TBH 65: Don Art's secret
Sakay ngayon ng kotse si Aikoh. Hindi parin mawala-wala sa kanyang isip ang natuklasan niya kahapon. Naaalala rin niya kung paano niya pakitunguhan si Aikah dahil sa nangyaring aksidente na dapat di niya ginawa.
"Hindi kita kapatid. I hate you. I hate you." Ang paulit-ulit na sigaw ni Aikoh kapag nagkakasalubong ang landas nila noon ni Aikah.
Iyon ay dahil sa bawat oras na makikita niya si Aikah, maaalala niya ang batang nasagasaan nang dahil sa kanya. Hangga't hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili hindi rin niya mapapatawad si Aikah.
Ngayong alam niyang buhay naman pala ang batang inaakala niyang patay na, gumaan na rin ang kanyang pakiramdam. Hindi na rin sisikip ang kanyang dibdib kapag nakikita si Aikah.
Ngunit sumisikip naman ang kanyang dibdib nang makitang magkausap na naman sina Airah at Juno. Napapadalas na kasi ang pag-uusap ng dalawa ngayong nagdaang mga araw.
Naglakad-lakad sina Airah at Juno sa kalsada. Katatapos lang mag jogging ng dalawa at pinagpapawisan ding pareho.
"Salamat nga pala sa tulong mo. Hindi sana namin mahuhuli ang tunay na kriminal kung hindi mo kami tinulungan." Mahinang sambit ni Juno na sila lang dalawa ni Airah ang nakakarinig.
"Tumutupad lang ako sa usapan." Sagot ni Airah at nagbigay ng polite smile.
"Bakit di ka nalang magpulis o ba kaya detective?"
"Sayang ang ganda ko e. Tingnan mo." Sabay lagay sa likod ng palad sa ibaba ng kanyang chin. "Di ba mas bagay sa akin maging model o artista? Ganda ko kaya." Biro niya sabay tawa. Napatawa na rin si Juno at ginulo ang kanyang buhok.
Natigil ang kanilang ginagawa dahil may bumusina ng malakas at dumaan sa gilid nila na ikinaigtad nila sa bigla. Nag-iwan pa ng usok ang kotse na ikinatakip nila ng ilong.
"Anong problema nun?" Tanong ni Juno.
Napakunot naman sa noo si Airah dahil kilala niya kung kanino ang kotse.
"Anong problema niya?" Sambit rin niya habang pinagmamasdan ang papalayong kotse.
Napatingin kay Juno saka nagpaalam rito.
Pinagmasdan ni Juno ang papalayong pigura ni Airah. Napasabunot siya ng buhok dahil di na naman nasabi ang pakay niya.
***
Magsisimula na naman sa umpisa ang lahat. Nagkapalit nga lang ang sitwasyon nilang mga apo ng Don. Si Airah na lamang ang naiwan sa Lionheart Academy dahil pinili nina Aikoh at Aikah na lumipat na lamang ng paaralan.
Sina Aiden, Aina at Raven naman, nasa maternal side na nila. Samantalang si Alvira napipilitang maghanap ng mga part time jobs dahil itinakwil na siya ng kanyang pamilya. Ayaw niyang ipaalam sa iba ang kanyang sitwasyon at gusto din niyang ipakita sa maternal family niya na kaya niyang mabuhay kahit wala sila. Na kaya rin niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
Napabuntong-hininga si Airah habang pinagmamasdan ang kabuuan ng Lionheart mansion. Sobrang laki ng tahanan, ngunit sobrang tahimik.
Sa totoo lang, gusto niyang makabalik dito ang mga kapatid at pinsan niya. At habang tumatagal natuklasan niyang nasanay na siya sa presensya nila lalo na ang mga bangayan nina Raven at Throne. Maging ang patalbugan nina Alvira at Ava. Ang kakulitan nina Aina at Aiden at ang cold ngunit may pagka-childish na si Aikoh.
Napailing siya sa naiisip saka sumakay na sa elevator. Pinindot ang underground button. Ilamg sandali rin ang lumipas at bumukas na ulit ang elevator.
Naglakad siya sa isang corridor na tanging mga ilaw mula sa kisame ang nagbibigay liwanag sa paligid saka tumigil sa isang pintuan. Tumingin sa maliit na kahon at sinabing "Airah". Bumukas naman ang pinto kahit walang nagbukas ritong tao. Pumasok na siya at sumalubong sa kanyang paningin ang isang matandang lalake na nakahiga sa kama.
Nilapitan niya ito, hinawakan ang kamay at kinausap. Kinakausap niya ito sa bawat panahong dinadalaw niya ang matanda.
"Lolo, gumising ka na." Mahina niyang sambit. "Sobrang tahimik na ng bahay na ito. Parang ayaw ko na ring tumira dito, kaya please lang gumising ka na." Pakiusap niya habang pinagmasdan ang mukha ng matanda.
Nakarinig siya ng mga yabag, at ilang sandali pa'y lumabas si Doctor Seo na naka-lab gown mula sa isang extension room ng silid na ito.
"Matagal ng gusto ng Don na makapaghingi ng tawad kay Aida kaya lang mukhang wala na siyang pag-asa ngayong comatose na siya." Sambit ng Doctor at napabuntong-hininga.
"Nga pala, ano ang nagiging reaksyon niya, marinig na namatay na ang Don?" Tanong ni Dr. Seo.
"Hindi ko alam. Saka hindi niya binanggit sa akin ang tungkol kay Lolo. Malamang, wala lang yun sa kanya. Hindi nga siya pumupunta sa fake na puntod ni Lolo e."
Gumawa kasi sila ng fake na libingan ng Don para aakalain nga ng lahat na wala na siya. Nasanay na siya sa mga fake identity at fake death kaya hindi na bago ang ganitong eksena sa kanya.
Bumagsak naman ang balikat ni Dr. Seo at malungkot na napatingin kay Don Art.
"Bakit hindi pa rin nakakabalik sina Daddy at Tito? Ano bang nangyayari sa kanila?" Tanong niya kay Dr. Seo. Napansin niya ang pag-iwas ng tingin ng Doctor at ang panakaw ng tingin nito sa nakaratay na matanda.
"Medyo nagkaproblema parin sila sa Lionheart Conglomerate sa ibang bansa at sa L.A trademark. Naapektuhan kasi ang dalawang kompanyang ito, nang makuha na ng Ace Group ang L Group." Paliwanag ni Dr. Seo.
Hindi inaasahan ni Airah na bukod sa L Group at Lionheart Empire ng mga Lionheart ay may dalawa pang malalaking kompanya ang Don. Hindi niya lubos maisip kung paano ito napamahalaan ni Don Art. Kaya naman pala napakayaman nito.
"Ang dalawang kompanyang ito ay nakalaan talaga para sa mga tagapagmana ng Don at naka-base ito sa ibang bansa. Ngunit nang lumabas ang balita na wala na siya, medyo naapektuhan din ito."
Napahawak si Airah sa kanyang chin at napaisip. Kung ang lahat ng mga apo ng Don ay mapapatalsik sa mansion ang matitira at magiging ligitimate heir or heiress ang mapagtutuonan ng pansin ng lahat.
Tiningnan niya si Dr. Seo na may nagdududang mga tingin.
"Bakit?" Nagtataka nitong tanong.
"Ako ang mapagtuonan ng pansin at ako ang malalagay sa panganib ang buhay dahil magiging only ligitimate heiress ako ng Don. Kaya ba hinayaan niyong makaalis sa mansion ang iba?" Sambit ni Airah at napatangu-tango.
Sunod-sunod na lumabas na fake heirs at heiress ang ilan sa mga apo ng Don. Pagkatapos, nagsialisan sila sa Lionheart mansion sa magkakaibang dahilan. At bilang tunay na tagapagmana ng both Ace at ng L group, matutuon ang atensyon ng lahat kay Airah na siyang tunay na apo ni Don Art at tunay na anak ni Aida.
At bukod sa pagiging heiress niya kina Aida at Don Art, siya din ang only heiress ng kompanya na naiwan ni Doña Ayala. Hindi lang yon, hangga't hindi magsisilang ng bagong tagapagmana si Papa Andrey niya, siya din ang magmamana sa AIRIZ INTERNATIONAL Company. Maliban nalang kung mabuhay muli ang anak ni Andrey.
Napahawak siya sa ulo. Hindi niya alam kung ano ang magiging buhay niya at kung paano siya magsisimulang muli bilang isang heiress. Kung mapanganib ang kanyang buhay noong nagtatago pa sila ni Andrey, natitiyak niyang magiging mas mapanganib ang buhay ng isang only heiress na katulad niya.
Kung gaano kataas ng ikinaangat niya gano'n naman kadami ang panganib na naghihintay sa kanya. Syempre, tiyak niyang dadami ang mga pekeng mga taong gustong makipagkaibigan sa kanya katulad sa mga kaibigan nina Ava at Alvira.
"Ayos ka lang ba Miss Airah?" Tanong ni Dr. Seo.
"Ah, opo. Nga pala, iiwan ko na po sa inyo si Lolo. Babalik na kasi ako sa pag-aaral." Paalam niya.
Lumabas na siya sa silid at bumalik sa kanyang kwarto.
Sa kanyang pagtalikod, idinilat naman ng Don ang mga mata.
"Muntik na ako don a. Bakit di mo kasi sinabi agad?" Paninisi niya kay Dr. Seo. Tinapik-tapik niya ang dibdib sa labis na kaba. Nagpasalamat na di nahuli ni Airah kanina. Ngunit napapangiwi sa sakit ng batok.
"Muntik na akong mapuruhan sayo. Mabuti nalang talaga at ilang segundo lang akong nahilo. Narinig ko parin ang sinabi niya." Masaya niyang sabi ngunit napasimangot ulit nang maalala ang huling pag-uusap nina Dr. Seo at Airah.
Nakikipag-video call kasi siya kay General Han kanina nang bigla nang tawagin siya ni Dr. Seo dahil nakita nilang papababa sa underground si Airah. Nagkandarapa pa si Don Art sa pagpunta sa kanyang kama at muling humiga. Ngunit halata masyado na gumagalaw ang kanyang pilikmata habang nakapikit, tapos ang bilis pa ng tibok ng dibdib. Kaya naman humiling siya ng malakas na batok mula kay Doctor Seo. Na ikinahiyaw niya noong una at ikinatulog na rin sa ikalawang subok.
"Bakit di mo nalang sabihin kay Lady Aida ang totoo? At kay Miss Airah? Gusto mo bang kamuhian ka ng mag-ina?" Tanong ni Dr. Seo.
"Hangga't hindi ko matatagpuan si Aeron, hindi ko masasabi kay Aida na buhay siya." Sagot ng Don at napabuntong-hininga.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top