TBH 59: Ikaw nga ba?


Naghintay si Aikah sa labas ng munting tahanan nina Aina. Hapon na nang makabalik ang mag-ina. Nagulat pa sina Aina at Dahlia makitang naghihintay sa labas ng kanilang bahay ang isang babaeng nakasumbrero, nakared scarf at nakasuot ng makapal na jacket.

"Ate Aikah?" Gulat na tanong ni Aina.

"Tuloy ka muna." Pumasok naman si Aikah at napansin niyang maliit lamang ang bahay na ito at mas malaki pa ang kwarto nila sa Lionheart mansion ang kabuuan ng bahay na ito.

Mapansing balisa si Aikah nagtanong na si Aina.

"May problema ba? Dahil ba kina tita?" Mahinang tanong ni Aina.

Napatitig si Aikah kay Aina. Hindi niya mababakasan ng guilt o hatred ang mga mata ng kapatid kundi concern na tingin ang ibinibigay nito.

"Mali ba si Ate Airah sa inaakala? Si Aina ba talaga ang may gawa? Paano kung nililito lang kami ni Airah? Paano kung balak lang niyang pag-awayin kaming magkakapatid?"

Lumabas naman mula sa kusina si Dahlia at inabutan siya ng juice. Agad namang uminom ng juice si Aikah at kahit papaano, kumalma naman kunti ang kanyang kumakabog na puso.

"Bakit ka nga pala nandito? Ano ang kailangan mo?" Tanong ni Dahlia. Hindi pa kailanman napadpad sa lugar na ito ang mga apo ng Don ngunit ngayong maraming crisis ang kinakaharap ng Lionheart Empire saka naman may dumalaw na isang Lionheart dito.

"Aina. Sasabihin mo man ang totoo o hindi gusto ko paring magtanong. May kinalaman ka ba sa pagkawala ng brake ng motorbike ni Ate Airah?" Mabilis na sabi ni Aikah sa pag-aalalang hindi makumpleto ang lahat ng ninais niyang itanong.

Nagbago ang ekspresyon ng mag-ina dahil sa tanong ni Aikah.

"Ano ba iyang pinagsasabi mo ate? Hindi ba't ikaw ang nagtanggal ng brake." Tanong ni Aina na may sakit na dumaan sa mga mata. Halatang nasaktan dahil sa sinabi ni Aikah.

Ibinagsak naman ni Dahlia ang kamay sa maliit na mesa na ikinaigtad ng dalawa.

"Bakit niyo ba pinagbibintangan ang anak ko ha? Kung mga halimaw kayo wag niyong idamay ang anak ko." Sigaw ni Dahlia na kulang nalang sugurin si Aikah.

Hinding-hindi niya matatanggap na sisiraan ng iba ang kanyang anak at paratangan sa kasalanang hindi naman nito ginawa.

"Ikaw ang nagtanggal ng brake bakit mo isinisisi sa anak ko ha? Lumabas ka na sa pamamahay na ito ngayon din."

"Ma, kalma lang. Huminahon ka." Naiiyak na sambit ni Aina.

Tatakbo na sana palabas si Aikah sa takot na susgurin ni Dahlia ngunit tumigil din pagtapat niya sa may pintuan.

"Hindi ako ang nagtanggal ng brake." Sagot ni Aikah.

"Hindi ikaw? Pero bakit sinasabi mong ako? Hindi ko kayang ipahamak si Ate Airah. Hindi ko kayang gawin yun." Sambit ni Aina at umiling-iling habang may mga luhang namumuo sa mga mata.

"Kung hindi ikaw? Ano naman ang ginagawa mo noong gabi bago madisgrasya si kuya Aikoh? At kung ikaw nga, ano naman ang dahilan mo?"

Makitang susugurin na siya ni Dahlia tumakbo na palayo si Aikah.

Napahawak naman si Dahlia sa dibdib at napasandal sa pader habang pinapakalma ang sarili dahil sa tindi ng galit.

Inalalayan naman agad ni Aina paupo sa maliit na sofa ang kanyang ina. Kukuha na sana siya ng tubig nang mahagip ang isang larawan sa mesa. Wala ito kanina at di rin nila nakitang may hawak na larawan si Aikah.

Hindi niya ito pinansin noong una ngunit nang ibigay na niya ang tubig sa ina nakita niya kung sino ang nasa picture na ikinabitaw niya sa baso.

"Aina, anong nangyayari sayo?" Gulat na tanong ni Dahlia makitang nanginginig ang mga kamay ng anak habang nakatingin sa larawan.

"Sinong naglagay ng larawang iyan?" Dinampot ni Dahlia ang litrato at nakitang larawan ito ng isang highschool student.

"Kilala mo ang lalaking ito?" Nagtatakang tanong ni Dahlia.

Hindi sumagot si Aina at nakatitig lang sa larawan.

Kukunin na sana ni Dahlia ang larawan pero mabilis na kinuha ni Aina at itinago sa likuran.

"Wala to ma. Kaklase lang. Sige, lilinisin ko lang ang nabasag na baso." Sambit nito at mabilis na umalis para kumuha ng dustpan at walis.

Mula sa araw na iyon, pansin ni Dahlia ang pagbabago ng anak. Madali na itong matakot, magulat at palaging nababalisa. Kapag tinatanong naman niya, sinasabi nitong ayos lang siya.

Isang araw, dumalaw si Airah sa tahanan nila at sa mga oras na ito si Dahlia lamang ang nasa bahay.

"Ano na naman ba ang kailangan niyo? Wala na sa mansion ang anak ko kaya pwede bang hayaan niyo naman kaming mabuhay ng tahimik?" Sigaw niya kay Airah.

Kung si Aikah natakot nang sigawan ni Dahlia si Airah naman cold na napatingin kay Dahlia.

"Wag mong sabihing inosente o hindi ang anak mo dahil wala ka naman palage sa tabi niya. Hindi mo siya kasama sa lahat ng oras kaya wag mong sabihing alam mo na ang lahat ng bagay na ginawa niya." Cold na sagot ni Airah.

Natigilan naman si Dahlia ngunit tumawa ng malakas.

"Tingnan mo nga naman. Ang palage niyang sinasabi na tagapagligtas niya at mabait na ate ay siya palang pinakaunang hindi naniniwala sa kanya." Sambit ni Dahlia.

"Wag kang mag-alala. Wala akong balak saktan siya. Ang sa alin lang ay ang malaman kung sino si Airen Dela Fuente." Sabay pakita sa isang larawan na kamukha ni Aina. Kuha ang larawang ito sa isang silid ng hospital.

"Bakit kinuhanan mo ng larawan ang anak ko?" Akmang kunin ang larawan ngunit inilayo ni Airah.

"So may anak ka pa ngang iba maliban kay Aina. Ngayon alam ko na kung bakit galit na galit si Aina sa mga Lionheart." Sambit ni Aina at tumalikod na.

"Siya pala. Pakisabi nalang kay Aina na namimiss na siya nina Raven st Aiden at kahit ano mang nagawa niya, nandito parin kami. Hindi kami galit sa kanya pero sana lang kung may problema man siya isipin din naman niya na may mga kapatid at pinsan parin siya." Sabi ni Airah at tuluyan ng umalis.

Nakatulala naman si Dahlia habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan na sinakyan ni Airah.

Magmula noong makita nila ang larawan ng isang lalaki, palage na lamang balisa si Aina at palaging binabangungot kapag nakakatulog.

Nagdududa na siya sa anak pero ayaw niyang ma-misunderstood siya nito kaya hindi niya tinatanong kung totoo ba ang ipinaratang sa anak niya.

Nang makauwi na si Aina ay kinausap niya ito ng masinsinan. May tiwala siya sa anak pero kung hindi ito nagsasabi sa kanya paano niya malalaman ang kalagayan nito at kung ano ang tunay na dinaranas nito?

Natauhan siya sa sinabi ni Airah. Hindi niya palaging kasama ang anak kaya anong alam niya sa tunay na nangyayari sa buhay nito at kung may nagawa nga ba siyang kasalanan o wala at kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon?

***

Dinalaw naman ng isang magandang babae si Nova. Nagulat pa ito nang makita kung sino ang dumalaw sa kanya. Inaakala kasi niya na si Aikah na naman ngunit isang magandang babae.

"Ikaw?" Gulat niyang sambit.

Isang matamis na ngiti naman ang binigay sa kanya.

"Kumusta ka na, Nova?" Tanong ng babae na may smirked sa labi.

Parang naulit lang ang dati ngunit sa halip na siya ang nasa nakasuot ng magandang damit ang kaharap niya ang may magarang kasuotan samantalang siya nakasuot ng orange na uniporme nila sa bilangguan.

Mabilis siyang lumuhod sa tapat ng babae at nakiusap.

"Pakiusap, tulungan mo ang anak ko. Wala siyang kasalanan. Pakiusap. Nakikiusap ako." Pakiusap niya at nilunok na lahat ng pride niya.

Napataas ng kilay ang babae.

"Hindi ko alam na ang kapal pala ng mukha mo Nova. Sa lahat ng mga kasalanang ginawa mo sa akin, iniisip mo pang tutulungan kita? Anong tingin mo sa akin? T*nga?" Sagot ng babae na may nangungutyang tono.

"Matagal ko ng hinihintay ang araw na ito kaya bakit ko sasayangin ang pagkakataon? Mabubulok ka at ang anak mo sa bilangguan."

"Nandito lang ako upang ipaalam sayo na ito na ang simula ng tunay mong paghihirap. Pero wag kang mag-aalala. Hindi ikaw ang papahirapan ko kundi ang mga taong pinapahalagahan mo."

"Anong gagawin mo sa mga anak ko?" Nanlalaki ang mga matang sambit ni Nova.

"Sila ang magbabayad sa lahat ng mga kasalanang ginawa niyo sa anak ko Nova." Sambit ng babae at tumalikod na.

"Patawarin mo ako. Hindi ko pinatay ang anak mo. Buhay ang anak mo Aida. Buhay si Aeron." Sigaw niya. Bahagyang tumigil ang babae ngunit nagpatuloy rin sa paglalakad.

Napahagulhol na lamang si Nova. Bukas na ang final hearing sa korte tungkol sa kaso nila at sa kaso ni Aikoh. At sinabi ng lawyer ni Aikoh na wala na itong pag-asa pang makalaya na ikinadismaya ni Nova. Handa siyang makulong ng ilang taon huwag lang ang anak niya?

Hindi na makakalakad ang anak niya ng dahil sa kanya tapos ngayon, makukulong pa ito habangbuhay?

Napahagulhol na lamang siya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top