CHAPTER 1
"Dad, are you even listening to me?"
"I hear you clearly, sweetheart," anito at hinawakan ang kamay ko. "Pero imposible iyang paratang mo sa Tita Eleanor mo. Kapatid niya si Samiel."
"Dad, alam ko kung ano ang nakita ko," mariing sambit ko sa kanya na siyang ikinailing na lamang nito.
"Aurora, drop this topic, okay? Mali iyang nasa isip mo."
"Ikaw ang mali rito, dad. Maling magtiwala ka sa kanila!" sigaw ko at mabilis na binawi ang kamay mula sa ama. Masama ko itong tiningnan at mabilis na nagmartsa palabas ng study room niya. Pagkasara ko ng pinto, mabilis akong napatingin sa gawin kanan ko noong mapansing naroon si Eleanor. Nakasandal ito sa may dingding at noong makitang lumabas na ako sa silid ng aking ama, mabilis itong umayos nang pagkakatayo at matamang tiningnan ako.
"You can't ruin me to him, darling," anito na siyang ikinakuyom ko ng mga kamao. "Your daddy loves me. Ako ang paniniwalaan nito kaysa sa'yo."
"I hate you," matamang sambit ko na siyang ikinangisi lamang ni Eleanor sa akin.
"You can't hate me, Aurora. I'm your mommy now."
"You will never be my mother, Eleanor. Kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita magiging ina!"
Mukhang napalakas yata ang sigaw ko kaya naman ay napalabas si daddy sa study room niya. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at masama pa ring nakatingin kay Eleanor. Hindi ko pinansin ang presensiya ni daddy at noong magtanong ito sa kung anong nangyayari sa aming dalawa, mabilis akong napairap at nagmartsa na pabalik sa silid ko.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko at napabuntonghininga na lamang. Galit kong tiningnan ang kisame ng kuwarto ko at hinampas ang kanang kamay dahil sa matinding poot sa madrasta.
"Kung ayaw maniwala ni daddy, puwes, gagawa ako nang paraan para paniwalaan niya ako. Kukuha ako ng mga ebidensiyang magpapatunay sa panloloko nila!" asar na turan ko at mariing ipinikit ang mga mata.
Just wait, Eleanor. Hindi magtatagal ay matatauhan din si daddy. Malalaman din niya ang totoo.
Kinabukasan, maaga akong gumising at naghanda para sa gagawin ngayong araw. At dahil na rin sa planong nabuo sa isipan ko kagabi ay napagdesisyunan kong sumama na lamang sa schedule ni daddy ngayong araw. This is the best opportunity to expose Eleanor and her lover, Samiel! Paniguradong nandoon din ang lalaking iyon sa event na pupuntahan namin ngayong araw!
"Aurora," marahang tawag sa akin ni daddy noong mamataan akong pumasok sa kusina. Tahimik ko itong nilapitan at hinalikan sa pisngi. "Good morning, sweetheart."
"Morning, daddy," ganting bati ko at binalingan si Eleanor. Hindi ako nagsalita at tamad na tiningnan lang ito. Mayamaya lang ay napairap na ako sa kanya at naupo na sa puwesto ko. "Ilang oras ang event na ito, dad?" tanong ko sa ama habang inaasikaso ng mga katulong namin ang pagkain ko. "Mukhang pupunta rin ang pamilya ni Fiona sa event."
"After the mass, we planned to stay for an hour, darling. Bakit? May plano ba kayo ng kaibigan mo?"
"Movie date," tipid na sagot ko at kinuha ang baso ng juice sa harapan ko. Dahan-dahan kong ininom ito at tiningnan ang madrasta. Tahimik ang bawat galaw ko habang hindi inaalis sa kanya ang mga mata. "Nandoon din ba si Samiel sa event?" tanong ko na siyang ikinangisi ni Eleanor sa akin. Bitch!
"My brother is a busy man, sweetheart," sagot niya at nagsimula na ring kumain. Napaarko na lamang ang isang kilay ko sa sinabi nito. "But don't worry, during your dad's meeting de avance, he'll definitely come to support Stefan."
Napairap na lamang muli ako sa madrasta at hindi na nagsalita. Itinuon ko na lamang sa pagkain ang atensiyon habang iniisip ang gagawin ngayong hindi naman pala pupunta si Samiel sa lakad namin ngayon! This can't be happening! Dapat ay nandoon sa event mamaya si Samiel! Paano na ang mga plano ko? Kahit kailan talaga ay panira itong si Eleanor! Mukhang sinabihan niya ang lalaki niya na huwag munang magpakita sa akin!
Tahimik at nakasimangot lang ako buong biyahe namin. Abala naman si daddy sa kausap niya sa telepono samantalang may hawak na magazine si Eleanor. Tahimik lang din ito sa puwesto niya at noong tumigil na ang sasakyan namin, mabilis akong napaayos nang pagkakaupo at tumingin sa labas.
"Let's go. Tayo na lang ang hinihintay," wika ni daddy at nauna nang bumaba sa sasakyan. Sumunod na rin si Eleanor sa kanya at noong ako na lamang ang nasa loob ng sasakyan ay mabilis kong kinuha ang cellphone at tinawagan si Fiona.
"Aurora! Nasaan na kayo?" bungad ng kaibigan ko noong sagutin niya ang tawag ko. Dahan-dahan akong bumaba sa kotse at nginitian ang driver namin na siyang nagbukas ng pinto para sa akin. "Oh, nakita ko na iyong daddy mo. Where are you? Hindi ka sumama?"
"Kakababa ko lang sa kotse, Fiona," sambit ko at nagsimula nang maglakad. Panay ang tingin ko sa paligid at napatango na lamang noong mapansin ang malinis at mapayapang eskwelahan.
Yes. Nasa isang university kami ngayon. Main sponsors kasi si daddy at ang ama ni Fiona sa isang building sa university na ito. At dahil tapos at ready to use na ito para sa mga estudyante nila, the school administration invited our parents for the ribbon cutting or whatever event they prepare for us today. "This school's nice, Fiona. Ganito pala itsura ng isang university."
"What are you doing? Umiikot ka sa university ngayon?" halos ibulong na ni Fiona ang mga katagang iyon. "Come on, Aurora. Pumunta ka na rin dito at magsisimula na ang misa."
"Alright. Pupunta na lang ako riyan pagkatapos kong mag-ikot."
"What? Aurora-"
Hindi ko na pinatapos pa si Fiona sa dapat na sasabihin nito at pinutol ko na ang tawag ko sa kanya. Maingat kong inilagay sa dalang bag ang cellphone at tahimik na pinagpatuloy ang paglalakad.
Kahit na hindi ko lingonin ito, alam kong nakasunod sa akin ang personal bodyguard ko. Hinayaan ko na lamang ito at nagpatuloy sa pagmamasid sa kabuuan ng university. Tahimik ang bawat hakbang ko at noong may namataan akong mga estudyante na naglalaro ng soccer sa isang malawak na oval field, natigilan ako.
Ito ang unang beses ko sa ganitong paaralan. Sa academy kung saan kami nag-aaral ni Fiona ay walang ganito. Puro babae kasi kami sa academy at wala kaming ganitong sports doon. Mas focus din kami sa academics namin kaya naman ay bago sa akin ang ganitong eksena. Tipid na napangiti na lamang ako at akmang maglalakad na sanang muli ako noong mabilis kong naramdaman ang paglapit ng bodyguard ko sa puwesto ko. Taka ko itong tiningnan at noong humarang ito sa harapan ko, napaarko ang isang kilay ko.
"What are you-"
Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko noong marinig ko ang ilang sigaw galing sa oval ng university. Mayamaya lang ay may isang bola ang gumulong sa gawi namin. Lalong napakunot ang noo ko at wala sa sariling napatingin sa isang lalaking lumapit sa amin.
"I'm so sorry. May natamaan ba sa inyo?" tanong niya at dinampot ang bolang nasa paanan ng bodyguard ko. Hindi ako kumibo at tiningnan lang ito. He's fine. He looks older than me. He's sweaty and I don't like it.
"Next time, target the net," mariing sambit ng bodyguard ko na siyang mabilis na ikinahingi ng paumanhin muli ng lalaki sa amin.
"I'm really sorry. Napalakas lang talaga ang pagsipa ko," aniya at tiningnan ako. Mabilis akong napaayos nang pagkakatayo at walang emosyong tiningnan lang ito. "I'm sorry, Miss," muling sambit nito at mabilis na tinalikuran kami.
Hindi ko inalis ang paningin sa lalaki hanggang sa makabalik ito sa may oval at pinagpatuloy na ang paglalaro nila ng soccer. Napanguso na lamang ako at noong humarap sa akin ang bodyguard ko, tamad ko itong tiningnan.
"Miss Aurora, pumunta na tayo sa event hall," aniya at iginaya sa akin ang daang tinahak ko kanina. "Hinahanap ka na rin po ng daddy mo."
"Alright," simpleng sambit ko at muling tiningnan ang oval kung saan naglalarong muli iyong lalaking lumapit sa amin kanina. "Let's go." Muli kong inihakbang ang mga paa at deretsong tinahak ang daan patungo sa event hall ng university.
Tahimik lang ako hanggang sa matapos ang event. Tamad kong inangat ang mga kamay at pumalakpak noong matapos na magsalita si daddy sa may stage. Mayamaya lang ay tumayo na rin kami at nagsimula na sila sa ribbon cutting ng bagong building ng university. Muli akong pumalakpak at noong matapos na ang event, mabilis kong hinanap si Fiona.
"So, kumusta ang pag-tour mo sa university na ito?" agad na tanong ni Fiona sa akin noong makalapit ito sa akin. "Ang sabi ng isang pinsan kong nag-aaral dito ay mas okay ito kaysa sa all-girls academy natin."
"Ayos lang," tamad na sagot ko sa kaibigan at nagkibit-balikat sa kanya.
"And she also told me about how hot the university boys are," anito at nagtaas ng kilay sa akin.
"I saw none," wika kong muli na siyang ikinatawa ni Fiona. "Really. Halos walang estudyante sa lugar na ito."
"Well, yes, dahil nasa klase sila," sambit ni Fiona at lumapit sa akin para bumulong. "College boys, lalo na ang mga athlete, are much more attractive lalo na kapag naka-school uniform."
"God, Fiona. Sinong pinsan mo ba ang nakausap mo?" Naiiling na tanong ko sa kaibigan at tumawa na rin dito.
"See... you laughed! Effective talaga kapag usapang lalaki ang topic natin!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng kaibigan.
"Fiona! Stop it!" suway ko sa kanya na siyang lalong ikinatawa nito.
"And I'm thinking, what if dito tayo mag-aral after high school?"
"Not a chance, Fiona. Homeschooling." Nagkibit-balikat ako sa kanya at palihim na tiningnan ang ginagawa ni daddy at ng madrasta ko. After the event, marami ang lumalapit sa kanila. Nakangiti si Eleanor habang kausap ang mga kaharap nito kaya naman ay mas lalo akong nairita sa kanya. She's really something. Magaling itong makisalamuha sa ibang tao. But still, I hate her. I hate everything about her!
"Talagang itutuloy mo iyang plano mo, Aurora?"
"Yes, Fiona," sagot ko at binalingan ito. "Hindi rin naman ako makakapag-aral nang maayos sa academy. The stress will surely drain me, and I can't risk it. Ilang buwan na lang ay eleksiyon na. And after that, pag-uusapan ulit namin ni daddy ang tungkol sa bagay na ito."
"Aurora, homeschooling is like living inside a prison! Hindi ka pa ba nagsasawa sa academy natin? Come on. Don't do this to yourself! Fly like a butterfly!"
Natawa ako sa sinabi ni Fiona at napailing na lamang. Akmang magsasalita na sana ako noong marinig ko ang boses ni Eleanor. May tinawag ito kaya naman ay napatingin muli ako sa puwesto nila ni daddy.
"Stanley!" bulalas muli ni Eleanor na siyang ikinakunot ng noo ko. Isang lalaki ang lumapit sa kanila at noong mapagtanto ko kung sino ito, mabilis na napakuyom ang mga kamao ko. "Bakit ganyan ang suot mo? Wala ka bang klase ngayon?"
"Who's that hottie?" Hindi na ako nagulat pa noong bumulong sa tabi ko si Fiona. Paniguradong napansin din nito ang lalaking kausap ngayon ni Eleanor. Hindi ko na lamang kinibo ang kaibigan at tahimik na pinagmasdan na lamang ang bawat galaw ng lalaking kausap ng madrasta. He was the one I saw earlier! Iyong naglalaro ng soccer sa may oval ng university na ito!
So, Eleanor knows him? Really?
"Free time, Miss Eleanor," ani ng lalaki na siyang ikina-arko ng isang kilay ko. Miss Eleanor? Great! That was unexpected and I want to vomit! Hindi bagay sa kanyang tawagin nang ganoon! "Hello, Sir Stefan," bati naman ng lalaki kay daddy. Ngumiti lang si daddy sa bagong dating at marahang tinapik ito sa braso.
"Kilala niya parents mo, Aurora! Tell me, sino siya?" Pangungulit pa rin ni Fiona sa akin. Nagkibit-balikat lang ako sa kaibigan at noong bumaling sa puwesto namin iyong lalaki, napaayos ako nang pagkakatayo. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon kaya naman ay napaiwas ako nang tingin dito. Napabuntonghininga na lamang ako at hinarap na ang kaibigang nakatingin pa rin sa puwesto nila daddy.
"Let's cancel our movie date, Fiona. Wala na ako sa mood ngayon."
"What?"
"You hear me," wika kong muli at nagsimula nang maglakad palabas sa event hall.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top