TBH 50: Mapapaalis

Matapos idistribute ang mga yaman ayun sa nakasulat testament ng Don may ipinahabol ang Attorney.

"Ang mga yamang nabanggit ay makukuha niyo lang kung wala kayong nagawang ikinasama sa inyong pamilya lalo na kay Don Art." Paliwanag ng Attorney.

Pinagpapawisan naman sina Nova at Avey. Maging sina Aikah, Raven, Alvira, Aina at Aiden.

"Kung maaari magtapat na lamang kayo kaysa ibang tao pa ang maglalabas ng mga kasalanan niyo. Bibigyan ko kayo ng sampong minuto." Sabi ni Arthur.

Walang may gustong magsalita. Limang minuto ang nakalipas, nagsalita si Aiden.

"May kasalanan ako." Sabi nito.

"Wala akong kwentang kapatid dahil nagawa kong talikuran si Aina at hinayaan siyang masakatan ng iba. Kasalanan ko dahil mas pinili kong talikuran siya kaysa tulungan." Nakayuko nitong sambit.

Sumulyap sandali kay Aina ngunit agad ding yumuko. "I'm sorry Aina. I betrayed you."

"Mas pinili kong wag kang tulungan dahil sa takot kong mapahamak ang aking kapatid na posibleng gagantihan ng mga umapi sayo kapag tinulungan kita. Isa ito sa mga kasalanang nagawa ko. Patawad." Hindi na muling inangat pa ang ulo sa hiya sa sarili.

"Wala kang kasalanan." Ilang saglit pa'y sagot ni Aina. "Hindi ikaw ang nang-api sa akin kaya wala kang kasalanan."

Sa totoo lang nasasaktan siya kapag dinadaanan lamang siya ng mga kapamilya niya kahit nakikitang pinapahiya na siya ng iba at sinasaktan. Madalas na hinihiling niya na sana, isang araw may tutulong din sa kanya hanggang sa dumating si Airah. Magmula ng dumating si Airah wala ng nang-aapi sa kanya or let us say sa kanila nina Aikah at Aiden.

Itinuro sa kanila ni Airah ang magiging matatag at malakas. At kung di mo mapapantayan sa lakas ang mga kalaban mo gumamit ka ng talino. Wag umasa sa tulong ng iba. May mga panahong walang ibang makakatulong sayo kundi ang sarili mo tulad na lamang noong absent si Airah.

Nilagnat siya nang makauwi. Nilagnat siya di dahil sa nabasa sa ulan o anupaman. Iyon ay dahil sa yelong binuhos sa kanya ng mga kaibigan nina Alvira at Ava. Mga bully kasi ang mga kaibigan nila. At posibleng inaapi siya sa mga kaibigan ng dalawa dahil na rin sa mga instigation ng mga ito.

Madalas kasing may sinasabi sina Alvira at Ava kaya naman nagagalit ang mga bully na iyon sa kanila nina Aikah, Aiden at Airah. At ang mga masasamang reputasyon na nakukuha nila sa paaralan at kung bakit inaapi parin sila kahit na mga apo sila ni Don Art ay madalas nagmumula kina Ava at Alvira.

At kung may dapat mang sisihin sa nangyaring mga pang-aapi iyon ay ang mga bully at mga nag-instigate ng bullying.

"Maliban kay Aiden wala na bang may gustong magsalita?" Tanong ni Arthron at napatingin kay Avey.

Napayuko naman si Avey at piniling manahimik. Ganon na rin ang iba. Magsasalita man sila o hindi pareho lang din naman ang magiging resulta. It's either wala silang mamamana o mapapaalis sila sa mansion.

"Alam niyo ba kung ano ang usapan namin ni Airah? Iyon ay ang patunayang inosente kayong lahat. Pero anong ginawa niyo? Pinatunayan niyong mali ako." Sabi ni Arthur.

"Pinagtakpan ko ang mga kasalanang ginawa niyo dahil ayaw kong makarating ito kay daddy. Ayaw kong lumala ang sakit niya. Higit sa lahat sinikap kong hindi makalabas ang anumang mga pangyayari sa ating pamilya dahil ikakasira ito sa ating reputasyon pero anong ginawa niyo?" Tinitigan niya isa-isa ang mga anak at ang dalawang Mrs. Lionheart.

"Tinatakpan ko ngunit nilalabas niyo."  Sambit niya pa.

"Sinira niyo ang reputasyon ni Airah kaya para saan pa't poprotektahan ko ang reputasyon niyo kung sinisira niyo naman ito para lang ipabagsak ang ibang itinuturing niyong kaagaw. Hindi ko inilalabas ang mga baho niyo pero sinisiraan niyo naman ang ibang tao."

"Nagkamali ako. Nagkamali ako kung bakit kinupkop ko pa kayo at pinoprotektahan gayong gusto niyo namang sirain ang pamilyang ito." Matapos sabihin ang mga bagay na ito ni Arthur nagsalita na ring muli si Attorney Suarez.

"Ayon sa Don ang sinumang nakakagawa ng pagkakamali ay tatanggalin sa pagiging Lionheart at di na kikilalaning parte sa mga Lionheart."

Mas lalo namang nakaramdam ng kaba ang nga tagapagmana.

"Mula sa araw na ito. Ang mga nabanggit ay di na magdadala ng apelyido ng Don."

Nagkatinginan ang mga tao sa loob ng silid. Lahat hinihiling na hindi mababanggit ang kanilang mga pangalan. King kanina hinihiling nila na makakasama sila sa listahan ng mga magmamana ngayon naman hinihiling nila na di nila maririnig ang kanilang mga pangalan.

"Avey, simula sa araw na ito, ikaw at ang mga anak mo ay di na magdadala sa apelyido ng mga Lionheart." Sabi ni Attorney Suarez.

Napaiyak na lamang si Avey. Inaasahan na niyang magiging kabilang siya sa mga mapapaalis kaya lang masakit parin.

"Marami akong mga nagawa para sa pamilyang ito pero bakit papaalisin parin ako? Arthron, asawa mo ako? Paano na lamang ako? Paano na lamang kami ni Ava? Wala na si Throne tapos itatakwil mo pa kami?" Sambit ni Avey at tuluyan ng dumaloy ang namumuong luha sa kanyang mga mata pababa sa kanyang mga pisngi.

"Marami kang nagawa. Pero mas marami sa mga iyon ay mga kasamaan." Sagot ni Arthron sa asawa.

"Dad, wag niyong paalisin si mommy. Paano na lamang siya?" Pakiusap ni Ava.

"Kasama mo naman siya kaya ano namang ipinag-aalala mo?" Naitikom ni Ava ang bibig, marinig ang sinabi ni Arthron.

"Dad, wala ka man lang bang nararamdaman sa amin na pamilya mo? Itatakwil mo ba kami dahil lang sa iyon ang sinabi ng Don?" Di makapaniwalang tanong ni Ava.

"Kung hindi dahil sa inyo, titiisin ko bang mananatiling asawa sa isang babaeng sa simula palang niloloko na ako? At awa? Bakit di niyo itanong sa mga sarili niyo kung meron ba kayo non?" Sagot ni Arthron at seryosong napatitig kay Ava.

"Ayokong mabuhay kayo na broken family kaya kahit hindi ko anak si Throne at kahit alam kong hindi ako ang kanyang ama, tinanggap ko siya at itinuring na tunay na anak. Ginawa kong legal na asawa si Avey dahil responsable siyang pagkatao. Mabait at maunawain. Pero sa likod ng bait na ito ay may itinatagong kasamaan." Sagot ni Arthron at cold na napatingin sa umiiyak na asawa.

"Mommy." Di makapaniwalang napatingin si Ava kay Avey. Noong una akala niya napipilitan lang si Throne na sabihin na hindi siya anak ni Arthron. Hindi niya inaakala na totoo palang iba ang ama ni Arthron.

"Wag niyong sabihing illigitimate child sina Raven at Alvira dahil sa inyong apat sila lamang ang tunay kong anak." Napasinghap ang lahat sa narinig.

"Anak kayo sa legal kong asawa kaya naman itinuring ko na rin kayong anak pero ang mga tunay kong kadugo ay namumuhay bilang isang illigitimate child gayong sila dapat ang nasa posisyon niyo. Tinanggap ko kayo pero anong ginawa niyo? Sinira niyo ang pamilyang ito." Sagot ni Arthron.

"Alam niyo ba kung bakit galit na galit sa akin si Airah? Iyon ay dahil hinayaan kong mabuhay ang mga tunay kung anak bilang anak sa labas o anak ng kabit gayong ang mga di ko anak ang nagpapakasayang mamuhay bilang isang legitimate child at hinayaan kong hamakin at pagtawanan ang mga tunay kong kadugo ng ibang tao dahil dala nila ang pagiging anak sa labas. At bakit di ko sinasabi? Iyon ay dahil bago ko lang din nalaman ang lahat. At bago ko lang din natuklasan ang mga kasinungalingan ng inyong ina."

"Hindi. Hindi totoo yan. Mommy. Hindi totoong iba ang ama ko?" Napatayo siya sa bigla at napaatras makitang hindi umimik ang kanyang ina.

"So alam niyo naman pala ang totoo? Bakit niyo pa kami pinapunta sa pagpupulong na ito kung wala naman kaming makukuha di ba?" Sagot ni Avey. Inalis na ang pagpapanggap na mahina dahil alam niyang wala namang magbabago.

"Iyon ay para malinaw na ang lahat at di na kayo manggugulo pa." Sagot ni Arthron.

Bumagsak naman sa sahig si Ava. Naalala niyang ang pagiging anak niya sa legal na asawa ang ikinalamang niya sa mga half-siblings at ito ang dahilan kung bakit palage siyang nakataas noo at minamaliit ang sinumang anak sa labas ng mga Lionheart.

Mababa ang tingin niya kina Alvira at iba pa dahil para sa kanya anak lamang sila sa labas at walang karapatang magmamana sa yaman ng Don. Mga golddigger sila na ipinagsiksikan ang mga sarili sa pamilyang Lionheart ngunit ano ang ipinagkaiba nito sa kanila? Hindi siya Lionheart at niloko ni Avey si Arthron para lamang mamuhay ng marangya at magiging Mrs. Lionheart. Sila ang golddigger at di ang iba.

Hindi lang si Ava ang nagulat kundi pati sina Alvira at iba pa. Ngunit walang nagsalita sa pag-aalalang baka may lihim din sa pagkatao nila na maibubulgar din sa pagtitipon na ito.

Napangiti naman si Nova. Nabawasan na ng isang pamilya ang mga Lionheart. Ngunit napawi ang ngiti niya nang marinig ang sinabi ng Attorney.

"At si Mrs. Nova. Mula ngayon hindi ka na kabilang sa mga Lionheart. Hindi lang yun ang lahat ng mga yamang kinuha mo at mga yamang nakuha mo mula sa Don ay babawiin na sayo." Sabi ng attorney.

"Pero paano? Bakit pati ako? Wala akong ginawang masama? Hindi ako ang nagframe-up kay Airah at di ako ang pumatay sa Don. Bakit ako nadadamay?" Halos maghehestirical na siya sa narinig. Napatingin siya kay Avey at tinuro ito.

"Si Avey. Siya ang nagbabalak patayin si Airah. At nakita niyo na? Nadamay ang anak ko. Nadamay si Aikoh. Hindi na makakalakad si Aikoh tapos gagawin niyo sa akin ang mga bagay na ito?"

Napatingin siya kay Arthur. "Arthur, asawa mo ako. Bakit mo ginagawa sa akin ito? Hindi mo dapat ginagawa sa akin ang mga bagay na ito?" Nanghina siya makita ang cold na mga mata ni Arthur. Napalingon agad siya kay Aikoh. Gusto niyang magsalita si Aikoh para sa kanya ngunit isang sarcastic na ngiti ang ibinigay ng lalaki sa kanya.

"Arthur."

"Aikoh." Sambit niya na nawalan na ng pag-asa. Base sa tingin ng dalawa siguradong alam na nito ang anumang itinatago niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top