TBH 61:
Pinagmasdan si Aina ang kapatid na na hindi na siya kilala.
"Laro tayo Aina."
"Magmula ngayon ako ang tatawaging Aina. Ako ang bunso at ikaw na naman ang magiging ate ko." Sabi nito sa hawak na barbie doll pagkatapos ay tumawa ng malakas.
Napaluha na lamang si Aina. Ang totoo siya sana ang isasama ng Don ngunit di siya pumayag kaya naman nagprisinta na lamang si Airen kahit ayaw din nito.
Hindi sila sanay mamuhay sa di nila kinagisnang pamilya. Nahihirapan silang mag-adapt lalo na't hindi rin naman sila welcome sa pamilya. Kaya lang napilitan si Airen na sumama ngunit ito ang nagiging resulta.
"Salamat. Salamat sa tulong mo." Sambit ni Airah na nasa likuran niya.
"Ginawa ko lang kung ano ang nararapat." Sagot ni Aina.
Bago pa man ang final hearing sa korte, pinuntahan ni Aina si Airah dahil hindi na siya mapakali at nilalamon na siya sa kanyang konsensya tungkol sa mga nangyayari kay Aikoh.
Ikinuwento na rin niya kay Airah ang lahat ng dahilan kung bakit nagawa niya ang mga bagay na iyon.
"Wag kang mag-alala kay Airen, nakausap ko na si Doktor Khaynev tungkol dito at may kilala siyang doktor na makakatulong sa kanya." Paliwanag niya.
Mas lalo namang naiyak si Aina dahil sa tuwa. Naparusahan na ang mga taong dahilan ng paghihirap ng kakambal niya at magagamot na rin ang kanyang kapatid. Ang problema na lamang niya kung mapapatawad pa ba siya ng mga pinsan niya at mga kapatid. Lalong-lalo na si Aiden na hindi na siya pinapansin matapos malamang may kinalaman nga siya sa brake issue.
***
Hindi na lumabas si Aiden sa kwarto niya matapos malaman ang ginawa ni Aina. Nahihiya siya na nagiguilty sa mga kasalanang nagawa niya kay Aina at nahihiya din siya kay Airah dahil sa mga salitang sinabi niya rito.
Pakiramdam niya wala na siyang mukha pang ihaharap sa kanila. Kaya nagtatago siya.
"Aiden, lumabas ka muna." Tawag ng kanyang ina mula sa labas.
Hindi siya umimik. Magmula noong makabalik siya sa tahanan nila hindi na siya kumibo at nagtatago na lamang sa kanyang kwarto.
"Aiden." Napatigil siya sa kakaisip nang marinig ang tawag. Dahan-dahan siyang lumingon at napatda nang makita ang malungkot na mga mata ni Aina.
"Paano ka nakapasok sa kwarto ko?"
Nakita niyang may bitbit itong tray na may lamang pagkain.
"Narinig kong hindi ka pa raw kumakain."
Hindi sumagot si Aiden at humarap ito sa pader.
"Alam kong galit ka sa akin. Nandito ako para manghingi ng tawad dahil sa nagtanim ako ng galit dati at nagbabalak maghiganti sa inyong lahat. Pero totoo ang ipinapakita ko. Ang saya kapag kasama ko kayo at lungkot kapag nasasaktan tayo pareho."
Hindi parin umimik si Aiden.
"Humihingi ako ng tawad sa inyo. Patawarin mo ako. Aalis na nga pala ako at di na kayo guguluhin pang muli. Paalam." Sabi niya at naglakad na ulit paalis.
Ilang minuto ang nakalipas saka pa kumibo si Aiden at mabilis na lumabas ng kanyang kwarto.
"Sandali!" Tawag niya kay Aina na pasakay na ng kotse.
Napalingon naman ang dalaga at nakitang tumatakbo papunta sa gawi niya si Aiden.
"Aina." Tawag nito.
"Sorry." Sambit ni Aiden.
"Hindi kita pinapansin dahil nahihiya ako. Nahihiya ako sa bawat panahong tinatalikuran kita maging si Airen."
"Iniisip kong may kasalanan din ako sa nangyari sa kanya. Ay kung sana'y naging matapang lang sana ako e di sana siya mapahamak. Hindi ka sana mahihirapan ng ganito. Kasalanan ko ang lahat. Patawarin mo ako Aina." Naluluhang sambit nito.
"Hindi ka galit sa akin? Akala ko hindi mo ako kayang harapin dahil galit ka sa akin?"
"Hindi ako galit sayo kundi galit ako sa sarili ko. Naisip kong mabuti pa ang ibang tao handa pang ibuwos ang buhay para lang mailigtas si Airen pero ako na kaibigan at kadugo niya walang ginawa kundi ang kunwari hindi siya nakita at kilala. Kahit nakikita kong nasasaktan at nahihirapan kayo, wala man lang akong ginawa. Patawarin mo ako Aina. Patawarin niyo ako sa kaduwagan ko."
Napangiti naman si Aina na mas lalo pang napaiyak. Akala kasi niya hindi siya mapapatawad ni Aiden.
Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Wala kang kasalanan. Kasalanan ko naman kung bakit di ako lumaban e. Saka wala ka namang magawa at wala kang laban sa kanila. Ang mahalaga ngayon nagbabayad na silang may mga kasalanan at napatawad mo na rin ako. Salamat Aiden. Salamat."
"Salamat din at napatawad mo rin ako."
Napangiti naman si Nathalia makitang okay na rin sa wakas ang anak niya.
"Ang panget pala talaga ni kuya kapag umiiyak. Hinding-hindi talaga ako iiyak." Pangako naman ni Denmark sa sarili. Ang nakababatang kapatid ni Aiden.
"Tumigil ka nga diyan. Baka marinig ka na naman ng kuya mo at mag-away na naman kayo." Sabi ng ina at sinamaan ng tingin ang ten years old na si Denmark.
***
Sinamahan ni Aiden si Aina sa pagpunta sa airport.
Napatigil ang dalawa makitang naghihintay sina Airah kasama sina Raven, Aikoh, Alvira, Throne, at Aikah.
"Ate Airah, nandito din pala kayo." Nahihiya ngunit natutuwang sambit ni Aina.
Nagsorry na siya sa kanila ngunit cold attitude ang ipinapakita ng mga ito sa kanya kaya naman naisip niyang maghintay na lamang na mapatawad siya at naisip na magpakalayo-layo na muna alang-alang na rin sa panggagamot ng kapatid niya.
Sinabi ng doktor na kailangan nilang ilayo si Airen sa lugar na magpapaalala sa mapait nitong karanasan kaya ilalayo din nila sa lugar na ito si Airen.
"Sorry na." Sambit ni Alvira at sa ibang direksyon iniharap ang mukha.
Isang malaking improvement na itong siya mismo ang nagsosorry. Magdamag din niyang pinag-isipan ang ginawa ni Aina. Naisip niyang isa din naman siya sa masisisi sa nangyari kay Airen kaya naman pinili nalang niyang magsorry.
Naramdaman kasi niya na mas masaya kung wala siyang nararamdamang galit at inggit saka hindi niya alam pero natutuwa siya na kahit papano nakalaya na rin si Aikoh.
At nang mapasama na siya sa grupo nina Airah hindi na niya kailangang pang mag-pretend na hindi nasasaktan at kunwari malakas at matapang. Sa harap ng mga pinsan niyang ito, pakiramdam niya nagkaroon na siya ng kalayaan na wala siya dati. Pero syempre hindi naman agad nawawala ang pagiging arogante niya.
Nahiya siya makitang natatawa sina Airah sa taray-tarayan style na ipinapakita niya kay Aina.
"Salamat Ate Alvira. Akala ko talaga hindi niyo na ako mapapatawad."
Namilog ang mga mata ni Alvira nang bigla siyang yakapin ni Aina. Sa unang pagkakataon na niyakap siya ng isang tao. Kaya medyo naiilang siya at di alam kung ano ang gagawin niya.
Tiningnan niya ang mga kapatid at pinsan ngunit yumakap din sina Aikah at Airah sumunod naman si Aiden.
"Ang o-OA niyo talaga." Asik ni Raven ngunit ilang sandali pa'y yumakap na rin.
Sumunod naman si Throne at si Aikoh na nakaupo sa wheelchair napabuntong-hininga.
"Sige lang. Wag niyo na akong pansinin." Sambit nito na may nagtatampo ang tono.
Nagkatinginan naman ang magpipinsan tapos nagtawanan lalo na nang makitang nakasimangot si Aikoh.
Ilang sandali pa'y "hey wait! Naiipit na ako." Sigaw nito nang dambahin siya ng yakap ng pito.
"Kakainggit naman sila mama. Bakit kasi hindi ako naging isang Lionheart? E di sana'y may mga magaganda at mga sexy din akong mga kapatid." Sambit ni Denmark na nanonood sa walong kabataan.
"Kala mo ba madali ang magiging isang Lionheart? Mabuti na nga ngayon dahil nagkakasundo na sila." Sambit ni Nathalia at napabuntong-hininga.
Aware siya sa dinanas ni Aiden at kung paano ito nahihirapang makisama at makibagay sa iba pang mga apo ng Don. At nadadamay pa ang pamilya niya lalo na si Denmark na siyang palaging ginagamit ng iba para mai-blackmail si Aiden.
Kapag may nagalit kay Aiden sa Lionheart Academy ang nakababatang kapatid nito ang mapagbubuntunan ng galit. Kaya napapadalas ang pag-uwi ni Denmark na bugbog dahil hinaharang siya ng mga highschool students sa daan.
Wala ring mapasukang trabaho si Nathalia magmula noong matuklasang isa siya sa naging babae ni Arthur. Alam niyang kagagawan ito ni Nova at gustong-gusto nitong maghirap sila ng husto.
Nagpasalamat nalang siya dahil hindi sa kompanya o sa gobyerno nagtatrabaho ang kanyang asawa dahil isa itong sundalo at isa sa mga captain na pinagkakatiwalaan ni General Han. Kundi pa baka nawalan na rin ito ng trabaho sa ngayon at mahihirapan silang itaguyod ang buong pamilya.
Naalala ni Nathalia ang gabi kung saan naka-one night stand niya si Arthur. Isa siyang baguhang starlet at di pa gaanong sikat. At kung kailan magdedebut siya nahulog naman siya sa masamang plano ng iba. May naglagay ng drugs sa kanyang inumin at dinala sa silid ng kung sino. Sa loob ng silid ay ang lasing na lasing na lalaki habang binabanggit ang pangalan ng isang babae.
Napahawak si Nathalia sa kanyang mukha. Sumikat lang naman siya noon dahil nagviral ang picture niya na look alike umano ng isang sikat na fashion designer sa Amerika.
Ka-look-alike nga kasi niya ang heiress ng Lionheart Empire na naging kontrobersiyal sa mga panahong iyon dahil sa mga isyu nito. At napagkamalan siya ng nasa kwarto na ibang tao kaya nabuo ng di sinasadya ang isang Aiden Lionheart.
Nang mabuntis siya, iniwan siya ng kanyang boyfriend at itinakwil ng kanyang pamilya. At nasira ang career niya. Hanggang sa makilala niya ang kanyang asawa ngayon at siyang tumulong sa kanya para mabigyan ng kumpletong pamilya si Aiden.
"Ma, nagsabi lang ako ng magaganda at sexy humawak na agad kayo sa mukha niyo? Wag kayong mag-alala ma, mas maganda parin sila."
"Aba, kutusan kitang bata ka."
Mabilis namang lumayo si Denmark na natatawa makitang nakataas ang kamao ng ina.
Naiiyak naman si Dahlia makitang magkayakap ang mga apo ng Don.
"Kung maaga bang dumating si Airah, magiging ganito ka kaya Airen?" Sambit ni Dahlia habang nakatingin sa natutulog na anak na nakaupo sa wheelchair. Pinainom kasi nila ito ng pampatulog para hindi magwawala sa biyahe. Nag-alala kasi siya na baka may masaktan ito.
Alam na ni Dahlia ang dahilan kung bakit nagiging ganito ang anak niya. At kung ano ang mga nagaganap sa mansion ng Don.
Nahihiya siya sa mga nasabi niya kay Airah noong una nilang pagkikita ngunit natutuwa siya dahil kahit gano'n pa ang ginawa ni Aina hindi niya ito sinisisi.
"Mama, okay na po." Sambit ni Aina nang makalapit sa gawi nina Dahlia.
"Sige, umalis na tayo." Sagot ng ina at tumalikod na.
Pinagmasdan nina Airah ang paglisan ni Aina habang napapaiyak naman si Aiden.
"Bunso, ang panget mo kung umiyak." Puna ni Airah.
"Oo nga. Ang panget mo kaya." Panlalalait din ni Alvira.
Napanguso naman si Aiden.
"Ang sama niyo." Kinuha ang kuwelyo ni Raven and blow his nose.
"Waaaah!" Pangngawa naman ni Raven at akmang batukan si Aiden. Mabilis namang tumakbo si Aiden para di mabatukan.
"Aiden, bumalik ka dito." Sigaw niya.
"Hahahaha!"
Nagsitawanan lamang ang mga pinsan niya lalo na nang mauntog si Aiden sa isang karatula.
Sa di kalayuan naman ay ang nakahood na babae na malungkot na nakatingin sa mga kapatid at pinsan. Nahihiya siyang lumapit dahil di rin niya alam kung paano sila kausapin.
Magmula noong makulong ang kanyang ina wala na siyang ibang nilalapitan maliban sa kuya niya. Hindi dahil sa galit siya kundi nahihiya siya. Higit sa lahat, natatakot na siyang magtiwalang muli.
Tatalikod na sana siya nang marinig ang tawag.
"Ava." Napatigil siya sa paglalakad. Habang binubundol ng kaba ang kanyang dibdib.
Hindi niya alam kung haharap ba siya o tatakbo na lamang at kunwari walang narinig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top