CHAPTER 1
Chapter 1: Campaign
"Four, three, two, one!"
Itinaas ko ang mga kamay ko nang itaas ako ng aking kasamahan. Nasa tuktok ako ngayon ng pyramid na ginawa ng team namin pero hindi ko alintana ang taas no'n. Sanay na ako maging flyer ng cheerleading team dahil simula high school ay ito ang madalas kong role.
"Good job, everyone!" sigaw ng aming captain.
Nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong tapos na ang practice ngayong araw. Apat na routine yata ang ginawa namin ngayon at talagang nakakapagod.
Ibinaba na ako ng mga lifters. At saka lamang ako nagtungo sa bleachers kung nasaan ang mga kaibigan ko. Nasa kanila na ang gamit ko dahil kanina pa sila naghihintay sa akin. Balak kasi naming gumala ngayong hapon.
"Finally, natapos din ang practice mo. Ang galing mo kanina ah," sabi ni Jesellie habang inaabutan ako ng tubig.
"Ako pa ba? I've been doing this ever since I was in high school kaya naman gamay na gamay ko na ang ginagawa ko," nakangisi kong sagot.
Tumayo naman si Cassandra mula sa bleachers at kinuha na rin ang bag niya. Uminom na muna ako ng tubig dahil hinihingal pa rin ako.
"Oo na, magaling ka na talaga. Let's go na para makakain na tayo," sabi ni Cassandra.
Nagsalita ako pagkatapos kong uminom. "Magbibihis muna ako. Diyan lang kayo."
Kinuha ko ang gamit ko mula kay Jesellie bago ako pumunta sa restroom. Mabilis akong nagbihis pagkatapos ay lumabas na rin ako kaagad nang tumunog ang phone ko. Agad akong napasimangot nang makita kung sino ang tumatawag.
"Hello," malamya kong sabi.
Bakit naman kaya tumawag ang step-mother ko? Puwede naman niya akong i-text na lang kung may sasabihin siya.
"Elli, tapos na ba ang practice mo? Umuwi ka na kaagad."
Kumunot ang noo ko. "Why? I have plans this afternoon. Uuwi ako before dinner."
"No. Umuwi ka na ngayon at kailangan mong sumama sa campaign ng daddy mo. Instead of wasting your time on doing nonsense things, why don't you help us? Para may pakinabang ka."
I held my phone tightly as I gritted my teeth.
This is the reason why I hate talking to her. Hindi man lang niya ako magawang kausapin nang maayos. Kailangan palaging may insulto.
"Wala ka na bang sasabihin? I'll hang up now." I didn't give her a chance to talk because I pressed the hangup button already.
Hindi ko alam kung bakit gusto nila ako palaging isama sa campaign. Wala naman akong kinalaman sa politics at mas lalong wala rin naman akong maitutulong sa kanila doon. Kapag sumama ako sa kanila, mapapagod lang ang bibig kong ngumiti nang labag sa loob ko.
I hate politics. I hate that my dad is the governor of this town. I hate anything that involves politics and power. Dahil sa politikang 'yan kaya namatay ang mommy ko. At ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko susuportahan si dad sa pagiging politiko niya.
Nagalit ako kay dad nang mamatay si mommy dahil sa mga kalaban niya sa gobyerno. At mas lalo akong nagalit sa kaniya nang pakasalan niya ang secretary niya. Para bang walang halaga si mommy at nagawa niya siyang palitan.
Bukod pa doon, mas nawalan siya ng oras sa akin nang dahil sa trabaho niya. Noong mga panahong nagluluksa ako sa pagkamatay ni mommy, nandoon lang siya sa office niya. Tapos bigla niyang sinabi sa akin na magpapakasal na sila ng sekretarya niya.
Sino ba'ng hindi mabibigla sa gano'n? At sinong hindi sasama ang loob? Hinayaan niya akong magluksa mag-isa habang siya...naghanap na kaagad ng kapalit ni mommy.
"What's with the face, Elli? May umaway ba sa 'yo sa restroom?" tanong ni Cassandra nang balikan ko sila sa bleachers.
"Duh! Si Elli 'yan, walang maglalakas ng loob na umaway sa kaniya. Unless, it's her step-mom or step-sis. So, sino sa dalawa?" tanong naman ni Jesellie.
I rolled my eyes and sighed. "My step-mom wants me to join the campaign. And I'm sure that she will cut my cards again if I won't go home right now."
"You don't have a choice, Elli. Bakit hindi ka na lang sumama sa campaign? Wala ka namang dapat gawin kundi ang magpakita doon."
Sabay-sabay kaming lumabas ng gymnasium at pinauna ko na sila sa parking lot dahil may pupuntahan pa ako. Dumiretso ako sa engineering department at napangiti nang makita ang taong hinahanap ko.
Kasama niya ang mga kaklase niya kaya lumapit na ako. May pinag-uusapan sila kanina habang nagtatawanan pero nang makita ako ay bigla silang tumahimik.
"Hi," bati ko sa kanila.
Hinarap ako ng boyfriend ko na si Aithan. He is an engineering student and currently in his third year. We've been dating for three weeks already, and so far, he is the longest relationship that I had.
"Babe, hey. Napadaan ka yata? Katatapos lang ba ng practice ninyo?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo. Pauwi na ako actually. I'm here to get my...notebook." Pabulong kong sinambit ang huling salita.
Yesterday, I asked him to check my activities in Mathematics, Science, and Technology subject. I am a freshman student in Marketing management kaya marami pa kaming general education electives. And ever since I was in elementary, I'm not a fan of Mathematics with a combination of Science.
Mabuti na lang at may matalino akong boyfriend na handa akong tulungan sa mga activities ko. Siguro isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit umabot na kami ng tatlong linggo. Dahil hindi lang siya iyong tipong puro porma lang, may pakinabang din siya.
"Okay, babe. Pero nasa room kasi ang gamit ko, samahan mo na lang akong umakyat," sabi niya at tumango naman ako kaagad.
Nasa second floor lang naman ang room nila kaya mabilis kaming nakaakyat. Wala nang ibang tao doon dahil vacant time nila ngayon at nasa labas ang lahat ng classmates niya. Nanatili ako sa labas ng room habang siya ay pumasok para kumuha ng gamit.
Habang hinihintay siya ay may nakita akong ibang taong umakyat sa second floor. Napatingin din siya sa akin at nakita ko kung paano siya tumingin sa lanyard ko.
He is wearing a white long sleeves polo shirt and a black pants. Based on his lanyard, he is an engineering student too. Naglakad siya papalapit sa akin at akala ko ay lalampasan niya ako pero bigla siyang huminto.
"You're a marketing student. Anong ginagawa mo sa engineering department?" seryoso niyang tanong.
Napaayos ako ng tayo at sasagot na sana pero naunahan akong magsalita ni Aithan.
"She's my girlfriend," Aithan said.
Unti-unting lumiit ang mga mata ng lalaki na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ni Aithan.
"He's your boyfriend?" tanong niya sa akin.
Tumango ako kaagad. "Yes. Is there any problem with that? Why do you care?"
"Elli, calm down," Aithan told me before he faced the man with glasses. "Don't worry, tapos na ang klase niya kaya nandito siya. Pauwi na rin siya."
Tumitig siya sa akin saglit bago siya tumalikod at pumasok din sa room kung saan pumasok si Aithan kanina. Kaya pala siya nagtatanong dahil magkaklase sila? Pero bakit kung makapagtanong siya para niya akong nililitis?
"Let's go, Elli."
Umalis na kami ni Aithan pero pagdating sa hagdan ay hinarap niya ako. Inabot niya sa akin ang notebook ko at binuklat ko iyon. Napangiti ako nang makitang tapos na ang lahat ng activities ko.
"Thank you so much, babe!" I said before I kissed his cheek. "Oo nga pala, sino ba 'yong lalaki kanina?"
"Seriously, you don't know him yet?" he asked while smirking. "He's the president of the student affair council. Akala niya siguro nag-cutting class ka kaya nagtanong siya."
Ngayon ko lang nalaman na may gano'n pa lang organization dito sa campus. At ngayon ko lang din naman nakita ang lalaking 'yon. O baka nakikita ko na siya pero hindi ko lang kilala.
"Na-elect siya as president last year, wala ka pa dito kaya hindi mo siya kilala. Kaya huwag ka nang gumawa ng kalokohan dito sa campus dahil kapag nahuli ka niya, hindi niya 'yon palalampasin."
I see. Siya siguro iyong tipong walang nilalabag na rules sa campus at role model sa iba. Ibang-iba sa akin. Ako kasi, wala naman akong pakialam sa mga rules and regulations. Madali ko lang namang malusutan ang bawat punishment nila. Perks of being the daughter of the mayor. Iyon lang ang benefits na gusto ko sa pagiging politiko ni dad.
"Mabuti naman at nakauwi ka na. I thought you're not going to show up again," my step-mom said as soon as I entered the house.
Hindi ko siya kinibo at dumiretso na lang ako sa kuwarto para makapagbihis. I wore the campaign shirt that they all wore for the campaign. May mukha at pangalan ito ni dad pati na rin ang partido niya.
Nang matapos ako magbihis ay bumaba na ako ulit at sumakay sa van na maghahatid sa amin. Nakahiwalay ang kotse ni dad sa amin at may naka-convoy sa aming mga pulis at bodyguards. Ang alam ko ay sa District 3 naman sila mangangampanya ngayon. Mayroong apat na distrito ang lugar namin at lahat ng iyon ay gustong mapuntahan ni dad.
"Did you put sunscreen on your face, Liselle? Kahit hapon na mainit pa rin," sabi ni tita Natasha sa anak niya.
Kung ako ang papipiliin ay ayaw ko silang makasama sa sasakyan pero wala naman akong choice. Titiisin ko na lang ang kaartehan nilang mag-ina.
"Kung ayaw n'yo pa lang maarawan, sana nag-stay na lang kayo sa bahay," sambit ko habang nakatingin sa labas ng sasakyan.
"Marcellina, alam mo namang supportive ako sa asawa ko. Kahit noong nagsisimula pa lang siya sa politics, nasa tabi niya na ako palagi bilang secretary niya. At ngayon, bilang asawa na."
Ikinuyom ko ang kamao ko sa inis. Talagang ipinapamukha niya sa akin ngayon na nagawa niyang akitin ang daddy ko. Hindi na ako magtataka kung kahit noong nabubuhay pa si mommy ay sinusubukan niya nang umaaligid kay daddy.
Nilingon ko siya at peke akong ngumiti. "Congrats. Nakabingwit ka ng mayaman na bubuhay sa inyo kaya hindi na kayo maghihirap. Gold diggers."
Nakita ko kung paano namula sa galit ang step-mom ko. Balak niya sana akong sugurin pero dahil nasa gitna namin si Liselle ay pinigilan siya nito.
"Mommy, calm down. Ako na ang bahala dito sa little sister ko."
Little sister, my ass!
"Elli, huwag mo namang pagsalitaan ng gan'yan si mommy. Hindi kami gold diggers. Talagang mahal lang ng dad mo ang mommy ko—"
"We're here. Kung ano man ang sasabihin mo, pakilunok na lang," sabi ko bago naunang bumaba mula sa van.
Nakita ko kaagad ang kumpol ng mga tao na nag-aabang sa pagdating ng partido nila dad. May mga banners at flyers pang hawak iyong iba. Inayos ko ang suot kong sumbrero bago ako sumunod sa kanila.
"Mga kababayan, dumating na ang ating pinakahinihintay. Ang ating mahal na mayor. Mayor Vincent Delara!" anunsiyo ng emcee na nasa bandang unahan.
Nagsipaghiwayan ang mga tao at mas lalo pa itong lumakas nang umakyat na sa stage si dad. Pumwesto siya sa gitna ng mga kasamahan niya habang kumakaway sa mga tao. Nasa gilid ng stage ang step-mother at step-sister ko. Pero ako, pinili kong manatili na lamang sa ibaba ng stage.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong nandito. Napakarami nila. Hindi ko mapigilang mamangha sa dami ng natutuwa sa serbisyo ni dad sa bayang 'to. Handa naman talaga ang ama ko na pagsilbihan sila pero hindi niya iyon nagawa sa sarili niyang pamilya.
Sometimes, I envy the people who get to work with my dad. I feel jealous of his supporters. Buti pa sila, napagtutuunan ni dad ng pansin. Pero ako, napabayaan niya na ko.
Haharap na sana ako ulit sa stage nang mapansin ko ang isang ale. Namumutla ang mukha niya at panay ang punas sa kaniyang pawis. Medyo tirik pa ang araw ngayon pero hindi iyon alintana ng mga taong nandito. Naglakad palayo ang ale pero hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kaniya. Para kasing anumang oras ay babagsak na siya.
At tama nga ako ng hinala. Agad ko siyang nilapitan nang bigla siyang kumapit sa poste para hindi tuluyang matumba.
"Ayos lang po ba kayo?" tanong ko sa kaniya habang inaalalayan siyang tumayo.
Tumingin siya sa akin pero hindi niya na nagawang magsalita dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top