CHAPTER 8
I need to get out of here!
Kailangan kong makatakas para mabalaan si daddy! I need to do something to save the only family I have right now! Pero... paano? Paano ko maililigtas si daddy kung nakakulong at halos hindi na makagalaw dito ngayon?
Dahil sa pagod at kawalan ng lakas ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Hindi ko na rin namalayan ang oras. Gustuhin ko mang kumilos sa kinahihigaan ko ay wala akong sapat na lakas ngayon. My whole body is aching. Ramdam ko rin ang sakit ng sugat na natamo ko noong binaril ako ni Eleanor! Damn her! Kapag talaga makatakas ako sa lugar na ito, titiyakin kong pagsisisihan niya ang mga ginawa niya sa akin at kay daddy!
I was silently praying for a miracle noong may narinig akong ilang ingay sa labas ng silid na kinaroroonan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at walang emosyong napatitig sa nakasarang pinto ng silid.
What's happening?
Mayamaya lang ay mabilis akong napapitlag noong makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko at pilit na naupo mula sa pagkakahiga. Oh my God! What's happening right now? Anong nangyayari ngayon sa labas ng silid na ito?
Agad akong napapikit ng mga mata noong mas lalong lumalakas ang ingay sa labas. Mukhang malapit na sa silid na ito ang mga taong nagpapalitan nang pagpapaputok ng kani-kanilang mga baril!
Is it them? Sila daddy ba ang nandito at kinakalaban ngayon ng mga tauhan ni Eleanor at Samiel?
Or... is it Stanley and Lorenzo?
Muli akong napapitlag noong biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Napamulat ako ng mga mata at takot na napatingin sa bagong dating.
It was a man. Napatitig ako sa kanya at noong kumilos ito at nagsimulang maglakad papalapit sa akin, mabilis na kumabog ang puso ko. "She's with me now," rinig kong saad nito noong nasa tabi na niya ako. "She... looks fine," dagdag pa niya habang nakatingin sa akin.
Wala sa sarili akong napatingin sa may tenga niya noong may suot itong earpiece! He's talking with someone! "Who are you?" tanong ko sa kanya.
I don't know him! Nakasuot din kasi ito ng itim na face mask kaya hindi ko makita nang maayos ang mukha nito. "Are you here to help me?" takot na tanong ko at noong tumango ito sa akin, mabilis akong napahugot ng isang malalim na hininga. "Sino ang kausap mo?" dagdag na tanong ko pa ngunit hindi na ito sumagot sa akin. Mabilis niya akong inalalayang tumayo at noong nagsimula na kaming kumilos palabas ng silid, panibagong sunod-sunod na pagputok ng baril ang namayani sa buong lugar.
"Damn it!" bulalas ng lalaki at mabilis na hinila ako patungo sa likuran niya. "We need to use the other route," sambit nito at isinara ang pinto sa unahan namin. "Jill, can you hear me?" Napabaling ako sa lalaki. May kausap na naman ito. "Cover us. Lalabas ako kasama si Miss Sarmiento. Once I open the door, make sure na kahit isa sa kanila ay hindi makakapagpaputok sa gawi namin." Tumango iyong lalaki at mabilis na binalingan ako. "Let's go, Miss Sarmiento."
"Makakalabas ba tayo ng buhay sa lugar na ito?" takot na tanong ko sa kanya.
"Of course. Just trust us. Huwag ka ring titigil mamaya. Even if it kills you, you need to keep moving. Huwag kang titigil hanggang sa maging ligtas ka na," anito at hinawakan ako sa may palapulsuan ko. "Ready?" He asked me and I simply nod at him. Tumango na rin ang lalaki sa akin at sa pagbukas nito ng pinto sa harapan namin, mabilis niya akong hinila at nagsimula na kaming tumakbo.
Gusto kong ipikit ang mga mata ko tuwing may naririnig akong putok ng baril ngunit hindi ko iyon puwedeng gawin! I need to stay focus and keep running. I need to trust these people who came and now trying to rescue and save me!
"Pete, sa kabilang side kami dadaan ni Miss Sarmiento. Make sure that the car's ready. Pagdating namin doon, siguraduhin mong handa na ang lahat para sa pagtakas niya," muling saad ng lalaki habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo.
Mayamaya lang ay lumiko kami sa isang pasilyo at noong may napansin akong isang pinto sa may unahan namin, napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi.
Kaonti na lamang, Aurora. Makakaalis ka na rin sa lugar na ito!
Ilang hakbang na lamang ang layo namin sa may pinto noong bigla kaming natigilan. Isang panibagong putok ng baril ang nagpapirmi sa amin. Segundo lang ay mabilis akong hinila ng lalaki at itinago sa likuran nito. Gumanti siya ng pagbaril at mabilis na binalingan ako. "Go, Miss Sarmiento. Nasa labas at naghihintay ang isa sa mga kasama ko."
"Pero... paano ka?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Don't worry about me. Mas mahalagang makaalis ka na sa lugar na ito. Our mission will be a big mess if you don't survive this night. Now, go and open that door. Run and don't stop until you reach the car and finally escape from here."
Tumango ako at mabilis na nagpasalamat sa kanya. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras at muling inihakbang ang mga paa. At kagaya nang tinuran nito sa akin, agad kong binuksan ang nakasarang pinto sa harapan at noong tuluyan na akong nakalabas, mabilis kong hinanap ang kasamahan na tinutukoy nito.
Dalawang magkasunod na busina ang nagpapitlag sa akin. Napabaling ako sa gawing kanan ko at noong makakita ako ng isang sasakyan, mabilis akong naglakad patungo roon.
"Miss Sarmiento, sakay na," saad ng driver sa akin.
"You're Pete?" tanong ko at binuksan ang pinto sa may likod ng sasakyan.
Tumango naman sa akin ang lalaki at pinaandar na ang sasakyan nito. "Fasten your seatbelt, Miss Sarmiento," utos nito na siyang agad kong sinunod naman. "Paniguradong maraming nag-aabalang sa atin sa main road. This is a bulletproof car, but we can't let our guards down. Hangga't hindi ka namin nailalayo sa lugar na ito, we need to stay alert and cautious."
Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at tumango rito. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng seatbelt at napangiwi na lamang noong mas bumilis ang pagpapatakbo ni Pete sa sasakyan.
Ilang minutong naging matiwasay ang pagpapatakbo ni Pete ng sasakyan ngunit noong makarating na kami sa main road, dalawang itim na motorbike ang mabilis na lumapit sa amin at pumuwesto sa magkabilang bahagi ng sasakyan. Na-alarma ako at takot na napatingin sa seryosong si Pete. "They're here."
"Stay down, Miss Sarmiento," seryosong saad nito na siyang mabilis na sinunod ko. Agad akong yumukod at napapikit na lamang. Mayamaya lang ay nagsimula nang magpaulan ng bala sa amin ang mga nasa motorbike. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at napapapitlag na lamang dahil sa ingay ng bawat putok at tama ng bala sa kotse na sinasakyan.
Calm down, Aurora. They can't do anything now. Their bullets will not penetrate here. Hindi ka nila masasaktan habang nasa loob ka ng sasakyan na ito!
Mayamaya lang ay mabilis akong napasigaw noong biglang gumewang ang sasakyang kinaroroonan. Napaayos ako nang pagkakaupo at tiningnan si Pete na tila nawawalan na nang kontrol sa minamanehong sasakyan.
"Pete!" sigaw ko noong patuloy an gumegewang ang sasakyan! Wala na ito sa tamang lane! "What's happening?"
"They targeted the rear tires, Miss Sarmiento," kalmadong saad niya na tila hindi ito naapektuhan sa nangyayari ngayon. Napaawang na lamang ang labi ko at tumingin sa lamang sa likuran ng sasakyan. Nandoon pa rin ang dalawang itim na motorbike at patuloy pa rin sa pagpapaulan ng mga bala sa akin. At noong may napansin akong isang sasakyang paparating, agad akong kinabahan.
"Another car is approaching us," wala sa sariling saad ko.
"That's the cue. Let's get out of this road," saad ni Pete na siyang ikinabaling ko sa kanya.
Napakurap ako at takot na napatitig sa kanya. "W-what? Saan mo naman papadaanin ang sasakyang ito?" takang tanong ko at noong mabilis na iniliko nito ang sasakyan, napaawang na lamang ang mga labi. Damn it! Bakit ibinalik niya ang sasakyan sa may gubat?
Mariin akong napahawak sa may grab handle at mariing kinagat ang pang-ibabang labi. I have a bad feeling about this one. Ayaw ko mang mag-isip ng negatibo pero sa mga nangyayari ngayon, tiyak kong hindi maganda ang kalalabasan nito!
Come on! Ayaw kong matapos ang buhay ko dahil dito!
Napailing na lamang ako at napapikit na lamang. Nagpatuloy naman si Pete sa pagmamaneho at noong tawagin nito ang pangalan ko, maingat kong inangat ang ulo at binalingan ito. "Can you swim, Miss Sarmiento?" He asked me. Napatanga naman ako at wala sa sariling napatango sa kanya. "That's good cause we're about to fall." Pagkasabi niya sa mga salitang iyon ay agad akong napatingin sa unahan ng sasakyan.
Kusang umawang ang mga labi ko at noong mapagtanto ko ang ibig sabihin nito, mabilis akong napamura sa isipan.
"No, Pete. Don't do this! Wala kasiguraduhang makakaligtas tayo kapag mahulog ang sasakyang ito sa bangin na iyan!" histerikal na saad ko sa kanya. Napailing ako at pilit na nag-iisip nang paraan para maiwasan ang binabalak nito.
"Don't worry, Miss Sarmiento. Kapag lumubog na ang sasakyang ito, kailangan mo lang makaalis dito. You need to swim. Aahon ka lang kung sa tingin mo'y tuluyan kang nakalayo na sa spot kung saan tayo mahuhulog ngayon."
Umiling ako sa kanya. "I can't do that!"
"You need to listen to me, Miss Sarmiento," ani Pete at mas binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. "Everything is happening according to the plan. All we need to do is execute it well and escape from here alive."
"Plan? Kaninong plano itong pagpapatiwakal natin sa bangin?" sigaw ko at napapikit na lamang noong tuluyan nang nahulog ang sasakyang kinaroroonan sa bangin. Segundo lang ay tumama na ito sa tubig dagat at dahil sa lakas ng impact nito, hindi ko na napigilan pang humampas ang ulo ko sa may bintana ng sasakyan. Napaawang na lamang ang labi at mabilis na napailing noong biglang nanlabo ang paningin.
Oh my God!
"Move now, Miss Sarmiento," rinig kong saad ni Pete at tinulungan na akong alisin ang seatbelt sa katawan.
I can't think straight right now! My head is aching because of what happened! Pakiramdam kong naalog ang ulo ko at tiyak kong nagkaroon ako ng damage ito! Nanatili akong nakapikit at pilit na iginagalaw ang sariling katawan.
"Pumapasok na sa loob ang tubig, Miss Sarmiento! Lumabas na tayo!" wika muli ni Pete at naunang lumabas sa akin sa sasakyan. Mas bumilis na rin ang pagpasok ng tubig sa loob ng sasakyan at bago pa man mabuksan ni Pete ang pinto sa tabi ko, sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko.
Napamulat ako ng mga mata at wala sa sariling napatingin kay Pete sa labas ng sasakyan.
"No," mahinang usal ko noong makitang natamaan si Pete. Napakurap ako at sinubukang kumilos. Segundo lang ay napansin ko ang pagkilos muli ni Pete. Mukhang hindi ito napuruhan! Mayamaya lang ay unti-unti na ring lumulubog ang sasakyan at noong umiling ito sa akin, natigilan ako. "What are you doing?"
"Hintayin mong tuluyang lumubog ang sasakyan, Miss Sarmiento. Tsaka ka na lumabas kapag hindi na nila makikita kung saang parte ka ng dagat lalangoy."
"Pero... damn it, no!" sigaw kong noong muling natamaan si Pete. At sa pagkakataong ito, tuluyan nang lumubog ang buong sasakyan. Mabilis kong isinara ang mga bibig at kumilos na. Sa kabilang pinto ako lumabas at noong tuluyang na akong nakaalis sa loob ng sasakyan, mabilis kong sinunod ang tinuran nito kanina sa akin.
I need to swim. Mas matagal at malayong paglangoy, mas makakabuti sa akin.
I need to survive tonight.
I need to stay alive until I reach home and save my father.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top