TBH 54: Another Revelation

"Dalhin na sila." Cold na sambit ni Arthur. Bumagsak naman ang katawan ni Aikah sa narinig at humagulhol na lamang. Samantalang nagpupumiglas naman si Nova at Avey na ayaw sumama.

Si Ava naman ayaw nitong bitiwan ang ina ngunit pinaghiwalay na sila ng mga pulis na nakauniporme katulad sa mga guwardiya. Napaupo na lamang si Ava sa sahig at patuloy sa pag-iyak.

Dinala din ng mga pulis si Butler Kim. Tumingin saglit kay Airah bago tuluyang lumabas ng silid.

"Masaya ka na ba? Ginulo mo ang buhay namin. Ito ang gusto mo di ba? Masaya ka na ba dahil nangyayari ang lahat ng ito?" Sigaw ni Ava na may namumuong luha sa mga mata.

"Hindi mangyayari ang mga bagay na ito kundi dahil sa kagagawan ng mommy mo at ni Tita. Bakit mo sinisisi si Airah? Saka wala kang karapatang magsalita dahil nang-aagaw ka lang ng hindi sayo." Sagot ni Alvira. Hindi sa kinakampihan niya si Airah, sinasabi lang niya ang katotohanan.

Ayaw magising ni Ava sa pagkakamali at nasa ilusyon parin ito bilang isang tunay na heiress. Kaya sinagot na ito ni Alvira.

Si Ava naman hindi parin matanggap ang katotohanan. Ang katotohanan na ang lahat ng pinaniniwalaan niya ay isa lamang malaking kasinungalingan. Hindi siya isang Lionheart. At hindi siya anak ni Arthron. Hindi siya tagapagmana at higit sa lahat, nabubuhay siya sa identity na hindi kanya.

Ngayon alam na niya kung bakit nagiging balisa ang ina magmula noong dumating si Airah. Dahil si Airah ang tunay at natatanging apo ng Don. At ang tunay na tagapagmana ng mga Lionheart.

"Ganito na ba kabaluktot ang pag-iisip mo Ava? Hindi mo parin ba naiintindihan na ang lahat ng ito ay dahil lang din kay mommy? Kasalanan niya ang lahat kaya dapat niya itong pagbayaran." Ikinuwento niya kay Ava ang ginawa ng kanilang ina na halos ikinahimatay ni Ava.

"Kuya." Garalgal ang boses na sambit ni Ava at muli na namang napaiyak. "Bakit? Bakit nangyayari to?"

"Kung nakaya niya akong isakripisyo makakaya ka rin niyang isakripisyo." Sabi pa ni Throne.

Napayuko naman si Ava at napaisip. Kung nagawa mang saktan ng mommy nila si Throne ano pa kaya siya na masasabing walang silbi sa pamilyang ito?

Ngunit makitang hindi nagulat si Aikoh ganon na rin ang mga kaibigan nito, makitang buhay pa sina Throne at Airah napatingin si Ava kay Aikoh. "Alam mo ang mga bagay na ito hindi ba?" Tanong pa ni Ava.

Napaangat din ng tingin si Aikah at napatingala sa tahimik na kuya.

"Kuya, alam mo?" Nanghihina niyang sambit. "Alam mo na ang totoo?"

Bumuntong-hininga si Aikoh bago sumagot. Ikinuwento sa kanila kung bakit siya nadisgrasya.

"Noong araw na nakuha si Airah bilang female lead sa play ng school, narinig ko kayo ni mommy na nag-uusap." Panimula nito na nakatingin kay Aikah. "Nakita kong sinampal ka niya kaya lalapit sana ako ngunit pinili kong manahimik na lamang ang manood."

"Nang makaalis ka na may tinawagan siya at dito ko natuklasan na ipapatay niya si Airah. Hindi lang yon, ipapatay niya si Airah dahil kung buhay si Airah walang kahit sino man sa atin ang maaaring magmamana sa L Group. Dahil si Airah ang natatanging apo ni Don Art." Napapikit siya saka muling humugot ng hininga bago muling nagsalita.

"Ang di ko matanggap ay ang narinig kong siya ang nagpapatay kay lolo kaya ito nadisgrasya noon at muntik ng mamatay. At nakipagtulungan siya sa kung sino para ipapatay si grandma dahil lang sa ayaw ni grandma na magiging kabilang siya sa pamilyang ito. Ang na-miscalculate ko lang ay ang madisgrasya gamit ang motorbike ni Airah."

Sa araw na iyon hindi si Airah ang target kundi si Throne. Gusto ni Nova na ipapatay si Throne kaya hinabol ito ni Aikoh para mailigtas ang pinsan. Ang di niya inaasahan na wala palang brake ang motorbike at may gusto rin palang pamatay kay Airah. Ginamit niya ang motorbike dahil mas mabilis ito kaysa sa kotse niya. Naharangan nga niya ang mga tauhan ng mommy niya pero nakasalubong naman ang mga gustong pumatay kay Airah na mula sa parte ni Avey.

Nang magising siya, agad na nagreport sa kanya ang kanyang butler at ipinaalam sa kanya na may kinalaman si Aikah sa pagkawala ng brake ng motorbike. Nadismaya siya at nawalan ng pag-asa malamang hindi na siya makakalakad pa. Sinisisi niya si Aikah, si Nova maging si Avey.

Ayaw niyang mas dadami pa ang mapapahamak kaya ninais niyang pigilan na ang lahat ng mga binabalak  na kasamaan ng ina at ng iba. Hindi dahil sa gusto niyang maghiganti. Gusto lang niyang magbago na ang ina at ang kapatid. Gusto niyang marealize ng mga ito ang pagkakamali nila. At magbago ang mga ito habang hindi pa huli ang lahat.

Ayaw niyang mabuhay sila na mapupuno ng pagsisisi sa hinaharap. Katulad niya na di sinasadyang makasira ng buhay at kinabukasan ng iba. Nagsisi siya ngunit huli na. At di na niya mababago pa ang buhay na nasira niya na.

"Nagpatulong ako sa mga kaibigan ko para sakali mang hindi maganda ang resulta ng kunwaring pagbabasa ng will and testament na ito, nandiyan ang mga tauhan na ipinadala ng pamilya niya. Hindi ko lang alam kung ano ang nakain nila at nakiusyuso pala." Paliwanag pa ni Aikoh kung bakit nandito ang mga kaibigan.

Napaiwas naman sila ng tingin at magbusy-busyhan. Kunwari abala sa mga ginagawa.

Bumukas ulit ang pintuan at nakita niya si Juno.

"Ngayon tapos na ang usapan natin. Handa ka na ba?" Tanong ni Juno kay Aikoh.

Inilapit ni Aikoh ang mga kamay kay Juno at agad naman itong nilagyan ng posas ng pulis.

"Sandali lang. Anong ibig sabihin nito? Aikoh?" Gulat na tanong ni Arthur. Hindi niya inaasahan na pati si Aikoh ay huhulihin din ng mga pulis.

"I'm sorry dad. Pero guilty ako sa isang krimen. Napatay ko ang kapatid niya at kailangan ko iyong pagbayaran." Sambit ni Aikoh at napangiti ng mapait.

"Gusto ko lang itama ang lahat ng mga pagkakamaling nagawa ng pamilya ko." Napatingin kay Airah. "Salamat sa tiwalang ibinigay mo."

"Teka lang. Wala sa usapan natin ang magpapakulong ka." Nakakunot ang noong sagot ni Airah.

"Pero nasa usapan namin." Sagot ni Juno.

Kinausap ni Aikoh si Juno na tulungan nito si Airah para mailigtas ang dalaga. Si Juno na ang gagawa ng paraan kung paano mailigtas ang dalaga. Nagkataon namang nakipagdeal si Airah kay Juno na pabor din sa request ni Aikoh. Ang kabayaran sa request ni Aikoh ay ang pagsuko nito at pag-amin sa kasalanan niya.

Ang kabayaran naman sa request ni Airah ay ang pagtulong para sa imbestigasyon sa nangyaring aksidente sa bangil. Kaya napagkasunduan ng tatlo ang pagpe-fake death. At kung wala ang tulong ni Aikoh hindi rin sana nila maihahanda ang mga kakailanganin nila para maisatupad din ang fake death ni Throne.

Ginawa ang planong ito para na rin lumabas ang lihim na gumagamit kina Nova at Avey. At siyang tunay na nakikinabang kapag naubos ang lahat ng mga rightful heirs or heireses ng Don. Ngayong lumitaw na ang Yiunhwa at ang taong nasa likod nito, madali nalang i-trace ang iba pang kasangkot sa kaso.

Saka para malaman kung sino-sino sa mga nasa loob ng mansion ang mga espiya ng kalaban.

"Nangako akong lilinisin ko ang pamilyang ito. Ngunit di ko alam na kayo pala ang maglilinis nito." Sambit ni Arthur at napayuko.

Tumayo naman si Dr. Seo na tahimik lang na nanonood sa drama ng pamilya.

"May isa pang problema. Ang L Group. Kung lahat nalang kayo mawawal sa pamilyang ito, sino na lamang ang magliligtas sa L Group?" Tanong ni Doctor Seo.

Saka naalala ng lahat ang isa pa nilang problema. Kaya lang anong laban ng mga kabataang ito sa mga bigating mga kalaban nila sa business?

"Ako na ang bahala sa L Group. Kaya lang, kailangan ko ang tulong ng mga kapatid at pinsan ko." Napatingin sila kay Airah dahil sa sinabi niya.

"Nagkaganito ang L Group dahil sa atin kaya kailangang magtulungan tayo para maibalik ito sa dati. May proposal ako sa inyong lahat." Sabi ni Airah.

"Tulungan niyo akong iligtas ang Lionheart Empire lalo na ang main base nito. Ang L Group. Magtulungan tayong iligtas ang pinaghirapan ni Lolo kapalit no'n, magtulungan din tayong mapababa ang sentensya ng mga magulang niyo. Kapag nalilinis ang mga pangalan nila, malilinis din ang pangalan ng pamilyang ito." Paliwanag ni Airah.

"Paano namin masisigurong tutupad ka sa pangako mo? Marami kaming nagawang kasalanan sayo kaya paano namin matitiyak na tutupad ka sa usapan?" Sagot ni Ava.

"Kung wala kang balak tulungan ang iyong ina bahala ka. Pero wag mo ring isipin na maari ka pang manatili sa pamamahay na ito. Saka wag kang iiyak-iyak kung mabubulok siya sa kulungan." Sagot ni Airah.

"Pwede niyong tulungan ang lolo niyo sa kompanya niya bilang pasasalamat na lamang sa pag-ampon niya sa inyo at sa pagpapalaki sa inyo pero kung wala kayong balak tumulong para saan pa ang pananatili niyo dito?" Sagot ni Arthron.

"Sa tingin ko, wala kayong balak magbago kaya mas mabuti na sigurong bumalik na kayo sa kung saan talaga kayo nararapat." Cold na sambit ni Arthur.

Nakayuko naman sina Aiden, Aina, Alvira, Raven at Aikoh.

Kapansin-pansin kasi sa mga tingin ng mga kabataang ito na iniisip nilang wala naman silang mapapala at di naman sa kanila mapupunta ang L Group kaya bakit pa sila magsisikap para maibangon itong muli? At walang ni isa man sa kanila ang nagpresentang tutulong kay Airah para mapabangon muli ang L Group.

"Kahit gustuhin ko mang tumulong, wala akong kakayahan." Sagot ni Aiden na nakayuko.

"Wala din akong alam sa business." Sagot din ni Aina.

"Kasalanan nila ang lahat bakit ako tutulong para malinis ang pangalan nila? Ni hindi ko nga alam kung sino ang tunay kong ina." Sagot ni Raven na hiniling pang mabulok na lang sa bilangguan si Rowena.

"Tutulong ako hangga't may magagawa ako. Tulungan mo lamang akong makalabas si mommy." Sagot naman ni Aikah. Handa siyang gawin ang lahat para lang makalabas ang ina kaya naman handa niyang gawin ang anumang kondisyon ni Airah.

"Pabagsak na ang L Group, at wala kang alam sa business kaya anong laban mo sa tatlong kompanyang umaatake dito?" Tanong naman ni Aikoh kay Airah.

"Nandito ka naman. Nandito rin sina papa at tito. Mapapabangon ko man ang L Group o di na, atleast sinubukan ko. At susubukan ko." Determinadong sagot ni Airah.

"Tutulong ako. May sarili akong pera na galing sa maternal family ko. Magagamit ko iyon para makatulong kahit papano sayo." Sagot ni Alvira.

"Bakit mo tutulungan ang babaeng yan? Siya ang sumira sa buhay natin. Kundi dahil sa kanya, hindi magiging ganito ang pamilyang ito." Giit pa ni Ava. Ngunit naramdaman na lamang niya ang pagtama ng palad ni Arthron sa kanyang pisngi.

"Mukhang hindi ka talaga matauhan hangga't di ka pagbuhatan ng kamay. Lumayas ka na sa pamamahay na ito nang sa ganon magigising ka at malaman mo ang anumang mga pagkakamali mo at malaman mo kung gaano kabigat ang kasalanang ginawa ng iyong ina." Nagngingitngit na sabi ni Arthron.

"Kasalanan ng mommy mo ang lahat tapos sa iba mo ibabaling ang sisi? Hindi ko alam na ganito pala ang anak na pinalaki ko. Wala kang pinagkaiba sa'yong ina." Sambit ni Arthur bago talikuran si Ava at lumabas na ng silid.

Napayuko na lamang si Ava na umiiyak habang hawak ang kabilang pisngi. Napasulyap siya sa kuya at nakitang Iiling-iling ito.

"Hindi ko alam na ganyan ka pala mag-isip Ava." Sambit nito na disappointed masyado sa kapatid.

"Ang mga ebidensya, may kinalaman ka ba?" Biglang tanong ni Aikoh kay Airah.

"Sa totoo lang wala akong kinalaman sa mga ebidensyang nakuha laban sa inyo. At ang mga ebidensyang hawak ko ay questionable parin kaya hindi ako basta-basta na lamang nanghuhusga at nagbibintang. At wala rin akong kinalaman sa sinumang nagsampa ng kaso kina Avey at Nova. Pero may hinala na ako kung sino. At mula sa simula hindi sina Nova ang target ko kundi ang nasa likod nila. Ngayon nalaman ko ng si Rowena lang pala." Sagot ni Airah.

Tumayo na rin si Attorney Suarez.

"Salamat sa pagpunta mo." Pagpapasalamat ni Aikoh sa Attorney.

"Akala ko mamamatay na ako kanina." Sambit nito saka pa nakahinga ng maluwag ngayong natapos na ang misyon niya.

"Pasensya na kung nadamay ka sa gulo ng pamilyang to." Pagpapaumanhin naman ni Arthur. Amg totoo kunwari lang ang pagbabasa ng will and testament na ito. Gusto lang nilang ilabas ang sinumang mga traydor ng pamilyang ito.

Ngayon natanggal na rin nila ang mga dapat tanggalin kaya naman gumaan na rin ang pakiramdam nila.

Nagpasalamat na rin sila sa tulong ng mga kaibigan ni Aikoh at kay Juno at sa mga pulis na kasama nito sa pagpapanggap na bodyguard at siyang pumalit sa mga tauhan ni Rowena.

Sumama naman si Aikoh kay Juno habang sakay ng wheelchair nito.

Napahinga naman ng maluwag si Doctor Seo dahil sa wakas nahuli na rin ang nagnanais sumira sa pamilyang ito.

Napatingin siya kay Airah na nakatingin din pala sa kanya. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong ito?" Tanong niya rito.

Huminga ng malalim ang dalaga bago dahan-dahang tumango.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top