TBH 9: Aikah


Aikah's p.o.v

"Hi Aikah."

"Hello Aikoh."

Bati dito, bati doon. Ngunit alam kong binabati lang nila ako dahil kapatid ko si kuya Aikoh at kasabay ko siya ngayon. Pero yung kuya kong ito mabait lang sa akin kapag nasa mansion si lolo. Pero demonyo yan sa school.

Nakikipagpustahan pa nga siya sa mga kaibigan niya kung sinong sasagutin ko. Busy ako sa pag-eemote nang may bumangga sa akin. Nalaglag tuloy ang mga libro ko.

"Kung gusto mo ako, di mo na ako kailangang harangan sa daan. Pwede mo naman akong yayain magdate, kaya pa naman kitang pagtiyagaan."

Iyan si Tryzt. Certified cassanova and badboy ng school na to. Puno din ng yabang sa katawan. Feeling niya lahat ng mga babaeng makakakita sa kanya magkakagusto sa kanya. Parang si kuya lang na parehong feeling.

Pinulot ko ang libro ko ngunit inapakan niya. Ubod lakas ko itong hinila nang bigla na lamang niyang iangat ang kanyang paa kaya napaupo ako.

Tumawa pa siya makitang natumba ako. Gano'n na rin ang mga nanonood. Para talaga siyang kuto na masarap tirisin.

Umalis na siya na tatawa-tawa. Baliw talaga.

Pinagpagan ko ang libro ko at tumayo na. Pagtalikod ko nakita ko si Ate Ava na may sinisigawang lalake.

"Huy! Mayabang. Hinding-hindi ako magkakagusto sa tulad mo." Rinig kong sigaw ni Ate Ava at binato pa ang lalaki ng hawak niyang tumbler bago nagdabog na umalis.

Nagkasalubong kami ngunit inirapan lang ako at nilagpasan na parang hindi kilala. Ganito kami kapag sa labas ng mansiyon. Walang pansinan. Nagbabait-baitan lamang sa harap nina dad at grandpa. Sinusunod lang ang anumang request ni lolo dahil may sakit ito. Kung hindi pa never kaming mag-uusap na hindi nag-aaway at never kaming magkakasamasama.

***

Third person's p.o.v

"Huy! Throne. Mayabang ka lang dahil isa kang Lionheart. Kung hindi pa, babahag din yang buntot mo." Sigaw ni Raph kay Throne.

Nagalit siya kay Ralph dahil si Throne ang gusto ng girlfriend niya.

"Hindi sa nagmamayabang ako. Pero mas gwapo lang talaga ako sayo kaya ako ang nagustuhan ng gf mo." Sagot ni Throne na mas lalong ikinagalit ni Ralph. Akma niyang sugurin si Throne pero hinarang siya ng mga kaibigan.

"Makikita mo. Gaganti ako sa'yo." Sigaw ni Ralph sa kanya. Ngiti lang ang sagot niya.

"Magsisimula na ang laro natin." Sabi ng kaibigan niya sa kanya na may hawak na bola ng soccer. Tatakbo na sana siya papunta sa field nang makitang dumaan ang crush niya.

Ang crush niyang ito ang dahilan kung bakit hindi siya pumayag na lumipat sa Lionheart Academy.

"Tutulala na naman o. Mapapagalitan na tayo ni coach niyan e." Saka pang siya natauhan nang hilahin na siya ng kaibigan papunta sa field. Siya naman palingon-lingon parin sa crush niya.

Ilang araw mula sa away nila ni Ralph, nalaman niyang palage ng ginugulo ng lalake ang mataray niyang kapatid na si Ava. Sa halip na mag-alala ay tinawanan niya ito. Iyon ay dahil kilala niya ang kapatid niyang iyon. Walang magtatagal na lalake sa buhay non.

"Papaibigin niya si Ava? Hahaha. Matutuwa pa ako kapag umiyak ang babaeng yon dahil sa kanyang katangahan. Kaya lang alam kong hindi dahil sa katarayan ba naman non at sa ugali non? Pera ang type non hindi lalake." Sabi pa ni Throne matapos mabalitaang ginugulo ni Ralph si Ava.

Weekends na at inutusan ng Don ang mga apo na mag-bonding na naman. Mall ang pinili ng majority. Mag-skateboard naman ang pinili ng mga boys kaya namasyal na muna sila sa isang park bago pumunta sa mall.

"Tayo na." Excited na yaya ni Alvira, bitbit ang branded niyang shoulder bag.

"Kuya Throne, bilisan mo diyan. Di ka naman gagwapo eh kahit ilang beses ka pang manalamin." Sigaw ni Ava sa labas ng pinto ni Throne. Lumabas naman si Throne na inaayos pa ang buhok.

Bumaba na din si Airah na di pa nakapagsuklay. Dala-dala ang kanyang sling bag na light brown .

Naka rubber shoes ng black na may striped na orange. Black fitted pants at orange shirt. Sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri saka ni-clip ang tatakip sa mukha. Naglagay ng kaunting polbo saka dinilaan saka dinilaan ang lips. Ganon lang kasimple at tapos na agad siya.

Naunang lumabas si Alvira na nakataas noo pa. Nag-tiptoe naman si Ava para di siya matatalo sa height. Nagpapataasan kasi ng takong ang dalawa at nagpapatangkaran sa height nilang 5'3. Dahil sa taas ng mga takong ng sapatos, nagmumukha na silang 5'7. Ngunit napatigil sa pagpapataasan ng height ng mapadaan si Airah.

Mas matangkad na sila kay Airah ngayon pero bakit tila yata mas mainam pala kapag mas mababa dahil mas nakakaakit tingnan?

Nakapamulsa si Airah at nasa baba ang tingin habang naglalakad. Kahit sa simpleng galaw nito at paglakad, akala mo'y rumarampa sa modeling show.

Natatawa naman si Raven makita ang reaksyon ng mga competitive niyang mga half-sisters. Halata kasi sa mukha nina Alvira at Ava ang inggit dahil kahit alam nilang di nakikipagkompetensya si Airah natatalbogan parin sila nito.

Sa simpleng ayos maging pagkilos nakakaagaw parin ng pansin.

"Ate Airah ayos lang ba itong suot ko?" Tanong ni Aina na nakasuot ng simpleng blusa na hanggang tuhod ang haba. May mga nakaburdang bulaklak sa may bandang dibdib nito.

Tumango naman si Airah bilang tugon. Umirap lamang sina Ava at Alvira. Ayaw kasi nilang may mas magandang tingnan bukod pa sa kanila.

"Magskate board na muna tayo bago mag-mall. Gustong-gusto kong matutong mag-skate board." Masiglang sabi ni Aina na mahihimigan ng excitement ang boses. Siya kang yata ang pinaka-excited sa lakad nilang ito.

"Basta mall naman tayo pagkatapos." Sagot ni Ava in a spoiled tone. Mahilig kasi siyang mag-shopping katulad lamang ni Alvira.

"Di ba pwedeng out of town naman tayo?" Mas gusto naman ni Raven mag-out of town.

"Ayaw ni lolo. Gusto niya yung simple at malapit lang." Sagot ni Throne na siyang guardian nila ngayon.

Pagdating sa park inihanda ng mga bodyguards nila ang mga skateboard na gagamitin nila. May magvivideo naman sa mga gagawin nila at ipapakita ito sa kanilang lolo. Kahit ayaw nina Ava at Alvira ang makisama napipilitan silang makisama para di mapagalitan ng lolo nila.

Tinuturuan ni Throne si Alvira. Nakaalalay naman si Raven kay Ava. Palage namang natutumba sina Aina at Aiden dahil parehong hindi marunong. Nababangga sila kung minsan sa puno minsan naman napapasubsob sa lupa. Minsan naiiwan sila habang ang skateboard gumulong na palayo.

Si Aikoh naman, tinuturuan si Aikah. Si Airah naman nag-aatubiling umapak sa skateboard niya. Sinubukan niya itong apakan pero bumagsak siya sa lupa at gumulong paalis ang skateboard niya.

Natawa naman ang mga bodyguards na nanonood lang sa kanila. Inutusan silang lalapit lang kapag nasa panganib ang buhay ng mga bata ngunit hindi sila lalapit kung wala namang nakaambang panganib.

Muli na namang inapakan ni Airah ang skateboard kaso muli na namang bumagsak ang pang-upo niya. Dito napatawa na ang mga half-siblings niya. Si Raven naman pasekretong kumuha ng larawan niya. Samantalang humaba naman ang sulok ng mga labi ng cold sanang si Aikoh lalo na makitang nakanguso na si Airah habang nakaupo sa kalsada na nakabukaka ang mga paa.

"Bakit kapag tinitingnan ko parang ang dali-dali lang?" Tanong niya pa at muling tumayo himas-himas ang pang-upo.

"Ganito lang. Apakan mo tapos magpadulas ka. Ibalanse mo ang katawan mo." Sabi ni Throne at ipinakita kay Airah kung paano magbalanse at kung ano ang posisyon ng mga paa.

Sinubukan ni Airah na gayahin ang ginawa ni Throne ngunit natutumba parin siya.

Binitiwan naman ni Aikoh si Aikah at nilapitan si Airah.

"Ganito. Iapak mo iyang isa mong paa." Utos ni Aikoh habang nakahawak na sa mga braso ni Airah para maalalayan ito. Sinunod naman ni Airah ang anumang sasabihin niya.

Ilang sandali pa'y muntik na naman siyang matumba na agad namang napigilan ni Aikoh. Di sinasadyang mapasandal ang dalaga sa dibdib ni Aikoh.

Natigilan naman si Aikoh at napatitig sa mukha ni Airah. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa kaya kitang-kita ng bawat isa ang kabuuan ng mukha ng kaharap.

Mabilis na humiwalay si Airah mapansin ang posisyon nila at muling lumapit sa gumulong na skateboard. Sinubukan niya ulit at hindi na siya natumba.

"Woah! Alam ko na." Masaya niyang sabi at sinubukang umikot kay Aikoh.

"Alam ko na. Tingnan mo." Sabi niya kay Aikoh na may matamis na ngiti sa mga labi.

Wala sa sariling napangiti rin si Aikoh habang umiikot si Airah sa kanya. At nakatulala sa nakangiting mukha ng half-sister niya.

Pinagulong na ni Airah ang skateboard palayo at mabilis namang sumunod si Raven sabay habol kay Airah.

Iniwan naman ni Aina si Aiden at lumapit kay Aikoh.

"Kuya, turuan mo din ako. Sige na. Turuan mo na ako." Pangungulit niya kay Aiko. Tinuruan naman agad siya nito. Inalalayan pero tuwing bibitiwan na natutumba.

"Matagal na nong alam. Nagkunwari lang na hindi. Tsk." Sabi ni Alvira na naiinggit dahil kahit anong gawin nila hindi parin sila natututo. Takot naman kasing bumagsak sa lupa. Ayaw nilang madumihan at masaktan kaya hindi nila magagawang sakyan ang skateboard ng mag-isa.

Sa loob ng itim na kotse naman napangiti si Don Art. Ito na yata ang unang pagkakataong nakita niyang ngumiti ng totoo si Aikoh. At sa unang pagkakataong nakita niyang ngumiti ng matamis si Airah.

"Napakasimpleng bata. Kunting bagay lang natutuwa na." Iiling-iling niyang sambit makitang naghahabulan na sina Raven at Airah.

"Antay!" Tawag naman ni Aiden na pa-zigzag ang takbo ng kanyang skateboard habang papunta sa gawi nina Raven at Airah.

"Alis na tayo." Sabi ng Don makitang ayos lang ang bonding ng kanyang mga apo.

"Kain na muna tayo." Yaya ni Throne sa mga kasama. Naglatag siya ng carpet sa ilalim ng puno at nilabas ang baon nilang mga pagkain. Nagsilapitan naman agad ang magpipinsan. Kung sila nakaupo sa damuhan habang kumakain si Airah naman nakaupo sa gilid ng fountain.

Dinuduyan ang mga paa habang pinapanood ang mga isda sa ibaba.

Nakasandal naman si Aikoh sa puno habang nakatingin kay Airah. Kundi kumaway si Raven hindi na maalalang nakalagay parin sa bibig niya ang kanyang kutsara.

May binulong sa kanya si Raven na ikinanilim ng mukha niya at binato ng kutsara ang tumatakbong pinsan. Nadapa pa si Raven sa pagmamadaling tumakbo na ikinatawa naman nilang lahat.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top