TBH 62: Aida's p.o.v


Nang sabihin ni Nova na buhay pa ang anak ko, saglit akong natigilan. Ang pagkawala ng anak ko ang isa sa pinakadahilan ng matinding galit ko sa mga Lionheart.

Ang pagtitiwala ni Don Art sa ibang tao kaysa sa akin na tunay niyang anak. Ang pagpili niyang maging tagapagmana ang isang lalake kaysa sa mga babae. At ang pagpadala niya sa akin sa Amerika kahit na ayaw ko.

Kinasusuklaman ko siya. Kinasusuklaman ko silang lahat.

Napatingin ako kay Airah na tinutulak ang wheelchair ni Aikoh. Hindi ko inaasahan na mapapalapit siya sa mga pekeng pamilyang ito. Hindi niya dapat pinagkakatiwalaan ang mga taong dahilan ng pagiging miserable ng buhay namin.

Ito palang ang pagsisimula ng paghihiganti ko kaya ayaw kong papagitna sa aking paghihiganti si Airah.

"Madam, bakit di mo nalang lapitan ang anak mo?" Tanong nitong butler ko.

Hindi ganoon kadali lapitan ang anak ko. Galit siya sa akin. Malamang, susumbatan lang ako.

"Let's go." Sabi ko at naglakad na palayo.

***

"Aida, hindi mo ba talaga titigilan ang L Group?"

"Hangga't meron pa ang L Group hindi ako titigil sa pag-atake."

"Nakuha ng L Group ang Corpuz winery. Maging ang tiwala ni Mr. Han at Investor Khaynev. Sa palagay mo, asawa mo ba ang may gawa nito?" Natigilan ako sa sinabi ng bestfriend ko.

Sigurado akong hindi pa makakabalik sina Arthur sa bansang ito kaya imposibleng siya ang maygawa nito.

"May business meeting para sa mga investors at shareholders, at may nakuha ka ring share sa L Group. Pagkakataon mo na ito para makita ang bago nilang Chairman."

Narinig kong comatose parin ang matanda ngunit pinalabas nilang patay na. Di kaya nagising na siya?

"May bagong investors pa ba sila bukod sa mga Khaynev at Han?" Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang aking inbox.

"Kung totoo ang nasagap kong balita, naging kasosyo na nila ang D'CHAMP at posibleng makipag-alyansa narin sa kanila ang AIRIZ."

Muntik ko ng mabitiwan ang hawak kong cellphone.

"D'CHAMP? Hindi ba't kalaban nila ang kompanyang iyan?"

"Noong una oo, pero ngayon hindi na."

Kailangan kong makipagkita sa chairman ng AIRIZ. Kailangang makumbensi ko siyang pumanig sa ACE.

***

Nandito na ako sa office ng Chairman ng AIRIZ. Hinihintay ang Chairman na ang tagal dumating.

Ilang sandali pa'y may narinig na akong mga yabag na paparating hanggang sa bumukas na ang pintuan. Napatda ako sa nakita.

"Anong ginagawa mo dito?"

Umupo siya sa upuan ng Chairman habang ako ito nakatingin parin sa kanya.

"Nasaan ang Chairman?" Tanong ko. Pinagloloko yata ako ng batang ito at siya ang sumulpot. Siguro kilala niya ang Chairman ng AIRIZ.

"Hindi ko alam na ganyan lang ang magiging reaksyon niyo matapos niyong makita ang isang tulad ko na di niyo man lang madalaw-dalaw. Sa bagay, ano nga bang mapapala ko sa isang ina na sarili lang ang iniisip."

Natigilan ako sa sinabi niya. Inaamin kong nabalot ng paghihiganti ang aking puso at nang dahil dito halos makaligtaan ko ng isa din akong ina. Ngunit sa tuwing nakikita ko siya napapansin ko ang pagiging useless kong ina. Dahil wala na akong magagawa para sa kanya dahil kaya na niya ang kanyang sarili kahit wala ako.

"Hindi mo na ako kailangan." Sagot ko. Dahil sa pagiging independente niya, sa tingin ko, hindi na niya kailangan ang tulad ko.

"Ganyan naman lage ang sinasabi mo. Ano pa bang maaasahan ko?" Sambit niya at isinandal ang likuran sa kanyang upuan.

"Sabihin mo na lang kung ano ang kailangan mo. Hindi ako ang chairman ng kompanyang ito pero ako parin ang batas dito. Kaya sabihin mo nalang kung ano ang kailangan mo."

"Wag mong sabihing, ikaw ang nagpatayo ng kompanyang ito?" Kaya ba tinawag nila itong AIRIZ?

"Hindi ako. Si papa Andrey parin ang namamahala dito."

Si Andrey. Halos makalimutan ko na ang pangalan ng taong yun. Magmula noong mamatay ang asawa't anak niya hindi na siya nag-asawang muli. Ipinagpatuloy ang pagiging detective para lang mabigyang hustisya ang nangyari sa kanyang pamilya.

Mahilig si Airah sa mga detective movies kaya naisip kong marami siyang matututunan kapag si Andrey ang palagi niyang kasama. Pero sa totoo lang gusto ko sanag kunin si Airah mula kay Andrey ngunit nakita kong binago ni Airah ang buhay ni Andrey magmula noong nagkatagpo ang landas nila.

Kung wala si Airah sa tabi niya baka matagal ng nagpakamatay si Andrey sa labis na depression dahil sa pagkawala ng asawa at anak. Naintindihan ko ang naramdaman ni Andrey dahil pareho kami ng napagdaanan. Hinayaan ko na sa kanya si Airah, dahil abala din naman ako sa paghahanda para sa aking paghihiganti. Pero ngayong tinitingnan ako ng anak ko katulad sa kung paano ko tingnan ang matandang Don, hindi ko maiwasang makadama ng pait.

Anak ko nga siya. Dahil manang-mana siya sa akin e.

"Ikaw naman pala ang nasa likod ng kompanyang ito, bakit di mo nalang ako tutulungang maipabagsak ang kompanya ng mga Lionheart?"

Tiningnan lang niya ako na parang ibang tao lang. Aba namang batang to. Ina parin niya ako. Kaya dapat ako ang kakampihan niya kaysa sa ibang tao.

"Bakit kailangan mo pang ipabagsak ang L Group? Kahit galit ka sa iba isipin niyo naman ang buhay sa mga taong mawawalan ng trabaho." Sagot din niya.

"Ibang tao? Ang mga ibang taong iyon may pakialam ba kapag ako ang naaagrabiyado? Ibang tao sila. Pakialam ko sa kanila? Sa mga panahong ako ang nangangailangan ng tulong at awa may nagmamalasakit ba? Di ba pinagtatawanan lang nila ako at isa pa ang mga ibang tao na iyan sa mga dumagdag sa depresyon ko?" Sagot ko.

Wala akong pakialam sa ibang tao at ibang buhay o ibang pamilya. Dahil noong mga panahong kailangan ko ng karamay halos buong mundo na ang humusga sa akin. Kahit sumakay ako ng bus, nilalait ako at pinagtatawanan. Sinasabing nang-aagaw ako ng fiance ng iba. At nagkaroon pa ako ng anak na ipinipilit na ipanagot ang bata sa hindi ama. Ang mga ibang tao na walang alam sa tunay na nangyari ang siya pang may maraming mga sinabi at siyang malakas humusga. Ang siyang sumira sa career ko at buhay.

Pinagtsismisan ako at pinagtatawanan ng mga ibang taong hindi ko kilala at di nila ako lubos na kilala. Sino ba kasi ako? Ibang tao lang ako para sa kanila. Kaya bakit ako magmamalasakit sa ibang tao na di ko naman kilala?

"I will destroy the Lionheart empire lalong-lalo na ang L Group." Mariing sagot ko. At kung marami mang pamilyang maghihirap dahil mawawalan ng trabaho, wala akong pakialam dahil ibang tao lang sila. Tadhana nilang mawalan ng trabaho, ano bang kinalaman ko do'n? Di ko naman sila pinutulan ng kamay para di sila makakapaghanap ng ibang trabaho.

"I will not let you succeed." Determinadong sagot ng babaitang ito. Kakalabanin ba talaga ako nito?

"Kinasusuklaman ko ang kompanyang iyon at di ako matatahimik hangga't hindi ito mapapalitan ng pangalan at di mababago ang may-ari." Galit ako sa L Group at sa Lionheart Empire.

Iyon ay dahil sa malaking kompanya na iyan, hindi ako nagustuhan ng sarili kong ama dahil para sa kanya lalake ang karapat-dapat na magmamana sa Lionheart Empire. Hindi dahil sa mas may kakayahan ang lalake iyon ay dahil maipagpapatuloy nito ang apelyido ng mga Lionheart. Dahil kapag babae, mapapalitan daw ang apelyido nito kapag nag-asawa na.

Nakasaad sa batas ng mga Lionheart mula pa sa mga ninuno nila na dapat ang makapagdadala lamang ng apelyido ng mga Lionheart ang dapat magmamana ng Lionheart Empire. Hindi mamamana ni Don Art ang mga negosyo nila hangga't di siya makakapagsilang ng isang lalake. Ngunit isang babaeng tulad ko ang lumabas.

Sa takot na di mamamana ang negosyo ng pamilya inampon niya ang magkakambal na mga bata na sabay na naisilang sa akin at siyang ipinakilala sa walang kamuwang-muwang na ina. At siyang ipinakilala sa mga magulang niya at sa lahat.

Inilihim ang pagkatao ko at nagiging invisible ako. Apelyido pa ng aking ina ang ginagamit ko para walang makakaalam na isa akong Lionheart. At ang kinalakhan kong ina ay yaya ko lang pala  Bago pa man magkamalay, ipinadala na ako sa Amerika na walang alam sa tunay kong pagkatao. Ni di ko alam na may stepbrothers ako.

Nang magkaisip na'y natuklasan kong kilala ako bilang anak sa labas ng Don. At di maaaring makita sa publiko dahil isang kahihiyan ang pagkatao ko. Hanggang sa malaman ko ang totoo. Dahil nang malaman ng aking ina na may tunay siyang anak na inilayo ng Don sa kanya, nakipagdivorce siya sa Don at sinundan ako sa Amerika. Makikipagbalikan lang siya sa kondisyon na ipakilala ng Don sa lahat ang kaisa-isa niyang anak na babae.

Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari pero nang makabalik kami sa Pilipinas, sa ibang bahay oarin kami nakatira ni mama. At isang araw bigla akong sapilitang ipinadala ulit sa Amerika na di na kasama si mama.

Nalulungkot ako sa mga oras na iyon hanggang sa makilala ang isang lalaking nagpapasaya sa akin. Akala ko siya na ang taong tapat sa akin, iyon pala lolokohin lang ako. At ang mas malala, matutuklasan kong kapatid ko siya. Sa pag-aakalang tunay kaming magkapatid, napilitan kaming maghiwalay.

Kung sana'y di ako pinalaki sa mga kasinungalingan e di sana mangyayari ang mga pagkakamali ngunit lahat ng mga pinaniniwalaan ko noon ay mga kasinungalingan lamang. At nagpakasal pa ako sa sarili kong kapatid na gumagamit ng ibang pangalan at katauhan para lang lokohin ako.

Ako na inosente at tanga, nagpauto sa tulad niyang manloloko. Ang masaklap dahil naging kapatid ko siya. At isa na namang malaking kahihiyan ng pamilya. Kung kailan ipinakilala na akong anak ng chairman ng Lionheart saka naman ako mabubuntis at ang ama ay ang kilala ring tagapagmana ng isang Lionheart. Para malinis ang isyu, sa ibang babae ipinakasal ang lalaking mahal ko. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat na may secret Marriage na kami ng kunwari kuya ko.

To make it short, magulo ang buhay ko. Napakagulo. At bakit naisipan kong magpakasal ng palihim noon dahil inaakala kong siya na ang oara sa akin at wala ng iba pa. Dahil siya lang ang taong masasandalan ko at siyang nagiging karamay ko. Higit sa lahat patay na patay ako sa sinungaling na taong yon. Malay ko bang pati pangalang ipinakilala niya sa akin ay kasinungalingan.

Gusto kong pagbayaran nilang lahat ang panloloko nila sa akin. At ang pagpapahirap nila lalo na ang pagkuha nila sa anak ko mula sa akin na siyang dahilan kung bakit namatay ito.

"Hindi mo ako maintindihan Airah. Hindi maintindihan ang galit ko at ang nararamdaman ko. Ina mo ako, kaya sana pakinggan mo naman ako."

"Alam kong kinasusuklaman mo ang mga Lionheart at balak mong ipabagsak ang Lionheart Empire dahil lang sa galit mo. Pero alam mo bang pinabayaan ni Lolo ang Lionheart Empire para lang mapagbigyan ka sa ninais mo? Alam mo bang handa na siyang mawala ito at dahil ayaw mong mapunta ito sa mga apo niya mas pinili niyang i-donate na lamang ang halos lahat ng kanyang yaman?"

"Dahil nagsisi na siya sa mga nagawa niyang pagkakamali sayo. Gusto niyang makabawi kaya lang alam niyang huli na. Binago niya ang Last will ng mga magulang niya at ginawang tanging may dugong Lionheart lamang ang makakamana sa Lionheart Empire. Inilipat niya sa akin ang halos lahat ng mana, iyon ay dahil alam niyang kapag sa iba niya ipapamana siguradong wawasakin mo lang."

"Babae ka, paanong sayo niya iiwan ang Lionheart Empire?" Sagot ko.

"Nagbago na si lolo. Iba siya sa inaakala mo. Tigilan mo na ang Lionheart Empire dahil wala ka namang makukuha sa paghihiganting ito."

"Buo na ang desisyon. Hindi na iyon mababago pa. Saka layuan mo ang mga apo ng Don, dahil baka mahawa ka pa sa mga kasinungalingan nila af mahuhulog sa kanilang mga patibong."

"Buo na din ang desisyon ko. At kung sa mga kasinungalingan na sinasabi mo, wag kang mag-alala. Anak mo man ako pero hindi ako kasing inosente mo dati. Tamdaan mo, si papa Andrey ang nagpalaki sa akin at hindi ikaw."

"Airah." Sambit mo na nagbabanta na ang boses.

"Mama." Pinagdiinan din niya ang salitang mama at tinumbasan ang titig ko.

"Gusto mo ba talaga akong kalabanin?"

"Ako na ang namamahala sa L Group ano pa ba ang gusto mo? Bakit kailangan mo pang pabagsakin ang pinaghirapan ni Lolo?"

"Hindi siya isang mabuting ama."

"Galit kayo sa ginawa niya ngunit bakit di niyo man lang naisip na ganon din kayo? Kung ayaw niyo sa pamamaraan niya bakit ginagaya niyo siya?" Napatigil ako sa sagot niya.

"Sinasabi niyong hindi siya naging isang mabuting ama, naisip niyo rin ba kung naging isang mabuting ina din ba kayo?"

"Kung masama si Lolo then ano kayo? Anong pinagkaiba niyo sa kanya?"

Ano nga ba ang pinagkaiba ko kay Don Art? Iyon ay naging totoo ako. Hindi ako nagsisinungaling sa anak ko.

"Tama na mama. Gusto ko lang magiging masaya na kayo pero pa'no niyo ito magagawa kung hanggang ngayon dala niyo parin ang galit sa puso niyo?" Sambit ni Airah na may luha sa mga mata.

Isang beses ko lang siyang nakitang umiyak. Iyon ay noong tinapon ng batang lalake ang tinapay niya. Noong iwan ko siya, hindi siya umiyak at kahit masama ang loob niya, hinding-hindi niya ipapakita sa aking umiyak siya. Pero ngayon nakita ko din ang pagtulo ng kanyang luha.

Bigla ko nalang naalala ang kabataan ko. Pinili kong wag nalang umiyak dahil alam kong wala namang magbabago. Wala namang may pakialam sa akin. Hindi ko alam na sa hangad kong paghihiganti, napaparamdam ko na din pala sa anak ko ang pakiramdam ko dati.

Bahagya akong nakonsensya.

"Umiiyak ka ba?" I said in a disgusted tone. Hindi ko talaga sinasadya, pero ganito na talaga ang tono ko. Gusto ko lang siyang icomfort kaya lang di ko alam kung paano. Lumaki akong walang nagko-comfort sa akin kaya paano ko maiparamdam sa iba kung ano talaga ang gusto kong iparamdam kung ako mismo hindi nakaranas ng ganito?

Kung magsasalita pa ako lalo lang siyang magagalit sa akin dahil iba sa gusto kong mangyari ang lumalabas sa bibig ko. Sabayan pa na hindi ako marunong makiusap at mag-comfort ng tao. Mas mabuti pang umalis nalang ako.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top