CHAPTER 4
Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.
Habang tinatahak namin ni Stanley Perez ang daan patungo sa kabilang bahagi ng hotel na kinaroroonan namin, panay ang singhap ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil ang putukan. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa kamay ni Stanley habang patuloy kami sa pagtakbo palayo sa gulo.
"This way," ani Stanley at hinila ako patungo sa fire exit door. Mabilis kaming pumasok doon at tahimik na sinilip ang hagdan pababa. "Kaya mo na bang mag-isang bumaba mula rito?" tanong pa niya sa akin at binitawan na ang kamay ko.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Iiwan mo ako?"
"Kailangan kong bumalik sa loob, Aurora. Nasa loob pa rin ang pamilya ko at-"
"Nasa loob din ang daddy ko!" bulalas ko at matamang tiningnan ito. "Please, hindi ko kayang umalis sa lugar na ito mag-isa, Stanley," dagdag ko pa na siyang ikinatigil nito sa harapan ko. "Ni paghakbang ay hindi ko nagawa kanina. Kung hindi ka lang dumating sa banyo, paniguradong nasa loob pa rin ako ngayon. Hindi ko magagawa ito mag-isa kaya naman please, huwag ka nang bumalik sa loob. Ikaw na ang nagsabing delikado roon. We need to leave this place as soon as possible."
"Fine," anito at humugot ng isang malalim na hininga. Muli nitong hinawakan ang kamay ko at nagsimula na kaming humakbang pababa ng hagdan. "We're headed towards the parking lot. Naroon ang kotse ko," imporma nito sa akin at mas binilisan namin ang pagbaba sa hagdan. Kahit na sobrang sakit na ng mga paa ko ay hindi na ako nagreklamo. Buhay namin ang nakasalalay dito. Kailangan kong magtiis hanggang sa maging ligtas na kaming pareho ni Stanley.
I just hope my dad, my dear friend Fiona, and her family are safe too. Sana'y walang masaktan sa kanila sa gulong nangyayari ngayon sa event hall ng hotel.
Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi at isinantabi ang lahat ng mga iniisip ngayon. Kailangan kong ituon ang buong atensiyon sa ginagawa naming pag-alis sa lugar na ito. Hindi ako maaaring ma-distract dahil baka ito pa ang ikapahamak naming dalawa ni Stanley! I sighed and continue walking. Malalaking hakbang na ang ginagawa namin ngayon ni Stanley at noong makarinig kami ng isang putok ng baril mula sa itaas kung saan kami nanggaling kanina, napasigaw ako.
"Shit!" bulalas ni Stanley at hinila ako papalapit sa kanya. "They're here," dagdag pa nito tiningnan akong mabuti. "Aurora, take this," aniya at ibinigay sa akin ang susi ng sasakyan nito. "Open the next fire door exist. Parking lot na iyon at hanapin mo roon ang sasakyan ko."
"What? No, Stanley. Hindi kita iiwan dito!"
"Stop arguing with me, young lady. Kailangan mong makaalis sa lugar na ito!"
"Pero... paano ka?" takot na tanong ko sa kanya.
"I will distract them," simpleng sambit niya at may kung anong kinuha sa likuran niya. Segundo lang ay napaawang ang labi ko noong makita kung ano iyon. "Go, Aurora. Susunod din ako sa'yo."
"I... I can't drive, Stan-"
"Susunod ako. My car is bulletproof. Mas ligtas ka sa loob nito. Susunod ako sa'yo at sabay tayong aalis sa lugar na ito. Now go," aniya at muling binitawan ang kamay ko. Wala sa sariling napatango na lamang ako kay Stanley at dahan-dahang tinalikuran ito. Kinagat ko muna ang pang-ibabang labi bago muling tumakbo pababa sa may hagdan.
Panibagong putok ng baril naman ang narinig ko kaya ay hindi ko napigilan ang sarili sa pagtigil sa pagkilos at sa pagsigaw. Inilagay ko na lamang ang kamay sa may bibig at muling inihakbang ang mga paa. At noong namataan ko ang fire exit door na tinutukoy ni Stanley, mabilis akong lumapit dito at binuksan iyon. Dali-dali akong pumasok sa may pinto at isang malawak na parking space ang bumungad sa akin.
"Damn it!" bulalas ko sa sarili noong makita ang bilang ng sasakyang nandito ngayon sa parking lot. Nagpatuloy ako sa paglalakad at noong muntik na akong matapilok, mabilis akong natigilan sa pagkilos at tiningnan ang suot na heels. "Kanina pa ako nagtitiis sa'yo," wala sa sariling sambit ko at mabilis na inalis sa paa ang suot na heels. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na damputin ang hinubad na sapatos at nagpatuloy na ako sa paglalakad na nakayapak lamang.
Nagpalinga-linga ako at inangat ang kamay na may hawak sa susi ng sasakyan ni Stanley Perez. Pinindot ko ang button ng car key's fob at mabilis na napabaling sa gawin kanan noong tumunog ang isang sasakyan. Dali-dali akong lumapit dito at tahimik na binuksan ang pinto nito. Agad akong pumasok sa loob nito at ini-lock ang pinto.
Tama ang ang tinuran ni Stanley sa akin kanina. Sa itsura pa lang ng sasakyan nito, alam ko ng hindi ito basta-bastang sasakyan lamang. It's a bulletproof car! Heavy tinted and I'm sure that not a single bullet can penetrate here!
Tahimik akong naupo sa may passenger seat habang hinihintay si Stanley. Mayamaya pa'y napasinghap ako noong tumunog ang cellphone ko sa dala-dalang purse at mabilis na kinuha iyon. Pinatay ko ang ring tone nito at pilit na ikinalma ang sarili. Damn! Sana'y walang nakarinig sa tunog na iyon. Damn!
Napalunok na lamang ako at napatingin sa screen ng cellphone ko. It was Fiona! Siya iyong tumatawag sa akin kanina. Napakurap na lamang ako at noong tumawag itong muli, mabilis kong sinagot iyon.
"Aurora!"
"Fiona," mahinang sambit ko sa pangalan ng kaibigan at pilit na isinisiksik ang sarili sa may passenger seat ng sasakyan ni Stanley. Kahit na alam kong hindi naman ako makikita ng kahit sino sa labas ng sasakyang ito, still, hindi ko pa rin maiwasang matakot para sa kaligtasan ko. "Are you okay? Nasa event hall pa rin ba kayo?"
"No! Nakalabas kami bago pa magsidatingan ang mga armadong lalaki! Where are you? Ayos ka lang ba?"
"Nasa labas ako ng event hall noong nagsimula ang gulo. Now... I'm in the parking lot. Hiding."
"What? Parking lot? Ayos ka lang ba riyan? Sinong kasama mo?"
"Mag-isa lang ako," wika ko at napasinghap na lamang noong may namataan akong dalawang armadong lalaki 'di kalayuan sa kotse ni Stanley. "But I was with Stanley Perez earlier. Please, help him. Tell your parents about this. Nasa may fire exit ito. Naiwan ko siya kanina roon at paniguradong nakikipaglaban ito sa mga armadong lalaki," mahinang sambit ko pa at napayuko na lamang. "They're h-here, Fiona. N-nasa parking lot na sila," nanginginig na wika ko at pinikit na lamang ang mga mata.
"Don't make any sound, Aurora. Huwag mo ring patayin ang tawag na ito. I will inform my parents and we'll get you out of there." Napatango na lamang ako sa tinuran ng kaibigan. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi para hindi makagawa ng kahit anong ingay. Mayamaya lang ay sunod-sunod na putok ang narinig ko kaya naman ay impit akong napasigaw. Inilagay ko ang kanang kamay sa bibig at nanatiling nakayuko sa may passenger seat. "Aurora! What happened? Talk to me, Aurora!" Hindi ako kumibo sa kinauupuan ko at nagpatuloy lang ang palitan ng mga putok ng baril. Umiiyak na rin ako ngayon at noong humupa na ang ingay sa may parking lot, dahan-dahan akong umayos nang pagkakaupo.
Inalis ko ang mga luha sa mata at tiningnan ang puwesto nang dalawang lalaking armado kanina. Wala na sila roon! Oh my God!
"Aurora!" rinig kong tawag ni Fiona sa akin sa kabilang linya at noong akmang sasagutin ko na sa sana ito noong mabilis akong napapitlag. Napakurap ako at namataan si Stanley sa labas ng sasakyan niya at may kasamang isa pang lalaki. Pareho silang may hawak na baril at kung hindi ako nagkakamali ay natitiyak kong kasing edad lamang niya!
"Stanley's here," wika ko sa kaibigan habang tiningnan silang naglalakad papalapit sa sasakyang kinaroroonan ko. I unlocked the car's door for them, and they immediately went inside.
"Are you okay, Aurora?" tanong ni Stanley sa akin noong nakaupo na ito sa may driver's seat. Sa likuran naman sumakay ang kasama nito at napapitlag akong muli noong ikinasa nito ang hawak na baril. I swallowed hard. "Nakita ko ang mga sapatos mo sa daan kaya ang buong akala ko'y nakuha ka na nila."
"I... just removed it earlier. Nahihirapan kasi akong tumakbo."
"Girls and their obsession with heels," sambit ng kasama nito na siyang nagpabaling sa akin sa puwesto niya. "I'm Lorenzo, by the way."
Hindi ako nakapagsalita at napatango na lamang sa lalaki. Mayamaya lang ay tinawag akong muli ni Stanley kaya naman ay wala sa sarili akong napatingin muli sa kanya. Taka ko itong tiningnan at noong itinuro nito ang cellphone na hawak-hawak ko, mabilis itong umiling sa akin.
"End the call." He mouthed to me. Napaayos na lamang ako nang pagkakaupo at tahimik na pinatay ang tawag ng kaibigan ko. Segundo lang ay inilahad ni Stanley ang kamay niya sa harapan ko at seryosong tiningnan ako. "Give me your phone."
"What? W-why?"
"They can track us using that," saad niya at siya na mismo ang kumuha sa cellphone ko sa kamay. Ibinaba niya ang salamin ng bintana at inihulog mula roon ang cellphone ko. Napasinghap ako sa ginawa niya at hindi na nakapagsalita pa. Muling isinara ni Stantey ang bintana at binuhay na nito ang makina ng sasakyan niya. Dali-dali naman akong kumilos at nagsuot ng seatbelt sa katawan. Hindi na rin nagsalita ang dalawang kasama ko hanggang sa umandar na ang sasakyan nito.
Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Kung tama bang magtiwala ako sa lalaking ito at sa kasama niya. Pero... wala na akong pagpipilian pa. Kumpara sa mga armadong lalaking nakita ko kanina, mas mapagkakatiwalaan ang dalawang ito. Hindi naman sila mukhang hired killer kagaya noong mga umatake sa event hall ng hotel na ito!
Mabilis na pinatakbo ni Stanley ang sasakyan nito. Naging matiwasay din ang biyahe namin ngunit noong nasa huling palapag na kami ng parking lot, isang puting sasakyan ang nakaharang sa pinaka-exit nito. Napabaling ako sa puwesto ni Stanley at noong tinapakan nito ang accelerator ng sasakyan niya, napahawak na lamang ako sa gilid ng sasakyan nito. Mas bumilis ang pagpapatakbo ni Stanley sa sasakyan at walang pag-aalinlangang binangga ang puting sasakyang nakaharang sa daan.
Napamura na lamang ako sa isipan noong maramdaman ang impact sa ginawang pagbangga ni Stanley. Natigil din ang sasakyan nito sa pag-andar at mayamaya lang pinaharurot niya itong muli noong makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril.
"Don't worry, young lady. Walang tao sa loob ng sasakyang iyon," rinig kong sambit ni Lorenzo sa likuran namin. "Nilagay lang nila iyon para maabutan nila tayo."
"Pero-"
"Pero hindi nila tayo mahahabol." Natatawang wika pa nito at ininguso si Stanley na seryosong nagmamaneho at nasa daan lang ang buong atensiyon. "He loves driving fast car. No one can beat him in a race."
"But we're not in a freaking race!" histerikal na wika ko at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga.
"Hindi nga ba?" tanong ni Lorenzo at mayamaya lang ay napakunot na lamang ang noo noong may tumamang bala sa salamin ng sasakyan ni Stanley. Namataan ko ang pagngiwi nito at inihanda ang baril na hawak-hawak. "Right. Hindi lang pala pagpapatakbo ng sasakyan ang kaya nating gawin dito. We can fire, too."
What? Nasisiraan na ba ito? Paano naman niya iyon gagawin?
"Stan, steady your car. I will fire back," utos pa nito kay Stanley na siyang ikinatingin kong muli sa katabi. May pinindot ito sa may harapan niya at noong marinig ko ang pagtawa ni Lorenzo, napabaling muli ako sa lalaki. "I really love your car, asshole," wika nito at umayos na nang pagkakaupo. Mayamaya lang ay unti-unting bumukas ang bubong ng sasakyan kaya naman ay napasinghap ako.
"Don't worry, he can handle them," rinig kong wika ni Stanley habang na kay Lorenzo pa rin ang buong atensiyon.
Baliw na yata ang isang ito! This is dangerous! Ikakapahamak niya ang ginagawa niya ngayon!
Hindi na ako nakapagsalita pa noong magsimula na ring magpaulan ng bala si Lorenzo. Sunod-sunod na putok ng baril ang napapikit sa akin at noong makarinig ako ng isang malakas na pagsabog mula sa likuran ng sasakyang kinaroonan, napaawang na lamang ang mga labi ko. Bumalik nang muli si Lorenzo sa puwesto niya at unti-unting sumara ang bubong ng sasakyan ni Stanley. Namataan ko ang pagngisi ni Lorenzo sa akin at ipinakita ang hawak-hawak nitong baril.
"You should learn how to handle and use guns, Aurora. Mas kailangan mo ang skill na ito kaysa sa mga walang kuwentang bodyguards mo," anito na siyang nagpalunok sa akin. "Damn, I'm tired!" bulalas pa niya at isinandal ang likuran sa backrest ng upuan. "You owe me shits, Stanley. Make sure to pay me something or else, I will get your new toy and claim it as mine."
"Shut up, Renzo, and just fucking rest. Mahaba-haba pa ang gabi. Paniguradong may nakabuntot pa rin sa atin ngayon," ani Stanley at pinaharurot muli ang sasakyan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top