TBH 5: Magtutulungan

Maagang nagising si Airah. Nakasanayan na kasi niyang maagang nagigising pagkatapos ay magluluto ng almusal para sa kanilang dalawa ng kanyang ama.

Kaya naman nang magising siya at walang gagawin hindi niya maiwasang mailang.

Bumaba sa staircase na nasa bulsa ang mga kamay.

"Good morning." Bati sa kanya ni Aina.

Yung Aikoh naman hawak ang cp ni di siya tinapunan ng tingin. Si Aiden nag-uuunat-unat pa at halatang kakagising lang.

Sina Aiden at Throne nagtatalo. Si Ava may sariling mundo. Si Alvira may kausap sa cellphone.

Maya-maya pa'y mukhang magsusuntukan na sina Raven at Throne. Pumagitna naman agad ang butler.

Tumahimik bigla ang lahat nang dumating na sina Arthur, Arthron kasama ang mga asawa nila. Senermonan ni Arthron ang mga anak bago pa man makarating si Don Art.

Nagsimula na silang mag-almusal. Sobrang tahimik ng lahat hanggang sa magsalita ang Don at nagpalitan na sila ng mga salita.

Napatingin si Airah sa kinakain ng matanda.

"Di pi ba may sakit kayo? Mas mainam pong gulay ang kakainin niyo instead of meat. Para lumakas ang resistensya niyo."

Kumuha ng gulay na malapit sa kanya. Tumayo siya at nilagyan ng gulay na may sitaw.

"Allergy sa beans ang grandpa mo." Sabi ni Arthur.

"May allergy pa ba siya bukod dito?" Tanong ni Airah.

"Pakunway concern pa kasi." Bulong naman ni Ava.

"Paimpress masyado." Sagot din ni Alvira.

"Wala na." Sabi naman ni Arthron.

"Wala naman pala kung makabulong kayo parang sobrang bigdeal na. Palibhasa iisipin niyo lang ang isang tao at papahalagahan kung may kailangan kayo." Sabi ni Airah na ikinagalit ng mga pinsan.

"Nandito ka rin naman para may mamana sa yaman ng mga Lionheart. Kaya wag kang magmalinis." Sagot ni Ava.

"Hindi ko kailangan ang yaman ng ibang tao. Hindi ako katulad niyo na naisilang para maging tagapagmana." Sagot ni Airah.

"Tama na." Awat sa kanila ng Don.

"Di ba tama ako, Mrs. Lionheart?" Tanong niya kay Misis Nova.

"Airah." Awat naman ni Arthur.

"Wag po kayong mag-alala tanda. Maaari mo namang iwan ang lahat ng yaman mo sa orphanage kaysa naman iwan sa mga walang kwenta mong mga apo na tanging yaman lang ang hinahangad kaysa sa buhay mo." Sagot niya at inirapan sina Alvira at Ava.

"Wag mo na akong pansinin. Pero iwasan mo na ang pagkain ng matatamis at karne kung gusto mo talagang makasama ang mga apo mo." Sabi ni Airah sa Don.

"Matutuwa ka bang nakangiti sila kapag wala ka na habang masayang hinahati-hati ang yaman mo?" Dagdag niya pa.

"Busog na ako." Sabi ni Aikoh at iniwan ang kanyang pagkain.

"Bumalik ka dito." Tawag naman sa kanya ni Mrs. Nova.

"Hayaan mo siya. Hindi na siya bata para magtantrums." Sagot naman ni Arthur.

"Maari bang dahan-dahanin mo iyang bibig mo? Kakarating mo lang dito pero wala ng filter ang bunganga mo. Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo? Palibhasa lumaki ka sa isang mahirap na pamilya." Sabi ni Mrs. Nova.

"Mukhang kailangan mo ng etiquette class." Tinawag niya ang kanyang secretary para hanapan ng etiquette teacher si Airah.

"Hindi na kailangan. Lalo na kung pera naman ng iba ang ipapangsahod mo. Salamat nalang. Saka di ba dapat matutuwa ka kung wala akong galang? Para kahit paano walang mang-aagaw sa posisyon ng mga anak mo bilang rightful heirs and Heiress di ba?"

"Saka naturuan akong wag umasa sa iba. At wag mabuhay ng marangya at sa perang pinagmamay-ari ng iba. Ikaw ba, naturuan ka ba ng mga magulang mo na wag mang-agaw ng lalaking pinagmamay-ari ng iba?"

Dahil sa sinabi niya, nagsitigil ang lahat sa pagkain. Si Mrs. Nova ang palaging nasusunod sa pamamahay na ito kapag wala ang Don at si Arthur. Wala ring kahit sino ang sumasagot-sagot sa kanya.

"Nakakawalang ganang kumain." Sabi ni Alvira at umalis na.

"Ang mga umalis sa hapag kainan wag ng kumain sa mesang ito. Kundi niyo masunod ang batas ko malaya kayong umalis sa pamamahay ko." Mariing sabi ni Don Art.

"Pero lolo. Sinira lang ng babaeng to ang almusal natin? Kundi siya dumating di sana mangyayari to?" Sabi ni Alvira.

"Tama ka? Kundi siya dumating hindi ko malalaman kung anong klaseng pagkaapo kayo. Ang aalis dito wag ng bumalik pa." Sagot ng Don.

Kung hindi dumating si Airah tahimik palage ang mesa. Masyadong masunurin ang mga tao sa paligid niya ngunit hindi ibig sabihin non na hindi sila gumagawa ng di maganda kapag nakatalikod siya.

Si Aikah naman hindi na pinansin ang commotion.

"Bakit di niyo na lamang gayahin si Aikah?" Sabi ng Don.

"Hindi ba't sinabi kong kumain ka ng gulay? Bakit karne na naman yan?" Tanong ni Airah makitang karne na naman ang kinain ng Don.

Masama ang loob na kinuha ni Don Art ang mga gulay na nasa plato niya.

"Kung ayaw mo ng gulay, magpapaluto ka nalang ng medicinal cuisine sa susunod." Sabi ni Airah.

Hindi mahitsura ang mukha ng Don habang pinipilit na lunukin ang gulay na sinubo kanina.

"Kumain ng gulay si Lolo." Gulat na sambit ni Aina. Alam na nilang pinakaayaw ng Don ang gulay. Pagdating kasi nila sa lugar na ito 2 years ago, hanggang ngayon hindi nila kailanman nakitang kumain ng gulay ang Don.

Madalang na nagpapahanda ng gulay ang Don. Nagpahanda lang ito ngayon dahil kasama nila si Airah na mahilig sa gulay.

"Akala ko din nananaginip lamang ako kanina." Sagot din ni Aiden.

Sina Aikah, Aikoh, Throne at Ava, ang naninirahan sa Mansion kasama ang Don kaya alam nila kung gaano kaayaw ng Don ang mga gulay. Kilalang-kilala na rin nila ang ugali ng matanda. Kaya di rin nila inaasahan na kumain nga ng gulay ang Don.

Ilang araw ang lumipas, lumalala na ang sitwasyon ng matanda. Napapadalas ang pagsugod rito sa hospital. Madalas din itong nawawalan ng malay kaya naman binawas-bawasan kunti ng mga apo ang pag-aaway lalo na kapag nasa loob sila ng mansion.

"Narinig kong busy ka raw sa paghahanap ng pinakamagaling na manggagamot. Nangongolekta ka rin ng mga medicinal cuisines. Hindi mo na kailangan pang gawin yun."

Pinapasundan kasi niya si Airah sa bawat lakad nito at natuklasan niyang hinahanap nito ang pinakamagaling na doktor sa buong mundo. Si Doktor Khaynev ang German-American doctor na bagong trending na pinakamagaling na doctor sa henerasyon ngayon. Dahil nagamot nito ang isang stage 4 cancer patient na may taning na ang buhay sa tulong ng bago nitong imbentong gamot. Kaya lang sa dinami-rami ng mga doktor na naghahanap sa doctor na ito, malabong makikita ito ng kahit sino lamang.

"Kayo naman po ang magbabayad sa mga gagastusin ko kaya ayos lang. Kaysa hihintayin ko na lang na mamamatay kayo na walang ginagawa. Aanhin niyo pa ba ang mga pera niyo kung mamamatay din naman kayo ng maaga?" Sagot ni Airah.

"Itigil mo na iyang mga ginagawa mo. May mga dapat ka pang pagtuunan ng pansin kaysa sa akin." Sagot ni Don Art.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan. Ginagawa ko lang to dahil marami kang pera. Kung wala pa bakit ko gagawin yun?" Sagot ni Airah at inikot ang mata.

"You save me one time and wish to save me again. Thank you." Seryosong pagpapasalamat ng Don.

Sa lahat ng mga apo niya si Airah ang tunay na ginagawa ang lahat para sa ikakabuti niya.

Naasiwa naman si Airah ng marinig ang pagpapasalamat ng Don. Hindi siya sanay na pinapasalamatan ng cold na matandang ito. Buti sana kung si papa Andrey niya ang nagpapasalamat sa kanya.

"Wag kang magpasalamat. Ayaw ko lang na mamamatay ka. Dahil pag nangyari yun, pag-aagawan ng mga tagapagmana mo ang yaman mo. Baka madadamay pa ako at mas lalong gugulo ang buhay ko." Sagot ni Airah at nagpaalam na.

Lumabas ang butler mula sa likuran ng divider nang makalabas na si Airah sa kwarto ng Don.

"Anong masasabi mo sa batang yun?" Tanong ng Don kay butler Kim.

"Sa lahat po ng mga apo niyo, siya po ang pinakawirdo at napaka-unpredictable ng bawat kilos."

Kapag gabi pumapasok si Airah sa silid ng Don at binabantayan nito ang Don sa pagtulog.

Kapag pansin niyang nahihirapang matulog ang Don, kinakantahan niya ito.

"Hindi ka ba napapagod sa kakabantay sa akin ha?" Tanong ng Don kay Airah sa mga sumunod na gabing binantayan niya ang matanda."

"Pinagsisihan ko ang mga araw na hindi ko nabantayan si Lola dati kaya naman binabantayan din kita dahil ayaw kong sisihin ang sarili ko kung bigla ka na lang nawala na di man lang nakapagpaalam. Saka kunti nalang din ang mga araw mo kaya sagad sagarin ko na ang pag-aalaga sayo."

"Batang to, sinusumpa mo ba ako?" Tanong ng Don na sinasamaan ng tingin si Airah.

"Ikaw ang nagsabi na may taning na ang buhay mo di ba? Paano kung bigla ka na lamang nawala? Baka ililigpit pa ako ng mga tagapagmana mo kaya inaalagaan kita dahil kapag mawala ka magiging mas magulo rin ang buhay namin."

Marami kasi siyang napapanood na mga drama at pelikula na nagpapatayan ang mga magkadugo dahil lang sa mana.

Hindi sumagot ang Don. Isa ang mga bagay na ito ang iniiwasan niya kaya gusto niyang magsasama-sama ang mga apo at magkasundo na bago siya mawala sa mundong ito.

Gusto niyang magtutulungan ang mga apo sa halip na magpapatayan. Kaya lang parang malabong mangyari ang mga bagay na ito. Napabuntong-hininga na lamang siya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top