TBH 6: family bonding

Pinilit ng Don na mag-family bonding ang magkakapatid kasama sina Arthur at Arthron. Magpi-piknik sila sa isang falls na kasama sa mga personal properties ng Don kaya lang malayo ito sa syudad.

"Ang sakit na ng paa ko." Reklamo ni Alvira. Nag-mountain climbing kasi sila ngayon at may mga dala pang mga backpack. Ayaw ng Don na sa iba nila ipapadala ang mga gamit nila kapag mamamasyal sila sa lugar na ito.

"Makaakyat na nga kasi ng bundok nagha-high heeled boots pa. Sino bang pinapa-impress-san mo? Yung mga unggoy?" Sagot ni Ava at inikot ang mata. Walang oras na di napupuna ni Ava ang anumang gagawin ni Alvira ganon din naman si Alvira sa kanya.

"Inggit ka lang sa fashion ko kasi manang kang manamit." Sagot din ni Alvira at tiningnan ang simpleng jeans na suot ng half-sis.

"Fashion na wala sa lugar. Tapos aarte-arte pa. Kahit nasa bundok na nga kala mo kung sino paring prinsesa." Sagot ni Ava na ikinainis lalo ni Alvira. Kaso wala na itong lakas na sumagot dahil hingal na hingal na siya.

"Wow! Tingnan niyo. Ang ganda sa baba." Excited na sambit ni Aina makita ang magandang view sa ibaba ng kanilang kinatatayuan.

"Alin ba ang maganda diyan? Palibhasa tagabundok." Sagot naman ni Ava kaya itinikom na lamang ni Aina ang bibig.

"Kung hindi ka marunong mag-appreciate ang halaga sa anumang mga bagay sa paligid mo hindi mo makikita ang kagandahan nito." Sagot ni Arthur nang marinig ang sinabi ni Ava.

Nilalayuan naman ni Airah si Aikah dahil may pagkalampa kasi ito. Palage nalang natitisod kahit maayos naman ang dinadaanan nila. Minsan kasi pati siya nasasagi na nito. Pakiramdam niya kapag malapit siya kay Aikah malapit din siya sa disgrasya. Baka mamaya malalaglag pa siya sa bangil dahil lang sa kalampahan ng mahinhin niyang half-sister na ito.

Inalalayan na lamang ng mga bodyguards si Aikah at binabantayang mabuti sa pag-alalang mapahamak ito. May anim na mga bodyguards kasi silang mga kasama.

Pababa sila ngayon sa isang malaking bato. Kailangan nilang makatawid sa malaking bato na ito para makarating sa may falls. Madulas ito at kung magkakamali ka ng hakbang tubig ka na pupulutin.

Dahan-dahan silang bumaba. Kung sila takot madulas si Aina at Airah naman nagpadulas at mukhang nai-enjoy pa ng dalawa ang paligid. Mabilis silang nakatawid. Habang naghihirap naman sa pagtawid si Alvira dahil sa mataas na takong ng boots niya. Kahit inalalayan na siya sa dalawang bodyguards nadulas parin siya. Mabuti na lang at nasalo din agad siya bago pa man bumagsak ang pang-upo niya sa maputik na lupa.

Ingat na ingat naman sila kay Aikah dahil ito naman ang pinakalampa sa lahat.

"Ate Airah, picture-ran mo ako." Agad namang kinunan si Aina ng larawan.

May nakitang bagin si Airah. Inabot niya ito at hinila hila. Mapansing matibay ay ginamit niya ito para makababa sa falls.

"Mag-iingat ka." Halos malaglag ang puso nila sa gulat makitang dinuyan ng bagin si Airah na parang si Tarzan.

"Woah ang cool." Sambit ni Aina.

"Tsk! Pa-impress." Inikot naman ni Alvira ang mata.

"Halatang mana kay Tarzan." Sabi din ni Raven.

"Taong gubat." Sabi naman ni Aikoh.

"Aikoh." Tawag ni Arthur at binigyan ng warning sa pamamagitan ng tingin si Aikoh.

Umirap lang si Aikoh at nagpatuloy na sa paglakad. Nagkibit-balikat naman si Raven makitang sinamaan din siya ng tingin ni Arthron.

"Ate Airah. Ba't ka nang-iwan?" Sambit ni Aina at napanguso.

Tumigil sila sa isang malinis na buhangin at dito naglatag ng carpet at nag-assemble ng tent.

"Ligo na tayo." Excited na sabi ni Aiden. At hinubad ang t-shirt na suot.

"Sige. Sige." Excited na sambit ni Aina at hinalungkat agad ang kanyang swimsuit.

"Teka. Nasaan si Airah?" Tanong ni Aina. Yayain kasi sana niya ito na maliligo na sila.

Hinanap ng paningin nila si Airah at nakitang nakaupo na ito sa malaking bato malapit sa waterfall. Sinasalo ng isang palad nito ang patak ng tubig mula sa itaas na bahagi ng waterfall.

Tinapik-tapik ni Arthron ang balikat ni Arthur makitang lumipad ang isip nito sa kung saan.

"So much alike." Sambit ni Arthur.

"At kamukha din niya ang lola niya." Sagot din ni Arthron.

Si Raven naman kinukuhanan ng mga larawan ang mga kapatid at pinsan. Natigilan siya ng kuhanan ng larawan si Airah. Sakto kasing napagawi ang tingin nito sa kanya.

Hindi niya maiwasang matulala sa ganda ng pinsan at sa kakaibang charisma nito. Lumingon lang naman ito pero para na itong anghel na nakaupo sa malaking bato. Para na rin itong model sa waterfall.

Agad siyang nag-iwas ng tingin at kumuha ng larawan sa ibang direksyon. Saktong nakuha niya ang larawan ni Aiko na nakasimangot.

"Ano ba yan. Yung isa kung makatingin parang nagsusumamo pero kapag tinitigan ng mabuti parang may madilim na nakaraan." Sambit ni Raven. "Yung isa naman palaging nakasimangot. Pinaglihi ba ng ampalaya ang mga to?"

Kinuhanan niya ng picture si Alvira na kahit wala namang mainit na araw nag-aapply parin ng sunblock. Si Ava kahit wala sa beach nagsa-sunbath. Si Throne inihanda ang mga barbecue.

Gamit ang isang vines, umakyat si Airah sa tuktok ng falls. Gumaya naman sina Aina at Aiden na halos ikalaglag ng mga puso ng mga bodyguards.

"Yoooohooo!" Waaaah!" Sigaw ni Airah. Umecho naman ang boses niya.

"Ang ganda!" Umecho ulit ang boses.

"Sandali. Abutin mo ako." Sabi ni Aiden na nahihirapang umakyat. Inabot naman ni Airah ang kamay niya at hinila paakyat sa tuktok ng bato. Tinulungan narin nila si Aina.

"Ang hangin dito." Masiglang sambit ni Aina.

"Waaah!" Sigaw ni Aiden habang nakalagay ang dalawang palad malapit sa bunganga.

"Ang panget ni Aina!" Sigaw niyang muli.

"Mas panget si Aiden!" Ganti naman ni Aina.

"Kuya Raven. Maganda ang view dito. Akyat ka dali." Tawag ni Aina na siyang pinakafeeling close sa kanila.

"Ayoko nga." Sagot nito na naglalaro na ngayon sa cellphone niya.

"Sabihin mo nalang kasi na di ka marunong umakyat." Hamon naman ni Aiden.

"Anong hindi? Sisiw lang yan." Ibinulsa ang cellphone at hinawakan ang isang malaking vines kaso madulas ito. Saka madulas din yung bato.

Nakita niyang gumalaw ang isang malaking vines kaya hinawakan niya ito. Nahuli niya ang paa ni Airah na siyang gumalaw sa vines kanina. Sa palagay niya matibay ang vines na ito kaya naman nagsimula na rin siyang umakyat. Kaso nahihirapan siya. Yumuko naman sina Aiden at Aina upang tulungan siya. Ayaw sana niya kaso makita ang apat na metrong layo niya sa bato kung saan siya nakaapak kanina, bigla siyang pinagpapawisan.

Kung malalaglag siya tiyak na ikakamatay agad niya. Inabot na lamang ang kamay ng dalawa at hinila siya ng mga ito para makaakyat.

Nakatayo na sila ngayon sa tuktok ng malaking bato.

"AAAAHHH!" Sigaw ni Aina at bumalik naman ang boses niya.

"AINA GANDA!" Sigaw niyang muli.

"Raven gwapo!" Nakisali na rin si Raven.

"Mas gwapo ako." Sagot ni Aiden.

Ilang sandali pa'y isinigaw nila ang lahat ng mga nararamdaman nila.

"Kinasusuklaman ko ang mga Lionheart." Ubod lakas na sigaw ni Airah na ikinatahimik nila. Umalingawngaw din ang boses nito sa apat na sulok ng kinaroroonan nila.

"Ayokong maging Lionheart." Pagpapatuloy pa niya. Ayaw niyang magiging isang Lionheart ngunit isa siyang Lionheart. Ayaw niya sa kanyang ama at sa sino mang kabilang sa mga Lionheart ngunit hindi ibig sabihin nito na ayaw niya sa lolo niya. Nagagalit siya sa lolo niya ngunit hindi ibig sabihin nito na kinasusuklaman niya ito katulad ng iba. Ngunit sa totoo lang naguguluhan siya sa nararamdaman niya kahit sa puso niya. Ni di niya alam kung ano nga ba talaga ang gusto niya?

"Ayokong mapahamak si mama." Sigaw naman ni Aina. "Gusto ko ng kapatid na totoo."

"Gusto ko ng kotse." Ito naman ang isinigaw ni Aiden.

"Gusto ko ng kumain." Sigaw din ni Raven na nakaramdam na ng gutom maamoy ang binabarbeque ni Throne.

"Gusto kong maging masaya!" Sigaw din ni Ava na nakisali na. Ngunit nasa ibaba siya ng kinaroroonan nina Airah.

"Wag ka ngang gumaya diyan. Di ka kasali sa amin." Sabi ni Aiden.

"E sa gusto kong makisali." Sagot ni Ava at sumigaw na naman.

"GUSTO KONG MAKAPAG-ASAWA NG ARTISTA!" Sigaw niyang muli.

"Gusto ko si ate Airah." Si Aina na naman ang sumigaw.

"Gusto ko si Airah!" Sigaw din ni Raven kaya napatingin sa kanya ang mga pinsan.

"Eh?" Sambit ni Aina. Tapos sumigaw din ngunit ang kaharap ay si Raven na.

"Walang gayahan." Aina.

"Gusto kong sumigaw." Airah.

"Gusto kong sumayaw." Aiden.

"Gusto kong kumanta." Sigaw naman ni Aina.

"Ngunit hindi pwede." Mahina na niyang sabi.

Nagkatinginan tuloy silang magpipinsan.

"Walang hindi pwede basta pagsikapan mo. Walang makakapigil kung gusto mo. Gawin mo ang gusto mo kung iyon ang makakapagpasaya sayo. Wag ang dinidikta ng ibang tao." Sabi naman bigla ni Airah.

"Ikaw ang bumubuo sa kapalaran mo. Magtiwala ka lang sa sarili mo at wag nakadepende lage sa ibang tao." Dagdag pa nito.

Pagkasabi niya non ay tumalon siya sa bagin at dinuyan siya nito papunta sa gawi ni Throne.

Lahat sila ay may iba't-ibang ninanais kaya lang hindi nila nagagawa dahil sinusunod nila ang anumang arrangement ng mga magulang nila sa kanila. Wala silang karapatang humindi kung ayaw nilang talikuran ng pamilya.

Nagsibabaan na rin sina Aina kasama ang iba pa.

"Tapos na ba kayo sa kakasigaw diyan? Tulungan niyo kaya akong magluto dito?" Sabi ni Throne na nagkauling na sa mukha.

"Bayaan mo na ang mga yan. Mga baliw e." Sabi naman ni Alvira na nandidiring lumusong sa tubig. Ilalagay lang ang daliri sa tubig tapos ilalayo naman.

Napasigaw siya kasi tinulak siya ni Raven na ikinabagsak niya sa tubig.

"RAVEEEEN!" Ubod lakas niyang sigaw nang makaahon na sa tubig.

"Aarte-arte ka pa kasi." Sagot ni Raven na tawang-tawa makita ang galit na galit na mukha ng half-sister.

Dumating naman sina Arthur at Throne na naghanap saglit ng mga tuyong kahoy kanina para sa gagawin nilang bonfire.

Napasimangot si Ava dahil siya ang inutusang magsindi ng apoy e wala siyang alam sa bagay na yan. Kaso wala siyang magawa kundi sumunod. Takot kasing mapagalitan. Sa kanilang lahat si Aikoh lang naman ang hindi takot mapagalitan e.

Si Aikoh at Airah ang inutusang maghanda sa mga dala nilang mga pagkain at nilagay ang mga lunch boxes sa nakalatag na green carpet.

Tumulong na rin sina Aina at Aiden sa pagluluto ng barbecue.

Nagtutulungan sila para matapos agad ang mga gawain saka naligo sa tubig sa falls at nag-aasaran. Kung titingnan mo para silang masaya at payapang pamilya ngunit kapag nasa malapit ka at titigan mo sila sa mga mata, hindi sila masaya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top