TBH28: Sino ang may kasalanan?


"Layuan niyo ako." Sigaw ni Aikah. Hindi na siya lumalabas ng kanyang silid magmula nong madisgrasya ang kanyang kuya. Palage lamang nagtatago, umiiyak sa isang sulok at ayaw ng lumabas o kumain.

"Anak may nagbanta ba sayo? Sabihin mo, may nanakot ba sayo?" Tanong ni Nova sa anak.

"May alam ka ba kung sino ang dahilan kung bakit nadisgrasya si Aikoh. Tinakot ka ba ni Airah?" Tanong ni Nova.

Lalo namang napahagulhol si Aikah at niyayakap lamang ang sarili. Paulit-ulit na sinasabi ang salitang patawad.

"Bakit mo ba ipinagiitan na tinatakot siya ni Airah? May ginawa ba kayo kay Airah para ipagiitan ninyong pinagbantaan niya si Aikah?" Di na napigilang tanong ni Alvira. Kahit na ayaw niya kay Airah hindi naman siya naniniwala na may kinalaman ito sa nangyaring aksidente ni Aikoh.

Wala paring malay si Aikoh at ito lang ang nakakaalam sa totoong nangyari. Iginigiit naman ni Nova na kasalanan ni Airah ang lahat. Hindi niya matatanggap na baldado na ang anak.

"Ikaw. Kasalanan mo ang lahat." Sabi ni Ava habang tinuturo si Airah nang makita ito na paakyat sa hagdan.

"Alam mong wala ng brake ang motorbike mo kaya di mo ginamit pero pinagamit mo kay Aikoh para madisgrasya siya. Sinadya mo iyon ano? Hindi mo ipinaalam sa kanya na sira na ang brake ng sasakyan para madisgrasya siya." Pang-aakusa niya. Maisip niyang mawala si Airah sa Lionheart mansion siguradong ikakatuwa niya. Kahit kasalanan man ni Airah o hindi ang mahalaga mapapaalis si Airah sa mansion na ito ayos na sa kanya.

Kaya lang hindi siya pinasin at mas lalo siyang nainis dahil tiningnan lang siya ni Airah na tila ba sinasabi na 'are you stupid?'. Ang mga tingin kasing binigay ni Airah ay katulad sa mga tingin na binibigay nila sa mga taong mga bubo at tanga.

"Concern ka ba talaga o natutuwa ka rin dahil sa pagkakaalam ko gusto mo ding ipabagsak ang  magkapatid?" Tanong pabalik ni Airah na lalong ikinagalit ni Ava.

"Motorbike ko ang nawalan ng brake. Sa tingin niyo ba ako ang may gawa non? Halata namang ako ang pakay di ba? Palibhasa ang tanga niyo e." Sagot ni Airah bago lagpasan ang mga pinsan.

"Totoo yun. Motorbike ni Airah ang nawalan ng brake. Ibig sabihin siya ang balak saktan ng may gawa non at di si Aikoh." Sagot ni Throne papababa ng hagdan.

Napaisip din sina Raven, Alvira at Ava. Lahat sila nagnanais na makuha ang atensyon ng lolo nila. Iyon ay upang magiging tagapagmana sila sa posisyon ng Don at magmamana sa halos lahat ng mga yaman ng Don. Ang pinag-aagawan ng lahat at ay ang CEO position ng L Group. Ang pinakamalaking business ni Don Art na may mga branch sa iba't-ibang parte ng mundo.

"Hindi kailanman hiniram ni Aikoh ang motorbike ni Airah. Ano ang dahilan kung bakit hiniram na niya ito ngayon at nagkataon pang walang brake ang motorbike?" Tanong ni Aiden.

"Antayin nalang natin na magising si kuya Aikoh para malaman natin ang totoong nangyari." Sagot din ni Aina na may bitbit ng cookies galing sa kusina. Kapag kinakabahan siya, nininerbyos, nag-alala, nababahala o natatakot, kumakain siya. Hindi naman siya mabilis na tumaba kaya kahit palage siyang kumakain hindi rin siya tumataba. Siya lang yata ang may ganang kumain kahit intense na ang sitwasyon ng kanilang pamilya.

***
Kaharap ngayon ni Arthur ang mga pamangkin at mga anak. Ang wala lang dito ay sina Airah at Aikoh.

"Malalaman din ang totoo kaya kung maaari, umamin na ang sino mang may gawa nito. Aamin kayo o kami na mismo ang tutuklas?" Cold na tanong ni Arthur. Napayuko sila dahil halatang galit na galit ngayon si Arthur.

Tatayo na sana si Aikah ngunit naunang tumayo si Nova.

"Posibleng may nagbabalak ng masama kay Airah at si Aikoh lang talaga ang nadisgrasya." Sabi ni Avey.

"Maaaring gawa na naman ito ng mga kalaban ng mga Lionheart sa negosyo at dahil sa isang Lionheart si Airah kaya nangyari iyon." Dagdag naman ni Raven.

"May bumangga kay Aikoh. Sinadya siyang banggaan at hindi lang dahil sa sira ang brake ng sinasakyan niyang motorbike. Maaaring dalawa ang suspect. Ang sumira sa motorbike ni Airah at ang nag-utos na banggaan si Airah ay magkaiba. Posible ring si Aikoh ang pakay nong bumangga sa motorbike." Sagot ni Arthron.

"Ikaw! Kasalanan mo ang lahat." Sigaw agad ni Nova nang makita si Airah na papababa ng hagdan. Hindi pinababa ni Arthur si Airah dahil alam niyang magwawala na naman si Nova kapag nakikita ang dalaga.

Mabilis na sinugod ni Nova si Airah at sinampal na agad namang naiwasan ng dalaga.

"Kung hindi ka sana dumating sa pamamahay na ito hindi sana madidisgrasya ang anak ko. Sampid ka ng pamilya. Lumayas ka." Sampalin sanang muli si Airah pero pinigilan siya ni Arthur.

"Bitiwan niyo ako papatayin ko siya." Sigaw niya na nanlilisik ang mga mata.

"Malas ka sa buhay namin. Ikaw ang nagbibigay kaguluhan sa pamilyang ito. Kung bakit ba kasi dumating ka pa?" ‘Bakit di ka pa namatay kasama ang babaeng yon?’ Naluluha niyang sambit at humagulhol na habang yakap at napaupo.

Si Aikoh. Siya ang pag-asa niya para magiging bilyonarya at makukuha ang yaman ng Don pero nadisgrasya ito. Naglahong bigla ang pag-asa niya sa isang iglap. Kaya naman naisip niyang gamitin ang pagkadisgrasya ni Aikoh para makonsensya ang Don at babawi ito sa kanila at ipapamana na kay Aikoh ang Lionheart business Empire na gusto niya. Pero imposibleng mangyayari yun dahil hindi isang baldado ang karapat-dapat na magiging tagapagmana ng Don kundi ang sinumang malakas, malusog, matalino at walang kapansanan. Higit sa lahat may kakayahang mamahala sa mga negosyo ng Don.

Kundi lang nagpapakita ng kakayahan si Airah hindi na sana nila maisipang burahin sa landas nila ang dalaga at di sana madidisgrasya si Aikoh. Kaya sinisisi niya si Airah. Kung wala lang sana si Airah at di sana ito dumating sa buhay nila malamang hindi sila mapepressure ng ganito at si Throne lang sana ang makakalaban ni Aikoh sa posisyon. Kaya lang halatang pinapaboran ng Don si Airah na ikinatakot nilang mga tagapagmana ng Don.

"Kayo ang gumagawa ng gulo. Tapos sa akin niyo ipinapasa ang sisi? Bakit di niyo nalang tanggapin na bumalik agad ang karma sa inyo?" Cold na sagot ni Airah.

"Ipapaalala ko lang sa inyo, wag niyo lang hayaang ako ang makakakuha ng ebidensya dahil kapag nangyari yon hindi ko kayo mapapatawad." Sabi ni Arthur.

"Tandaan niyo, biktima sina Aikoh at Airah kaya wala kayong karapatang ibigay ang sisi kay Airah. Lalo na kung wala kayong ebidensya na maipapakita." Sabi ni Arthur in a very cold tone.

"Dalhin si Nova sa kwarto niya." Utos niya sa mga katulong.

Gusto sanang sumagot ni Nova pero makita ang galit na mukha ng asawa hindi na lamang siya nagsalita kundi umiyak na lamang siya ng umiyak.

Habang nagluluksa sa loob ng kwarto niya tumawag ang assistant niya at ipinaalam sa kanya na magiging female lead star na ang kanyang anak at posibleng magiging sikat na artista.

Dinalaw din siya ng bestfriend niyang si Janice.

"Ano bang pinoproblema mo? May isang anak ka pa naman a. Kapag di ka na matutulungan ng isa matutulungan ka naman ni Aikah." Sabi ni Janice sa kanya.

Saka naalala ni Nova si Aikah. Maisip na may isa pa pala siyang alas muli na namang nagliwanag ang kanyang mukha. Dahil sa tuwa binigyan niya ng gift ang kaibigan.

Sina Aiden naman tuloy ang practice nila ng sayaw. Minsan dinadalawa nila si Aikoh tuwing hapon pero wala parin itong malay.

"Alam mo ba? May mga personal bodyguards ng inilaan si daddy at may mga secret guards pang pinapasunod sa amin. Pakiramdam ko talaga wala akong privacy." Pagkukwento ni Aina kay Airah.

"Kumusta na ang practice niyo?" Tanong ni Airah.

"Ayos lang kami. Kailan ka sasali sa practice? May bagong moves kaming natuklasan." Sabi ni Raven.

"Bukas. Magpa-practice na ulit ako. Saka papasok na rin ulit ako." Apat na araw na kasi siyang absent. Ayaw kasi niyang ginugulo siya ng mga reporters na nakaabang sa labas ng gate ng Lionheart Academy.

May nakapagsabi kasi na dalawang nakauniporme ng Lionheart Academy ang posibleng dahilan ng aksidente pero walang nakakaalam na isa silang Lionheart at wala ring nakakakilala sa mukha nila. Hindi rin nakita ng iba ang mukha nila kaya di masasabi ng witness na sina Airah at Aikoh ang may-ari ng motorbike at sasakyan na isa sa mga sumabog na sasakyan sa nakaraang mga araw.

Maliban sa mag-ama na tumulong sa kanila ni Aikoh wala ng nakakakilala sa kanilang iba pa.

Inside Airah's room. Binisita siya ng mga kapatid at pinsan.

"Pinagpipilitan nilang kasalanan mo ang lahat. Bakit ba ikaw ang sinisisi nila? Halata namang balak ka lang talaga nilang siraan e." Reklamo naman ni Aiden.

"Wag kayong mag-alala. Kapag malalaman na ang totoo, magbabayad din ang tunay na may kasalanan. Sa pagkakangayon, hayaan na muna natin silang magsaya." Sagot ni Airah.

"Paano kung hindi? E di mapagbibintangan ka sa kasalanang di mo ginawa." Sagot ni Aina at napanguso.

"Umalis na nga kayo sa kwarto ko. Magpapahinga na ako." Taboy niya sa mga kapatid at pinsan.

Nagsilabasan naman ang mga ito. Sa isang sulok naman makikita si Ava na nakasimangot habang pinagmamasdan sina Aina, Aiden at Raven na lumabas mula sa kwarto ni Airah.

"Ano bang nagustuhan nila sa masungit na babaeng yon?" Sambit niya. Sinabi sa kanya ng kanyang ina na hindi siya dapat makipag-close sa mga kapatid o pinsan dahil kukunin lang nila ang loob niya at pagkatapos lolokohin lang siya kaya naman hinding-hindi siya makikipag-close sa mga pinsan niya. Iniisip niyang lahat sila kaagaw niya at kaaway. Kundi lang kay Don Art hinding-hindi siya makikipagplastikan sa mga pinsan na ito lalo na sa mga anak ng daddy niya sa ibang babae.

Aalis na sana siya nang makita si Aikah. Paroo't-parito ito sa kwarto ni Airah. Akmang kakatok ngunit hindi itutuloy. Ilang sandali pa'y umalis na at di na itinuloy ang pagkatok.

"Anong nangyari sa babaeng yon? Nababaliw na rin ba?" Tanong niya pa bago umalis.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top