TBBLAR2-C2

Sudden meet up

Sophia's POV

I still asleep when someone distrub me. I block her arm from push me again and again. Then, I murmur.

"I'm tired huwag niyo akong guluhin. I need a rest!" Inaantok kung tugon sa kung sino man ang gumugulo sa akin.

It takes a minute before she stop. I feel better and I go back in sleeping again...

*

Charlotte's POV

"Oh ano nagising mo ba?" Kaagad na bungad sa akin ni Jhenessa. Ito panigurado gutom na naman. Kaagad akong umiling sa tanong niya.

"As usual, Tulog mantika. Hay! Hayaan niyo na baka pagod din yan sa byahe" Suway sa amin ni Maricar habang naglalapag ng pagkain sa lamesa.

Its already dinner and she still asleep. Panigurado naglalaban na ang mga alagang dragon nitong mga kasama ko.

"Okay, so are we eating right now?" Excited na tanong ni Melea. Miss na miss na nito ang lutong Pinoy eh. Lagi ngang nagpapaluto ng adobong baboy kay Sophia noong nasa Korea pa kami.

"No, lets pray first!" Sagot sa kanya ni Maricar saka ito ang naglead ng prayer. Tahimik naman kaming nakayuko habang nagdadasal si Maricar.

"Amen" Masaya niyang patapos.

"Amen" As we repeat. Nangunang kumuha si Jhenessa at Melea. Gutom na nga talaga. Habang kami naman nila Jillian at Charlyn. Pinapanood sila kung paano mag agawan sa adobong baboy. Ang mga ito nga naman oh. Halos mastress si Maricar sa dalawa. Napailing naman kaming tatlo nila Charlyn.

"Nako, kung gising lang si Sophia, yari na naman yang dalawa na naman. I cam imagine how Sophia scold them." Umiiling na opinyon ni Hershey.

"Kaya nga eh, buti tulog pa."Kaagad na sang ayon ni Lenie. Napabuntong hininga naman kami. Buti nga, hindi ko siya napabangon. Kung napabangon ko yun. Yung boses niyang nakakatakot na naman ang umaangat ngayon.

Grabe pa naman siyang magsalita. Tagos to the bones. Sagad to your heart.

"Ay nako, kumain na lang tayo baka maubusan pa tayo nila Jhenessa at Melea" Suway sa amin ni Claire. Na nagsasandok na rin ng pagkain niya. Mabuti pa nga.

As usual we eat lively, as we talk about how are we going in Korea. What we doing without class. And many more to mention. Masaya yun nagtuloy-tuloy matapos kaming nag hugas ng pinagkainan.

"Hahahaha ganon ba sayang hindi niya ivinideo."Naghihinayang na saad ni Maricar.

"Sayang" Pag uulit nila Melea.

"So, what we gonna do tomorrow? Kailan ba enrollment?"Pagpapaala ni Charlyn.

Biglang napalakpak si Maricar sa sinabi ni Charlyn.

"Grabe ka naman" Gulat naming saad sa kanya. Bigla-bigla kasing pumapalakpak ng malakas.

"Hmm, buti na lang pinaalala mo" Malakas niyang boses na saad sabay turo kay Charlyn. Nakatayo siya ngayon mula sa pagkakaupo kanina.

"Bukas na yung enrollment, muntik ko ng makalimutan. Ano ba yan, nagiging ulyanin na ako" Sabay kamot niya sa buhok niya. Napabuntong hininga na nalang kami.

Hindi pa rin siya nagbabago. Malakas parin ang boses niya. Nursing ba talaga ang kinuha nito? Parang siya yung pasyente eh.

"Sino yun walang hiyang malakas ang boses!?"Napatigil kaming lahat ng marinig ang isang inaantok na madilim na boses.

Walang nangahas na sumagot sa amin. Nakalimutan namin na natutulog pala siya. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay yung maingay. Mabilis siyang mairita sa mga maiingay.

"Hehehe, ako!"Pag aamin ni Maricar habang pilit ang ngiti nito.

"Tsk!" Tanging saad nito sa narinig namin ang yabag na paalis. Mukhang hindi pa rin niya nakakalimutan kung paano kabaliw itong isa.

"Ang unfair!" Biglang reklamo ni Jhenesa kay Maricar saka ito binatukan.

"ARAY!"Malakas na sigaw nito. Napatingin muli kami sa pinanggalinagn ni Sophia. Baka bumalik iyon.

"Bakit ka ba nambabatok ha!"Inis nitong sigaw. Wala bang ihihina ang boses nito?

"Kapag kami ang nag ingay halos atakihin kami sa puso! Tapos ikaw? Tsk lang?" Nanggagalaiting paliwanag ni Jhenesa. Tsk, palibhasa kasi laging napapagalitan ni Sophia. Maingay eh!

"Aba, nagulat ka pa, hindi ka pa ba sanay sa akin. Malamang sanay na yun sa lakas ng bunganga ko, haler!" Bwelta nito. Nako, kung hindi pa sila titigil delikadong bumalik pa siya dito.

"Hoy, tumigil na nga kayong dalawa. Tama si Maricar, sanay na si Sophia sa kanya. Eh ikaw, kailan lang naging megaphone yang bibig mo kaya umayos ka. Gusto mong tawagin ko siya!" Banta ni Melea sa kanya. Napatahimik nalang siya sa banta ni Melea.

"So, bukas na talaga enrollment?" Pagbabalik ko sa topic. Muli siyang napalakpak.

"Oo kaya ayusin niyo na ang mga requirements niyo. Nabasa niyo naman yung sinend ko sa gc diba?" Pagtatanong niya sa amin.

"Yah, maayos na ang lahat. So all we need is to get rest, we need to be earlier tomorrow. It will be crowded if we didn't go early" Suggestion ni Charlyn.

"Tara na!" Yaya ni Hershey, kanina pa ito inaantok eh.

"Goodnight everyone!"

*

"Hurry up guys! Matatabunan na tayo ng mahabang pila kapag ganyan kayo kabagal!" Bulyaw sa amin ni Maricar. Kanina pa kasi siya tapos magbihis. Halos magkabunggo-bunggo na kami sa kamamadali. Buti pa itong si Sophia. Pachill-chill na lang sa may gilid.

"Yung susi!" Aligaga nilang saad.

"Naiwan sa loob" Sabay balik ni Claire.

"Ang mga requirements niyo?"Pagpapaalala ni Sophia sa amin. Sabay-sabay naman kaming nagtaas ng hawak naming envelop.

"Good lets go!" Seryoso niyang saad saka abot sa susi. Buti na lang may nabili kaming van for our transportation.

'WELCOME TO NYBERG UNIVERSITY'

Ito kaagad ang bumugad sa amin ng makalagpas kami sa may Front gate ng school.

Mahabang daan muna ang tinahak namin bago makarating sa main gate ng school. Huminto kami ng ilang minuto dahil sa dami ng estudyanteng pumapasok for enrollment.

Sa parking ground pa lang makikita mo na kung gaano kalaki ang school na ito. Buti na lang may nakita pa kaming parking lot.

"Let's go" Mabilis na yaya sa amin ni Maricar. Mabilis kaming nagsibabaan sa Van. Tinuro kaagad ni Maricar kung saan ang college department namin. Kaya kaagad din kaming nagkahiwalay-hiwalay.

Ako at sila Jhenessa, Jommelyn at Claire sa may College of Education kami. Si Jilian sa Arts and Science. Si Sophia sa may Business Ad. Si Maricar sa may Nursing. Si Hershey sa may Tourism. Habang sila Lenie, Charlyn at Melea sa may Engineering.

Sa dami ng estudyanteng nag uunahan para matapos na ang pag eenroll. Inabutan na kami ng hapon bago makapagsimula. Ibig sabihin aabot kami bukas.

Tinapos na muna namin kung ano yung matatapos namin bago kami nagdesisyong magkita kita sa isang lugar. Sa may kiosk malapit sa may parking lot.

Nauna na doon sila Sophia at Hershey dahil nasa harap lang ang College building nila. Habang papunta kami doon. Sa hindi inaasahang pangyayari...

"Omo!" Gulat kung saad ng nasangga ako ng isang lalaki. Na out-of-balance ako. Napapikit ako sa kaba na matumba. Pero pagkadilat ko...

"Ikaw!" Inis kong saad saka kaagad na kumalas sa pagkakasalo niya. Pinagpagan ang sarili na para bang may germs siyang dala.

Hindi lang pala siya ang naandito, silang lahat. Mabilis na pumunta sa likod ko sila Jhenessa. Na kapwa din gulat sa nangyari.

Nakatingin lang sila sa amin. Bago pa siya makapagsalita.

"Let's go, Girls iniintay na nila tayo sa may parking lot!" Mataray kung yaya kila Jhenessa with pafliphair pa. Oh diba parang di affected.

Hindi na namin pinansin ang pagtawag nila sa pangalan namin. Tshh, as if lilingon kami. Kalingon-lingon kayo?

"Nakakasira ng araw!" Badtrip na komento ni Jhenessa. Nakaagad sinang ayunan nila Claire.

"Hay nako huwag niyo nang pansinin. Mai-stress lang ang beauty niyo." Payo ko sa kanila. Natanaw naman na namin sila kami na lang pala ang iniintay.

"Oh bakit ngayon lang kayo? Naunahan pa namin kayo nila Melea. Sa pinakadulo pa kami nan ha?" Sakratikong tanong ni Charlyn.

Napairap ako sa tanong niya.

"Kasi nga po may hindi kaaya-aya kaming nakasalubong. Alam niyo na kung sino yun. Nakakasira ng araw, pati bang ko tuloy nastress oh!" Pag iinarte ni Jhenessa. Napailing na lang si Sophia sa rant niya.

"Tsk, masanay na kayo sa mga ganyang pangyayari. Hindi maiiwasan lang lalo na't nasa iisang University lang tayo." Walang pakialam na payo sa amin ni Sophia.

"Sabagay!" Sang ayon ko.

"Kaya kung ako sa inyo. Hangga't maari umiwas kayo o kaya huwag niyo na lang pansinin. Para rin sa ikabubuti natin. Ipapaalala ko lang sa inyo kung bakit tayo naandito ha!" Mahabang sermon ni Sophia.

"Tapusin ang pag aaral para sa magandang kinabukasan" Sabay-sabay namin saad.

"Mabuti naman at naalala niyo pa." Bored niyang saad.

"Kung ganon ano pang ginagawa natin dito. Tara na at may masamang hangin akong nadedetect na parating."Sabay turo niya ng nguso sa grupo nila na sa may parking lot din ang punta.

"Hayaan niyo yan. Pag pinansin niyo yan mas lalo kayong guguluhin." Walang pakialam na saad ni Sophia saka tumayo.

"May tama ka!" Malakas na sang ayon ni Maricar.

"Maricar!" Suway namin sa kanya. Napazip naman niya ng bibig niya.

Napagdesisyunan na namin umuwe na para makapagpahinga na dahil sa hussle na enrollment. At gaya ng gusto namin mangyari. Kahit na katabi lang namin yun Sasakyan nila. Parang hindi namin sila kilala. Sa dami ba naman ng chika nilang mga friend namin.

"Ay nako magsitigil na kayo at sumakay na" Suway sa amin ni Sophia ng mailabas na ang sasakyan. Tuloy parin ang chikahan habang papasok ng Van. Kita naman namin sa Side mirror ng sasakyan kung paano nika kami tignan.

"Tsk, parang mga asong ulol na nakita ng bibiktimahin" Pang babash ni Claire sa kanila.

"Sinabi mo pa" Sabay tawa nila ni Charlyn.

"Mga baliw" Parinig ni Maricar.

"Nagsalita ang hindi!" Sabay-sabay naming sabat maliban kay Sophia na seryosong nagdadrive.

"Sophia! Pinagkakaisahan nila ako!" Sumbong niya kay Sophia. Na kaagad niyang kinampihan.

"Tumigil kayo dyan!" Malalim na banta niya sa amin. Bumelat naman si Maricar sa amin. Nang aasar dahil kinampihan siya ni Sophia. Madaya itong babaitang ito.

Nag ambaan lang kami at nanahimik na rin kalaunan. Napaisip ako sa nangyari kanina. Kung nasa iisang Universidad nga lang kami hindi malabong mangyari ang ganoong pagkikita. Pero gaya nga ng bilin ni Sophia, huwag na lang pansinin at baka lumala pa.

Magfocus na lang muna sa Study at malapit na rin kaming Mag-Graduate.
So aral muna self. Hayaan mo lang siya. Sila ang unang bumitaw at wala kang dapat ipangamba. Hindi ikaw ang sumuko, siya at kung ano man ang binabalak niya huwag na niyang subukan cause I think someone snatch my heart from him.

"May nababaliw na!" Anunsiyo ni Hershey.

"Maricar, may pasyente ka na. Ay mali dalawa na pala kayo" Pang aasar ni Lenie. Na ikinabigla ng lahat.

"Hala, Lenie!" Pag ooveracting nila. Hay nako! Tsk, napatingin nalang ako sa Cellphone ko. Wating for his text or call.

"Hm, uy nag aantay ng text ni ano hahahaha" Mahinang panunukso sa akin ni Jilian. Feeling ko tuloy mukha na akong kamatis.

"Buti ka pa, nakahanap na ako kaya?" Pagtatanong niya.

"Makakahanap ka rin, maybe not but soon. You know, don't rush. May darating din na para sayo. Yung worth the wait" Nakangiting payo ko sa kanya.

"Tama, kung sino man siya, sana siya na talaga" Hopeful niyang saad. Saka napatulala na lang sa labas ng sasakyan. May magandang naidudulot ang sudden meet up na ganon. At least I can show him na kunti na lang mawawala na yung nararamdaman ko para sa kanya. Dahil nasa iba na ito. Kung meron man natitira ay galit na lang iyon. No more feeling added from it. Final kung saad sa sarili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top