TBBLAR2-C3

Transferee

Jhenessa's POV

Ang bilis ng araw, pasukan na parang kelan lang nag eenroll pa kami eh. Kaya ito aligaga na naman sa pag aayos ng sarili. Dahil first day ng school.

Halu-halo ang nararamdaman ko ngayon. Kaba, excitement at saya dahil finally nakauwe na rin kami after two years. Yung comfort na nararamdaman mo iba noong nasa Korea pa kami. Iba talaga kapag nasa comfort zone ka. Panatag ka.

"Hoy! bilisan mo na" Kapalampag nila sa pintuan ko. Nyemas naman nga ito finifeel ko pa kung sarili ko sa salamin eh.

"Oo palabas na!" Inis kung sigaw pabalik. Saka lang sila tumigil sa kakalampag ng pinto. Putek na inamers kaloka.

Inis kung kinuha ang gamit ko saka lumabas ng kwarto doon ko sila nakita na ready na ready na. Aba, saan sa school o sa ibang lalaki?

May pinag uusapan sila kagabi na marami silang nakitang jowabol nako mga ito napapaghalataang mga uhaw sa boyfriend. Buti pa ako chill lang.

"Oh andyan na pala siya, tara na" Excited na yaya ni Claire.

"Hala siya excited may nagtanong lang ng number kahapon." Parinig sa kanya ni Jommelyn.

"Uy sino?" Usisa kaagad nila. Tudas kang babaita ka hahahaha. Excited pa ha.

Hindi tuloy siya tinantanan ng mga imbestigador kung mga freny. Hanggang sa makarating kami sa may parking lot.

May lalaking nakaabang sa di kalayuan.

"Sino yun?" Tanong naming lahat. Saka lumingon kay Claire.

"Aba, malupet" pang aasar namin. Hindi nga kami nagkamali. Lumapit yung Guy sa amin ng nagsimula na kaming maglakad. At ang lola niya aba pabebe. Binigay kaagad yung bag ng kuhain ni Kuya.

Huminto kami para makita kung sino ba itong bagong kaladian ni Claire.

"Exuces me, You are?"Mataray na tanong ni Charlotte sa lalaking taas ng confident pero papabol naman pala kaya itong si Claire parang uod na binudburan ng asin sa gilid ng lalaki.

"Taddeo, Taddeo Van Doren" Formal niyang pakilala sa amin. Hmm, matipuno ang pangalan niya ha! Pero!

"Taddeo, This is a warning. If we heard that you hurt her. You see all of us. Lahat kami makakabangga mo!" Banta sa kanya ni Sophia pero parang wala lang sa akin. Instead of, ngumiti pa siya.

"I know, Sophia" Kalmado niyang saad kasabay ng pagbanggit ng pangalan niya. We all shock ng Sabihin niya ang pangalan ni Sophia.

"How did you know my name?" Gulat na tanong ni Sophia sa nag ngangalang Taddeo. He just smile and make an exit together with Claire. Claire just give us small waves habang palayo sila.

"Teka anong nangyari?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Charlotte.

"Kilala ka niya, paano?"Takang tanong ko sa kanila.

"Is he one of our batchmate back then?" Pagtatanong ni Lenie.

"Bakit mo natanong yan?"Takang tanong ni Sophia. Napakamot siya ng ulo niya bago sumagot.

"Parang Familiar siya eh!" Sabay na sagot nila ni Maricar.

"Weh? Bakit hindi natin kilala?" Naguguluhan kung tanong. Nagkibit balikat lang sila.

"Tara na dumadami na ang tao. Malalate na tayo nito" Yaya nila saka kami muling naghiwalay-hiwalay.

Hindi naman naging ganoon kahirap maghanap ng ka blockmate. Ang mahirap maghanap ng mauupuan. Buti na lang may bakante pa sa bandang likuran. Dalawa pero yung isa may bag na palang nakalagay kaya sa bandang kaliwa ako.

Nag antay pa ng ilang saglit bago may pumasok na lalaki kasunod non si 'JAMESON!' the f*ck. Magkablockmate kami? Hala! oo nga pala bat nakalimutan kung English Major din ito sa dati. Hindi nga lang kami magkasection.

'Nagkorea ka lang bilis mong makalimutan' Asar sa akin ng utak. Aba! bakit ba kasi ano yun araw araw ko lang siyang laging isipin edi nabaliw naman na ako!

At malas seatmate pa kami oh nice diba. Pero may seating arrangement ata sana meron. Nagpakilala yung unang prof namin. Tapos nagtanong kung may nabawas o nadagdag sa block na ito. May isang nagtaas ng kamay saka ako tinuro.

"Yes, Mister Calderon?"Tawag sa kanya ni prof.

"We have a new blockmate!" Sabay turo sa gawi. Hindi ko naman alam ang gagawin ko sa kaba. I just gave smile and small waves. Hehehehe, punyemas kang Calderon ka. Hindi pa ako ready eh.

"Oh, you'll from what section?" Kaagad na tanong nila. Wala ba silang master list ng student nila.

"Transferee" Maikling sagot ko.Napa 'O' naman ang bibig nila especial yung ibang mga lalaki.What? may nasabi ba akong kamangha-mangha?

"Tsk!" Rinig kung reaction ng katabi oh. Napangisi naman ako sa violenteng reaksyon niya.

"You won't mind if you introduce yourself?" Tanong ng prof ko sa akin.

Tumayo ako sa tanong saka ready ng maglakad paharap. Kaso pinigil niya ako.

"You don't need go here in front. Just stay in your position. And you introduce yourself." Pag iinporma niya sa akin. Tumango ako saka humugot ng malalim bago nagsimulang magsalita.

"Hello everyone, Jhenessa B. Vaull. Transferee student from South Korea. But I'm born and live here for 19 years before moving to Korea. And I'm 20 years old thats all" Nakangiting pakilala ko sa sarili ko. Pinaupo naman ako kaagad ng prof matapos yun.

Buti na lang walang follow up question. Diniscuss ni Sir ang magiging guidelines ng pag grade sa amin. Midterms at Finals lang ang magiging basehan. So, 50-50, for midterms and finals. Medyo mahirap dahil kapag mababa ka sa midterms kailangan mong humabol sa finals.

Hanggang doon muna ang diniscuss niya sa wednesday na ang start ng klase. MWF namin siya. Inintay ko silang umalis pero hindi. Baka may next subject sila. Iba ata schedule ko sa kanila since I'm a transferee. Ayaw ko naman tanungin ang katabi ko.

Nakita ko naman yung Claderon. Matawag nga!

"Pst! Claderon!" Mahinang tawag ko sa kanya. Kaagad din naman siyang lumingon. Nakasmirk pa ang loko.

"What?" Bulong din niyang tanong.

"Patingin sched mo" Demand ko. Pero bago pa niya maiabot. May bumagsak sa armchair ko.

Napatingin ako doon. Nakita ko ang schedule niya. Muli akong lumingon kay Claderon.

"Huwag na pala!" Sabay taas ko ng sched. ni Jameson. Tumango naman siya saka ngumiti.

Panira!

Mabilis ko naman kinuha ang sched ko. At kinumpara sa kanya. Then I realized na same kami ng schedule maliban sa ilang minors na ing add ko dahil magaan pa ang load namin. Mahaba din ang mga vacant. So may isa pa kaming klase bago ako mahiwalay sa kanila.

"Thank you" Nang ibinalik ko ang COR niya.

Nanahimik kami for a minute waiting for the another prof come up. Manunuod sana ako ng kdrama ng may umupo sa kanang katabi ko.Napaangat ako ng tingin. Si Claderon pa la iyon.

Tinanggal ko ang headset ko saka siya tinanong.

"What?" May pagkataray kong tanong nahawaan na ako nila Sophia at Charlotte. Umiling siya saka tinignan lang ako. Napataas kilay naman ako sa iniasta niya.

"Bakit mo nga pala gustong makita yung schedule ko?" May panunukso niyang tanong. Did I give him idea of like? Tsk, marupok.

"Cause I just want to know if were the same sched. Dahil I'm transferee baka iba sched ko sa inyo" Mahinahon kung paliwanag. Patango-tango nama. siya sa sagot ko.

"So, may iba ba?" Interesado niyang sagot. Sasagot sana ako ng binagsak niya yung kamay niya sa armchair ko. Inis ko siyang nilingon, nakasubsob yung mukha niya sa armchair niya at ang kamay umabot sa akin. Aba! papansin.

"Yes!" Sagot ko saka binalik ang tingin kay Claderon.

"Oo nga pala, Anong first name mo? Claderon is your Surname, right?" Interesado kung tanong mukhang interesting eh. Nakahalumbaba ako ng tanungin ko yun. Pero bago niya masabi may sagpao na sumingit.

"Naks, iba talaga ang charisma ng isang Rigel L. Calderon. Pati si Miss transferee napaamo!" Pang aasar sa kanya ng isang kaklase namin. Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya.

Kasunod non ang mga mapang nuksong puna ng iba pa niyang kaklase. Tuloy gusto ko nang lamunin ng lupa kung sino nagreact itong katabi ko hindi sila titigil.

"Ang ingay ano ba!" Halos pangilabutan ako sa lalim at buong boses niya. Natahimik ang loob ng classroom. Bumalik muli sa sa pwesto niya. Maging ang ilan. Pero itong si Rigel, Hmm pwede na. Hindi pa rin bumalik, matibay.

"I'm sorry about that, hmm I'll introduce my self again. Only if you allow me?" Nanghihingi ng approval niyang tanong sa akin.

"Hmm" Kaagad na sagot ko. Umayos siya ng upo saka humarap ng bahagya sa akin. Inilahad ang kamay saka nagpakilala.

"Hi, Rigel L. Calderon, 21 years of age. All the way from your hear, Ms. Transferee" Mapang akit niya pakilalala.

"Nice to meet you!" Isang malalim na boses ang sumagot sa kanya saka inabot ang kamay. Tuluyan akong napanganga sa nangyari. Omygeh! Maging si Rigel nagulat sa nangyari.

"Ano!-"

"Si sir!" Bulong nila saka umayos ng upo. Maging si Rigel kahit gulat napabalik sa pwesto.

"Ms, transferee tsk!" Parinig niya sa akin. Pinigilan ko ang inis ko na sumabog baka first day of class mapagalitan kaagad ako. Kaya kinimkim ko na lang. Matatapos din ito at hindi ko siya magiging kaklase sa susunod.

Kagat labi ako buong klase pigil na pigil na sumabog sa galit. Bwesit na lalaking ito. Sana matapos na sana matapos na. Buong dalangin ko sa klase pero parang mas bumabagal ata ang takbo ng oras.

Nababagot na ako. Hanggang sa finay tapos na rin. Makakaalis na ako dito sa tabi nitong mapanira ng moment.

"Bye, Ms. Transferee!" Pang asar niya bago ako makaalis ng tuluyan. Arghh, makakabawi din ako sa iyo. Humanda kang loko ka. Nakakainis na umaga arghhh. Kaya buong subject ng umaga badtrip ako.

Lalo't pa sa huling subject bago mag lunch time kanina magkatabi muli kami. Hindi ko siya nilingon man lang o kinausap bahala siya sa buhay niya.

"Oh mukhang may VB sa atin ah. Nakakapanibago!" Parinig ni Charlotte na mukhang GB.

"You don't know anything about my past" Madramang sagot ko sa kanya.

"I know everything. Baka nakalimutan mo were all in the same boat except Maricar." Pagpapaalala niya sa akin. Na sinang ayunan ng lahat. I just gave them a glare saka nagpatuloy sa pagkain.

Muntik ko ng maibuga ang pagkaing nasa bibig ko na ng may bumati sa akin.

"Hi, Ms. Transferee!" Pamilyar na boses ang bumati sa akin. Napatuwid ako sa upo saka napatigil. Maging ang mga katabi ko gulat kung sino yun.

Nang bubuwesit talaga ang lalaking yun kala mo naman. Arghh, sa inis yung walang kalaban-laban na manok ang pinagbaling ko ng inis. Tuloy mukha siyang hinimay na fried chicken.

"Iba pa rin ang tama sa iyo ah!" Walang pakialam na puna ni Sophia at kalmadong kumakain ng paborito niyang ampalaya na may itlog.

"Kaya pala, Ms. Transferee. Naks ang beauty nga naman ng besty natin. Toda highest level pati si ex napapabalik" Pang aasar sa akin ni Charlotte. Bored akong tumingin sa kanya. Sak siya binawian.

"At least pinapansin ako hindi tulad ng iba dyan. Ini-snob lang" Balik na asar ko sa kanya. Akala niya hindi ko pansin yung galawan niya kanina.

"Excuses me, bakit ako magpapansin sa kanya. Haler, may Idris ako hm" Mataray niyang bwelta.

"Hay nako kumain na lang kayo dyan" Suway ni Sophia sa amin.

"Hi ladies!" Masayang bati sa amin ni Paulo. Ang nag iisang loyal sa kanila. Kasama niya si Maricar na inlababo.

"Sana all!" Kaagad na saad ni Lenie. Napailing lang si Paulo habang inaalok ng upuan si Maricar.

Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain. Kita ko naman ang pagsulyap nila sa gawi ko. Tangin si Paulo na lang kasi ang nakakahalubilo namin ng ganito.

Matapos kumain kanya-kanya kaming ayos ng baunan maliban sa mga bumiling tamad mag luto ng pang baon. Isa-isa ng nagpaalam dahil may klase na. Saka sabay kaming naglakad pabalik nila Charlotte.

Nahiwalay sa amin si Claire para pumunta sa gym. Sumunod si Jom, tapos si Charlotte nasa huling palapag kasi ng Building yung room ng Science major.

"Mag isa ka ata Ms. Transferee!" Puna ng isang boses. Halos madapa ako sa gulat. Kanina pa siya sa likod ko?

Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na naglakad papasok. Kalokang araw na ito. May bansag na tuloy sa akin. 'Ms. Transferee'.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top