CHAPTER 1


MAAGANG nagising si Glaiza, oras na kasi para Pumasok siya sa isang kumpanya na kanyang pinagtatrabauhan bilang isang Sekretarya sa Acosta Group Corporation.
Habang nagtimpla ng kape, Nag-ring ang kanyang Cellphone at dali-dali niya itong tinignan.

"Hay akala ko naman si Boss, Si leo lang pala". Dismayado na itong sinagot,
"Hello leo. Bakit ka napatawag?"
"I just wanted to remind you that your report is tomorrow na, kailangan mo na din ipasa sa akin yung ibang requirements para maifinalize na natin".

Napabuntong-hininga, lang si glaiza. At nasabi niya na lang na..."Thank you for reminding leo I will finish it mamaya, and i will give to you".
"May problema ka ba Miss Glaiza Mendez?" Na para bang inaasar ito.
"Nothing Mr. Leo Mendoza! Osige kita kits na lang sa office, ah thank you ulit".

And she cut the conversation...

"Grabi naman itong si leo minamadali ako masyado. Actually pulido na lahat haha!"

Ayaw din kasi ni leo na narurush sila sa mga paper works, and he always reminding glaiza and other members of our group, para hindi din madissapoint si Mrs. Dona Gonzales, ang Manager nila sa Group na ubod ng bait.'

"I forgot I have to go now. Okay check na lahat. The hair, make up and my whole body. Perfect!!😍. Okay mga gamit check na lahat. My paperworks pulido na. So I'm ready to the war haha! Charottt lang".

Nagpaalam na ito sa kanyang mama, at dali dali na siyang lumabas ng bahay at nagtungo na sa station ng LRT, para agad na rin siyang makasakay.

Habang siya ay nag-aabang sa LRT, Biglang may bumangga dito, Bugggsss!

"Ano ka ba? di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?"pambabara niya dito. di niya masyadong makita ang mukha nito dahil na ka Face Mask, at nakasuot ng glasses parang Nerd. biglang tumingin din ang lalaki dito,

"Hi miss I'm sorry hindi ko kasi napansin na meron akong natamaan".
At biglang tumigil na ang LRT sa Harapan nila, at tila mga sardinas sila na nasa loob nito. hindi na nakita ni glaiza ang lalaki sa loob hanggang siya ay makababa sa estasyon, Bakas sa mukha nito ang gigil, at gusto nitong barahin ang lalaki. mahilig din kasing mambara ito, lalo pa't wala sa katwiran ang kinakausap niya, but still she is very good Friend.

"SA WAKAS nakarating na ako sa office ko." hindi pa man ito nakakaupo, biglang bumukas ang pintuan at kumalabog, na siyang ikinagulat nito. "Ano ba yan, kainis ka leo!" Sigaw nito, hindi naman kasi kumakatok itong si leo, ganito talaga siya laging ginugulat si glaiza, agad nitong itinanong kay glaiza ang mga paperworks, at dali-dali namang itinapal nito sa mukha niya ang lahat, bilang pagganti niya.

Mag bestfriend sina Glaiza and leo since College, magkaklase sila so they know each other weakness and strength.

"Kainis ka leo ayan na lahat ng kailangan mo umalis ka na nga sa office ko!" Pasigaw na sambit nito.
Humirit pa si leo upang asarin ito, "Miss Glaiza wala pa ding pinagbago ang office mo very smooth ang ambiance at very organize kaya nga Idol kita". Dagdag nito.

"nako Mr. Mendoza What else do you want? alam kong may kailangan ka!"
"Kilalang kilala mo talaga ako Ms. Mendez haha, mamaya sabay na pala tayong mag lunch sabi din ni ma'am Gonzales and members of our group."
Umalis na ang Binata sa Office ng magandang Dalaga, Then Ms. Mendez focus on her's work ayaw din kasi niyang bumaba ang kanyang rating sa trabaho, so she need to work hard, though ang mama niya ay isang Teacher sa Manila Integrated school, at ang Papa niya ay isang Tricycle driver, and she also had a brother, his name is Gildan, and he is currently study at Makati University.

Siya din ang tumutulong para mapag-aral ito, medyo mataas din kasi ang matrikula nito. pero Nagkakasya ang sahod nito kahit papaano naman ay nakakapag-ipon pa rin ito, may mindset kasi siyang ganito, that's she needs to save money para kapag may gusto itong bilhin she can buy it. she is still single she is 25 years old, pero takot pa itong umibig, dahil nga, mayroon itong masakit na nakaraan na pilit na niyang kinakalimutan, she was fell inlove to his college classmate na si Patrick, tumagal ang kanilang relasyon ng dalawang taon, ngunit, subalit, datapwa't naghiwalay sila dahil sa hindi inaashang nangyari, dahil ang hindi niya alam ay niloloko na pala ito, kung hindi lang ito nakita ni leo, at sinabi kay glaiza ay hindi pa nito malalaman na niloloko lang siya.

That is very sad moment for glaiza so she promise na she won't open to others her heart. ayaw na niyang masaktang so hindi na siya papayag. kahit kaibigan pa niya, ay kaibigan lang.

Leo is only a bestFriend to Glaiza but tinangka din ni Leo na paibigin ang dalaga, ngunit hindi ito nagtagumpay, dahil mas nanaig ang pagkakaibigan kaysa sa pag-iibigan. so that's why they are very close to each others. Hindi nga nila inaasahan na Magkakasama pa sila sa Trabaho, at magkasama sila sa isang Group Projects, Leo is a Assistant Manager, and Glaiza is the Secretary, halos magka level lang naman sila, they don't compete each others, sa alam niyo at hindi, nagtutulungan ang mga iyan, pero minsan talaga mga timang may kalog, at lagi silang napagkakamalan na couple but they deny, at talagang very close lang sila sa isa't-isa.

"Whooo, salamat, tapos na din ako, pulido na ito. I'am the secretary of our group, so i will be the best of the best". She cheered herself.

Ring ring ring !!!!

Agad na kinuha ni glaiza ang phone niya may usapan pala sila ni leo na kakain kasama ang team, so she pick up and said "Oo leo i know, teka lang ah i'll shut down my pc,".

"okay akala ko kasi dinukdok mo na naman ang iyong sarili sa trabaho, lumabas ka na, ikaw na lang hinihintay, dalian mo!".

Nagmadali na nga si glaiza nakakahiya naman kay ma'am Gonzales sa Boss nila sobrang napamahal na din siya dito at sa grupo kaya she don't want to miss this opportunity na minsan lang magkakasama.

"I am sorry ma'am Gonzales". Sabay yumuko siya, bilang tanda ng paggalang.

"oh My Dear its okay, don't say sorry".
"Tara na po, Ma'am and guys, kain na tayo, doon na lang tayo mag-usap usap". Hirit ni leo.

Sumangayon ang lahat, na sa isang sikat silang restaurant mag lulunch dito sa makati, tutal libre naman pala ni ma'am Gonzales, treat na din naman, because of the high rating of their team. and the sales rating.

Lahat ay sumakay na ng mga sasakyan nila, syempre Glaiza had no car kaya lagi siyang nakikisakay sa kanyang Bestfriend na si Leo. so they ride, going to the restaurant, kasama ang iba pa nilang co-workers.
Pagkarating nila sa restaurant na kanilang pinuntahan, agad na silang umupo, "Grabe mrs. Gonzales hindi mo sinabi na nagpareserve ka na pala," gulat na sabi ni Marco, isang co-workers nila, "Syempre naman ako pa,"tugon ni Mrs. Gonzales, at nginitian niya ito.

Habang hinihintay nila ang order nila they start their conversation about their success in there High Rankings and Rating at the company. Bakas ang kasiyahan ni ma'am Gonzales na masaya ang Grupo nila, Glaiza also laughing sa mga corning jokes ni Leo, "Nako napaka corny naman ng Jokes mo leo,"kunot-noong sinabi ni Shaira na isa ding co-workers nila, they are all close to each others.

"hayyy, ang sarap talaga ng pagkain sa restaurant na ito," habang tinitikman ni leo ang mga putahe, "yes napakasarap ng Tortang alimango, I love it," na sarap na sarap. halos sikat ang restaurant na ito sa mga seafoods, ito ang specialty nila, at nagptuloy pa rin ang kanilang mga usapan, syempre, they need a break sa work, so out muna ang work sa conversation nila ayaw kasi nilang ma stress muna, at gusto nilang sariwain ang bawat minuto ng kalayaan nila mula sa trabaho, mahirap naman kasi talagang magmaintain ng rating sa company nila kapag bumagsak ang sales nila maari silang matanggal o kaya mabawasan ang kanilang mga bonus at iba pang benefits na ibinibigay ng company.

"so let's talk about muna sa mga personal life natin,like love life ninyo guys. "said Ma'am Gonzales na may halong pagkakilig. "ma'am ano ka ba? You are no longer a bagets" pang-aasar ni leo, sabay tawa naman ang lahat, "oo nga ma'am bakit mo naman natanong ang ganyang bagay?" sabi ni glaiza na medyo naapektuhan ng konti, wala pa kasi siyang love life sila ni leo.

"tignan mo ang dalawang ito, bakit ayaw niyong pinag-uusapan ang love life?" mabagal at mariin na tanong ni shaira, "oo nga naman,"pagsang-ayon ni marco, bakas sa mukha ni leo at glaiza ang pagka-inis nila, na siya namang ikinatutuwa ni ma'am Gonzales.

"bakit yan ang topic guys? Lalo lang ata akong na stress" sabay tawa ni leo, pwedeng iba na lang? dagdag nito. At sinabi pa ni glaiza na, "porket kayong dalawa may mga jowa na gaganyanin niyo na kami?" tinutukoy niya ay sina marco at Shaira, sabay tawa lang niya, kahit nag-aasaran sila bakas sa kanilang mukha ang katuwaan, gayundin ang pagsakay ni ma'am Gonzales sa usapan, actually ma'am Gonzales is 40 years old at Madali lang siyang pakisamahan kaya close na close siya sa mga subordinates niya, sharia is 25 years old at 8 years na sila ng jowa niya, si marco naman ay 24 years old at 6 years na sila ng jowa niya, kaya madalas na inaasar nila sina leo at glaiza na hanggang ngayon wala pa silang karelasyon, at minsan ay pinagpipilitan ng grupo na, bakit hindi na lang ligawan ni leo si glaiza, since schoolmate naman sila, and halos magka edad sila.

"Glaiza? Wala ka bang balak mag-asawa? Mariin na tanong ni Ma'am Gonzales habang kumakain. "Ma'am ano bang tanong iyan? I need to focus to my work, lalo na ngayon may pinag-aaral pa akong kapatid, wala pa din sa mga goals ko iyan. "maang sabi ni Glaiza.

"glaiza you are still young, you have to search to your partner, ikaw din, mahihirapan and kailan mo ilalagay ang pag-aasawa, sa mga goals mo? Kapag ganto ka ng edad sa akin? Sabay tawanan ang lahat. "Ma'am naman, Grabi naman kayo? >-< "

Napabuntong-hininga lang din ito, habang si leo ay nanahimik lang, kasi alam na niya, siya na ang next, kaya dali-dali niyang iniba ang topic, kaso hindi siya nagtagumpay sa talas ng isip ni ma'am Gonzales.

"Ang galing mo din leo, alam ko na ang mga galawang ganyan," and she chuckled.

"Bakit kasi di ka na din mag-hanap ng sa partner mo, if you don't want Miss Glaiza, mag-hanap ka wag lang kayo puro work, you are already on the stage wherein your finding you're the one,"dagdag pa ni ma'am Gonzales. At bigla na lang naging akward ang lahat na para bang may dumaan na anghel sa sobrang katahimikan.

Agad itong binasag ni sharia, "" grabeng usapan ito papunta na ba ito sa Seryosong usapan?" Natatawang sinabi ni sharia. "so basta kayong dalawa wag lang puro work ah?" Dagdag pa ni ma'am Gonzales at sabay tayo, at nagbayad ng bill.

Biglang napaisip ang dalagang si glaiza, na tama nga naman si ma'am, if not now, WHEN? Ayan ang tanong na bumabagabag sa kanya. Ganon din si leo na kanina ay masaya ngayon ay biglang naging seryoso. " Guys! Chill lang!" Panggugulat nito sa dalawa ni Marco, "Huwag kayong maging seryoso, Ma'am Gonzales is true, you have to find something na hinahanap ng mga puso ninyo, I know you don't want each others, at hanggang kaibigan lang kayo diba?"mariin na sabi ni Shaira, at sumang-ayon naman si marco dito. At biglang bumalik ang dalawa sa katinuan, at natauhan, "Yes hayaan ninyo makakahanap din kami"pambabasag ni leo. "Tama maghintay kayo, Who you! kayo sa akin kapag dumating ang MAN ko HAHA!" na para bang nanaginip lang siya at hindi alam ang sinasabi, kaya nagtawanan sila sa restaurant.

Actually kanina pa pala sila pinagitinginan sa Resto, dahil ubod ng ingay ng mga ito. Ma'am Gonzales back after she payed the bill in the counter. So "guys, let's go. Maaga tayong nag-out so we need to enjoy this day" punta tayo ng ayala malls? G ba kayo? Dagdag pa nito. At lahat naman ay sumang ayon at dali dali na silang sumakay sa kanilang mga kotse, as usual Glaiza had no one so sasakay siya sa kotse ng best friend niya..

"Nako glaiza, dapat next year you have to buy your own car para naman di tayo napagkakamalan na mag jowa," sabi ni leo. "So ganon? Gusto mong bumaba na ako ngayon palang? Sasakay na lang ako dun kay sharia."naiinis na sinabi niya ito.

"Glaiza Hindi naman sa ganon, Im sorry, di ka naman mabiro, "sabay tawa lang ito, alam na ni glaiza ang ugali nito kaya nakitawa na lang din siya, ganoon talaga si leo, kaya lagi silang nag-aaway pero di naman seryoso, kumbaga parang bonding lang nila, pag ganoon kasi parang nailalabas lahat nila ang pagod nila sa work. But leo is kind, and glaiza know it, kaya bestfriend niya ito. At hindi niya ito kayang tiisin.

.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top