TBH 55: Fake friends

Naiwan si Ava sa silid na mag-isa at wala man lang ni isa ang lumapit sa kanya. Nakatulala siya habang nakatingin sa sahig. Kahit nagsialisan na ang lahat nandito parin siya at nakatulala.

Nang makabalik siya sa kanyang kwarto, madalas ay nakatulala lamang siya. Minsan naman iiyak. Ilang araw din siyang wala sa sarili. Dinadalhan naman siya ni Throne ng pagkain at aalis lamanh kung nakakakain na siya.

Hanggang sa isang araw naiisipan niyang hindi siya dapat magtatanga-tanga. Naisip niyang kumilos upang matulungan ang kanyang ina na makalabas sa kulungan.

Tinawagan niya ang kanyang mga kaibigan ngunit natuklasan niyang ni-blocked na nila ang number niya sa contact list nila. Naisipan niyang makitira na muna sa bahay ng mga kaibigan habang wala pa siyang mapupuntahan.

Kinabukasan, naisipan niyang pumunta sa school kung nasaan ang mga kaibigan.

Nagsuot siya ng scarf at nagsumbrero. Tinakpan ang mukha para hindi makilala. Nagsuot din ng hoodie jacket at nag-eyeglass.

Naghintay siya sa labas ng gate hanggang sa nagsilabasan na ang mga estudyante.

Nang makita ang tatlo niyang mga kaibigan lalapitan na sana niya ito ngunit narinig niyang siya ang pinag-uusapan nila.

"Mabuti na ngang nakulong ang mommy niya. Parang ang saya-saya lang makita kung ano ang hitsura ngayon ng babaeng yon. Hahaha." Sabi ng isa sa mga kaibigan niya.

"Tingnan natin kung ano ang gagawin niya ngayong hindi na siya kabilang sa mga heiress." Sagot naman ng ikalawa.

"Nanghihinayang ako." Sagot naman ng ikatlo at napabuntong-hininga pa.

"Anong nanghihinayang ka diyan? FYI ikaw pa itong unang nagtatalon sa tuwa malaman na babagsak na ang kompanya nila." Sagot ng una.

"Wag ka nga. Ang sarap kaya sa pakiramdam na may naaapi tayo tapos sasabihin nating utos niya. Hindi na natin magagawa ngayon dahil hindi na siya Lionheart." Sagot naman ng ikalawa.

"Sayang talaga at di ko na magugulpi ang mga pinsan niyang iyon para paglabasan ko ng init ng ulo." Dagdag pa nito.

"Oo nga no. Ang sarap pa naman sa feeling noong buhusan natin ng malamig na yelo si Aina tapos ipinagkalat natin na iyon ang utos nina Ava at Alvira." Sambit din ng ikatlo sabay tawanan nila.

"Ngayong naghihirap na sila wala ng rason para kaibiganin natin sila."

"Kinaibigan ko lang naman siya dahil kailangan namin ang tulong ng kompanya nila."

"Kung di dahil sa mayaman ang mga Lionheart bakit ko din siya kakaibiganin? Kaya nga ni-blocked ko na siya sa contact list ko at sa social media account."

Sabi ng papalayong boses ng mga kaibigan.

Naikuyom naman ni Ava ang kamao at nanginginig ang mga kamay sa tindi ng galit.

Kaya naman pala ang daming nagsasabi na isa siyang bully gayong wala naman talaga siyang sinaktan physically. Madalas lamang nagsasalita siya ng masasama ngunit hanggang salita lang at di siya gumagawa ng physical abuse sa kapwa niya lalo na kina Aina. May nasampal siya at si Airah lamang. Iyon pala dahil sa mga fake niyang mga kaibigan.

Susugod na sana siya ngunit may humila sa kanya at ipinasok sa isang kotse.

"Bitiwan mo ako. Ano ba. Papatayin ko sila." Napatigil siya sa pagsasalita makita ang matalim na titig ng kuya niya.

Nang makita kasi siya ni Throne na lumabas sa mansion sinundan siya nito para malaman kung ano ang binabalak niyang gawin.

"Kuya niloko nila ako. Akala ko pa naman mga tunay silang mga kaibigan." Sambit nito na nagpipigil ng luha ngunit tumulo parin kahit anong pigil niya.

Noong una hindi niya pinapakinggan ang payo ng kanyang kuya na layuan ang mga kaibigan niyang iyon pero ngayon natuklasan na niyang tama pala ang kuya niya dahil hindi nga talaga sila mapagkakatiwalaan. Nagsisi siya kung bakit binalewala niya ang lahat ng payo ng kuya at ngayon naaani na niya ang resulta sa lahat ng mga maling desisyon niya.

"Kung gusto mong maghiganti sa kanila hindi sa ganitong paraan dahil mas lalo ka lang mapapasama. Masama na ang reputasyon mo at siguradong mas papanigan sila ng iba kaysa sayo kaya huminahon ka na muna."

"Kuya, kailan man hindi ko inaapi sina Aikah o Aina. Kailanman wala akong binugbog o sinaktan. Oo aaminin kong pinapanood ko silang inaapi ng iba pero hindi ako nag-utos ng iba para saktan sila." Paliwanag nito at muli na namang napahagulhol.

"Alam ko. Kaya tumahan ka na."

"Naniniwala ka sa akin?"

"Alam kong mahilig kang magsalita ng masasakit na salita ngunit alam ko ring hindi ka nambubully ng iba. Kaya ko nga sinabi sayo noon na layuan mo ang mga kaibigan mo pero hindi ka nakinig kaya naman wala akong nagawa kundi ang hayaan ka nalang." Sagot ni Throne.

Napatigil naman sa paghikbi si Ava at napatitig sa kuya. Ngunit mas lalo lamang naiyak dahil kahit sa mga pagkakamali niya hindi siya tinalikuran ng kanyang kuya. Ang taong hindi niya pinakinggan at mas kinaiinisan pa dahil hindi siya sinusuportahan sa anumang mga desisyon niya ang siya lamang nandiyan at siyang nananatili at nakiramay sa kanya ngayong wala ng natira sa kanya.

"Salamat kuya. Salamat at di mo ako iniwan." Sambit nito at di napigilan ang sarili na yakapin ang kuya.

"Wag ka sa akin magpasalamat. Si Airah ang nagsabi ng lahat ng bagay tungkol sayo. At siya din ang nagsabing babantayan kita dahil kapatid kita at walang ibang magtutulungan kundi tayong dalawa lang. Saka nag-alala siya na baka kung ano ang gagawin mo kaya sinundan kita." Sagot ni Throne na ikinatigil ni Ava.

"Siya din ang nagligtas sa akin at kung di dahil sa kanya baka wala ng naiiwan sayo ngayon. Wala ng yaman, walang pamilya, walang kaibigan, walang karamay at walang ina at walang ama."

Napatigil naman si Ava nang marinig ang pangalan ni Airah. Ang totoo sinisisi niya si Airah dahil gusto lang talaga niyang may mapagbuntunan ng sisi. Nalilito na siya at halos mabaliw na sa mga pangyayari at sa mga natuklasan.

***

Kinuha naman sina Aina at Aiden ng maternal family nila. Gano'n na rin si Alvira. Si Aikah naman hindi tinanggap ng maternal family niya kaya naman naghanap ito ng ibang lugar na matutuluyan. Sina Arthur at Arthron parehong nagtungo sa ibang bansa para lutasin ang problema sa Lionheart Empire samantalang sina Aikoh, Avey at Nova ay nasa kulungan parin at naghihintay sa kanilang first trial para sa kasong isinampa sa kanila.

Si Raven naman kausap ngayon ni Airah. "Kung gusto mong malaman ang totoo kailangan mong kumilos hindi yung tatanga-tanga ka lang diyan at sisirain mo ang buhay mo."

"Ano pa bang buhay ang nahihintay sa akin ha? Ginamit lang ako ng babaemg itinuring kong ina." Sigaw ni Raven.

"Paano mo malalaman kung totoo ang mga sinasabi nila kung sa salita ka lang bumabase?" Sigaw pabalik ni Airah.

"Sinabi niyang di ka niya anak. Bakit? May ebidensya ba? Saka bakit ka maniniwala sa DNA test e ilang DNA test na ba ang peneke nila?" Sagot ni Airah. Bahagyang natigilan si Raven.

"Raven, akala mo ba katapusan na ng lahat dahil lang sa nalaman mong hindi mo tunay na ina si Rowena? Bakit di mo hahanapin ang tunay mong pamilya nang sa gano'n malalaman mo kung sino sila?"

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Raven nang bahagyang matauhan.

Sinundan ni Airah si Raven dahil pansin niyang ito ang pinakana-shock sa nangyari. Sa pag-aalalang mapapariwara ito. At natuklasan nga niyang pupunta sana ito sa bar kaya naman hinarang na niya at dinala sa dating apartment na isa sa tinutuluyan ni Airah.

"Ito pa lang ang simula ng tunay na laban. Ano naman kung hindi ka anak ni Rowena? Pasalamat ka nga at di naging tunay na ina ang babaeng yon. Saka, di ba matagal mo ng pinangarap na makawala sa kontrol ng pamilyang ito? Magagawa mo na ang lahat ng gusto mo. Maaabot mo na ang bagay na pinapangarap mo."

Saka naalala ni Raven na pangarap niyang magperform sa stage at hindi ang magmamana ng negosyo o maging CEO ng anumang kompanya. Ngunit dahil hindi papayag ang kanyang ina wala siyang ibang magawa kundi ang talikuran ang tunay niyang pangarap.

Hindi niya ugaling mandaya para lamang manalo sa isang bagay. Ginawa lang niya ang bagay na iyon para ma-disqualified siya bilang isa sa mga kandidatong magmamana sa Lionheart Empire. Isang pasya ng bata pa niyang isip noon na di niya alam na isa itong malaking katangahan. Kaya lang ang bawat palihim kunwari niyang pagawa ng mga bagay na di magugustuhan ng Don ay palaging pinagtatakpan ng ina.

At dahil nakakalusot naman siya sa lahat ng mga ginagawa niyang pagkakamali, nasanay na rin siya at nasanay na ring mandaya. Hanggang sa dumating si Airah.

Hindi nakipagplastikan sa kanya si Airah at naiintindihan siya ng dalaga. Naiintindihan ni Airah ang mga gusto nila at sinusuportahan sila ng dalaga. Ipinagtatanggol sila kung naakusahan sa kasalanang di naman sila ang nagpasimuno ng gulo at tinutulungan kung kinakailangan.

Magmula ng dumating si Airah unti-unti silang nagkakasundong magpipinsan. Nagkalapit sila nina Aiden, Aina at kahit ang palage niyang kaaway na si Throne. Natuklasan din niyang hindi naman pala masama ang ugali ni Aikoh. Lalo na nang humingi ito ng sorry kay Alvira. Nalaman din niyang hindi naman pala gaanong maldita si Alvira. Dumidistansya lang pala si Alvira sa kanila sa pag-aakalang fake lang ang pakikitungo nilang magkakapatid at magpipinsan sa dalaga.

At hindi rin naman pala estrikto si Don Art. Gusto lang sana nito ang tunay na concern at di pagpapanggap ang ipapakita nila sa Don. Ang mga bagay na di niya nakikita noon ay nakikita na niya ngayon. Kaya lang nahihiya siya dahil si Rowena parin ang nagpadala sa kanya sa Lionheart mansion at siya parin ang pinakamain-informant ni Rowena kaya palaging nagtatagumpay ang ina sa mga plano nito.

"Isa parin ako sa dahilan kung bakit may nangyaring masama kay Aikoh. At sa muntikan mo ng mamatay. Tapos si Throne pa." Ang malungkot nitong sambit.

"Ako ang nagpapadala ng information sa kung anong oras kayo aalis at kung ano ang sasakyan niyo at kung saan kayo pupunta. Sa mga araw na naaksidente si Aikoh, nakita kitang sasakay na sa motorbike mo kaya iyon ang sinabi ko kay mom-err babaeng yun." Nanindig pa ang mga balahibo niya nang muntik na niyang tawaging mommy ang taong niloloko siya.

"Hindi ko inaakala na kukunin ito ni Aikoh mula sayo at ang mas malala, binalak ka palang patayin ng babaeng iyon gamit ang mga inutusan nina tita Nova at tita Avey." Sambit niya na puno ng pagsisisi ang mukha.

"I'm sorry Airah. May kasalanan din ako sa anumang nangyayari sa inyo at sa pamilyang ito kaya nagiguilty ako." Sambit nito at napayuko na lamang.

"Pakiramdam ko wala na akong mukhang maihaharap sayo, kay Throne at kay Aikoh."

Makitang nakatitig sa kanya si Airah bahagya siyang nailang at napayuko.

"Nakokonsensya ka. At sapat na yon." Sagot ng dalaga na ipinagtataka ni Raven. Hindi kasi niya naintindihan kung bakit nasabi ni Airah ang mga bagay na ito. Higit sa lahat hindi niya nakikitaan ng paninisi o galit ang mukha ni Airah.

"Ano?"  Tanong niya.

"Nagi-guilty ka at inamin mo rin ang mga pagkakamali mo. Ibig sabihin lang non hindi ka ganoon ka sama." Paliwanag ni Airah.

"Noong una nagdududa ako sayo dahil ikaw ang nagiging espiya ni Rowena. Pero ngayon natuwa na rin ako dahil hindi ako nagkamali ng pinagkatiwalaan. Honest ka at sincere ngunit di mo iyon pansin." Sagot ni Airah.

"Katulad ni Alvira. Hindi mapagpanggap at di nagkukunwari sa kung ano man ang nararamdaman niya. Kaya nga siya palage ang napagkakamalan na may kasalanan kahit na di naman talaga." Dagdag niya pa at napabuntong-hininga.

Saka naalala ni Raven ang unang away nila ni Alvira. Kinse anyos si Alvira noon habang trise anyos naman si Raven. May program sila noon sa school at kailangan nilang magsuot ng costume para sa performance nila. Noong araw na magpapalit na sana siya dahil sila na ang magpe-perform natuklasan na lamang niyang sira-sira na ang kanyang costume. Si Alvira ang nakita niyang nakahawak dito kaya naman tinulak niya si Alvira at sinigawan.

Sinabi ni Alvira na hindi siya ang may gawa ngunit hindi na nakinig pa si Raven. At magmula noon hindi na sila nagkakasundo pang dalawa. At kinalimutan na niya ang mga bagay na iyon. Naalala lang niya ngayon dahil binanggit ni Airah ang pangalan ni Alvira.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top