CHAPTER 5

"Hindi Ma ipaliwanag ang nararamdaman;
Bawat halik ay nananahan;
Mga halik na nagbigay patunay;
Pag-ibig ay muling Buksan."

Habang Nasa harapan si Glaiza ng kanyang PC. At abalang tinatapos ang sales Magazine Project na kanyang Pinropose, ay Bigla siyang napa tula.
Halos 2 weeks noong halikan ito ni Jared, at bakas pa rin sa kanya ang nararamdaman nito, ngunit kailangan niya itong pigilan dahil wala namang sila, at iyon ay aksidente lang. At sa tingin niya wala naman iyon kay sir Jared na araw araw naman niyang nakakausap. Alam mo iyon? Parang Walang Nangyari Ganon lang. Then eto namang si leo, naging okay na rin sila ni glaiza at sir Jared. Tama tayo, concern lang ito sakanya dahil Bestfriend niya ito at wala itong natatagong pagtingin pa sakanya. Hindi na rin galit ito kay Jared dahil sa halip na maging mag kaaway sila, naging malapit pa sila, Asst. Manager kaya siya nito. Iba si Edward guys ah, he is a Personal asst. of Sir Jared. Naiinis lang si leo, dahil, parang Pinagtitripan lang ni Jared si Glaiza. Very Protective BestFriend pala itong si leo.
Sa office ni Glaiza.
"Hello Mrs. GLAIZA MENDEZ." Bungad ni leo na pasigaw na animo'y isang magandang Araw para sa
kanya.
"Hi Mr. LEO MENDOZA! anong kailangan mo?! At naparito ka??" Pagtataray nito.
"Huwaw!! Mrs Mendez, baka nakakalimutan mo Bukas na ang launch na ng Project, sales Magazine natin. This is the best ever Project.! Sana this time masungkit natin ang High ranking!" Excited na si leo.
"yes!! Naman tayo pa ba, si MR. Acosta ang bahala diyan siya ang Mag Iintroduce ng Product natin. Hes is smart enough baka nakakalimutan mo. he is the owner of this company. But soon pa ! Haha! Sabay tawanan silang dalawa.
Dumating din ang dalawang sina Marco at Shaira na excited din para bukas.
"Hello guys Excited na ako bukas !" Ani ni shaira.
" yeah support natin si Sir Jared!" Sabi pa ni marco.
" Support our team. Guys kaya natin to" ngiting si Jared.

Biglang tumahimik ang lahat. Na para bang may dumaang anghel sa harapan. ... akward...
Really? Nakikisama na si Jared ngayon? This is the first time na narito siya kaya nabigla ang lahat, lagi lang kasi itong nasa office at nandoon lang siya. Pag lalabas siya lang din mag-isa o kaya kasama ang asst. niyang si Edward.
"Hello sir, andito ka pala. " agad na bati ni Glaiza.
"Buti sir naparito po kayo?" Tanong ni Marco..
"masama na bang makihalubilo sa ibang tao at pumunta rito?? Sagot ni jared.
"So let's see sir, we are surprise ng nandito kayo. Di namin expect kasi ito, "dagdag ni Shaira.
"So Guys? Ano pang ginagawa natin? Kain tayo sa labas? Like Mrs. Gonzales do?" Pag-aaya ni leo.
"Let's go guys. Treat ko." Agad na aya ni Jared sa kanila.
"Yes!! Ani ni marco. Tara na guys baka magbago pa ang isip ni sir," na agad na yaya ni Glaiza. At napatingin si jared dito, na para bang may gustong sabihin ang mga tingin niya sakanya.
Agad ng sumakay sila sa kanya kanya nilang kotse, gaya ng Dati wala pa ding kotse si glaiza kaya, sasakay siya sa kotse ni leo.
"Ngunit agad itong tinanong ni Jared, if she wants to ride with him. Di na ito nakatanggi. Pero bago iyon pumunta muna siya sa sasakyan ni leo upang magpaalam na kay sir jared na siya sasakay.
"Leo, sir jared told me na dun ako sumakay sa sasakyan niya". Ngumingisi pa ito at parang ayaw niya talagang sumakay doon.
" so anong gagawin ko?" Tanong ni leo.
"Do something leo, ayoko doon baka ano nanamang mangyari," kinakabahan na sabi ni glaiza.
"Edi mas maganda. Hihihi " pang-aasar ni leo sa kanya.
"kainis ka leo! Diyan ka na nga! Mamaya tignan mo sasapakin kita!
At umalis na ito at pumunta na sa sasakyan ni jared, sakto naman pinagbuksan ni jared ng pinto si Glaiza na animo'y Fairy tale ang eksena. "Sakay na." wika ni jared.
"Aa-ah.. thank you." At sumakay na ito ng walang pag aalinlangan. Bakas ang kaba nito sa kanyang mukha.
"pumasok nadin si jared sa loob. And he start the car. "Wait may kulang mrs. Glaiza". Ani ni jared. " ano sir?". "Your seat belt" at lumapit ang katawan ni jared kay glaiza. Bakas ang pamumula nito, ni hindi rin ito makagalaw sa kanyang kinauupuan. "Wait ilalagay ko lang seatbelt mo, hayaan mo hindi kita hahalikan ulit". Wika ni jared na my evil smile pa. Unti-unting nagflash back kay glaiza ang mga ala-ala ng araw na iyon. Matamis na halik, mainit at umaalab na pag-ibig. Ngunit hanggang doon lang yun.
At umalis na sila, at pumuntang restaurant na kung saan sila madalas kumain kasama si mrs. Gonzales.

"I miss it !yahooo!!". Pasigaw ni marco.
"Naalala ko tuloy si ma'am Gonzales, kamusta na kaya siya?" wika ni glaiza
3 months na siyang nasa america, and last 2 months ago pa nila ito nakausap.
"Wait lang ah guys Tignan ko yung pinareserve ko, sunud na kayo sa akin," sabi ni Jared. At pumasok na sa resto ang lahat.
Sakto naman ang bati nila kay sir Jared, "Good morning sir Jared" bati ng isang staff. " wow! Kilalang kilala pala kayo sir, pabulong ni Leo.
"Syempre naman!" Sagot nito. At nagtungo na sila sa nakareserve na seats nila.

"Sir This are your Orders," sabay lapag lahat ng masasarap na seafoods eto ang specialty nila at ibang mga putahe kumbaga pang back up and desserts.
"Nako marco mukhang mapapalaban tayo nito" takam na takam na sabi ni leo.
"Paano ba iyan Leo wag mo lahat kunin ah, baka wala ka ng itira sa kanila!." Sabay tawa si marco at lahat.
"Do you like it? Glaiza?" Tanong ni jared dito.
"Ah? Sir?, yess. I like it!" Sabay ngiti niya kay jared.
"Uyyy! May namumuo ata dito." napabungisngis si shaira.
"Namumuong sama ng Panahon ba iyan o, namumuong pagsasama sa habang panahon??" Pangaasar ni leo.
"Gusto mo sapak leo?!" Naiirita siya kay leo. "Nakakahiya kayo ah, konting bagay you are give meaning of it..! Dagdag pa niya, at napangisi pa ito. "Guys kumain na kayo, we will having a meeting later ah." pag-aaya ni jared"

"Yes sir!!!" At kumain na ang mga ito.
Habang Busy ang tatlo sa pagkain, napatingin si jared kay glaiza, dahilan upang makuha nito ang atensyon niya, jared smile to her, ginantihan naman ito ni glaiza. Habang kumakain ay may nakaw tingin sila sa isa't-isa, inoobserbahan nila ang mga kilos ng isa't-isa.
"Salamat sir Jared nabusog ako doon!" Ani ni marco. " sa susunod ulit" dagdag ni leo , na siya namang pagsang-ayon ni shaira.
"Tara na Guys, we will having a meeting diba sir??"
"Yes let's go,". Sa akin ka na sumakay, sabi nito kay glaiza, at napangiti pa si jared.
"Sir? Anong sasakay sa inyo? Kayo sir ah. hihihi" pang-aasar ni leo.
"Leo shut up! Naiirita na ako sa iyo ah!". Pero patuloy pa rin niya itong inasar.
"PAK!!! "Aray!! GLAIZA!!" Sinapak ni glaiza si leo dahil hindi na ito makapag-pigil pa sa inis. Lahat naman ay natatawa sa ginawa nito, kahit si leo, nasaktan na ay tawang tawa pa rin ito. "Haha! Sir Jared Pikon talaga iyang si glaiza haha!" Pang'aasar ni leo. "stop it now, para ka yong mga bata! Biglang sabat ni sir Jared. Tara na nga. may meeting pa tayo. Tama na iyan.".
"Okay sir". "Tara na glaiza" at hinila niya ito papasok sa kotse niya.

Hindi pinahalata ni Jared na natatawa siya kaso hindi niya mapigilan." Ahahahha! Grabi ka pala glaiza your so very brave!" I like it!". Natatawa pa ito, habang si glaiza naman ay namumula at walang magawa.
"But Glaiza, I like you" nabigla si glaiza sa sinabi ni Jared. At hindi niya ito inaasahan. Hindi na ito nakapagsalita. At tuluyan ng umandar ang sasakyan hanggang sa makarating sila ay tulala ito at wala sa sarili..
"Glaiza??? HUY! Sabay tulak ni Jared. Kanina ka pa ba ganyan? Kanina pa ako nagkwekwento ah. " ah-ah sir?? Ano po? Diko nadinig." Pautal na sabi ni glaiza. " hay di bale na lang narito na tayo, bumaba ka na. If bumabagabag sa iyo ang sinabi ko, di naman kita pino-force na gustuhin mo rin ako. Okay?? Sabay bumaba na si jared at sumunod naman si glaiza.
Sa Meeting Room ...
"Okay Guys, tomorrow is the day na pinaghirapan natin. I need your Full support to this project that your Group proposed. At inaprubahan na ito ng Board!" naghiyawan ang lahat kasi, approve na at ready to distribute na ito.
"For sure this magazine will be top on business market." Dagdag ni Leo .
" yes! Pinaghirapan natin ito kaya we have to cheer and claim for it!.

Lalong Tumatagal mas lalong bumabait ito si Jared, dahil ba ito kay glaiza? Pero wala namang gingawa si glaiza, halos ma tortured na nga ang isip nito, para bang sa isang iglap sasabog na lang. Hindi handa si Glaiza sa ganitong relasyon lalo pa't may obligasyon siya sa kanyang pamilya, and one more thing is di niya ineexpect na magugustuhan siya ng family ni Jared kung sakali lang. "Kung"
KINABUKASAN, ang pinakahihintay ng lahat. Ang Final Proposals ng mga Projects, diba andaming pinagdadaanan, mahabang proseso at salang sala dapat ang mga projects, para sure ang Income o profit ng kumpanya.
At nagsimula na ang Programa, at nandoon na sila, shaira, Marco, Leo, at Glaiza. But Jared, he's not there. Wala pa siya!.
"Guys? Di ba nag rereply sa inyo si sir??" Alalang-ala si glaiza rito.
"oo nga malapit na siya at wala pa siya. ani naman ni leo na kinakabahan niya.
"what the Hell is Happening!" Mariin na sabi ni shaira".
"Hayyy. Kainis bat ngayon pa" sabi ni marco. Nag-aalala na ang team Acosta/Gonzales dahil wala pa si Sir Jared nila.
"So now, let's give a round of applause for the team Acosta/Gonzales!." Ani ng MCee. Nagpalakpakan ang lahat, ngunit walang pumapanhik sa stage, wala si Jared,
"Once again let us welcome the Representative of team Acosta/Gonzales" pag-uulit ng Mcee.
At Biglang pumanik si Jared sa stage, at Bumuga ito ng hangin.
"I'm so sorry, Im Late i have some trouble, so let's start now." Hingal na hingal pa ito, at bakas sa mukha niya na tumakbo ito ng limang kilometro papunta dito.

Nagsimula na siyang magsalita at naging convincing naman ang kanilang proposal sa general meeting.
At ang ikinatuwa ng Grupo, isa ang kanilang Product na nasali sa Top 5 Grossing Product nationwide. At ang proposal nilang Sales Magazine Project ay Pasok sa top list. Napaka swerte talaga ng grupo nila. Sabi nila si glaiza ang pampaswerte nila.
Pagkatapos ng Meeting...

"CONGRATULATIONS Mr. ACCOSTA, mainit ang naging pagbati ng board kay Mr. Acosta, at tama ang naging desisyon ng kanyang Papa, na isalang muna ito sa medyo mababang position para malaman niya paunti unti ang takbo ng kanilang kumpanya. Sayang at wala roon ang kanyang papa, dahil nasa states pa rin ito at di niya alam kailan ito uuwe kasama ang kanyang ina at si Mrs. Gonzales.
Habang Palabas sila sa company. "Bakit pala hindi kayo agad dumating sir nag alala kami sa inyo." Tanong ni Glaiza,
"Ah, Mayroon lang akong dinaanan, tapos traffic pa! Buti umabot ako." Ani ni jared.
"Hingal na hingal ka nga sir, haha! Hirit pa ni marco.
"So . Mataas pa rin ang rating natin" ani ni leo, this is very good pa rin kaya magdiwang tayo!!! . Di tayo nabigo.
"Yes sang-ayon ako diyan!! Ani ni Marco.
"sa bar naman tayo??" Shaira
"Go lang ng Go! Leo.
"Glaiza? Sir Jared? Kayo di ba kayo sasama? Kailangan sasama kayo this is a group achievement di pwede ang KJ!. Madiin na sinabi ni Shaira.
" okay okay, let's go guys.. tutal may rason naman upang magsaya tayo," sabi ni jared sabay smile.
"Ang galing mo kanina sir" Compliment ni glaiza,
"Haha maliit na bagay" basta para sa yo... ooppps." bigla pa itong napailing dahil sa pamumula nito sa pisngi. Hindi naman mapigilan ni glaiza ang pamumula kaya pinilig niya ng kaunti ang kanyang ulo
"uyyy. Sir ah, nakakahalata na kami sa inyong dalawa ah! "pang-aasar ni shaira,
"Let's Go guys." baka wala na tayong abutan. sabay umalis na sila. Syempre bago na ngayon. kay Jared na sasakay si Glaiza, kasi kukulitin niya ito kapag sumakay siya sa bestfriend niyang si leo. Tska sang-ayon na rin si leo na ipaubaya kay Jared si Glaiza basta huwag lang niya ito sasaktan.
Sa Bar. Maingay, at masaya ang mga tao na nagsasayawan, at pandap-andap ang mga ilaw. "CHEERS! FOR THE ACHIEVEMENT!!"
Masaya ang buong grupo sa naging resulta ng Proposal at projects nila. Mas lalo pang tumaas ang rating ng mga ito.
10pm night.
"Ilang oras ang nakakalipas, medyo nalasing na si Jared at si marco, Si leo di masyado nakainom ngayon kasi nadala na ito dati pa. Ikaw ba naman na pagtripan ng barkada mo haha!.
"Sir jared kaya mo pa ba?? Alalang alala si Glaiza dito dahil di niya alam kung paano ito aayusin dahil lasing na ito.
"Guys umuwe na tayo, shaira, ikaw na bahala kay marco, kami na ni leo ang bahala kay sir Jared," Wika ni Glaiza. "Osya, kita na lang tayo sa monday okay? Sabay inalalayan na niya si marco palabas.
"Sir okay lang pu ba kayo??" Mariin na tanong ni leo.
Inalalayan nila ito palabas ng bar, hayup di pala sanay sa inuman si jared iyan tuloy, tumba agad siya. Nakatulog ito kaya abot ang pagkainis ni leo dahil dito.
"Paano niyan leo? Saan ba ang Bahay ni sir?? Tanong ni glaiza,
"Alam ko sa Office lang siya nagpapahinga doon sa may kwarto niya doon, doon na lang natin siya dalhin.
At dinala nila ito sa office niya at naiwan si glaiza dahil kailangan ng umuwe ni leo sa kanila. "Ayt! Leo bakit mo naman kami iniwan dito, kainis ka!".
Di alam ni glaiza kung anong gagawin niya, ng biglang may humila sa kanya at saktong nagtama ang kanilang mga labi.

....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top