TBH 57: Ang tunay na salarin
"Ano!" Napatayo si Airah nang marinig ang ibinalita sa kanya ni Akiro.
"Kinasuhan ang dad mo at tito at sinabing kasangkot sila sa mga krimeng may kinalaman sa pagkamatay ng iilang mga tao. Hindi lang yun, maraming kumalat na article tungkol sa mga isyu ng mga apo ng Don." Inilabas ni Akiro ang mga newspapers na siyang nagpakalat sa mga masasamang gawain ngayon ng mga apo ng Don.
Ngunit kadalasan sa mga ito ay panira lang at hindi totoo. Halatang gusto lang ng kabilang parte na dungisan ang pangalan ng mga Lionheart.
"Dumami rin ang nagrereklamo kay Aikoh at may nagsilabasan ding mga witness. Hindi lang yun, may mga ebidensya din silang hawak."
Napahawak na lamang si Airah sa kanyang ulo. Hindi talaga sila titigilan ng kung sino mang nagnanais ding ipabagsak Lionheart Empire.
Nakipagkita siya kay Ashton. At dito natuklasan niyang nakipag-alyansa pala ang Yiunhwa sa Ace Group.
"Ang Ace Group ang mastermind ng lahat ng ito." Pagbabalita ni Ashton sa kanya.
"Alam mo ba kung sino ang nasa likod ng Ace Group?" Tanong ni Airah.
"Kilala ko ang chairman nila ngunit kung sino ang nasa likod nila ang siyang problema." Sagot ni Ashton.
"Siya nga pala. May lead na ako sa kung sino ang nakakasaksi sa nangyaring aksidente 14 years ago." Sabi ni Airah at ibinigay ang files tungkol sa mga witness sa isang aksidente. Nakalagay ito sa isang brown envelope.
Tiningnan ni Ashton ang laman nito at nakita ang ilang mga larawan. "Chairman ng H Technologies, Incorporation?" Napatingin siya ng mabasa ang isa front line na nakasulat sa papel kung saan nakadikit ang isang larawan ng lalake.
"Kilala mo?" Tanong ni Airah.
"Pamilyar sa akin ang pangalan ng chairman nila." Sagot ni Ashton. "At kung hindi ako nagkamali, isa sa anak niya ang kasama sa bus accident."
Saka naalala ni Airah ang babaeng dinala niya sa hospital. Comatose parin ito noong huli niyang pagdalaw. Ngunit umalis na daw ito noong muli siyang dumalaw sa hospital. Hindi na niya alam kung nasaan na ang babae. Sa hinala niya, dinala na ito ng kanyang pamilya.
"Ako na ang bahala para mahanap sila." Sabi ni Ashton bago sila maghiwalay ng landas ni Airah.
Hindi bumalik si Airah sa mansion kundi nagtungo siya sa isang rest house na private property din ni Don Art.
Hindi niya alam na makakatagpo niya ang kanyang mga kapatid at pinsa sa lugar na ito.
Nagulat na lamang si Airah nang bigla na lamang lumuhod sa tapat niya si Aikah.
"Airah, pakiusap. Tulungan mo sina Kuya at mommy. Ako ang may kasalanan kaya pakiusap tulungan mo sila." Naluluha nitong pakiusap kay Airah.
"Gagawin ko ang lahat ng hiling mo. Pakiusap tulungan mo ako. Kahit ano pa yon."
"Bakit sa akin ka magpapatulong? Ano bang kaya kong gawin? Pareho lang tayong walang magawa Aikah." Napabagsak naman si Aikah sa sahig.
Lumaki siyang marangya at walang paghihirap kaya naman hindi alam kung paano harapin ang problemang kinakaharap niya ngayon. Ano bang magagawa niya gayong ito ang unang pagkakataong may kinakaharap siyang malaking problema?
"Wala na akong malalapitan. Hindi na rin makakabalik sina daddy at tito sa bansa natin. Wala na rin si Grandpa, tayo nalang ang natitira. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Nakayuko niyang sambit habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.
"Muntik mo ng mapatay si Airah tapos ngayon sa kanya ka manghihingi ng tulong?" Sabi ng bagong dating na si Alvira na halatang galit na galit kay Aikah.
Dito siya napadpad dahil itinakwil na din siya ng kanyang itinuturing sanang maternal family.
"Sorry." Sambit na lamang ni Aikah. Alam niyang galit ang mga pinsan niya sa kanya pero hindi niya sinisisi ang mga ito dahil may kasalanan din naman siya.
"Tama na. Wag na tayong magsisihan. Ang dapat gawin natin ngayon ay hindi mag-away kundi magtutulungan." Sagot naman ni Throne.
"Ang mga may kasalanan ay dapat nagbabayad." Sagot naman ni Alvira. "Dapat nga e isama na siya sa kulungan ng kanyang ina."
"Alvira." Tawag ni Throne na nagbabanta na ang boses.
"Walang kasalanan si Aikah. At walang kasalanan si Aikoh." Sagot ni Airah para di na nila sisihin pa si Aikah.
"Binalak ka niyang patayin tapos sasabihin mong wala siyang kasalanan?" Sagot naman ni Alvira.
Napatingin si Airah kay Aikah. Tinulungan niya itong makatayo at pinaupo sa isang sofa.
"Bakit mo inaamin ang kasalanang hindi mo naman ginawa? Bakit ka nagiguilty kahit di mo naman kasalanan?" Tanong ni Airah kay Aikah na ipinagtataka nina Throne at Alvira.
Napatigil sa paghikbi si Aikah at napaangat ng tingin.
"Kapag sinabi ko ba ang totoo maniniwala ka?" Sa pagkakataong ito nakatingin na siya ng diretso sa mga mata ni Airah.
Minsan na siyang nagsinungaling at dahil sa minsang pagsisinungaling wala ng may gustong maniwala sa kanya. Kahit magsasabi man siya ng totoo walang maniniwala.
"Alam kong hindi mo magagawang ipahamak ako. Dahil di mo kaya." Mahinang sabi ni Airah.
"Kaya sabihin mo, bakit ikaw ang umamin sa kasalanang gawa ng ibang tao?"
Napatingin si Aikah sa mga pinsan. At nakita rin niya sina Raven at Aiden na nasa pintuan. Lahat sila hinihintay ang kanyang sagot.
"Ano ang ibig mong sabihin Airah?" Tanong ni Throne kay Airah.
"Sa bawat panahong nagpaparinig ako sinusubukan ko lang ang reaksyon ng bawat isa sa inyo. Dati inaakala ko na ang lahat ng mga nababalisa ang siyang guilty. Pero mali pala ako. May mga guilty ang siyang mas pinakakalmado pa sa lahat." Sagot ni Airah.
Ilang sandali ang katahimikan bago ipinaliwanag ni Aikah ang side niya.
"Ang totoo hindi ko talaga tinanggalan ng brake ang motorbike ni Airah. Pero bumaba nga ako noon at tiningnan ang motorbike niya. Wala namang naniniwala sa akin kaya bakit di ko pa aaminin?" Sagot niya at napayuko.
Nagkatinginan naman ang magpipinsan.
"Ako ang main suspect dahil ako ang makikinabang sakali mang may mangyayaring masama kay Ate Airah."
"Higit sa lahat may kasalanan din ako dahil binalak talaga ni mommy na patayin si Ate Airah. At nakaisip din ako ng masamang bagay kaya nagiguilty ako." Sa mga panahon kasing iyon dinadasal niya na sana may mangyayaring masama kay Airah para siya na ang magiging female lead pero natauhan din siya agad sa naisip at nagsisi kung bakit nakaisip siya ng masama.
"Kaya ka nagtungo sa labas at tiningnan ang motorbike ko para matiyak na walang nangyaring kakaiba di ba?"
Hindi sumagot si Aikah ngunit makalipas ang ilang minuto ay marahan siyang tumango.
"Ngunit di mo inaakala na sasakyan ng kuya mo ang motorbike sa halip na ako."
"Kung gano'n wala talagang ginawang kasalanan si Aikah?" Di makapaniwalang sambit ni Alvira.
"Kung hindi iyon gawa ni Aikah, kung gano'n sino?" Tanong naman ni Aiden. Bakit palage na lamang mali ang mga inaakala nilang katotohanan?
"Bago ako dumating paano niyo itrato ang bawat isa? At bakit niyo naisipang tumira sa mansion? Pinilit ba kayo o napilitan lang? At ano ang mga dahilan niyo?" Sunod-sunod na tanong ni Airah.
"Kung meron man kayong nasaktan, siguro para sa inyo nakalimutan niyo na yon pero sa mga taong nasaktan niyo nakabaon parin iyon sa puso niya."
Napaisip naman sila sa sinabi ni Airah. Bago dumating si Airah sa mansion wala silang pakialam sa buhay ng iba. Mabuti pa nga ang stranger sinusulyapan pero sila hindi man lang tinatapunan ng tingin ang mga pinsan at kahit magpipinsan sila sa pangalan wala silang pakialaman.
At kahit sabay-sabay silang kumain hindi sila nag-uusap. Madalas si Don Art lang ang nagsasalita kapag may gusto itong ipaalala sa kanila. Tanging po at opo lamang ang lalabas sa kanilang bibig.
At kung nagkakausap man silang magpipinsan siguradong naghahamakan lang o nagsasabihan ng mga masasamang salita. Wala silang pagkakaisa, walang pagmamahal at walang itinuturing na pamilya.
"Hindi mapanganib ang mga maiingay ngunit ang mas mapanganib ay ang magaling magtago ng emosyon."
"Ang huling tanong ko, paano niyo itrato si Aina bago ako dumating?" Lahat sila napapigil ng hininga ng bumanggit siya ng pangalan.
Napayuko silang lahat.
"Imposibleng si Aina, hindi ka niya magagawang saktan. Hindi mo siya dapat pinagbibintangan." Galit na sagot ni Aiden.
Tiningnan ni Airah si Aiden ng seryoso ang mga mata. "Tama ka. Hindi niya ako kayang saktan. Pero kung ang paghihiganti na ang iiral, may kailangang isakripisyo para maisakatuparan ang isang matagal ng hangarin."
Napaatras si Aiden habang Iiling-iling. "Hindi totoo yan. Mali ka ng inaakala mo Ate Airah. Bakit ba ganyan ka? Akala ko ba iba ka? Pero bakit mo pinagbibintangan si Aina?"
"Itinuring ka niyang tunay na kapatid. Hinangaan at hinangad na magiging katulad mo balang araw pero iba pala ang tingin mo sa kanya?"
"Nagkamali ako ng pag-aakala sayo. Wala ka rin palang pinagkaiba sa iba." Sambit ni Aiden bago nagmamadaling umalis.
"Aiden." Tawag ni Throne at napalingon siya kay Airah.
"Hayaan mo siya. Kapag nakapag-isip-isip na siya, siya din ang unang lalapit at manghihingi ng tawad." Sagot ni Airah.
Si Aikah naman nakaawang ang bibig. Hindi parin matanggap ng utak niya ang natuklasan. Hindi niya inaakala na hindi ang mommy niya ang nagtanggal ng brake at ni kahit minsan hindi sumagi sa isip niya na si Aina ang gumawa sa bagay na iyon.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top