The Beauty Itself
"Aling Nena! Aling Nena!"
"Problema niyo?" Natatarantang lumabas si Nena sa kaniyang mababang bakuran.
Pambihirang mga bata. Twenty seven pa lang ako kung maka-tawag ng aling, wagas.
"May ireretong boyfriend si Nanay sa 'yo!Pumunta ka raw sa bahay mamaya!" Humagikhik ang batang si Empoy. Labas na labas ang mga nabubulok nitong mga ngipin. "Pero bakit boyfriend ang irereto sa 'yo ni Nanay? Di ba dapat asawa kasi matanda ka na?" Nagtatakang tanong nito.
Automatic na nag-init ang ulo niya – pati na nga rin ang mukha niya na natatabunan ng makapal na foundation.
"Hoy!" Tumatawang tumakbo ang batang paslit.
"Aasahan ka ni Nanay, Aling Nena!"
Asar na asar na pumasok sa bahay si Nena.
"Badtrip na buhay. Badtrip na mukha. Badtrip." Padabog siyang humarap sa hindi kalakihang salamin. Sumalubong sa kanya ang nakakunot niyang mukha na namumula sa inis.
Kung titingnan nang maiigi ang kanyang mga mata sa ilalim ng makapal na mascara at eyeliner – malungkot siya. Dahil sa edad na twenty seven, mag-isa pa rin siya. Walang boyfriend.Walang anak.Walang pamilya.
At kapag tinanggal naman ang makapal na foundation at blush on sa kanyang mukha, kakaway ang mga pimples niya na nagkakalat ng lahi.
"Kailan ba kayo mawawala sa mukha? Minahal ko na kayo't lahat-lahat pero hindi niyo ako magawang iwan! Ano forever na ito?" Asar niyang inirapan ang repleksyon sa salamin.
Pagkatapos niyang awayin ang sarili, nauwi siya sa paghahanap ng susuotin mamayang gabi. Kasi kahit ayaw niyang pumunta tiyak na pupuntahan siya ng matandang babae at dadakdakan ng mga posibilidad sa buhay.
At isa sa mga posibilidad na 'yon ay ang pagtanda na walang kasama sa buhay.
Pagsapit ng ala-sais ng gabi, handa na si Nena sa isang gabi ng pagpapanggap. Nakasuot siya ng mahabang bestida na pinaglumaan na ng panahon. Nakapusod din ang mga nagra-rally niyang buhok at natatakpan ng makapal na make up ang kanyang mukha.
"Tandaan mo, Nena. Daig ng mabuti ang maganda," bulong niya sa sarili bago tinapik ang mukha at malapad na ngumiti.
Maingay sa buong bahay ni Manang Tesa na tila ba'y nagkakasiyahan ang mga tao sa loob. Ngunit pagkapasok ni Nena, automatic na tumahimik ang lahat at napunta sa kanya ang atensiyon - na siyang ayaw niya.
"Magandang gabi sa inyong lahat."Awkward siyang ngumiti.
Tumayo ang isang lalaki."Magandang gabi, Nena. Ako si Dante." Halos malula si Nena sa tangkad nito. Matangos ang ilong ng lalaki at parisukat ang mukha. Amoy mayaman kahit na hindi kaputian ang kulay.
"Magandang gabi rin."
Akala niya ay magtutuloy-tuloy ang pag-uusap nila ng lalaki nang abutan siya nito nang makakain at paupuin siya nito. Ngunit hindi na siya nito kinibo at napansin niya rin na para bang nakatutok sa kanya ang cellphone nito.
Pinagkibit-balikat na lang niya ito. Kasi sa totoo lang, sanay na siya sa mga lalaking katulad nito. Maganda ang hanap kumpara sa kanya na mabait lamang.
~*~
"Nena!Nena!" Hinihingal na lumapit sa kanya si Manang Tesa. Tikwas ang kulay puti nitong buhok.
"Bakit ho?"
"Trending ka raw sabi ni Dante." Inabot sa kanya ang touchscreen na cellphone nito.
Wow, buti pa si Manang Tesa may cellphone. Tahimik na humagikhik si Nena sa naisip.
"Saan ako trending?"
"Sa Facebook daw sabi ni Empoy! Wala ka bangFacebook?"
"Wala. Saka may signal ba sa 'tin?"
"Oo naman! Globe gamit ko kaya abot koc ang mundo!" Tumawa ito nang malakas.
Napailing na lang si Nena at kinuha ang cellphone sa kamay ni Manang Tesa.
Dante Agoncillo
1 week ago °∇
Ganitong mukha ang pakakasalan ko? Hindi kaya lugi ako?
__________________________________
Like | Comment | Share
☞Tolentino, Alonte and 3000 others.
View 2k more comments...
Bernadeth Oink! Oink! Kaibigan ko 'yang mataba na 'yan.
BhoxcksM4p4gmehal Lugi ka diyan, kuya. Akin ka na lang.
BenteUnOS4patNha Puwede siyang ipanghanda hehehe.
Dindi Nakakahiya man pero kaibigan ko 'yang losyang na 'yan. Iw.
WalangPoreber Senior Citizen na 'yan, pre. Mayaman ba?
Nakalakip sa post nito ang iba't-ibang anggulo ng katawan at mukha niya.
Trending nga siya. Pero paano siya sasaya kung puro masasakit na salita ang nagbabasa niya?
Pati ang ilang kaibigan niya ay nilalait siya.
Ang pangit mo kasi.Ilusyanada.
Sunod-sunod na nagpatakan ang kanyang mga luha. Humagulhol siya at naglupasay.
Durog na durog siya. Awang-awa na siya sa sarili.
"Hindi ba maganda ang nakalagay. Nena?"
"Hindi po, Manang. Puro po panlalait sa akin."
"Aba'y kung gano'n i-report natin iyan sa police!"
Agad na umiling si Nena. "Hindi na po. Ayoko ng gulo."
"Hindi puwede sa akin 'yan! Halika't pumunta tayo sa police station!" Wala na siyang nagawa nang hatakin siya ni Manang Tesa papunta sa sakayan.
~*~
"Huwag kayong mag-alala. May batas tayo na handang tumulong sa 'yo lalo na't invasion of privacy 'yan." Maganda ang pagkaka-ngiti sa kanila ng babaeng police.
Kahit nahihirapan, sinalaysay niya ang lahat sa babaeng police. May mga dating kaso na rin pala ng katulad ng sa kanya kaya hindi na sila mahihirapan.
"Digital shame po kasi ito kaya pasok ito sa Republic Act No. 10175. Cybercrime prevention act po ito. Dahil nagkaroon din po ng damage ang reputation mo, pasok poi to sa Art. 2176, Civil Code."
"Maraming salamat po."
Pagkatapos nang isang linggo, hindi pa rin naalis sa isipan ni Nena ang lahat. Pero nabura naman na sa Facebook ang mga litrato niya. Wala na rin ang account ni Dante.
Pinaghahanap na rin ng mga police si Dante upang maparusahan sa ginawa.
"Talaga bang aalis ka na, Nena?"
Tumango siya at niyakap ang matandang babae. Pupunta siyang Maynila at dito makikipagsapalaran. Para na rin sa bagong buhay.
"O, siya, mag-ingat ka do'n." Sinulyapan niya ang maliit na siyudad bago siya humakbang paalis.
Nakayuko siyang naglalakad nang may nabangga siyang matipunong katawan.
Naglaglagan ang mga gamit nito kaya tinulungan niya.
"Pasensiya na." Agad na nalula si Nena sa kagandahang lalaki nito nang nag-angat siya ng tingin.
"Wala iyon, Miss Beautiful."
Ay kamote.Marupok talaga siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top