what you did is right. You’re not a kid anymore, Marcellina. Please, be mature enough and act like your age. Delikado ang ginawa mong pag-alis nang mag-isa. About that boyfriend of yours, what’s his name again?”
I pursed my lips. “Zandro Jonathan Castillo. He’s the president of student affairs council in our campus, dad. Do you want to...meet him?”
“For what? That’s just a waste of time. Sigurado akong maghihiwalay din kayo after how many weeks,” sabad na naman ng madrasta ko.
Ikinuyom ko ang kamao ko sa inis. Bakit ba siya nakikialam? Kung makapagsalita siya akala mo alam niya lahat ng mangyayari. Hindi kami maghihiwalay kaagad ni Zaijan.
“Natasha,” dad stopped her then he looked back at me. “Maybe some other time. Sige na, umakyat ka na sa kuwarto mo at magpahinga.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top