TBH 63: Thrones p.o.v
Throne's p.o.v
"Bakit ka ba tumakbo kanina ha?" Tanong ko kay Ava.
Hindi kasi siya lumalapit sa pinsan namin tapos palage pang nagtatago.
"Kuya, ayaw ko na dito. Umalis na tayo dito." Pakiusap niya.
Naiintindihan ko siya. Alam kong hangga't nandito kami hindi matatahimik ang aming buhay. Hindi rin kami maaaring pumasok sa paaralan dahil sa mga isyu ng aming pamilya.
Higit sa lahat, alam na ng lahat na hindi naman kami kadugo ng Don kaya para saan pa ang pananatili namin dito?
Ligtas na si Aikoh kaya kampante na akong umalis. Si mommy? Saka ko na lamang siya iisipin kapag naisasayos ko na ang buhay namin ni Ava.
"Wag kang mag-alala. Pupunta tayo sa probinsya kung saan walang gaanong nakakakilala sa atin."
May kamag-anak si mommy na naninirahan sa probinsya. Mabait naman si Tito Leo pero di ako sigurado kong magsu-survive ba si Ava sa probinsya. Pero kailangan niya.
Kinuha ko ang ilang mga gamit ko at ibininta. Hindi ko sinabi kay Airah ang plano namin dahil ayaw kong mag-alala sila sa amin. Alam kong pinoproblema pa nila ang Lionheart Empire at ayaw ko ng makisali pa sa gulo.
"Ibenta mo na ang mga mamahalin mong mga gamit dahil di na natin yan kakailanganin pangdating sa probinsya."
"Pero kuya."
"Kung hindi ka makikinig sa akin, maiiwan ka dito. Ako nalang mag-isa ang aalis." Sagot ko.
Nalaman kong sobrang laki ng ninakaw ni mommy sa Triple A's at di lang 'yon sila din ang nag-frame up kay Aida noon. Sigurado akong hindi titigil ang Aida na iyon hangga't hindi niya nakikitang gumagapang kami sa putikan.
***
Napaupo ako sa sofa. Lahat ng mga pinagmamay-ari ni mommy kinumpiska na ng bangko na pinagkakautangan niya. Ang mas malala, pati ang mga kotse namin ni Ava.
"Throne." Napalingon ako sa tumawag at nakita ang balot na balot na si Airah.
Hinubad niya ang kanyang jacket at naupo sa sofa.
"Im sorry. Hindi ko kayang pigilan si mama. Hangga't hindi niya natatagpuan ang kanyang anak, hindi niya kayo titigilan."
"Hindi ba't nakakulong na si mommy? Balit di parin niya kami titigilan?"
"Hindi ikaw. Si Ava. Hindi niya titigilan si Ava, dahil anak siya ni Avey."
Sabi ko na nga ba, magbabayad din kami sa mga kasalanan ni mommy?
"Alam niyo bang sinusundan kayo ng mga tauhan niya at kinukunan ng video? Saka ipapadala niya sa ina niyo ang anumang mga paghihirap na sinapit niyo. Gano'n siya ka-obsess sa kanyang paghihiganti. Hindi ko na alam kung paano ko siya mapipigilan. Pero kung matagpuan na namin si Kuya, baka matatapos na rin ito."
Si Aeron. Napangiti ako ng mapait maalala siya. Hindi ko man sinasabi pero sa simula pa lang alam naming dalawa ni Aikoh na substitute lamang kami sa nawawalang apo ng Don.
Siguro kung hindi nawala si Aeron hinding-hindi papayag si Don Art na tumira kami sa mansion.
Si Aikoh Throne Aragon Lionheart. Ang pinakamamahal na apo ng Don at dahil sa labis na pagmamahal, kahit ang mga pangalan namin, pinasunod sa pangalan niya.
Kapag makakalayo na ako, makakalaya na rin ako sa anino ni Aeron. Hindi ko na rin kailangan pang mabuhay na parang robot na ginagawa lang ang anumang ninanais nila para sa akin. Sa totoo lang, kahit kaharap namin ang matinding pagsubok na ito, masaya ako.
Masaya akong malaya na akong magdesisyon sa kung ano ang gusto ko. Hindi ko na kailangan pang magiging perpektong apo at isang mabuting anak. Hindi ko na kailangan pipiliting magtop sa klase at makakuha ng achievements. Wala na ang pressure na inilagay nina mommy at lolo sa balikat ko.
Matutuklasan ko na rin ang tunay kong kakayahan at kung hanggang saan talaga ang kaya ko.
Napatingin ako kay Airah na napayuko.
"Alam mo na ba?" Tanong ko na ikinaangat ng kanyang tingin.
"Alam mo na ba na substitute lamang kami ni Aeron? Alam mo bang hindi kami mapapansin ni lolo kung hindi lang niya nakikita sa amin ni Aikoh ang iilan sa pag-uugali ni Aeron?"
"Galit ka ba dahil substitute lang kayo?"
"Hindi. Pero mas masaya ako ngayon na hindi ko na kailangan pang mabuhay sa kanyang anino."
"Kung sakali mang aalis kayo, dapat hindi malalaman ni mama kung nasaan kayo. Dahil siguradong hindi niya kayo titigilan."
"Ang pagkakulong nina Nova at Avey ay nakasunod sa kung paano nakulong si mama noon. Kundi ako nagkamali ipaparanas niya sa kina Nova at Avey ang nagiging buhay niya sa bilangguan at ipaparanas din niya sa inyo ang anumang naranasan ko."
Natahimik kami pareho. Hangga't hindi namin maiiwasan ang kanyang ina, tiyak na hindi magiging maayos ang buhay namin ni Ava.
"May iminungkahi si Aikoh, pero kailangan ko parin ang opinyon mo. Gusto niyang hayaan ko na ang Lionheart Empire sa mga kamay ni Mama. At hayaang makuha ni mama ang lahat ng nararapat sana sa kanya."
Kung makukuha ni Aida ang Lionheart Empire posibleng maraming pamilya ang maaapektuhan ngunit sa simula palang, sa kanya din naman ang kompanyang iyon.
"Marami pang mga dapat linisin sa mga tauhan ni lolo, at may iilan pang mga tauhan ni Rowena ang di nahuhuli kaya posibleng malilinis na ito kapag si Mama na daw ang mamamahala dahil sa kakaibang pamamahala niya."
"Anong binabalak mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hahanapin ang kuya ko at ang misteryo sa likod ng pagkawala ni lola at kung sino ang anak ni papa Andrey."
"Hahayaan niyo na talaga kay Aida ang kompanya ni lolo?"
"Ang nararapat kumalaban sa kanya ay kayo at hindi ako. Dahil ako parin ang makikinabang at maaagrabiyado sa ano mang desisyon ang gagawin niya. Ayaw ko ng kalabanin si mama. Kung gusto niyong kunin ang Lionheart Empire kayo nalang. Sapat na sa akin ang AIRIZ. Mabubuhay na kami nito ni papa Andrey."
AIRIZ? Kung gano'n sa kanila ang AIRIZ? Di ba lumaki siyang part timer lamang?
"Ang AIRIZ ay ang kompanya ni papa. Pero napabayaan niya noon dahil sa pagkamatay ng asawa't anak niya. Pinapunta niya ako kay lolo iyon ay dahil binalak niyang bawiin ang lahat ng mga inagaw sa kanya dati kaya bumalik na rin sa kanya ang kanyang kompanya at pinalitan ang pangalan nito bilang AIRIZ."
"Kasabay ng paghihiganti ni mama ay ang paghihiganti ni papa Andrey. Hindi ko alam kung bakit pinapapunta ako ni papa Andrey sa isang lugar. Sa hinala ko iyon ay para magkalayo-layo tayo. Nandito ako dahil gusto ko kayong paalalahan."
"Mag-iingat kayo habang wala ako. Saka itago niyong mabuti ang perang natitira sa inyo dahil tiyak na may gagawin si mama sa inyo." Paalala niya bago siya umalis.
Nang makaalis si Airah, nag-impake na rin kami ni Ava.
Bumiyahe papunta sa probinsya nina Tito Leo. Ngunit sa biyahe nadukutan kami ni Ava. Mabuti nalang talaga at itinago kong mabuti sa ilalim ng sapatos ko ang perang kailangan namin sa pananatili sa probinsya.
Gaya ng sinabi ni Airah, hindi magiging maayos ang biyahe namin dahil nanakaw ang mga gamit namin na ikinaiyak ni Ava pero alam kong ito palang ang simula ng aming paghihirap.
Nakarating kami sa Probinsya na tanging cellphone ko lang ang hawak. Mabuti nalang at may nagpadala ng pera kay Tito Leo at sinabing para raw sa amin.
"May binili na kaming maliit na bahay para sa inyong dalawa. At kung may kailangan pa kayo, tawagin niyo lang daw siya."
Siya. Walang ibang pumasok sa isip ko kundi si Airah.
"Pupuntahan daw niya kayo, ngunit tatapusin lang daw nila ang kailangan nilang tapusin. Ngunit habang magulo pa ang lahat ipinaubaya niya kayo sa amin."
"Sino po siya Tito?"
"Malalaman niyo rin pagkalipas ng panahon." Sagot ni Tito na ikinalito ko.
Ilang araw din ang lumipas, natuklasan kong umalis na si Airah. Si Aikoh at Aikah naman hindi ko alam kung saan nagpunta. Habang si Alvira, tuluyan ng itinakwil ng kanyang pamilya.
Si Raven, narinig kong pumunta siya sa ibang bansa upang hanapin sina Daddy at Tito Arthur. Si Aiden naman umalis na rin kasama ang kanyang pamilya.
Narinig kong tuluyan ng nakuha ng Ace ang Lionheart Empire. Ngunit hindi naman pinaalis ang mga dating nagtatrabaho dito. Ang mga may kinalaman lamang kina Avey at Nova lalo na kay Rowena at sa Yiunhwa ang pinaalis nila. At ang Yiunhwa, bigla na lamang nabankrupt.
Ang pamilyang nag-abandona kay Alvira, naghihirap na din ngayon. Pero si Alvira hindi ko na alam kung nasaan na.
Maayos naman ang nagiging buhay namin ngayong nagdaang mga araw ngunit si Ava ang problema.
"Ava, ano na naman bang pinamili mo ha? Alam mo namang nagtitipid tayo?" Mamamatay ako ng maaga sa kapatid na ito.
"Wala akong damit saka papagsuotin mo ako ng mga ukay-ukay? Gusto mo ba akong mamatay ha?"
"Bumili ako ng makapal na foam at bedsheet. Saka bumili din ako ng bathtub. Nagpalagay na rin ako ng cold and hit shower sa banyo para makaligo na tayo ng maayos."
"Hindi ka na isang Lionheart Ava. Bakit di ka man lang nagtitipid ha? Gusto mo bang mamamatay tayo sa gutom?"
Tiningnan ko ang itinago kong pera at natuklasang ilang libo na lamang ang natira.
"Ava, kung ayaw mong iiwan kita ditong mag-isa tigilan mo na ang pag-uugaling prinsesa mo." Sabi ko at iniwan na siya.
Ayaw kong masapak ang kapatid kong ito na walang ibang ginawa kundi pasakitin ang aking ulo. Kung kaya ko lang siyang iwan, matagal ko na siyang iniwan.
Kailangan kong makahanap ng trabaho kaya lang, hindi ako marunong sa mga gawaing bukid.
Nakaupo ako sa gilid ng ilog nang tumawag ang anak ni Tito Leo.
"Throne! Yung bahay niyo nasusunog."
Tumakbo ako pabalik sa bahay at nakita ang nagkauling kong kapatid.
"Ano na naman bang ginawa mo ha?"
"Sinubukan ko lang namang magsaing." Nakayuko niyang sambit at may luha sa mga mata. Wala na akong panahon para pagalitan siya. Tumulong na ako sa mga kapitbahay namin na patayin ang apoy.
Wala siyang alam sa gawaing bahay at ako naman ang nagluluto sa mga nagdaang mga araw, ngunit hindi ako nagluto ngayon dahil galit na galit ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang mga bagay na ito. Hindi yata si Aida ang nagbibigay hirap sa amin kundi ang kapatid ko mismo ang nagpapahirap sa buhay namin dito.
Dahil kay Ava, ang maayos sana naming bahay ay nagiging barong-barong na lamang. Ano pa bang magagawa namin e inubos niya ang pera namin. Barong-barong na lamang ang kaya naming ipatayo sa natitirang pera ko.
"Wala na akong higaan. Wala na ang bago kong bedsheet."
Kanina pa siya umiiyak. Nakakarindi na talaga.
"Kung ayaw mong mamamatay sa gutom, maghanap ka ng paraan para magkapera. Bahala ka na sa buhay mo."
Sumasama na lamang ako kay Tito Leo sa construction site na pinagtatrabahuan niya. Kumakain kasama ang mga trabahante.
Hangga't hindi maturuan ang isang iyon, hindi siya matututo kaya hahayaan ko siyang matutong mabuhay mag-isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top