TBH 56: Magtutulungan

"Kung gano'n, posibleng hindi talaga siya ang may gawa no'n?" Sambit ni Raven ngunit maalala na pinagsalitaan niya ng masasakit si Alvira noon hindi niya alam kung aalamin pa ba niya ang totoo o hindi na.

Nakalipas na yun at di na nito mabubura ang anumang masasakit na salitang nasabi niya kay Alvira.

Sa bahay naman ng ina ni Alvira, nagtatalo ang mag-ina.

"Alvira. Nahihibang ka na ba? Wala ka na ngang mamamana sa yaman ng Don ibibigay mo pa ang mana mo sa pamilya natin para maitulong sa Airah na yon?" Napahawak na lamang si Devira sa kanyang ulo habang nakatingin sa anak.

"Mom, marami ang naitulong ni grandpa sa akin tapos ngayong kinakailangan ng pamilya niya ang tulong natin tatalikuran natin sila? Hindi mo man iisipin ang mga bagay na naitulong nila sa pamilya natin isipin mo nalang ang kasalanang nagawa mo." Sagot ni Alvira sa nakikiusap na tono.

"Anong kasalanang pinagsasabi mo diyan?" Mabilis nitong sagot na nakaiwas ng tingin.

"Ang ibinigay niyong design. Saan niyo galing?" Tanong ng dalaga sa ina.

"Dahil sa design na iyon nakasuhan ang Lionheart Clothing Company. Kundi niyo binigay sa akin ang design na iyon hindi sana madadagdagan ang problema nila."

Natigilan naman si Devira sa narinig. Nagpatulong siya sa mga kaibigan para mag-hire ng mga magagaling na designer at bumili din siya ng mga clothing design mula sa iba. Ngunit may isang tao ang nagbigay sa kanya nito kapalit no'n bibigyan sila ng share sa clothing company sakali mang mapupunta ito kay Alvira.

Mahigpit niyang ibinilin sa anak na wag na wag nitong sasabihin kung saan talaga nanggaling ang disenyong ipinasa nila kay Arthur. Hindi niya inaakalang meron din nito ang AIRIZ International.

"Ibinigay lang sa akin. Hindi ko na inisip kung may kopya man ang iba sa mga designs o wala. Hindi ko naman inisip na matatanggap iyon."

"May kasalanan parin kayo kaya kailangan nating matulungan ang pamilya ni lolo. Pakiusap mommy." Pakiusap ni Alvira sa ina.

Kinausap naman ng ina ang mga magulang nito ngunit tumanggi sila. Wala silang balak tulungan ang papabagsak ng kompanya ng Don lalo na nang malamang iba naman ang magmamana sa mga yaman ng Don.

"Kung pipiliin mo ang mga Lionheart wag ka ng manatili pa sa pamamahay na ito." Sigaw ng kanyang maternal grandpa.

Hindi rin sang-ayon ang mga uncle niya iyon ay dahil takot sila sa Yiunhwa investment at sa Ace Group. Takot din sila sa AIRIZ International.

"Bakit ganyan kayo? Nakalimutan niyo na bang lumago ang negosyo niyo dahil sa tulong ng mga Lionheart?" Naiiyak na sambit ni Alvira. Di makapaniwala na ganito pala ang kanyang pamilya. Kaya naman pala siya pinilit na manirahan sa mansion kahit ayaw niya noon iyon ay dahil balak lang siyang gamitin para mas mapalago pa ang kompanya ng maternal family niya.

"Papabagsak na sila. Gusto mo bang Mahila din tayo pababa?" Sabi ng Tito niya.

"Ngayong wala na ang Lionheart bilang backer mo, wala ka ng silbi sa pamilyang to kaya anong karapatan mong humingi ng tulong dito para maisalba ang pamilyang Lionheart?" Ito naman ang sabi ng pinsan niya.

"Oras na piliin mong tulungan sila, kalimutan mo na ang pamilyang ito." Ito naman ang sinabi ng grandpa niya.

Noong buhay pa ang Don lahat na lamang ng mga papuri ginawa na ng pamilyang ito sa kanya at halos luhuran na siya. Pero ngayong wala na ang Don at papabagsak na Lionheart Empire lalo na ang L Group, wala ni isa man lang ang may gustong tumulong sa kanila.

At sigurado din siyang hindi magiging maganda ang buhay niya sa pamilyang ito ngayong hindi na siya ang dating mayamang heiress ng mga Lionheart.

Umiyak na lamang si Alvira. Lalo na ng sisihin siya ng ina sa pagiging walang kwenta niya.

"Kung sana'y pinalipat mo na agad sayo ang iilang property ng Don e di sana'y di na tayo maghihirap ng ganito. Pinalaki ka sana bilang isang heiress pero wala ka paring silbi."

Lumabas siya ng bahay at hinanap si Airah.

"Airah, sorry. I'm sorry kung wala man lang akong maitutulong. Sorry." Sambit niya.

"Ayos lang yun. Hahanap tayo ng ibang paraan." Sabi ni Airah at nginitian si Alvira. Nailang naman agad ang masungit sanang dalaga.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan at nginitian. Gusto ko lang sanang makatulong dahil kay grandpa at di dahil sayo. Kaya lang, natuklasan kong napakatanga ko pala talaga dati at nagtiwala ako sa pamilyang tatalikuran lang din ako sa huli. Kaya sorry talaga." Sambit niyang muli.

"Salamat parin dahil inisip mo parin si Grandpa." Sagot ni Airah.

Nalungkot namang lalo si Alvira nang maalala si Don Art. Hindi niya maiwasang mangulila sa estrikto nilang lolo. Akala niya dati na kapag mawala na ito giginhawa na ang buhay niya at magiging malaya na siyang gawin ang anumang gusto niya. Iyon pala magiging mahirap ang buhay niya kapag wala ang Don.

"May savings pa ako. Nasa ten million pa ito. Gamitin niyo na muna para maidagdag kahit papano sa perang kailangan niyo. O baka naman gamitin niyo para kay Aikoh. Alam kong gipit kayo ngayon." Sabay abot ni Alvira sa silver card niya kay Airah.

"Paano ka?"

"Ayos lang ako. Gagawa ako ng paraan para makaipon. Nang sa gano'n may maitutulong naman ako kahit papano."

Matapos ibigay ang silver card niya mabilis na umalis si Alvira na para bang takot mahuli ng kung sino. Napatingin naman si Airah sa silver card na binigay ni Alvira.

Nang malaman ng maternal side niya na ibinigay niya kay Airah ang natitira niyang pera pinaalis nila si Alvira sa tahanan nila at sinabing puputulin na nila ang kanilang relasyon sa kanya.

***

Dinalaw nina Raven, Throne at Aiden si Aikoh sa kulungan.

"Wag kang mag-alala. Gumagawa na kami ng paraan para makalabas ka dito." Sabi ni Throne.

"Kumusta ka na nga pala?" Tanong naman ni Raven.

"Ayos lang ako. Salamat nga pala sa pagdalaw niyo." Sincere na pagpapasalamat ni Aikoh. Hindi niya inaakala na dadalawin siya nina Throne.

"Sino pa bang magtutulungan kundi tayo lang din." Sabi naman ni Aiden.

"Siya nga pala." May kinuha si Throne at inilabas ang dalang lunch box. "O ito. Luto iyan ni Airah." Tinulak ang lunchbox kay Aikoh.

Napatingin naman si Aikoh sa lunchbox na nakabalot ng supot.

"Kung ayaw mo sa akin nalang." Kukunin na sana ni Raven ang lunchbox pero mabilis na kinuha ni Aikoh.

"Ang daya naman. Di ko pa natikman ang luto ni Airah pero ikaw ginawan ka niya? Ang unfair. It's unfair." Reklamo ni Raven at napanguso.

"E di magpakulong ka rin kung gusto mo." Sagot ni Throne na ikinasamang lalo ng mukha ni Raven.

"Ang sama niyo talaga sa akin." Sambit niya at ibinaling ang mukha sa ibang direksyon.

Nagpaalam na rin agad sina Throne. Binuksan naman ni Aikoh ang lunchbox niya at napangiti makita ang pagkain na maganda ang pagkakaayos.

May letrang seven ang baunan. Tiningnan lang niya ito saglit at nagsimula ng kumain.

Napahilot naman ng sentido si Juno at napatingin sa dalaga na nakaupo ngayon sa upuang dapat sa kanya.

"Kapag talaga nalaman kong nasaktan si Aikoh."

"Ano ang gagawin mo ha?" Pinakaayaw niyang pinagbabantaan siya. Kaya naman sinamaan niya ng tingin ang dalaga.

"Di kita papansinin." Sagot ni Airah na nakataas noo pa.

Bigla namang napatawa si Juno. "Is that a threat?"

Tumango-tango naman si Airah. "By the way, seryosohan na to. May lead na ako kaya wag niyong hayaang makalabas si Rowena. Natitiyak kong may kinalaman siya sa nangyaring aksidente ng kapatid mo."

"Wag kang mag-alala. May mga tauhan na ako sa loob. Kasama ng mga tauhan niyo, mababantayan natin ang kilos ng iba." Sagot ni Juno. Hindi niya maiwasang mapatitig sa dalaga. Inaamin niya na nagbibiro ito paminsan-minsan at aakalain mong inosente ngunit kakaiba ang takbo sa utak na halos di na mababagay sa edad niya.

Naisip din niya si Aikoh. Eighteen pa lamang ito ngunit may CEO aura na ito. At kahit naka-wheelchair nagawa niyang pasunurin sa kanya ang mga kasamahan sa selda. Kaya nang sabihin ni Airah na bantayan si Aikoh sa pag-aalalang mapahamak ito, gustong sabihin ni Juno na mas nag-aalala siya sa mga kasama ni Aikoh sa selda at di kay Aikoh.

"Ganito ba talaga ang mga Lionheart? Maagang nagmamatured at alam ng gumawa ng mga schemes?" Sambit niya pa sa isip.

Saka niya naalala na sa edad na 15 years old nagsisimula ng magtayo ng mga sariling kompanya ang mga tagapagmana ng mga Lionheart. Isa sa mga biggest challenge sa kanila ay ang kung paano mapapalago ang kompanyang ipinatayo nila sa mura nilang edad. At kung mapapalago nila ito, sila ang magmamana sa Lionheart Empire.

Ang L Group ay isa sa kompanya na binuo ni Don Art sa edad na kinse. Maliit pa ang kompanyang ito hanggang sa magiging L Group na na binubuo ng mga malalaki at naliliit na mga kompanya na may mga branch companies at subsidiary companies around the world. Isa ang L Group sa palatandaan na hindi ordinaryo ang mga Lionheart.

Eighteen na si Aikoh at Seventeen na this year si Airah. Kaya di maiwasan ni Juno na maisip na may mga kompanya na din ba ang dalawang ito na sila mismo ang siyang gumawa at nagsimula na hindi umaasa sa tulong ng Don?

"Bakit ganyan ka kung makatingin?" Tanong ni Airah na may tinitipa na ngayon sa laptop ni Juno.

Napatikhim naman ang lalake. "Wala." Agad nitong sagot.

Ilang sandali pa'y pinakita na ni Airah ang monitor ng laptop kay Juno. "Nakita ko na ang impormasyon ng taong isa sa mga suspect. Ikaw na ang bahala diyan. Alis na ako. Mahal kasi ang oras ko e." Sabi pa ng dalaga at dinampot na ang bag saka lumabas ng opisina ni Juno.

Napabuntong-hininga naman si Juno saka napatingin sa laptop niya.

Matapos basahin ang mga impormasyon tungkol sa taong hinahanap nila, kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang kasamahan niyang detective.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top