TBH 58: Siya nga ba talaga?

"Napadalaw ka?" Sambit ni Aikoh makita si Airah.

"Mas lumaki ang gulo. Hindi ko alam kung maipapanalo pa ba natin ang kaso." Sambit ni Airah at napabuntong-hininga na lamang.

"Narinig kong dumalaw ang kapatid mo dito pero di mo kinausap?"

"Ano naman ngayon?"

Napatitig na lamang si Airah kay Aikoh. Halata kasi rito na galit parin siya kay Aikah.

"Gaano mo ba kakilala ang kapatid mo?"

Natigilan naman si Aikoh. "Ano bang ibig mong sabihin? May gusto ka bang sabihin?"

"Nagtataka lang ako bakit galit na galit ka kay Aikah." Sagot ni Airah.

"Dahil nakapatay ako nang dahil sa kanya." Ikinuwento na rin niya kung bakit napatay niya ang kapatid ni Juno.

Mula bata, palage na lamang siya napapaaway dahil kay Aikah. Siya palage ang ang nagtatanggol dito kapag may nang-aapi sa batang Aikah. Dahil siya naman ang napapagalitan kapag may nagyayaring masama sa kapatid.

Nang maghayskul, nagiging kaibigan ni Aikah si Jino, ngunit alam ni Aikoh na pinagpustahan lang ng barkada ang kapatid niya. Dahil dito binalaan ni Aikoh si Jino ngunit sa bawat alitan nila, kahit si Jino naman talaga ang may kasalanan ito parin ang kinakampihan ng kapatid.

"Sinabi kong papatayin ko siya kapag may ginawa siyang masama kay Aikah. At hindi ko alam na pagkalipas ng isang araw namatay siya sa alley kung saan ko siya laging hinaharang kasama ang mga kaibigan ko."

"Ako ang nakita ng mga tao na dumaan sa lugar na iyon. Ang mas masakit sa halip na tanungin ako, at alamin ang totoo, ako ang sinisi ni Aikah sa pagkawala niya. Iniisip niyang pinatay ko nga si Jino gayong wala naman talaga akong ginawa sa kanya."

"Bakit ka naman napadpad sa lugar na iyon?"

Bahagyang nanahimik si Aikoh bago muling nagsalita. "Airah, maaari bang itigil mo na ang pag-iimbestiga?"

"So, magmula sa araw na iyon, hindi na nagiging maayos ang relasyon niyo ni Aikah? At magmula din sa araw na iyon hindi ka na nakikipagkaibigan sa mga apo ni Don Art tama ba ako?"

Hindi umimik si Aikoh.

"Naniniwala ka ba talagang si Aikah ang nagtanggal sa brake ng motorbike ko? Paano mo naman nasabi yun? Ano ang dahilan mo Aikoh?"

Dumaan na naman ang guilt at sakit sa mga mata ni Aikoh na para bang may naaalalang ayaw niyang maaalala?

"Dahil minsan na siyang nagpahamak ng iba."

Ikinuwento niya kay Airah ang lahat. Lahat ng alam niya at ang dahilan ng galit ng bawat isa sa kanilang magkakapatid.

Matapos makapagkwento gumaan na rin ang pakiramdam ni Aikoh na para bang nabunutan siya ng tinik at di na pasan ang buong mundo? Alam na ng iba ang totoo kaya bakit pa siya magtatago?

"Sa totoo lang nandito ako dahil may gusto akong malaman mula sayo. Pero dahil sa sinabi mo, ngayon may kaunting alam na ako kung anong dahilan kung bakit tinanggal ng taong yun ang brake ng motorbike." Sambit niya at malungkot na napatingin kay Aikoh.

"Ang gulo. Ang gulo ng buhay ng isang Lionheart." Bulong niya pa.

Hindi umimik si Aikoh at hinintay lang na magsalitang muli ang dalaga.

"Mas mabuti na sigurong mag-usap kayong magkapatid para magiging malinaw na ang lahat."

Sambit niya bago tumayo. "Sasabihin ko sa kanyang dumaan siya dito bago dalawin ang mommy niyo. Mag-usap na muna kayo." Sabi ni Airah bago magpaalam.

Ilang minuto rin ang lumipas dumating ang pinagpapawisang kapatid. Hindi ito makatingin ng diretso sa kuya.

"May gusto akong itanong sayo Aikah. Ikaw ba talaga ang sumira sa brake ng motorbike?" Seryosong tanong ni Aikoh sa kapatid.

"Hindi ka naniniwalang ako ang may gawa?"

"Gusto ko lang malaman ang totoo, ikaw ba talaga ang may gawa?"

Saka pumasok sa isip ni Aikah ang nangyari sa gabing iyon. Paroo't-parito siya habang iniisip kung ano ang gagawin para lang maprotektahan si Airah ng palihim.

"Hindi. Wala akong ginawa sa motorbike niya. Hinawakan ko pero wala akong ginawa sa brake nito."

Natigilan naman si Aikoh. Wala ngang kinalaman si Aikah sa pagkawala ng brake.

"Pero inaakala kong gawa iyon ni mommy kaya nakokonsensya ako."

Inaakala ni Aikoh na gawa iyon ni Aikah, inaakala naman ni Aikah na gawa iyon ni Nova. Pinagdudahan nila ang isa't-isa dahil wala silang tiwala sa bawat isa.

"Para makasiguro, tanungin mo si mommy kung may kinalaman nga ba siya sa nangyari. Dahil kung wala, mayroon pang nagtatago na hindi natin nahuhuli." Sambit ni Aikoh.

Agad namang pinuntahan ni Aikah ang ina.

"Mommy, aminin niyo. Kayo ba ang nagtanggal sa brake ng motorbike ni Ate Airah?" Tanong ni Aikah ngayong nadalaw na niya ang ina.

"Hindi ikaw ang gumawa?" Gulat na sambit ni Nova. Natigilan si Aikah sa sagot ng ina saka dahan-dahang umiling.

"Hindi nga ikaw ang gumawa?" Di makapaniwalang sambit ni Aikah. Nagulat din naman ang ina dahil hindi rin pala si Aikah ang gumawa sa bagay na iyon.

"Nakita kitang nagtungo sa garahe no'ng gabing iyon kaya inaakala kong gawa mo nga. Pero bakit mo inaming kagagawan mo ang lahat?" Naiiyak na sambit ng ina.

Napayuko si Aikah sa tanong ng ina. "Dahil akala ko ikaw ang may gawa. Sinisi ko ang sarili ko at naisip na nagawa mo ang mga bagay na iyon nang dahil sa akin kaya sinabi kong gawa ko. Higit sa lahat naniniwala silang kasalanan ko ang lahat at wala rin namang makikinig kahit magsasabi ako ng totoo. Kaya inamin ko nalang."

"Aikah, why are you so stup*d?" Napasabunot na lamang ng buhok si Nova. Hindi na siya magtataka kung bakit ito ang inabot niya. Nagkaroon kasi siya ng mga anak na siya pang nagpapahamak sa kanila. Sabagay hindi niya masisi ang dalawa dahil kahit siya nahulog din naman sa patibong ng iba.

Habang naglalakad, naalala ni Aikah ang gabi bago madisgrasya si Aikoh. Narinig niyang may gagawin si Nova kay Airah kapag aalis na ito at pupunta sa paaralan. Ang impormasyon na ibinigay ni Nova sa kausap ay sasakay si Airah ng motorbike at sinabi pa ni Nova ang numero ng motorbike ni Airah.

Ayaw ni Aikah na may mangyayaring masama kay Airah. Habang nasa attic siya, pinag-isipan niyang mabuti kung ano ang dapat gawin. Gusto niyang ipagtapat kay Airah ang kanyang narinig para makapag-ingat ito kaya lang naisip niyang baka may kung anong gagawin si Airah sa kanyang ina kapag nalaman nito ang binabalak ni Nova.

Pinuntahan niya si Airah sa kwarto nito para mabalaan man lang kahit papano ngunit wala dito ang dalaga. Nang bababa na sana siya sa grand staircase nakita niya si Airah na galing sa labas. Gusto niya itong kausapin kaso nauuna ang kaba niya kaya naman pinili na lamang niyang uminom na lamang ng tubig.

Habang umiinom ng tubig isang ideya ang pumasok sa kanyang isip. Iyon ay ang butasan ang gulong ng motorbike ni Airah para hindi nito magagamit kinabukasan at ang kotse na lamang ang gagamitin nito.

Bubutasan na sana ni Aikah ang gulong ngunit nakarinig siya ng kaluskos at pansin niyang may paparating kaya naman nagmamadali siyang umalis.

Nakokonsensya siya dahil minsan niyang pinag-isipan ng masama si Airah ngunit hindi dahil sa siya ang nagtanggal ng brake. Nakokonsensya din siya dahil iniisip niyang kundi dahil sa kanya e di sana'y di na gagawa ng masama ang kaniyang ina.

At kung tungkol sa pagkawala ng brake wala talaga siyang kinalaman.

Sinubukan naman niyang magpaliwanag kaya lang wala namang naniniwala sa kanya. Pinili niyang manahimik noong una dahil hindi siya sigurado kung sino talaga ang nagtanggal ng brake. Inaakala kasi niyang kagagawan ito ng kanyang ina. Inaakala din pala ng kanyang ina na gawa niya ito.

Ang mas ikinasakit niya ay ang pagbibintang sa kanya ni Aikoh. Ngunit hindi niya ito magawang sisihin dahil siya din naman ang dahilan kung bakit kahit ang kuya niya ay walang tiwala sa kanya.

Maalala ang sinabi ni Airah, napapailing siya. "Siya nga ba talaga ang may gawa?"

Agad niyang hinanap kung nasaan na ngayon sina Aina kasama ang kanyang ina.

Sumakay siya sa isang taxi at bumaba sa isang lugar kung saan may naalala siya.

Nakatayo siya ngayon sa isang tahimik na alley kung saan namatay noon si Jino. Hindi niya pansin na may tao sa kanyang likuran.

Pinagmamasdan ni Airah ang likuran ni Aikah.

"Kung totoo ang sinabi ni Aikoh, posibleng kilala ni Aina ang tunay na salarin?" Sambit niya pa sa isip. "Kaya lang bakit mas pinili ni Aikoh na wag sabihin ang totoo? Sino ang tunay na salarin? Sino ang tunay na pumatay kay Jino?" Napahawak na siya sa ulo.

Hangga't pinoprotektahan ni Aikoh ang tunay na salarin wala ng pag-asa pang makakalaya siya sa kulungan.

"Posible kayang isa sa mga apo ng Don?" Sambit niya pa. Mabilis siyang nagtago makitang humarap na si Aikah.

Sinundan niya ito kung saan pupunta.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top