TBH 60: Hindi anak


Nasa korte na sina Aikoh at kasama niya ngayon sina Throne, Raven at Aiden. Kaharap na ni Aikoh ang mga Judge at ang prosecutor at attorney na siyang nakahawak sa kanyang kaso.

"Pasensya na Aikoh. Ginawa na namin ang lahat pero wala na kaming magagawa pa." Sabi ni Throne sa kanya.

Huminga naman ng malalim si Aikoh. At sinabing "ayos lang. Pinaghandaan ko na ang mga bagay na ito." Sagot nito at napayuko.

Napapikit na lamang si Aikoh, nang magbaba na ng hukom ang Punong Judge.

"Dahil sa matibay na ebidensya ang defendant na si Aikoh Lionheart ay guilty sa salang pagpatay. Kaya napagpasyahan ng hukumang ito, na si Aikoh Lionheart ay mapaparusahan ng sampong taong pagkakakulong." Ibaba na sana ng judge ang maso nang may sumigaw.

"Sandali lang po."

Napalingon ang lahat sa isang dalagang hinihingal ngayon at nakahawak pa sa magkabilang tuhod.

"Aina, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Throne.

Napatingin si Juno kay Aina saka naalala ang sinabi ni Airah.

"Wala talagang kasalanan si Aikoh. At papatunayan ko 'yon." Sabi ng dalaga bago ang paglilitis na ito.

"Anong ginagawa mo dito Miss Aina?" Tanong ni Juno.

May ibinigay itong kwintas kay Juno at mga larawan nina Jino at Airen.

"Aksidenteng napatay ng kapatid ko si Jino. Inaapi ang kapatid ko ng mga bully at si Jino lang ang lumapit para protektahan siya ngunit di sinasadyang mapatay niya ito na ang target sana niya ay ang mga nang-api sa kanilang dalawa. Dahil sa nangyari, natrauma ang kapatid ko at hanggang ngayon nasa mental hospital parin siya."

Natigilan ang lahat sa narinig. Si Aikoh naman napatulala habang nakatingin kay Aina.

"Patawad kuya. Ang totoo, galit ako sa inyo. Galit ako sa inyong lahat. Kung sana'y ipinagtanggol niyo ang kapatid ko hindi sana siya magkakaganon. Kinasusuklaman ko kayong lahat." Sambit niya na may luha sa mga mata.

Ang totoo, lumaki si Aina sa probinsya kapiling ang kanyang lolo at lola. Si Airen naman kasama niya si Dahlia sa syudad. At ang natagpuan nina Don Art ay si Airen at siyang dinala sa Lionheart mansion.

Sumama lang ito sa kondisyon na maipapagamot ang kanyang ina na may karamdaman at hindi ipinaalam na may kapatid pa siyang iba. Hindi lang basta kapatid kundi isang identical twins na halos magkapareho sila sa lahat ng bagay. Mula mukha, paborito at pag-uugali.

Umuwi si Airen na wala sa sarili dahil sa nangyari. Nang malaman ni Aina ang nangyari sa kapatid, agad siyang nakipagpalit dito. Nasabi ni Airen sa kanya ang lahat bago pa man ito tuluyang nabaliw.

Naisip ni Aina na makipagpalit sa kapatid at natuklasan din niyang pangalan din niya ang gamit ni Airen. Ang nakarehistro na legal na anak ni Dahlia ay si Aina samantalang si Airen ang nakarehistro bilang anak ng maternal grandparents nila.

Nakipagpalit si Aina upang magantihan ang mga Lionheart Lalong-lalo na ang mga apo ni Don Art. Sinisisi din niya ang Don dahil sa kapabayaan nito. Dahil kung di nila kinuha si Airen hindi sana ito maghihirap sa Lionheart Academy at di sana magugulo ang buhay nito.

Galit din siya sa mga anak ng Don dahil sinasabi nilang gusto nilang makabawi ngunit di man lang nila kayang protektahan ang mga anak na kinuha nila at inilagay sa Lionheart mansion. Higit sa lahat, kinamumuhian niya ang mga apo ng Don dahil kunwari mababait sila ngunit hinahayaan nilang masaktan ang mga kadugo nila at mahirapan.

Pinabayaan nilang lahat si Airen. Ay di sana ito mababaliw kung may isa man lang sa parte ng Don ang nagtanggol sa kanya. Alam niyang sa Lionheart Academy, batas parin ang Don pero wala silang ginawa na ikinagalit ni Aina.

Bakit siya pumayag na magpapaapi? Iyon ay kailangan niyang magpasensya bago isagawa ang kanyang plano. Magtitiis siya hanggang sa darating ang tamang oras para makapaghiganti. Hanggang sa dumating si Airah. Nagbago ang lahat. Unti-unti na ring lumitaw ang tunay na mga ugali ng mga Lionheart dahil sa pressure na binibigay ni Airah sa kanila.

Ang hinahangad niyang paghihiganti ay unti-unti ng natutupad ngunit hindi sa pamamagitan niya kundi sa pamamagitan ni Airah. Gusto niyang magalit si Airah kay Aikah kaya sinira niya ang brake ng motorbike nito. Hindi naman talaga siya kay Aikah galit ngunit galit na galit siya kay Nova.

Dahil ang halos lahat ng pagpapahirap na dinanas nilang magkakapatid at magpipinsan sa Lionheart Academy ay dahil sa utos ni Nova. Siya ang nag-utos sa mga bully para pahirapan ang mga Lionheart siblings na di niya kadugo. At si Avey naman ang nag-utos na pahirapan ang mga anak ni Nova.

Sina Aina at Aiden ang walang malakas na backer kaya sila ang palaging naaagrabiyado. Kaya sa kanilang lahat kay Aiden lang siya medyo malapit kahit na alam niyang katulad din si Aiden sa iba na sarili lamang ang inuuna at iniisip.

Napaatras naman si Aiden. Hindi niya inaakala na ang palangiti at palakaibigan nilang kapatid ay may itinatago palang matinding galit at kinamumuhian silang nginingitian niya.

Sa kabila ng pure and innocent nitong mga ngiti nakatago ang matinding pagkamuhi na handang ipahamak ang pinakamalapit sa kanya maipabagsak lang ang kinamumuhian niya.

Naalala ni Aiden ang mga salitang sinabi niya kay Airah.

Si Aikoh naman nagulat dahil sa pagtatapat ni Aina. At mas nagulat siya dahil hindi pala si Aina ang nakapatay kay Jino kundi ang kakambal nito.

Hindi niya isinumbong si Aina dahil nagiguilty siya. Sinisisi kasi niya ang kanyang sarili dahil may kinalaman ang kanyang ina sa mga pang-aaping nararanasan nina Aina sa Academy. Dahil sa alam ng kanyang ina na ayaw niya sa mga bagong apo ng Don kaya naman gumagawa ang kanyang ina ng paraan para ang mga apo ng Don na mismo ang aalis sa Lionheart Academy.

Mula bata ipinasok na sa isipan niya na ang lahat ng mga maninirahan sa mansion ay mga golddigger at pera lang ng Don ang mga habol nila. Napatunayan na ito ni Aikoh mula sa kanyang ina hanggang sa asawa ni Arthron at sa mga anak nito. Kaya nang dumating din sina Airen, Aiden at Airah, iiniisip niyang pera lang din ang habol nila sa Don. Kaya naman gustong-gusto niyang magsilayas na sila at para mangyari yon, ipaparamdam niya sa kanila na hindi sila welcome sa mansion at lalong-lalo na sa Lionheart Academy.

Ngunit isang araw natuklasan niya ang katotohanan. Katotohanan na siyang bumago sa kanya. Natuklasan niya kung gaano kasama ang kanyang ina at kung ilang buhay na ang sinira nito para lamang maging isang madam ng mga Lionheart.

Hindi ang mga apo ng Don ang golddigger kundi ang kanyang ina mismo at sila na nakitira lang sa mansion. Nakitira sa bahay na pinagmamay-ari ng iba.

Ang pagsakay niya sa motorbike ni Airah ay para sana maprotektahan ang mga pinsan at kapatid na siyang susunod na mabibiktima kaya lang siya ang nalagay sa alanganin. Gusto niyang makabawi sa mga kasalanang nagawa niya nang sa ganoon hindi na siya guguluhin ng kanyang konsensya lalo na sa nangyari lay Jino at kay Airen.

At pagkatapos pagbayaran ng isang Aikoh Lionheart ang mga kasalanan, gusto niyang magkaroon ng bagong katauhan sa kanyang pagbabagong buhay. At di niya inaasahan na darating si Aina at ipagtatanggol siya.

Saka niya naalala ang pagpasok nito sa hospital room noon at humingi ng tawad sa kanya. Kasama si Aina sa mga taong dumalaw sa kanya at nanghingi ng tawad. Inaakala nilang tulog siya ngunit magtulog-tulugan lang talaga siya sa bawat panahong kinakausap siya ng mga ito.

At sa pagpapanggap niyang comatose ng ilang araw, natuklasan niya ang mga tinatago ng mga kapatid at pinsan sa kanya. Kung may galit ba sila o may mga kasalanan.

Napalingon si Aikoh sa isang sulok kung nasaan ang nakadesguise na si Airah na parang isang matured na lawyer ngayon sa attire niya.

Naalala niya ang ipinadala nitong lunchbox na may nakalagay na 7. Seven na ibig sabihin itutuloy nila ang plano pagdating ng seven days.

Ngunit ngayong nababago na ang hatol hindi na nila maitutuloy ang plano.

Nailinaw na rin ang lahat at napatunayang si Airen nga ang nakapatay kay Jino. Kaya nakalaya si Aikoh, samantalang nahanap naman ang mga taong isa sa dahilan kung bakit nangyari ang nasabing krimen. Ngunit ang lahat sa kanila ay napag-utusan lang at ang itinuturo nila ay si Nova.

"Inaamin ko na pinatay ko si Donya Ayala dahil nalaman niyang pinapapatay ko si Aida. At saksi din siya sa pagdukot ko sa anak ni Aida."

"Higit sa lahat, hindi ako legal na asawa ni Arthur at si Aida talaga ang legal niyang asawa. At si Airah ang legitimate granddaughter ni Don Art at siyang tunay na may dugong  Lionheart." Ito ang mga pagtatapat na ibinigay niya sa media ng bigyan siya ng exclusive interview.

Nahatulan ng habang buhay na pagkakulong si Nova dahil sa mga kasalanang nagawa niya. Binigyan naman ng limang taong pagkakulong si Avey dahil di naman kasingbigat ang kanyang mga kasalanan sa mga nagawang kasalanan ni Nova.

Tinanggap ni Nova ang parusang iginawad sa kanya at napahinga na rin siya ng maluwag matapos malamang nakalaya na rin ang anak.

"Makakalabas din ako dito. Tutulungan ako ni Aikoh." Masaya niyang sambit.

"Hindi ko na gigipitin pa ang anak mo ngunit aaminin mo sa lahat ang mga kasalanang nagawa mo." Ito ang kondisyon na ibinigay sa kanya ni Aida noong huli nilang mag-usap.

Isang warden ang lumapit sa kanya at may ibinigay na sulat sa kanya kasama ang isang envelope.

"Salamat sa pagliligtas sa aking anak at paglilinis sa kanyang reputasyon. Salamat na rin sa pag-aalaga at pagmamahal na ibinigay mo sa kanya."

Nanginig ang mga kamay niya sa nabasa.

Kasama sa sulat ay ang DNA test results at mga larawan ng mga bata. At isang video ng pagpapalit sa mga anak nila ni Aida sa isang hospital.

Ang batang lumaki sa kanya ay ang anak ng babaeng kinasusuklaman niya at ang batang pinapapatay niya at ipinadala na lamang sa malayo ay ang tunay niyang anak.

Nagsakripisyo siya sa isang batang hindi naman kanya?

"Hindi. Hindi totoo ito." Pinagpupunit niya ang mga papel at napasigaw na lamang.

"Ang anak ko. Paano na ang anak ko?" Napahawak na lamang siya sa ulo at napaupo sa gilid.

"Tingnan niyo, nababaliw na naman siya."

"Palage naman e. Hindi ka pa nasanay."

"Wag niyo siyang lapitan. Mamaya mahawa pa kayo."

Ito naman ang usapan ng mga kasama niya sa selda na palaging saksi sa mood swing niya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top