SIMULA
Bata pa lang ako, alam ko na kung gaano ka-impluwensiya ang pamilya ko.
My father is a successful and respected politician, a business tycoon, and a lawyer. While my mother was a former beauty queen, the eldest and the successor of their family clan's businesses. Parehong mula sa mayayamang angkan ang mga magulang ko at noong magpakasal ang mga ito, mas lalong lumakas ang impluwensiya ng mga Flores - Sarmiento sa lugar namin.
Everything was perfect for me not until my mom got diagnosed of having a cancer, leukemia. She fought really hard. My dad did everything to cure her illness. The treatment was a little bit hard for her, but my mom endured everything and the day before my fifteenth birthday, she died. Namatay pa rin ito kahit na halos ubusin na ni daddy ang lahat na mayroon kami. Leukemia killed my mom, and my dad, well... I never saw him cried. He was strong, the exact opposite of me.
My almost perfect life started to change.
The lively Aurora Sarmiento is gone. I don't want to talk to anyone, not even to my dad. I just wanted to be alone, inside my dark and dull room, and it took me a few months before talking to my family and friends again. And dad, being the strong man he is, he moved on from the death of my mother. And when my father met her, Eleanor Villegas, I started to loss my father, too. Slowly.
"Malalate ako mamaya sa dinner, anak." Natigilan ako sa pagbabasa ng libro at napatingin ako kay daddy noong naupo ito sa tabi ko. "May meeting ako mamaya sa board members ng kompanya natin. At pagkatapos ko roon, dederetso naman ako sa isang event kung saan imbitado ako bilang isa sa guest speakers nila."
"Okay, dad. Take care of yourself," halos walang emosyong turan ko sa ama at ibinalik sa librong hawak ang atensiyon.
"Ayos ka lang ba talaga rito sa mansiyon, Aurora? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" tanong nito na siyang marahang ikinatango ko. Muli kong isinara ang hawak na libro at binalingan itong muli.
"Daddy, sa academy man o dito sa mansiyon, walang magbabago sa akin. At isa pa, mas panatag ako dito. Homeschooling is the best decision for me right now. Nakakapagod na sa labas. Maliban sa mga taong kakilala natin, nagkalat rin ang media sa lugar natin. I don't want to deal with them right now. Isang taon lang naman ang hinihiling ko. After the election, let's talk about this again, dad."
"Aurora, we have your personal guards. Hindi ka nila maaabala sa labas, lalo na sa academy. Iba pa rin kung nasa academy ka nag-aaral, anak. Mas masaya roon kaysa dito sa mansiyon natin. At isa pa, paano ang mga kaibigan mo?" tanong nito at hinawakan ang kamay ko. "I know it's difficult, Aurora, but you're stronger than this. Tiyak kong hindi matutuwa ang mommy mo kapag makitang nagkakaganito ka. Stop thinking about anything, lalo na ang seguridad mo. That's my job darling. Daddy will handle it. No need to worry."
"But dad-"
"You still have time to think, Aurora. Hindi ko pa napapaalam sa academy ang tungkol sa binabalak mo. Just think about it, okay?"
Hindi na lang ako nagsalita at tumango na lamang sa ama. He needs to leave at kung sasagot pa ako sa kanya, baka mapunta pa sa kung saan ang usapan namin. He's a busy man and I know and respect it. Ayaw ko rin namang maabala ito sa trabaho niya.
"Think about it again, okay?" muling turan nito at mabilis na hinalikan ako sa noo ko.
Noong tuluyang makaalis si daddy sa mansiyon ng mga Sarmiento, napagdesisyonan ko nang bumalik na sa kuwarto ko. Dinampot ko ang tatlong librong nasa ibabaw ng mesa at maingat na pumanhik patungo sa pangalawang palapag ng mansiyon kung saan naroon ang silid ko.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko at hinayaan ang sariling makapagpahinga.
Isang linggo na rin kasi ang lumipas simula noong dineklara ni daddy na tatakbo siya bilang gobernador ng lalawigan namin. He's a good man, a good leader, and now that he announced that he will run for a higher government position, everyone is eyeing him and our family, lalo na ako.
Ang buong akala ko'y sanay na ako sa ganitong senaryo ngunit hindi pa rin pala. Noong isang araw nga ay nasa mall kami ni Fiona, my best friend, at hindi pa nga kami nagsisimula sa pagkain namin sa isang restaurant, iilang kakilala at reporters na ang pilit na kumakausap sa akin. Yes, I have my personal guards but still, nasira pa rin nila ang dapat na quality time namin ng kaibigan ko. At dahil sa nangyari, mas minabuti na lang namin ni Fiona na umalis at umuwi na.
At dahil din sa tagpong iyon, napagdesisyonan kong mag-homeschooling na lang muna. Iwas gulo at abala na rin mula sa mga taong nais makausap ako tungkol sa pagtakbo ni daddy bilang gobernador.
I sighed. Mukhang mas kailangan kong ihanda ang sarili sa mga mangyayari sa mga susunod na araw.
Akmang ipipikit ko na sana ang mga mata ko noong makarinig ako ng mahinang busina na nanggagaling sa labas. Napakunot ang noo ko at wala sa sariling napatingin sa bintana ng silid.
"Imposible namang si daddy iyon," ani ko noong maalalang kanina pa nakaalis sa mansiyon si daddy. Napailing na lamang ako at noong akmang pipikit na ulit ako, panibagong pagbusina na naman ang narinig ko.
Mabilis akong naupo mula sa pagkakahiga at maingat na umalis sa kama ko. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa may bintana at noong nasa tapat na ako nito, marahan kong hinawi ang kurtina sa harapan.
Agad na napakunot ang noo ko noong makita si Eleanor, iyong bagong girlfriend ni daddy, na naglalakad patungo sa guard house ng mansiyon. Ipinilig ko ang ulo pakanan at noong bumukas ang gate ng mansiyon namin, isang itim at hindi pamilyar na sasakyan ang namataan ko. Mabilis kong isinara ang kurtinang nasa harapan at kinagat ang pang-ibabang labi.
Matagal ko nang pinagmamasdan nang palihim ang bawat galaw nitong si Eleanor Villegas. Unang kita ko pa lang kasi sa babaeng ito ay hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Yes, she's beautiful. She's elegant, just like my mother, but there's something bothering me about her. Something just off about this new girlfriend of my father.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago muling hinawi ang kurtina ng bintana ko. Kaunting hawi lang ang ginawa ko, sakto lang na makikita ko ang ginagawa ni Eleanor sa labas ng mansiyon, at noong mamataan kong may lumabas sa bagong dating na sasakyan, natigilan ako.
It was a man. A man who stands just like my dad, proud and powerful. Wearing a black suit and a sunglass, the man immediately wraps his hand around Eleanor waist and kissed her. He kissed my father's girlfriend on her lips!
"Bitch," mahinang turan ko sa sarili habang pinagmamasdan pa rin ang dalawa.
How dare her! At talagang pinapunta pa niya ang lalaki niya sa pamamahay namin! Ang kapal lang!
Dali-dali kong binitawan ang kurtinang hawak-hawak at nagmamadaling lumabas sa silid ko. Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa makababa ako sa may hagdan namin at noong nasa salas na ako, masama kong tiningnan ang nakasarang main door namin. Ilang segundo lang ang lumipas ay bumukas na rin sa wakas ang pinto at bumungad sa akin si Eleanor at ang kasama nitong lalaki.
"Who is he?" mataray na tanong ko habang masamang nakatingin sa dalawa.
"Aurora!" bulalas ni Eleanor at tiningnan ang kasama niya. Hilaw na tumawa ang babae at mabilis na humakbang papalapit sa akin. "Darling, I thought you're sleeping."
"Now I'm awake, Eleanor," walang emosyong sambit ko sa kanya at mabilis na inirapan ito. "Who is he? Bakit ka nagpapasok ng hindi kilalang tao sa pamamahay namin?"
"He's my brother, darling," marahang sambit ni Eleanor na siyang ikinairap kong muli.
Brother, my ass! Hinalikan ka tapos kapatid mo? Nagpapatawa yata ang babaeng ito! Kung hindi ko sila nakita kanina sa harapan ng main gate, natitiyak kong maloloko na ako ng babaeng ito! Too bad for her! I saw them kissing and I won't waste this opportunity! Tiyak kong hihiwalayan siya ni daddy kapag nalaman niya ang tungkol dito!
"Mahigpit na bilin ni daddy sa atin na huwag magpapasok ng kahit sino sa mansiyon, Eleanor. Kahit kapatid mo pa ito, dapat ay hindi mo siya pinapasok! At isa pa, alam ba ni daddy ang tungkol dito? Na bibisita sa'yo ang kapatid mo?"
"Aurora-"
"You know what, whatever. Bahala ka nang magpaliwanag kay daddy," mariing sambit ko at tiningnan ang lalaking kasama nito.
Bahagya pa akong nagulat noong makita hindi na pala nito suot ang sunglass niya kanina. Mabilis ko itong inirapan noong mamataan ang seryosong titig nito sa akin.
"Samiel, this is Aurora, Stefan's daughter," ani Eleanor na siyang muling nagpairap sa akin. At talagang ipinakilala pa ako sa lalaki niya! The audacity of this cheater! Napailing na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Mabilis kong tinalikuran ang dalawa at noong marinig kong magsalita iyong Samiel na kasama ni Eleanor, tila kinilabutan ako. Dali-dali akong pumanhik sa may hagdan at hindi na sila binalingan pang muli.
"What the hell is wrong with them? Bakit ang sama-sama ng kutob ko sa kanilang dalawa?" bulong ko sa sarili at wala sa sariling napaupo sa gilid ng kama ko.
This is bad. I need to focus here and tell my dad about them!
Hindi ko hahayaang lokohin nila ang daddy ko!
Not in my sight, not when I know about them!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top