CHAPTER 13

Chapter 13: Reject Me

Hindi ko na pinakinggan pang mag-usap ang lovebirds sa harapan ko. Kumuha ako ng isang basong whiskey at ininom iyon habang naglalakad-lakad.

Bawat estudyanteng nakikita ko ay nagtatawanan. Mukhang nag-e-enjoy talaga sila. Iyon naman talaga ang purpose ng party. Para mag-enjoy at magsaya.

At balak kong gawin ‘yon ngayong gabi.

Mabuti na lang at dito ako matutulog kaya hindi ko kailangang problemahin ang pagbiyahe ko pauwi. Hindi ko na rin iisipin na baka pagalitan ako ng step-mom ko kapag umuwi akong lasing.

I already drank five shots of whiskey and I’m enjoying it.

Kailan ba ako huling nag-party nang ganito? Ang huling inom ko yata ay noong sumama ako sa celebration ng ex-boyfriend ko. Pagkatapos no’n hindi na nasundan pa.

“Hi, Elli!” a guy said.

Tinitigan ko siya at inisip kung saan ko ba siya nakita dahil pamilyar ang mukha niya sa akin. Siguro ay napansin niyang hindi ko siya maalala kaya natawa siya.

“Nijel. I’m offended. Hindi mo ako maalala?”

I tried to remember him then it hit me. He was one of my ex-boyfriends. We only lasted for five days that’s why I don’t remember him that much.

“Of course, I remember you. Nagulat lang ako na invited ka dito,” natatawang sabi ko.

“Well, I’ve been a good friend to your friends, that’s why. Mas lalo kang gumaganda.”

I chuckled. “Are you hitting on me again?”

Natawa siya. “Why not? Are you in a relationship now?”

“No. But I’m not available.”

We talked for a while until I decided to get another drink again. I left him there to find another girl to flirt with. Lahat ng sinabi niya alam kong biro lang ‘yon. Alam niyang hindi ko ugaling makipagbalikan sa mga ex ko.

I was about to go to where my friends are but I saw someone from the other side of the pool. He is talking and laughing with a few girls.

What is he doing here? Don’t tell me, siya ang isinama ng boyfriend ni Jesellie?

Sumama ba siya dito para makipaglandian sa mga babae? Galit na galit pa siya no’ng sinabi kong maghanap siya ng ibang babae pero sinunod niya rin naman pala.

I drank the alcohol in my glass bottom’s up. Sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa baso habang pinapanood sila.

Hindi ko alam kung naramdaman niya bang may nakatingin sa kaniya pero bigla siyang tumingin sa pwesto ko. Nagtama ang paningin namin at medyo nabigla pa ako.

Padabog akong tumalikod at pumasok sa loob ng bahay. Ang sakit nila sa mata. Kung puwede ko lang silang ihulog sa pool, ginawa ko na.

I went straight to the kitchen and grabbed three cans of beer. Binuksan ko ang isa at diretsahang inubos ang laman no’n. Napapikit pa ako sa lamig nang humagod sa lalamunan ko ang beer.

Bubuksan ko pa sana ang isang beer pero may umagaw nito sa akin.  Dumilat ako at nakita ko si Zaijan. Hindi ko siya pinansin at binuksan ko ang isa pang beer na inilabas ko. Ininom ko ito bago pa niya maagaw pero saktong dumampi pa lang sa bibig ko ang lata ay hinablot niya na naman ito.

Napahawak pa ako sa labi ko habang tinitingnan siya nang masama.

He glanced to my lips also. “I’m sorry. Did I hurt you?”

“Ano ba’ng problema mo? Paano kung nasugat ang labi ko dahil sa paghablot mo sa ‘kin niyan?” inis kong tanong.

“Let me check your lips,” he said then he took a step closer to me.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang lapit niya sa akin at kung paano niya tingnan ang labi ko. He was about to touch my lips but I stepped back.

“L-Lumayo ka sa ‘kin,” nauutal kong utos.

He sighed and nodded. “You should stop drinking unless, you’re trying to kill yourself.”

I scoffed. “I won’t die with just three cans of beer. Besides, hindi pa naman ako lasing.”

“I doubt that,” he said while smirking. “Sobrang pula na ng mukha mo.”

Hinawakan ko ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ako sigurado kung dahil nga ba sa alak kaya ako namumula o dahil sa nangyari kanina.

“Why do you care? Bumalik ka na nga doon sa mga babae mo. By the way, bagay kayo no’ng isang kausap mo kanina. Sabi ko naman sa ‘yo, kaya mong maghanap ng ibang babae.”

His forehead creased. “I don’t know what you’re talking about.”

“Come on, Zaijan. You should pursue her if you like her. She’s pretty and she got nice body. Mahilig ka din pala sa malaki ang boobs?”

“I didn’t know you were this straightforward,” he said.

Tumango ako. “Ganito talaga ako. I’m an open-minded person. Kaya naiintindihan ko na mas gusto mo talaga ang gano’ng babae. Hindi mo na kailangan panindigan ang sinabi mo na ako ang gusto mo.”

Mas lalong kumunot ang noo niya pagkatapos ay bigla siyang napailing. Inirapan ko siya bago ko muling binuksan ang fridge para kumuha ng beer pero isinarado niya iyon kaagad.

Napipikon na talaga ako sa lalaking ‘to.

“You’re annoying!” I shouted. “Huwag mo nga akong pakialaman. Umalis ka dito! Naiinis ako sa ‘yo!”

“Why? Mas matutuwa ka ba kung ex-boyfriend mo ang nandito ngayon?”

I glared at him. “Maybe. Bakit ka ba kasi pumunta dito? ‘Di ba ang sabi ko layuan mo ako? Alam mong birthday party ng kaibigan ko ‘to pero pumunta ka pa.”

Natigilan siya sa sinabi ko. Hinihingal pa ako sa pagsasalita pero nakaramdam din ako ng konsensya. Sumobra ba ako sa sinabi ko?

“You hate me that much? Okay, fine. Uuwi na ako. But please, stop drinking.”

He went out of the kitchen, leaving me alone. I don’t know why my chest suddenly hurts. Parang may tumusok dito at hindi ako makahinga nang maayos. Humapdi ang lalamunan ko kaya uminom ako ng beer para mawala itong nararamdaman ko.

Lumabo ang paningin ko dahil sa luha. Sinubukan ko itong punasan bago pa tumulo isa-isa pero hindi ko na napigilan. Tuluyan na akong napaiyak.

Paulit-ulit kong pinupunasan ang bawat patak ng luha pero parang hindi ito nauubos. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako umiiyak ngayon. Lasing na siguro ako.

Right. It must be the effect of alcohol. I don’t have any other reason to cry aside from being drunk.

Natawa ako.

Niloloko ko lang ang sarili ko. Dahil ang totoo alam ko naman ang dahilan ng pag-iyak ko ngayon. Ayaw ko lang aminin. Natatakot lang akong aminin sa sarili ko.

“Ikaw ‘tong nang-away pero ikaw pa ang umiiyak?”

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko bago ako humarap sa nagsalita. Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Zaijan.

Bumalik siya. Akala ko umalis na talaga siya.

Naglakad siya papalapit sa akin hanggang sa huminto siya sa mismong harapan ko. Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa mga mata ko.

I looked away. “Don’t assume. Hindi ikaw ang iniiyakan ko. Epekto lang ‘to ng alak.”

He chuckled. “Really? You seem upset by something. What is it?”

“Sinabi ko na ‘di ba? Naiinis ako sa ‘yo.”

“Is that the only reason?”

Mabilis ang paghinga ko sa sobrang bigat ng emosyon ko ngayon. Mas lalo lang akong naiinis sa kaniya dahil parang tinutuya niya pa ako.

“Pumunta ka ba dito para maghanap ng babae? Hindi ba p’wede sa ibang lugar? O kung gusto mo, ako na ang magpapakilala sa ‘yo ng ibang babae. Just tell me what is your ideal type.”

He chuckled even more. “Well, my ideal type is someone with a pair of moon-shaped eyes, and a cupid bow lips. Someone, who is open-minded. Iyong nang-aaway pero iyakin.”

I glared at him.

“Pinaglololoko mo ba ako?” tanong ko.

Umiling siya. “Hindi. Sinabi ko na sa ‘yo, ikaw ang gusto ko. Kaya bakit pinagpipilitan mo ako sa iba?”

Hindi ako nakakibo. Para akong nabingi at ang tibok ng puso ko na lang ang naririnig ko ngayon. Sobrang lakas. Sobrang bilis. Gano’n kalala ang epekto ng sinabi niya sa akin.

“You really...like me?” I asked while looking straight to his eyes.

He smiled. “I thought I already made myself clear. Yes, Marcellina. I like you.”

Napayuko ako. Para akong nagseselos na girlfriend kung umasta kanina. Maybe, I’m really jealous. I’m jealous because I like him.

Inaamin ko na sa sarili ko na gusto ko nga si Zaijan. Nagustuhan ko na rin siya. Kaya umiyak ako nang umalis siya dahil naisip ko na baka hindi na talaga siya bumalik. Baka tuluyan na niya akong ayawan.

“What are you thinking?” he asked softly.

Kumunot ang noo ko. “Well, kumpara naman sa mga babaeng ‘yon, mas maganda talaga ako kaya dapat lang na ako ang gusto mo.”

Natawa siya. “Pero ang sabi mo hindi kita dapat magustuhan. Naguguluhan na ako.”

I sighed. Ako rin naguguluhan na sa sarili ko.

“Sinabi mo nang gusto mo ako kaya bawal na bawiin. Hindi ka puwedeng magkagusto sa iba. Bawal kang makipagtawanan sa kanila.”

He tilted his head and his eyes were full of amusement. “What else?”

“Hmmm...” I started thinking of anything else that I would tell him. But then I realized something.

What the hell am I doing? Binabakuran ko ba siya?

“You want me to stop talking to other girls?”

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. “I didn’t say that. You can talk to other girls the same as I can talk to other boys. That’s part of life.”

“You’re right. But I hate seeing you talking with your ex-boyfriends. I badly want to interrupt your conversation with that guy but I stopped myself. Ayaw kong magalit ka sa ‘kin at tuluyang lumayo. Dahil kapag nangyari ‘yon, malabo na ring magkagusto ka sa ‘kin.”

“But I like you...”

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. Masiyado akong nadala sa emosyon ko kaya nasabi ko iyon. Natigilan din si Zaijan at nakatitig na lang siya sa akin ngayon.

I felt myself blushing. This is embarrassing.

“You like me too?” he asked.

“Forget what I said,” I told him and I was about to leave but he held my wrist to stop me.

Masiyado na kaming malapit sa isa’t isa kaya umatras ako hanggang sa maramdaman ko ang island counter sa likuran ko. Now, I’m trapped between his body and the counter. There’s no escape.

“You like me,” he stated like he was so sure about it. “You were mad earlier because you were jealous.”

“Who told you—”

I was cut off when his lips met mine. It was so sudden that it made me gasp. He used that opportunity to deepen the kiss and I halfheartedly closed my eyes to kiss him back.

His left hand caressed my waist and it made me shiver while his other hand found its way to my neck. He angled my head to kiss me better. It is the most passionate kiss I’ve ever had. The way our lips moved in a slow motion makes every part of my body alive.

Kumapit ako sa braso niya para hindi ako matumba dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. He broke the kiss and I remained my eyes closed while catching my breath.

“You keep denying your feelings yet you can't stop yourself from kissing me back,” he whispered.

I bit my lips because of embarrassment. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya ngayon. He’s enjoying this, huh?

“Go on, I’m giving you a chance to reject me. Again,” he said that made me open my eyes.

He’s still so close that I can feel his breath against my lips. Sobrang lapit pero hindi niya tuluyang idinidikit iyon sa labi ko. Para bang tinutukso niya ako.

“Deny your feelings, and reject me, Elli. Because as soon as our lips meet again, you’ll be mine. I won’t let you like someone else.”

Kumabog ang puso ko.

Ayaw ko nang pigilan ang sarili ko. Gusto kong subukang sundin ang puso ko kahit natatakot ako. I rather risk everything now than to regret it later on.

I smiled and gently pressed my lips on his. His gripped on my waist tightened and later on relaxed.

“Oh my gosh! I’m sorry.”

Natigil kami sa paghahalikan nang biglang may sumigaw. Nilingon ko ‘yon at nakita si Jesellie. Nanlalaki ang mga mata niya habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Zaijan.

“You...two...” she stuttered.

Tumayo ako nang maayos at bahagyang lumayo kay Zaijan. Pero hindi man lang siya bumitaw sa beywang ko. Tinapik ko ang kamay niya dahil gusto kong lapitan si Jesellie.

“Let me talk to her,” I told him.

He sighed before he let me go.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top