CHAPTER 2

Good image.

Dahil nga sa politiko ang aking ama, dapat ay maganda ang reputasyon niya sa mata ng mga tao. Dapat malinis ang pangalan nito, pati na rin ang mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na ang pamilya nito.

I was never one of the good girls in town. Alam iyon ng lahat. Mabait ako pero may limitasyon din ang pagiging mabait ko. I can tolerate one or two people, at hanggang doon na lamang iyon. Kaya naman noong pinakilala ni daddy si Eleanor Villegas bilang bagong kasintahan nito, pumait bigla ang pakikitungo ko sa kanya at sa babae niya.

No one can replace my dear mother's place. Hindi sa mansiyon namin, lalo na sa buhay naming mag-ama!

"Good morning, daddy," bati ko sa ama noong dumating ako sa hapag-kainan namin. Nilapitan ko ito at hinalikan sa pisngi. Ngumiti naman si daddy sa akin at pinaupo na ako. Tamad akong kumilos at hindi na binigyan pansin pa ang presensiya ni Eleanor na alam kong nakamasid sa bawat galaw ko.

"Aurora," tawag pansin ni daddy sa akin habang umiinom ako ng hot chocolate drink na inihanda sa akin. Maingat akong nag-angat nang tingin dito at hinintay ang dapat na sasabihin nito. "Hindi kami makakauwi ng Tita Eleanor mo mamaya. Nasa kabilang bayan kami para sa event at doon na kami magpapalipas ng gabi. Ayos lang ba iyon sa'yo?" tanong niya sa akin. "Gusto mo bang kausapin ko ang mga magulang ni Fiona para naman samahan ka ng kaibigan mo mamaya rito sa mansiyon?"

Hindi ako nakapagsalita at tiningnan lamang ang ama.

Wala namang problema sa akin ang mag-isa rito sa mansiyon. Sanay naman ako kaya walang kaso sa akin kung hindi sila uuwi mamaya.

"Huwag na po, daddy. Ako na ang bahala sa sarili ko po. Wala rin naman akong gagawin mamaya kaya baka magpahinga na lamang po ako," wika ko at nagpatuloy na sa pagkain ng agahan ko.

"Alright. Magiging busy din ako pero kung may kailangan ka, tawagan mo lang ang executive secretary ko." Tumango na lamang ako sa ama at napangiwi na lamang noong magsalita si Eleanor sa may gilid niya.

"Tumawag pala si Samiel kanina," anito na siyang ikinasama ko nang tingin sa kanya. Samiel... iyong kahalikan niya noong isang araw! "He's out of town right now. Hindi ito makakasama sa atin sa mga susunod na schedules mo."

"That's fine. We know how busy he is. Malaking tulong na rin iyong mga tauhang pinadala niya sa atin. Sapat na iyon."

Napakunot ang noo ko sa narinig mula kay daddy. They hired more men, and it was from that man, Samiel! Seriously? Talagang nakuha na ng dalawa ang loob ng aking ama!

Hindi na ako nagkomento pa at hinayaan na lamang ang dalawang mag-usap. Nakinig lang ako sa kanila at noong matapos na akong kumain, biglang may tumawag sa telepono ng ama. Napatingin ako rito at maingat na tumayo sa kinauupuan. Nagpaalam ito sa amin ni Eleanor at umalis na sa harapan namin.

Napabuntonghininga na lamang ako at kumuha ng tissue. Dahan-dahan kong pinunasan ang labi ko at noong nagkatinginan kami ni Eleanor, nagtaas ako ng isang kilay sa kanya.

"What?" naiirita kong tanong ko sa kanya. "May sasabihin ka?"

"Hindi mo ba kayang maging mabait man lang sa akin kahit sa harapan ng iyong ama?" tanong ni Eleanor na siyang bahagyang ikinatawa ko.

"At bakit ko naman gagawin iyon?" tanong ko at umayos nang pagkakaupo. "Hindi ko kayang magpanggap sa harapan ni daddy. Kung kaya mong gawin iyon, puwes, hindi ko kayang lokohin si daddy. Hindi ko kayang magpanggap na ayos lang ang lahat kahit na ang totoo niyan ay nasusuka na ako sa presensiya mo."

"Aurora-"

"What?" matamang tanong kong muli kay Eleanor. "Huwag mo nang ipilit sa akin ang sarili mo, Eleanor. Kahit anong mangyari, hindi kita matatanggap sa pamilyang ito."

"Kahit na ikasal na ako sa daddy mo?" Natigilan ako sa naging tanong nito sa akin. "Kahit na magiging isang pamilya na tayong tatlo? Hindi mo pa rin ba ako matatanggap?"

"Yes," sagot ko noong makabawi ako sa gulat sa naging tanong niya. "Hinding-hindi kita matatanggap sa pamilyang ito."

Hindi na nasundan pa ang sagutan namin ni Eleanor. Tahimik lang kaming nagpapalitan nang masasamang titig sa isa't-isa at noong bumalik na si daddy sa hapag, mabilis akong tumayo at nagpaalam na sa kanya.

Dali-dali akong pumanhik sa kuwarto ko at nagtungo sa study table ko. Maingat kong dinampot ang papel na nasa ibabaw ng mesa ko at masamang tiningnana ng larawang naroon.

"Stanley... Perez." Basa ko sa pangalang naroon. "Ano kaya ang koneksiyon nito kay Eleanor?" mahinang tanong ko sa sarili at tiningnan ang kasunod na papel na hawak-hawak. "He's a graduating student sa university kung saan ko ito unang nakita. Six years older than me, huh."

Nanatili ako sa silid ko at inubos ang oras kakahanap ng impormasiyon tungkol kay Stanley Perez. I need to know his connection with Eleanor at kung bakit kilala rin ito ni daddy. Is he a part of an influential family? He's Perez, right? Wala akong masyadong kilala sa pamilya niya kaya naman ay para akong timang kakahanap ng impormasiyon tungkol sa lalaki! At noong mga normal na impormasiyon lamang ang nakuha ko, marahas akong napabuntonghininga at masamang tiningnan ang nakangiting litrato nito sa harapan ko.

Ano nga ba ang inaasahan kong impormasiyong makakalap tungkol sa kanya? Na may masama itong motibo sa ama ko? Na kasabwat ito ni Eleanor? God, Aurora! He's still a student, for Pete's sake!

Napailing na lamang ako at tumayo na sa harapan ng study table ko. Naglakad ako patungo sa kama ko at pabagsak na naupo roon. Napanguso ako at wala sa sariling inalala ang nangyari noong araw na iyon.

Wala naman akong naging problema noong nakita ko ito sa may oval ng university. I even admired his physical appearance. Pero noong makita ko itong kausap ni Eleanor... biglang bumigat ang pakiramdam ko sa kanya. Siguro nga lahat nang konektado kay Eleanor ay pagdududahan ko. Kahit na wala naman itong ginagawa, paniguradong pag-iisipan ko ito nang masama.

Napabuntonghininga na lamang ako sa mga iniisip at pabagsak na inihiga ang katawan sa kama.

"Habang tumatagal, lalong lumalala ang trust issue ko sa mga taong nakapaligid sa akin. This is not good. I'm getting worse every day," mahinang bulalas ko sa sarili at ipinikit ang mga mata. "I... I just want to protect my family. Pero kung magpapatuloy ito... mukhang mauuna pa akong masira kaysa sa pamilyang inaalagaan ko."

Dahil sa mga iniisip, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising na lamang ako noong nakaramdam na ako nang gutom kaya naman ay maingat akong bumangon sa kama ko at naglakad palabas ng silid ko. It's almost two in the afternoon kaya naman paniguradong kanina pa umalis si daddy at si Eleanor para sa event nila ngayong araw. Napabuntonghininga na lamang ako at dahan-dahang naglakad patungo sa kusina namin.

Isang kasambahay ang namataan ko sa kusina at noong makita niya ako, mabilis niya akong binati at inihanda ang pagkain ko. Walang ingay akong naupo sa upuang nakalaan para sa akin at tamad na tumingin sa kawalan.

"Miss Aurora," tawag pansin sa akin ng kasambahay na nag-aasikaso sa pagkain ko. "May ibinilin pala sa amin ang daddy niyo," anito na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Kung gusto niyo raw pong lumabas para mamasyal, sabihin niyo lang po sa driver. Nagpaiwan ang isa sa driver niya para po samahan ka mamaya. May iilang bodyguards din po silang iniwan kung sakaling gusto niyong lumabas ngayon araw."

"Wala ako sa mood mamasyal ngayon," walang ganang sambit ko at napanguso na lamang.

"May bagong bukas na mall ngayon sa sentro, Miss Aurora!" wika nito at inilapag na ang pagkain ko sa harapan. "Nagpunta kami ng pamilya ko roon noong day off ko po. Maganda roon, Miss Aurora! Maramang magaganda at bagong stalls doon!"

"Really?" tanong ko at nagpasalamat na sa kanya sa pagkaing inihanda. "I-che-check ko muna iyong mall na sinasabi mo. Kapag magustuhan ko, sasabihan kita para makapaghanda na ang driver sa pag-alis namin mamaya."

"Sige po, Miss Aurora," nakangiting wika nito at iniwan na ako sa hapag. Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanya at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. I searched the mall she was talking about and base sa mga reviews na naroon, mukhang maganda nga ito! Napanguso na lamang akong muli at mabilis na tinapos ang pagkain. Mayamaya lang ay tinawag kong muli iyong kasambahay namin. Mabilis naman nitong niligpit ang pinagkainan ko at noong sinabi ko sa kanya ang tungkol sa planong pagpunta sa mall na tinutukoy nito, tumango ito sa akin at sinabing ipapahanda na niya ang sasakyan na gagamitin ko.

Hindi na ako nagsalitang muli at bumalik na sa kuwarto ko.

Dahil tapos na akong maligo kanina, naghanap na lamang ako ng damit na susuotin. Isang faded jeans ang napili ko at kulay itim na blouse. Kumuha na rin ako ng sneakers na siyang gagamitin ko rin sa paglabas ng mansiyon. Dahil nga lalabas ako ngayon, dapat ay hindi ako mukhang anak ng isang kilalang politiko. Mas mabuting lumabas ako at mukhang normal na mamamayan lamang. Mabilis na akong magbihis at noong matapos na ako, maingat kong itinali ang mahabang buhok. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng kaunting make-up at hinayaan na lamang ang natural na itsura ko.

Tiningnan ko ang repleksiyon sa salamin at noong makontento na ako, dinampot ko ang isa sa paborito kong eyeglass at sinuot iyon. Wala akong suot na contact lens ngayon kaya sakto lang itong salaming gamit ko. Muli kong tiningnan ang repleksiyon sa salamin at noong may kumatok sa pinto ng silid ko, maingat kong dinampot ang bag sa ibabaw ng kama at nagsimula nang maglakad patungo sa pinto.

"Handa na po ang sasakyan, Miss Aurora," imporma sa akin ng kasambahay na siyang ikinatango ko na lamang. Lumabas na ako sa silid ko at naglakad na pababa sa may hagdan. Tahimik lang ang bawat galaw ko at noong makalabas na ako ng mansiyon, namataan ko ang driver at isang bodyguard na sasama sa akin ngayon.

Bahagyang yumukod ang mga ito sa akin at pinagbuksan na ako ng pinto ng sasakyan. Hindi na ako nagsalita pa at sumakay na roon. At noong sa loob na rin sila ng sasakyan, inayos ko na ang seatbelt sa katawan.

"Huwag kayong magpapahalatang kasama ko kayo. I need time for myself. Ako na ang bahala sa sarili ko mamaya," wika ko noong magsimula nang magmaneho ang driver namin. "Siguro naman ay walang makakakilala sa akin sa mall na iyon. Maraming tao roon kaya hindi na nila mapapansin ang presensiya ko."

"Susundan ka lang po namin, Miss Aurora," wika ng bodyguard ko na siyang ikinatango ko na lamang. Hindi na ako nagsalita pa at tumingin na lamang sa labas ng sasakyan namin. At noong nasa mall na kami, mabilis akong bumaba sa sasakyan, ganoon din ang ginawa ng bodyguard ko. Inayos ko ang suot na sombrero at nagsimula nang maglakad patungo sa main entrance ng mall.

At kagaya nga nang inaasahan ko, marami ang tao ngayon. Weekend ngayon at natitiyak kong mas darami pa ang tao mayamaya.

Palihim akong tumingin sa likuran ko at namataan ang tahimik na pagsunod ng bodyguard ko. May kalayuan ang puwesto nito sa akin, sapat lang na natatanaw niya ako habang naglalakad dito sa mall. Napatango na lamang ako sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ilang minuto pa lang ang lumipas simula noong dumating ako riot ay natigilan na ako sa paglalakad at napatingin sa gawing kanan ko. Napangiti ako at maingat na inihakbang patungo sa isang stall kung saan maraming stuff toys ang naka-display doon. Maingat kong kinuha ang isang kulay pink na stuff toy at pinagmasdan ito nang mabuti.

My mom used to buy me this toy. Alam ni mommy na mahilig akong mangolekta ng ganito kaya naman tuwing umaalis sila ni daddy para sa mga schedules nito, palaging may pasalubong ito sa akin kapag umuuwi sila.

Malungkot akong napangiti at napagdesisyunang bilhin na ito.

"Hindi ko alam na gusto mo pala ang mga ganito." Natigilan ako sa kinatatayuan ko noong may nagsalita sa tabi ko. It was a guy! Napalunok ako at hindi ko iyon binigyan pansin pa. Siguro ay hindi ako ang kausap nito. Baka may kasama ito at siya ang sinasabihan nito!

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa at noong akmang tatawagin ko na sana ang staff ng stall para bayaran na ang stuff toy na hawak, muling nagsalita ang lalaking nasa tabi ko.

"Suplada naman," anito na siyang ikinataas ng isang kilay ko. Wala sa sarili akong napatingin sa nagsalita at noong mamataan ko kung sino ito, mabilis akong napalayo sa kanya. Sa gulat ko, hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang hawak-hawak na stuff toy kanina!

Hindi ako nakakilos muli sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko na lamang itong dinampot ang stuff toy na dapat na bibilhin at inilahad niya ito sa harapan ko.

"Huwag mong basta-bastang bitawan ito. Madudumihan," aniya at tipid na nginitian ako. "Here. You want this, right? Ako na ang bahalang magbayad para sa'yo."

Napakurap ako ng isang beses at noong makabawi ako sa gulat, mabilis na napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"May pera ako. Kaya kong bayaran iyan kaya ako na ang bahala rito," malamig na turan ko at mabilis na kinuha sa kanya ang stuff toy. Tinalikuran ko ito at tinawag ang staff na nagbabantay ng mga paninda nila. Tahimik akong naghintay na matapos ang babae sa pagbalot nang binili ko at noong matapos na ito, muli kong binalingan ang lalaking kausap kanina. Napailing na lamang ako noong mamataan ko pa rin ito sa puwesto niya. Mabilis akong napairap at tinalikuran na ito.

"It's Stanley, by the way!" aniya na siyang ikinatigil ko. "Nice seeing you again," dagdag pa niya na siyang ikinaawang ng labi ko. Nakilala niya ako? Damn it!

Hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy na sa paglalakad palayo sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top